Agad na ibinalik ko sa kahon ang natanggap kong regalo. Kung sino man ang nagpadala noon sa akin ay wala akong kahit kaunting ideya. Isa lang ang masisigurado ko. Kilala ako ng sender dahil alam nito ang birthday ko pero kukunti lang naman ang nakakaalam ng kaarawan ko. Tanging malalapit sa akin lang ang nakakalam at sa mahal ng brand na nakatatak sa lalagyan ng regalo sigurado akong napakamahal noon kahit napaliit at nipis na tila lamang ang ginamit. Saka bakit naman nila ako reregaluhan ng ganoon?
Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nagpadala ay malalagot sa akin.
Nakalimutan ko na rin ang tungkol sa regalo dahil may dumating na mga customer. Kapag sabado at Linggo ay ako ang namamahala ng botique dahil araw iyon ni Rebecca para sa mga anak niya. Yes, wala akong day off, hindi uso iyon lalo na sa gaya kong kailangang kumita ng pera. Pabor naman sa akin dahil mas malaki ang nagiging sweldo ko at mas natutugunan ko ang mga pangangailangan ng kapatid ko sa eskwela nila. Tapos syempre ambag ko pa sa gastusin sa bahay.
Habang nag-aasikaso ako sa isa sa mga client ay biglang tumunog ang selpon ko kaya nagpaalam muna ako dito. Iniwan ko muna ito sa isa sa mga staff.
"Hello?"
"Marg, ginamit mo ba ang kotse ko pauwi kagabi?"nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.
Bakit ko naman gagamitin ang kotse niya, hindi nga ako maalam mag-drive nakalimutan na ba niya?
"Reb, okay ka lang? Bisekleta lang alam kong gamitin. Saka bakit sa akin mo tintanong ang kotse mo. Hindi mo ba ginamit kagabi pauwi? Did something happened last night?" nag-aalalang tanong ko.
Ako ang nagyaya dito kagabi kaya kung may nangyari ditong masama ay kasalanan ko.
"I am okay. Something happened, but don't worry. Maybe it's in the bar parking lot," saad nito. "
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Okay ako na ang bahala sa kotse mo," pahayag ko bago ibinaba ang tawag.
Pagkatapos kong makausap si Rebecca ay lumabas ako ng opisina ko.
"Labas lang ako saglit," paalam ko kay Anji na nasa reception area.
Ngumiti naman ito sa akin at tumango kaya lumabas na aga ako.
Pumara ako ng tricycle at agad na nagpahatid sa bahay ni Rebecca para kunin ang susi kay Manang Nerma bago nagtungo sa bar na pinuntahan namin kagabi, The Tipsy, para i-check kong nandoon ba ang kotse niya.
Nasa akin naman ang susi kaya sigurado akong nandoon pa iyon sa parking lot. Matapos kong magbayad kay kuya tricycle driver ng bente ay hinintay ko ang sukli kong limang piso sa kanya pero ang tagal nitong naghuhukad sa body bag na dala ay wala itong makita. Maging bulsa nito ay kinapkap na nito upang maghanap ng barya.
"Ma'am, wala po akong panukli," alanganing wika nito pagkaraan.
"Akina, kuya, pababaryahan ko," pagbabawi ko sa kanya ng bente pesos na binayad ko. Sayang naman ang limang pisong sukli ko kung hindi ko makukuha. Sixty five na nga lang magiging pera ko tapos babawasan pa niya ng lima. Dahil iyong sampo ay pinamasahe ko na kanina papunta sa bahay ni Rebecca.
Bago pa maabot sa akin ni manong ang bente ay biglang may nagbayad dito ng isang libo. "Go!" pagtataboy nito sa driver na hindi nagdalawang isip na tinanggap ang isang libo at saka sumibat.
Hahabulin ko pa sana ito pero hinawakan na ako sa kamay ng lalaking nagbayad ng isang libo dito.
Mainit ang ulo na hinarap ko ito. Ano ba kasing ginagawa niya dito ng ganito kaaga?
"Bakit mo pinaalis? Yung sukli ko," yamot na saad ko sa kanya.
May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero mukhang aliw na aliw siya. Sabi ko hindi na ako paparito sa bar na ito pero umaga naman kaya iniisip ko na wala na siya dito pero bakit nag-krus pa rin ang landas namin.
"Oh, I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin pero halata namang hindi ito seryoso.
"Bwesit!" nasabi ko na lang at iniwan ito para magtungo sa parking.
Sayang yung sukli ko. Tapos binigyan pa niya ng isang libo. Kung sa akin niya iyon binigay di mas okay pa. Naitakbo na nga nito ang limang piso ko pati na rin ang isang libo niya.
Attorney siya pero bobo siya sa math.
Agad na nagtungo ako kung saan nakapark ang kotse ni Rebecca at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko iyon na nakaparada.
Pumunta ako sa harapan nito ngayon at napatingin sa susing hawak ko. Ngayon paano ko naman ito ida-drive? Bakit ba nakalimutan kong hindi ako maalam magmaneho? Narinig ko lan na bibilhan niya ako ng regalo ay mabilis pa ako sa kidlat na umoo sa utos niya kahit hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa kotse.
Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. "Ma'am sa inyo po ba iyan?" May inabot itong papel sa akin at napanganga ako na parking fee iyon. Pero hindi lang iyon bente pesos o fifty gaya ng mga normal fee kundi three hundred pesos. Saan ako kukuha ngayon ng pambayad? Sixty pesos na nga lang ang pera ko.
Daig ko pa ang pulubi.
"Here." Napatingin ako akong muli kay Atty. Cohen Delgado nang abutan nito ang parking attendant ng isang libo.
Siya na ang puro lilibuhin ang pera. Siya na mayaman. Pero bakit lahat na lang ba gusto niyang bayaran? Akala ba niya masisilaw ako sa pera niya? Alam kong mas mahirap pa ako sa dukha pero ayokong magkautang na loob sa kanya.
"Wait lang, umaaksep ba kayo ng online payment?"pigil ko sa parking attendant bago pa nito matanggap ang perang inaabot ni Atty. sa kanya.
May limang daan pa naman ako sa online bank ko, iyon na lang ibabayad ko. Ire-refund ko na lang mamaya kay Rebecca ang bayad. Gagalawin ko na lang iyon kaysa ang lalaking ito ang magbayad.
Kumamot sa ulo ang lalaki. "Wala po, mam. Bago pa lang po kasi kami," sagot nito bago tumingin sa isang libong hawak ng bida-bidang abogadong nasa tabi ko. Halatang nate-temp na itong kunin iyon.
Hindi ko alam kung bakit nandito ito. Huwag niyang sabihing hindi niya ako sinundan dahil hindi na talaga ako maniniwala sa kanya. Kung nasaan ako bigla na lang siyang sumusulpot.
"Tanggapin mo na ito," wika nito sa lalaki. "Sayo na sukli." Sa narinig ay mabilis nitong tinanggap ang isang libo. Nanlisik naman ang mata ko kay Cohen nang bigla niya akong akbayan. "Pasensya kana sa misis ko. Nagtatampo lang ito dahil hindi ko nabili ang pinaglilihan niyang pagkain."
Ngumiti ang lalaki dito bago kami iniwan. Habang ako naman ay nanlalaki ang mata sa kanya. Anong kalokohan ang pinagsasabi niya? Anong misis? Anong buntis?
Marahas ko siyang itinulak palayo. "Lumayo ka sa akin. No, umalis ka sa paningin ko kung ayaw mong makatikim ka," nanggigil na saad ko.
Bwesit siya, siguro iniisip ng parking attendant na mag-asawa kami ngayon dahil sa kabaliwan niya.
"Can I really taste you again, Margarita?"
Namula ako dahil sa narinig ko. Hindi dahil sa hiya kundi sa galit. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sapakin sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko para pigilin ako. Matalim na tiningnan ko siya. "Bitawan mo ako. Wala akong oras para sa mga kabaliwan mo," saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko. Ang ibig kong sabihin ay masasaktan siya sa akin pero ang nasa isip niya agad ay malalaswang bagay. Abogado ba talaga siya o macho dancer sa club? Daig pa niya ang tambay sa p*rnhub dahil sa utak niyang malabnaw. Pinakawalan din naman ako agad nito nang mapansin nitong seryoso. Nagpakawala ito nang hangin sa sa bibig bago tumingin sa akin. "Okay, okay. I am sorry. I did not mean to angry you. I was kidding, so relax tigress," anito na na nakangiti sa akin at tila pinapakalma ako. Relax, relax. He is pissing me off. Akala ba niya madadaan niya ako sa ngiti niya? "Please, Attorney. Leave me. Hindi ko alam kung bakit sin
Bumalik din agad ako Psyche matapos naming mag-usap ni Rebecca. Madami pa akong trabaho kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras.Pagbalik ko sa opisina ay ipinatong ko ang bag na regalo ni Reb sa table ko. Muli akong napatingin sa isang box na natanggap ko kaninang umaga. Kinuha ko iyon at binuksan ang trash bin pero nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ba iyon o hindi.Sa huli ay muli ko iyong pinatong sa table. Sayang naman kung itatapon ko. Napatingin ako sa labas at dahil glass wall ang opisina ko ay kita ko ang buong paligid ay nakita ko si Anji. Napangiti akong tumayo at kinuha ang regalong nataggap ko.Lumapit ako sa kanya. Mabuti nalang at wala pang dumadating na customer."Anj," tawag ko sa pansi niya. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "'Di ba may boyfriend ka? Gusto mo bang mas lalo pa siyang mas ma-in love sa iyo?"Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Nagtitinda ka ba ng gayuma?"Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Matapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong madaming hugasin. "Bella!" malakas na sigaw ko pero walang lumapit sa akin kaya asar na nagtungo ako sa kwarto niya. Alam kong nandito na siya sa bahay ng mga ganitong oras dahil madalas ay nauuna siyang umuwi palagi sa akin. "Ate bakit sumisigaw kana naman?" tanong sa akin ni Mikoy na kadarating lang. "Si Bella kasi hindi man lang marunong maghugas," sagot ko at dumeritso sa kwarto ni Bella. Binuksan ko ang pinto niya ng walang abog at nakita ko siyang busy sa selpon niya. Tila may kausap ito at nang makita ako ay mabilis na pinatay. "Ate, bakit hindi ka kumakatok?" may himig pagka-inis na tanong pa nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino ang kausap mo? Sa lakas ng sigaw ko maging kapitbahay natin siguradong dinig ako pero hindi mo narinig?" "Ano ba kasi iyon?" "Kumain ka pero itinambak mo lang sa lababo.
Kinabukasan ay maaga akong muling bumangon. Kahit linggo at dapat ay araw ng pahinga ay kailangan ko pa ring magtrabaho. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Rebecca dahil ayaw kong mag-day off. Mas mabuti pa namang pumasok ako sa trabaho kaysa manatili sa bahay tapos si inay ang makakasama ko. Buong araw lang naman niya akong hindi papansinin kaya mas mabuti pang kumayod na lang ako para magkapera. Pagkabangon ko ay mabilis akong nagsa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si inay na naghuhugas ng plato sa lababo. Dadampot na sana ako ng pandesal nang bigla itong magsalita. "Tirahan mo ang mga kapatid mo. Paborito iyan ni Mikael," agad ay paalala nito kaya hindi na lang ako kumuha. "Magkanin ka na lang. May tirang ulam pa kagabi iyon na lang ulamin mo." Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko. Tanginang buhay ito. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang makagayak ako ay mabilis akong lumabas ng bahay ng walang paalam. Alam naman nila kung saan ako pup
Nakahiga ako sa kama habang nakataas ang kamay ko at nakatingin sa perang nasa sobre. Scammer daw ang natayaan ko, kung totoo iyon bakit tumama ako? Ibig bang sabihin biniyayaan ako ng isang scammer? Teka bakit ko pa ba pinoproblema iyon? Hindi ko naman ito ninakaw. Ibinigay ito ng kusa sa akin dahil tumama raw ako. Baka naman nagbagong buhay na iyong tao at talagang nagpapataya na siya kahit illegal pa iyon. Yung nagbagong buhay na siya pero illegal pa rin trabaho niya. Pati tuloy ako napapa-overthink dahil sa kanya. Hindi ko alam pero may kakaiba talagang nangyayari sa akin mula nang mag-birthday ako. Una nakatanggap ako ng mamahaling lingerie tapos bigla akong tumama sa sugal. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako o may dahilan ang lahat nang nangyayari sa akin. Isama pa ang biglang pagko-krus ng landas naming muli ni Cohen. Siguro hindi pa rin ako swerte dahil nakita ko siyang muli. That man screams danger for me. I should avoid him. Ayoko na muling madawit sa kanya. Ayokong mag
Maaga akong pumasok kinabukasan. Pagdating ko sa Psyche ay wala pang tao kaya ako na ang nag-bukas nito dahil may extra keys naman akong hawak. Pero habang nagbubukas ako ay may naramdaman akong tumikhim mula sa likuran ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo rito?" masungit na tanong ko sa kanya. "Good morning," nakangiting bati nito na hindi man lang ininda ang masamang tingin ko sa kanya. "Anong maganda sa umaga?" "Ikaw." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sagot niya. "Wala akong oras makipaglokohan sayo, Atty." Tuluyan ko nang nabuksan ang glass door ng boutique matapos kong itaas ang roll up. "Don't worry, hindi kita lolokohin." Bumuga ako ng malakas na hangin bago inis na humarap muli sa kanya. Bakit ang aga-aga kung ano-ano na agad ang lumalabas sa bibig niya. "Nasisiraan kana ba talaga ng ulo?" Inikot ko pa ang daliri ko sa tapat ng sintido ko upang ipakita sa kanyang nababaliw na siya. " Can't you act base
Napatingin ako kay Rebecca nang humahagos na lumabas ito ng opisina niya habang may may inaasikaso akong client namin na nais magpagawa ng gown para sa darating na debut nito."Where are you going? Nagmamadali ka yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagmamadali kasi ito."Tumawag ang principal ng kambal. Napaaway raw, kailangan kong pumunta ng school," puno ng pag-aalalang sagot niya na hindi na ako nagawang lingunin pa."Huh? Bakit daw?""I don't know. Ikaw na muna bahala rito. Bye," paalam niya bago tuluyang makalapas ng Psyche.Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil sa sinabi nito.May nangyari ba sa inaanak ko? Pero nang humarap akong muli sa client namin ay binigyan ko ito ng isang ngiti. "We will make a draft for your gown ma'am. A green ball gown with a fairy tale theme. Our designer can do a magic, you don't have to worry. You will surely please once you saw her design. We will just contact you once we finish the design for you final output," nakangiting saad ko dito."Than
Matapos ang uwian ay nag kan'ya kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Nauna nang umalis ang ibang staffs. Si Rebecca naman ay kanina umalis pa dahil magsusundo pa ito sa kambal. Si Anji naman ay sinundo ng jowa niya kaya malaki ang ngiti. Siya na ang may boyfriend. Si Kuya Gary naman ay hinintay kong matapos niyang isara ang lock ng pintuan at makandado ang roll up na binaba niya. Hindi muna ako umuwi. Naglibot muna ako para maghanap ng space na maari naming rentahan. Alam kong naghahanap na rin si Rebecca. Gusto ko lang makatulong sa kanya. Mahalaga rin sa akin ang Psyche. Malaki ang naitulong sa akin ng Psyche kaya hindi ko ito pwedeng pabayaan. Kapag wala kaming nahanap na panibagong space ay maaring matigil ang operasyon namin. Alam ko naman nakahit hindi niya sabihin namomroblema siya ngayon. Bakit kasi biglaan? Iyong matandang panot na si Mr. Ignacio, pasalamat siya wala akong kotse kundi sinagasaan ko na sana siya ngayon. Masakit na ang paa ko kalilibot at malapit na ring mag