TWO DAYS LATER...
“PAPA?” hindi maunawaan ni Lara kung saan nanggaling ang matinding takot na kaagad niyang naramdaman nang mapagbuksan niya ng pinto ang humahangos na si Ompong.“Anak, magtago ka, gusto ka nilang kunin!” anitong itinulak siya papasok ng kabahayan saka siya hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto.Lalong nagtumindi ang takot na nraramdaman ni Lara dahil doon. “A-Anong ibig ninyong sabihin? S-Sinong kukuha sa akin?” sa kabila ng lahat ng hindi magandang emosyon na nang mga sandaling iyon ay nagsasalimbayan na sa kaniyang dibdib,“Wala nang maraming tanong, makinig ka nalang kay Papa, bilisan mo!”Wala na ngang nagawa si Lara kung hindi ang sumunod. Nagtago siya sa loob ng kaniyang kwarto, sa likuran ng isang antique na aparador. Pero sa kabila nang lahat ay naririnig parin niya ang pakikipagtalo at hindi magagandang salitang sinasabi ng kung sino sa kaniyang ama. “Magbabayad ka o papatayin kita?” ang galit na galit na sigaw ng lalaki.Noon napatayo ang dalaga mula sa pagkakasiksik niksik niya sa sulok. Nanlalamig ang buong katawan niyang maingat na humakbang upang makaiwas sa paggawa ng kahit anong kaluskos sa sahig na yari sa malalaking tabla ng narra. Nang marating niya ang saradong pintuan ng kaniyang silid ay nood siya sumilip sa maliit na butas. Nakita niya ang tatlong lalaking nakapalibot sa Papa niya. Ang isa ay may hawak na baril na sa tingin niya ay siyang lider ng mga ito. “Magbabayad ka o papatayin kita?”Kung magkano man ang naging pagkakautang ng ama niya sa kanila, siguro hindi naman iyon sapat na dahilan upang buhay nito ang maging kabayaran. Pero iba ang nangyari nang marinig niyang tumunog ang baril.Mabilis siyang lumabas ng silid saka sumigaw habang umiiyak.“Huwag! Huwag po ninyong papatayin ang Papa ko!” aniyang umiiyak na tumakbo saka niyakap ang ama niyang nang mga sandaling iyon ay halatang nagulat sa paglabas niya.“Anak! Ano ba, hindi ba sinabi ko sa iyo magtago ka?” ang galit pang sita sa kaniya ni Ompong pero hindi niya iyon pinansin.“Kung magkano man po ang pagkakautang sa inyo ng Papa ko willing po akong magbayad, kung gusto po ninyo ako nalang ang kunin ninyo, basta ipangako po ninyo sa akin na patatahimikin na ninyo siya,” aniya umiiyak na nagmamakaawa.“Lara!” ang ama niya.“Ganoon naman pala eh, bakit hindi mo sinabi kaagad na may maganda kang anak, ha Ompong?” ang nakangising saad ng lalaking may hawak na baril saka nito hinawakan ng mahigpit ang kaniyang mukha.“Boss, pwede na iyan,” ang isa pang lalaki.“Oo nga, mahal narin nating maibebenta iyan,” ang isa pa.Ang iba pang sumunod na nangyari ay hindi na namalayan ni Lara. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay binabangungot lang siya habang kinakaladkad siya ng lalaking may hawak na baril palabas ng kanilang bahay habang ang Papa niya ay umiiyak na nakasunod sa kanila. Nagmamakaawa.“Papa, ingatan mo ang sarili mo, pangako babalikan kita,” aniya bago isinara ng mga ito ang bintana ng kotse kung saan siya isinakay.*****THREE DAYS LATERHAWAK na kulay pulang lipstick ay nanginginig ang kamay na ipinahid iyon ni Lara sa kaniyang mga labi. Hindi niya inakala na aabot sa ganito ang lahat. Hindi niya inakala na sa kagustuhan niyang iligtas ang kaniyang ama mula sa tiyak na kamatayan ay ang pagkakasadlak naman niya sa ganitong klase ng prostitusyon.Matapos siyang dalhin ng tatlong lalaking iyon ay diretso siyang ipinagbili ng mga ito kay Nati sa halagang isang daang libong piso. Ang alam niya wala pang sampung libong piso ang utang ng ama niya sa tatlong demonyong kumuha sa kaniya pero naipagbili siya ng mga ito sa ganoon kalaking halaga. Habang siya, ang sabi ni Nati ay malaking bahagi ng perang kikitain niya tuwing may maglalabas sa kaniya ay mapupunta rito.Agad na tumulo ang kaniyang mga luha.Kung binigyan lang sana siya ng pagkakataon ng tatlong lalaking iyon, sana nagawan niya ng paraan ang utang ng Papa niya at hindi na sana niyang kailangan pang gawin ngayon ang ganito. Pero wala na siyang magagawa.Marangal siyang babae. Oo ang ina niya noon ay isang waitress pero kahit minsan ay hindi ito nagkulang ng pangaral sa kaniya. Na kailangan ay hindi na niya sundan ang naging buhay nito noon. Kailangan maging mas maayos siya, at iyon naman ang pinagsikapan niya.Pero kung minsan kahit anong iwas mo sa kasalanan at tukso, kahit pinipilit mong huwag gumawa ng mali, may mga pagkakataon talaga na tanging ang paggawa lamang ng mali ang option na mayroon ka para masolusyonan ang isang problema.“Bilisan mo Venus, naghihintay na sila sa iyo, galingan mo at huwag mo akong ipapahiya!” ang boses ng club manager na si Nati ang narinig niyang tumatawag sa kaniya mula sa labas ng dressing room.Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito."Alam mo ba? Napaka-swerte mo dahil isang napakayamang tao ang magiging unang parukyano mo. Bukod pa doon ay talagang nakapa-gwapo kaya hindi masasayang ang virginity mo," anito pa na saka sinundan ang sinabi ng isang nasisiyahang tawa.Doon ay malungkot na napailing ang dalaga. Gaano man kasidhi ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay wala naman siyang magagawa. Kaya minabuti niya ang manahimik nalang. "Malaki ang ibinayad nila at dahil dyan malaki rin ang makukuha mong parte. At kung gagalingan mo ang pagtatrabaho mamaya siguradong bibigyan ka ng malaking tip ng customer mo. At kapag nagustuhan ka niya, baka siya ay maging suki mo!" Sa tono ng pananalita ni Nati ay halatang kabisado na nito ang pasikot-sikot sa ganoong klase ng trabaho. Pero wala siyang maramdaman na kahit ano. Pinalitan nito pati ang pangalan niya dahil iyon daw ang SOP sa ganoong hanapbuhay. Nasa kaniya nalang kung ibibigay niya sa magiging parukyano niya ang tunay niyang pangalan.Magkakasunod ang paglunok na ginawa niya. Pagkatapos ay lumabas na siya sa likurang pintuan ng club at doon niya nakita ang isang malaking kahon na ayon kay Nati ay gagamiting props mamaya. Natawa siya ng mahina. Hindi niya inakalang totoo ang ganito.Dati sa TV lang niya nakikita ang mga babaeng inilalagay sa loob ng kahon at lumabas doon nang nakamaskara habang sumasayaw. Ngayon, gagawin na niya iyon.Parang gustong mapunit ng puso niya sa labis na sakit at hinanakit.Hindi siya galit sa Papa niya. Ang totoo galit siya sa tatlong lalaki na kumuha sa kaniya bilang bayad utang ng kaniyang ama. Galit siya sa may ari ng club na ito na kahit ilegal ay ginagawa parin ang ganitong klase ng hanapbuhay nang hindi iniisip kung ilang pamilya ba ang pwede nilang masira.Ito ang unang beses na gagawin niya ang ganito at talagang takot na takot siya. Kung anuman ang buhay na naghihintay sa kaniya mamay paglabas niya ng kahon na iyon, hindi niya alam."KINAKABAHAN ka ba, Venus?" tanong kay Lara ng driver ng van na maghahatid sa kanya sa party na kaniyang pupuntahan.Si Delfin ang matandang driver ng club na sa tingin niya ay kasing edad lamang ito ng tatay niya. At katulad ng kaniyang ama, soft spoken ang matanda. Ibig sabihin, bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging mabait.Tumango siya kasabay ng sandaling pagsulyap niya rito, pagkatapos noon ay ibinaling na niyang muli sa labas ng bintana ang kaniyang paningin. "H-Hindi ko po alam kung kaya ang ang ipinapagawa nila sa akin," aniyang nabasag ang tinig pero nagpigil parin siyang mapaiyak.Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng matanda. "Nasa sa iyo iyan," anito sa makahulugan siyang sinulyapan nang saktong nakatingin siya rito."Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.Nagkibit ito ng mga balikat. "Alam mo bang nahuli na ng mga pulis iyong tatlong lalaking nagbanta sa iyo dito? Nag-report pala kaagad ang tatay mo sa mga awtoridad," anitong binigyan
FOUR YEARS LATER... "Good morning sir," ang nakangiting pagbati kay Joaquin ng guard sa entrance ng mataas na gusaling pag-aari niya at ng kaniyang ama na si Joaquin Antonio, Sr."Good morning," sagot ni Joaquin na ngumiti rin.Ganoon ang paulit-ulit na eksena at pangyayari sa buhay niya araw-araw. Nagsisimula ang umaga niya sa opisina at nagtatapos rin ito dito. "Good morning sir," si Alma ang bumati sa kaniya, ang babaeng sekretarya pa noon ng kaniyang ama.Nasa ikalimang palapag na siya kung saan naroroon ang kaniyang opisina. Ang Antonio Paper Corporation ang pinakamalaking kompanya ng papel sa Pilipinas. Sila rin ang distributors ng maraming kilala at imported brands ng papel na inaangkat pa sa ibang bansa. Pero hindi lang sila naka-focus sa paggawa at pagpo-produce ng ganoong produkto. Hawak rin nila ang mga major brands ng mga writing materials at iba pang art materials katulad ng mga kilalang water colors na ginagamit sa pagpipinta. Ang kompanyang iyon ay legacy pa ng kani
"PALAGI ka nalang talagang nagmamadali sa pag-uwi, hindi naman siguro masama kung minsan sa buhay mo subukan mong mag-unwind," komento ni Cynthia matapos niyang tanggihan ang alok nito sa kanya na sumama sa birthday ng pinsan nito.Tumawa ng mahina si Lara saka ipinagpatuloy lang ang pag-aayos niya gamit. "Ganito talaga kapag may anak ka na, palagi kang ma-e-excite umuwi kasi gusto mong makita kaagad ang anak mo na alam mong naghihintay sa pagdating mo," paliwanag niya rito."Hay naku Lara Athena ganiyan ka na talaga kahit noon pa. Mabuti nalang mahal ko iyong inaanak ko kaya hindi na ako magtatampo sa'yo," anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.Noon niya nilapitan sa mesa nito si Cynthia saka hinalikan sa pisngi. "Salamat, I have to go. Kailangan ko pang bumili ng pasalubong para sa baby girl ko.""Mag-iingat ka," si Cynthia.Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang maganap ang para sa kaniya ay pinakamalaking bangungot sa kaniyang buhay. Iyon ay nang sapilitan siyang i
MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. "I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras."P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.Tumango ang
HINDI tiyak ni Lara kung dahil ba sa iyon ang unang h***k niya, o dahil sa lasa ng alak sa bibig ni Joaquin, o sa beer na nainom niya kaya mabilis siyang nakaramdam ng matinding kalasingan dahil sa kapusukan ng h***k na iyon.Hindi niya masabi kung kailan o paano pero nagulat nalang siya at parang natauhan nang maramdaman niya ang pagsayad ng likuran niya sa malambot na higaan.Ganoon katindi ang naging epekto sa kaniya ng h***k ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung may asawa ito o kung may nobya. Pero parang nang mga sandaling iyon ay hindi na importante sa kaniya ang lahat. Parang gusto niyang aminin sa sarili niya na katulad ng sinabi nito sa kaniya kanina, kaya siya nitong makuha sa paraan na hindi nito kailangang gumamit ng dahas, dahil siya mismo ang hihingi ng mas higit pa, nang bagay na alam niyang kaya pa nitong ibigay."Joaquin," anas niya nang bumaba sa leeg niya ang labi nito."Yes?" tanong nito bilang tugon sa kanya."Baka naman may asawa ka na, huwa
PRESENT DAY...KASABAY ng pagtigil ng taxi na kinalululanan ni Lara ay ang pagkaputol ng paglalakbay ng kaniyang diwa mula sa nakaraan. Matapos maiabot ang bayad sa driver ng taxi ay nagmamadali narin siyang bumaba para lang mapagtanto na nakalimutan pala niyang ibili ng pasalubong ang anak niya gawa narin ng pagiging abala ng isipan niya kanina."Mama!" ang maliit ngunit malambing na boses na iyon ang narinig niya nang itulak niya pabukas ang gate ng kanilang bahay."Callie!" ang nasasabik niya tugon saka sinalubong ng yakap at halik ang batang tumakbo palapit sa kaniya. "Where is GrandPapa?" ang ama niyang si Rodolfo ang kaniyang tinutukoy."Nasa loob siya. Halika na, kain na tayo!" ang anak niyang hinila ang kamay niya papasok ng kabahayan."Pa," ang agad niyang bati sa kaniyang ama saka ito hinalikan sa pisngi."Mabuti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay nitong anak mo kasi nagugutom na raw siya," ang ama niyang nakangiti pang gi
"GOOD morning Papa!" ang masayang bati ni Joaquin sa ama niya nang umagang iyon."Mabuti naman ang nagkita na tayo. Kumain ka na at marami tayong kailangang pag-usapan," anito sa kaniya.Araw iyon ng Sabado at dahil walang pasok sa opisina ay tinanghali na ng kaniyang gising kaysa karaniwan si Joaquin."Let me guess, tungkol ito sa pag-aasawa, tama ba?" tanong niya habang malapad ang pagkakangiti.Noon siya tinitigan ng tuwid sa ng kaniyang ama. "You are not getting any younger hijo, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa mga babae?"Nagkibit siya ng mga balikat saka sinimulan ang pagkain ng agahan. "Papa, nagiging mapagbigay lang ako sa kanila," biro pa niyang kinindatan pa ang matanda."Mag-asawa ka na," ang sa halip ay maikling isinagot ni Joaquin Sr. sa kaniya.Amuse niyang pinakatitigan ang kaniyang ama."Papa the way you speak parang napakadali lang ng ipinapagawa ninyo sa akin," katwiran niya.
"MAG-ASAWA ka na kasi, pagbigyan mo na ang Papa mo. Matanda na siya at siguro gusto narin niyang maranasan kung ano ang feeling nang maging Lolo," si Patrick iyon ang best friend niya. Kaklase niya si Patrick mula Kindergarten. Sa maraming pagkakataon o mas tamang sabihing sa halos lahat ng pagkakataon ay ito ang nagiging katuwang niya sa mga problema niya. Ito ang kakampi niya sa kalokohan lalo na pagdating sa mga babae simula nang magsimula siyang magkipag-date. Higit pa sa matalik na kaibigan ang turing niya rito. He will always be the brother that he never had. At kahit hindi ito magsalita, alam niyang ganoon rin ito sa kaniya, dahil katulad niya, only child din si Patrick. "Parang ang dali ng sinasabi mo. Bakit ikaw ba? Kelan ang plano ninyo ni Tanya?" Sa tanong na iyon ay nagkibit lang muna ng balikat nito si Patrick bago kinuha ang tasa nito ng kape at uminom. Katulad ng sinabi ni Joaquin kanina ay pinili niyang pumunta nalang ng opisina tutal