Share

EXOTIC GIRL 15

Bago dumating ang birthday ni Jessica ay kinausap ako ni Nanay Lucia tungkol sa birthday party. Pinapayagan na niya ako dahil naisip nga niya na parang ipinagkakait din niya ang mga bagay na dapat ay maranasan ng isang normal na nagdadalaga. Basta ang pakiusap lang sa akin ay huwag masyado magtitiwala kay Senyorita Ronila. Mas gusto pa ni Nanay Lucia na ang kasama ko ay sina Julia at Miana para mapanatag ang kanyang kalooban.

"Anaya sa Linggo bili tayo ng swimsuit sa palengke. May isang shop doon na mura lang kanilang binebenta. May extra ka ba? Kung wala papahiramin kita." aya ni Julia. Nakaupo kami ngayon sa canteen.

"Excited ka ha.. Akala ko ba dati okay na hindi ako payagan ni Nanay. Gusto mo lang magsuot ng swimsuit eh. Aha para makita ni Johnson kung gaano ka kaseksi. Mas seksi ka pa nga sa akin dahil mas malaki ang dibdib mo. Ang sa'kin parang kalahati lang ng sa 'yo, oh!" tudyo ko kay Julia.

"Okay lang ba sa'yo na agawin ko si Johnson sa'yo? Hehehe. Napansin ko kasi na parang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status