Share

KABANATA 11

Mariing tinikom ni Sylvaine ang mga labi niya. Dumadagundong din ang puso niya. Ilang beses naman na siyang nakakita ng baril pero iba ngayong nasa hita niya iyon.

Napalunok siya noong sumuot sa ilalim ng hita niya ang palad ni Gray. Kinuyom niya ang kamao ngunit napaawang ang mga labi matapos nitong maglagay ng itim na strap sa hitang hawak nito.

"This is for your protection. Kapag may nanutok ng baril sa'yo, barilin mo," madiing paalala nito.

"Ah? Ano? Hindi ko kailangan ng baril—"

"Giyera ang pupuntahan natin. Ayaw mo pa rin ng baril?"

Mas lalo siyang napanganga. Naumid din ang dila niya at hindi makapagsalita. Hindi naman niya alam na ipapain siya nito agad sa kamatayan!

Grabe ang kaba niya noong ilagay nito sa strap ang maliit na baril. Ito na lang kaya ang barilin niya para tapos na ang paghihirap niya? Hays!

Bilang niya pa rin ang paghinga niya noong makarating sila sa venue. Nasilaw siya sa dami ng kumikinang na damit at wine glass.

"Humawak ka nang mabuti. Act normal, stay si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status