MATAPOS mangyari ang gabing iyon ay tuluyan ko nang inilayo ang aking loob kay Roger. Kahit mahirap para sa akin ay kinakaya ko nalang para sa aking mga pangarap. At ayokong biguin si nanay. Mabuti na nga lang at bihira nalang kaming magkita rito. Maliban na lang talaga sa araw ng linggo dahil ito ang pahinga niya.Mukhang naiintindihan naman nito ang ginawa kong pag-iwas sa kan'ya. Hindi na ako nito kinukulit. Kung nag-uusap man kami ay saka ko pa ito kakausapin kapag kailangan na kailangan talaga. Pero bakit gan'on? Hindi ako masaya sa pambabalewala nito sa'kin? Nadidismaya pa nga ako kapag wala nang pahabol na tanong ito sa akin. Hindi na rin ako nito tinititigan katulad ng dati. Tila ba nawalan na ito ng spark para sa'kin. Kaya hindi ko maiwasan na mamimiss ang presensya nito. Lalo na ang pasimpleng paglalambing nito sa akin dati. At sa ikasampung pagkakataon, nasaktan na naman ako.Narealize ko na mabuti na siguro ito para hindi na ako umasa ng sobra. Panahon na talag
QUARTER to seven na ng gabi nang mapagpasiyahan namin ni Maia na magligpit na. Tatlo lamang ang bumili, nabibilang lang din sa daliri ang mga naging customer namin ni Maia. Hindi na rin masama sa maghapon na pagbabantay. Sa halaga ba naman ng mga items nila rito ay tiyak makakabawi na rin sila. "Tamang tama lang pala ang pagdating namin." Biglang salita ng isa sa mga lalaking pumasok sa boutique. Akmang magsasalita na sana ako upang sabihin na magsasara na kami ng makita ko na ang isa sa mga lalaking pumasok sa botique ay si kuya Fred. Ang lapad ng mga ngiti nito sa labi. Nilingon ko si Maia na nakatayo sa aking likuran. Mahahalata na kinikilig ito."Goodevening, Sabrina. Goodevening, mahal." Isang tango lamang ang naging tugon ko kay kuya Fred na nagniningning ang mga mata habang nakatitig kay Maia. Ganito rin ang mga tinginan sa akin ni Roger noon. And speaking of Roger, nandito rin siya ngayon sa botique. Seryoso itong nakatayo sa hilera ng mga lingeries. kinatatayuan.
NATUKLASAN ko ang modus ni ninang. Palagi kasing binabanggit ng aking alaga na iniiwan siya ng kaniyang mommy at pinapaalagaan sa nanay ng lalaking nagngangalang Mister Abadilla. Umaalis ang mga ito at bumabalik naman kinagabihan. Ginagawa lamang na dahilan ni ninang na isama ang aking alaga. Madalas na iniiwan lamang ako nito sa botique upang magbantay. Ilang beses na rin ako nitong pinagcommute sa tuwing hindi ito makakauwi ng araw na iyon. Gusto ko sanang sumabay kay Maia. Ngunit, kabilin bilinan ni ninang sa akin na h'wag akong sumabay pauwi kay Maia dahil siya na ang susundo sa akin. Iyan ang palagi niyang nirarason. Inaabot pa ako ng dalawa o tatlong oras sa paghihintay sa kan'ya tapos ang ending hindi niya pala ako masusundo. Noong unang ginawa ni ninang ang hindi pagsundo sa akin ay natakot ako ng sobra. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad ko sa pasikot sikot ng syudad? Mabuti nalang talaga na tinuruan ako ni Maia gamitin ang google map, kung hindi, ay baka s
MIXED EMOTION ang nararamdam ko ngayon. Na-e-excite ako sa iisipin na kaming dalawa lang pala ni Roger ang nandito. Kabado rin dahil hindi ako prepared at nag-aalinlangan dahil asawa pa rin si Roger ni ninang. Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito ngayon dahil natatakot ako na mabasa nito ang nasa aking isipan. Nagdalawang isip pa akong magpaalam dito na pupunta na ako sa aking silid o tatayo nalang ako rito sa harapan niya at makipagtitigan hanggang umaga. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili lalo na nang hagurin ako ng tingin nito na puno nang pagnanasa. 'Bina, asawa siya ng ninang mo. H'wag na h'wag mong kalimutan iyon.'Pinipilit kong pinapaalala sa sarili ko ang katotohanang iyon ngunit, parang may sariling isip ang aking katawan. Nilapitan ako ni Roger. Nanatili lamang akong nakatayo, ni hindi ko ito nilayuan. Lumapit pa ito lalo sa akin. Hindi ako umalis, para ba akong itinulos sa harapan nito. "I miss y
HINDI AKO pinapasok ni Roger sa botique ngayong araw. Pinasama ako nito na maghanap nang magiging bagong yaya ni Reema. Pinakiusapan na lamang ni Roger si Analie na silang dalawa na lang muna ni Maia ang magbabantay sa botique. Kaagad naman itong pumayag. Bago kami gumayak ni Roger sa probinsya nila Analie ay dumaan muna kami sa isang depot mall. Bumili si Roger ng camping tent at ibang mga gamit para sa camping. Binilhan din niya ako ng mga damit at sapatos. Kung anong kulay ang damit na binili niya para sa akin ay gano'on din ang kulay ng binili niyang damit para sa kaniyang sarili. Pagkatapos naming mamili ng mga kagamitan ay lumipat kami sa isang grocery store upang mamili rin ng mga pagkain. "Ang dami naman ng pinamili natin, Roger. Ilang araw ba ang balak mong magstay roon?" Pagbubukas ko ng paksa rito habang tinatahak na namin ang daan patungo sa probinsya nila Analie. "Maybe three days but I think it's not enough for the both us to bonding there." Walang kagatol gatol
MGA BANDANG ALAS DOS buhat nang umalis ang tatlong binatilyong kapatid ni Analie dahil nauna na ang dalawang matanda kasabay ni Malou. "Wanna go for a walk? " Biglang aya sa akin ni Roger matapos namin ma-set-up ang tent. Kaagad akong tumango bilang pagsang-ayon sa naging alok nito sa akin. Habang naglalakad na kami ay ilang beses ko nang nahuli ito na kinukunan ako nito ng litrato. Hinayaan ko na lamang ito. Gusto ko rin magkaroon ng remembrance sa mga bagong lugar na napupuntahan ko. Tumigil muna si Roger sa paglalakad. Nakakunot noo pa ito na hindi ko maintindihan kong ano ang pinaggagawa nito. Tapos bigla na lang umaaliwalas ang mukha nito. "Did you hear that, boss?" Masigla nitong tanong sa akin. Tumigil rin ako at pinakinggan ang gusto nitong sabihin. Maya-maya ay naintindihan ko na ang sinasabi nito. May narinig akong lagaslas ng tubig. Sa tingin ko ay may isang batis na hindi kalayuan lamang sa aming kinatatayuan. "Tara puntahan natin. " Masigla kong aya kay Rog
MASAYA kaming umahon sa batis ni Roger matapos ang isang malupet at nakakapanghina na round. Magkahawak kamay rin kami habang naglalakad patungo sa kubo. Nang makarating na kami sa kubo ay hindi pa rin mapalis ang mga ngiti sa aking labi. Hindi ko kasi lubos maisip na ma-experience ko ang ganito. Pakiramdam ko ay nasa honeymoon stage kami ni Roger. Hindi ko na nga alam kung tama pa ba itong ginagawa ko, Pero isa lang ang alam ko, masaya ako sa piling niya. Alam kong mali ang magmahal ng taong pagmamay-ari na ng iba, ngunit, hindi ko maikakailang masaya sa pakiramdam na nakakatakot. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ako. Saka ko na siguro iisipin kapag nakabalik na ulit kami sa syudad. Susulitin ko muna ang pagstay namin dito. Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay muling naglambing si Roger sa akin."Can I request for another round, boss?" Nagpapacute na ngumuso ito sa aking harapan. Pansamantala kaming nakaupo sa kubo upang magpababa ng kinain. "Ayoko nga. .Nakakaram
TULOG PA SI ROGER nang magising ako. Kaagad kong tinanggal ang braso nito na nakayakap pa sa akin. At dahan dahan na bumangon. Lumabas ako ng tent. Dumiretso sa ilalim ng kubo para maghanda ng lulutuin para sa almusal namin ni Roger. May dalawang klase ng lutuan sila dito. Isang maliit na stove at lutuan na kahoy ang panggatong. Ikatlo ang dala namin ni Roger na butane gas stove. Hindi na ako mahihirapan pa dahil marami akong pagpipilian. Pinili ko ang dalawang stove na paglulutuan dahil kapag 'yong lutuan na panggatong baka magising ko si Roger dahil sa usok na dulot nito. Isang sunny side up egg, scrambled egg na may onion leeks at kamatis, fried rice na may diced carrots, cabbage, green peas, shrimp paste at corn at syempre hindi nawawala ang bawang. Dinagdagan ko ng tocino, at adobong kangkong. Nagpainit na rin ako ng tubig para sa gatas at kape mamaya. Eksaktong kakatapos ko lang na mag-ayos ng mesa ng lumabas si Roger. "Hmm.. Smells good and tasty," yakap kaagad nito saakin