Share

Chapter 6

CEO'S OFFER

"Ano?!" Gulat niyang tanong.

"Kasalukuyan pang hinahanap ng mga tauhan ko ang nagpakalat ng video and in no time mahuhuli ko rin kung sino man iyon and I'll make sure that the person will be in jail at kasama ka na doon. And because you were involved in this case, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo."

"At ano namang ibabayad ko sayo? Wala akong pera Mr.Lee," nag-aalala niyang saad.

"I don't need your money but your cooperation instead. You need to do something for me," anito na nagpasibol ng kanyang kuryosidad.

Marahil ay nabasa nito ang iniisip niya kaya itinuro nito ang visitor's chair na inalok nito kanina. Wala naman siyang nagawa kundi ang umupo doon para makapag-usap na sila ng maayos.

"Ano ba ang ipapagawa mo sa'kin?"

"Can you act? I mean are you good at acting?"

Ilang beses siyang kumurap. Magkakatotoo ba ang iniisip niya kanina? Gagawin ba siya nitong artista?

"Miss Fallorina?" Pukaw nito sa kanya at pumitik pa sa hangin.

"H—huh? Ah… Kung gagawin mo akong extra sa pelikula kaya ko naman siguro pero kung gagawin mo akong bida, naku mukhang hindi pa po ako handa sa ganun," natatawa niyang tugon.

"I will give you money Miss Fallorina, hindi lang pera kundi sasakyan, bahay, alahas o kahit ano pa ang magustuhan mo basta magampanan mo ng maayos ang ipapagawa ko sayo," seryoso nitong wika.

Pumalakpak ang kanyang tenga sa narinig. Sino ba ang aayaw sa mga binanggit nito? Kapag nangyari yun, napakalaking tulong na nun sa pagpapagamot niya kay Kreios. Hindi niya aakalaing ang lalaki palang pinakaayaw niyang makita ang makakatulong sa kanya.

Hanep din ang lalaking to. Pang sugar daddy lang ang peg! Pero maya maya pa, napakunot ang kanyang noo. Sa telenobela niya lang madalas na naririnig ang mga bagay na iyon. Yung tipong tigang na lalaking kayang magbayad sa babae para lang sipingan siya. Dumiretso ang tingin niya sa mga mata nito. Totoo ba ang unang impression niya sa lalaki? Na isa itong manyak?

"Ano ba ang kailangan kong gawin?" Kunwari ay matapang niyang tanong pero sa totoo lang kinakabahan siya sa kung anong ipapagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito lalo pa at hindi niya ito kakilala.

Naglabas ang lalaki ng isang itim na folder at binuksan iyon bago inilapag sa kanyang harapan. Isa iyong kontrata. Astig naman! May kontrata agad?

"I'm already married, Miss Fallorina but my wife is divorcing me. That's why I want her to be jealous."

"T—tapos?"

"Be my mistress.. Mistress for a show."

"Sa teleserye po ba?" Inosente niyang tanong. Grabe naman yung role na ibinigay nito. Siguradong magagalit sa kanya ang mga manonood.

"No Miss Fallorina. You will act as my mistress for real," walang gatol nitong wika.

Nawindang siya sa kanyang narinig. Akala pa naman niya ay makakatulong ito sa pangangailangan niya at akala niya maayos ang takbo ng utak nito pero hindi pala. Sino bang nasa tamang pag-iisip ang maghihire ng kabit? Siguro yung mga baliw lang na gaya nito. Porke't ba waitress lang siya sa club ay aalukin na siya nito ng ganung klaseng trabaho?

"Siraulo ka talaga eh no," kuyom ang kamaong asik niya.

"Listen first.. It's just for a show, okay? Wal—"

"Show or hindi pareho lang yun. Tingin mo sakin masamang babae na papatol na lang sa inooffer mo porket babayaran mo ako ng malaki? Wala kana yata sa tamang pag-iisip. Sayo na yang mga bagay na inaalok mo. I*****k mo sa atay mo wala kang kwentang kausap!"

Agad siyang tumayo at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. Laking pasasalamat lang niya at agad itong bumukas.

"At isa pa! Wag na wag kana ulit magkakamaling ipadampot ako dahil tatamaan ka talaga saking kupal ka!"

Dagdag pa niya bago naglakad palabas. Nakita pa niya ang mga lalaking dumukot sa kanya kanina. Dahil sa labis na inis at perwisyong dulot ng mga ito—binangga niya sa balikat ang lalaking may hikaw sa kilay at walang likod lingon na nagtungo sa elevator. 

Habang lulan siya ng elevator naiinis niyang pinahid ang luha na naglandas sa kanyang mga pisngi. Alam niyang kailangan niya ng pera pero hindi niya maatim na gawin ang ipinapagawa nito sa kanya.

Nang makalabas siya sa establishment ay siya namang pagtunog ng kanyang mumurahing cellphone. Dahil sa marami siyang gastusin, tanging lumang keypad lang ang naafford niya pero ayos lang naman sa kanya. Ang importante ay gumana pa.

"Hello, Betty?"

"M—mari…Si Kreios kasi," humihikbing saad ng kabilang linya.

Kumabog ng husto ang kanyang dibdib. "A—anong nangyari sa anak ko, Bet?"

"Inatake na naman siya ng pananakit sa kanyang dibdib. Kailangan ka daw makausap ng doktor tungkol sa kalagayan ni Kreios"

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Mabilis siyang sumakay ng jeep para pumunta ng ospital. Pagkarating niya doon ay agad siyang kinausap ng doktor. Dahil sa paglala ng kondisyon ng kanyang anak, inilipat na ang schedule ng surgery nito sa mas lalong madaling panahon.

Pagkalabas niya ng opisina, agad niyang pinuntahan ang silid ng anak. Tulog ito kaya naman si Betty na ang kinausap niya. Laking pasasalamat lang niya at lagi itong nandyan sa tabi niya. Maging ang asawa nito ay napakamaunawain din. Hindi man siya sinuwerte sa pamilya niya, may mga tapat naman siyang kaibigan na handang dumamay sa kanya.

"Anong sabi ng doktor Mari?" Pabulong na tanong ni Betty para iwasang magising si Kreios."

"Kailangan na niyang maoperahan bukas na bukas din," problemado niyang tugon.

"Naku, paano yan? May pera ka na ba?"

Naiiling siyang napayuko at itinukod ang mga kamay sa kanyang mukha. "Betty pwede bang pakibantayan ulit si Kreios, pupunta ako sa club at sa bakery para manghiram ng pera at tsaka baka umuwi ako sa amin para subukang makahingi ng tulong sa mga magulang ko."

Tuamngo naman ito at tinapik siya sa balikat. "Gawin mo na ang dapat mong gawin Mari. Ako na munang bahala kay Kreios. Asahan mong babantayan ko siyang mabuti."

Yumakap siya dito bago lumapit kay Kreios. Maingat niyang hinalikan ang noo ng anak. "Hintayin mo ako anak. Hahanap lang ng pera si Mama para sa mga pagpapagamot mo.

……

Ilang minuto ng  nakatitig sa nakasaradong pinto si Vincent. Bilib talaga siya kung saan kumuha ng lakas ng babaeng iyon at ganun ito katapang.  There is something with her that made him feel so annoyed at hindi niya matukoy kung bakit ganun na lang ang nararamdaman niya.

But then on the other hand, her attitude and the way he deals with him was his benefit. Wala dapat siyang plano na sundin ang ipinayo sa kanya ni Zeus pero ang pagkakataon na ang nagtulak sa kanyang makitang muli ang babae.

She was the perfect candidate to play as his mistress. Why? Because he doesn't like her and she doesn't like him either. Everything will be pure work, no feelings involved and money will be their only connection. Hindi rin siya mahihirapan pang ipagpag ang babae sa buhay niya kapag nagtagumpay ang plano niya dahil walang mamagitan sa kanilang dalawa. Hindi gaya ng karamihan na halos maghubad na sa harap niya para lang mapansin.

Aside from that, she really amazed him. Dalawang beses na siya nitong tinanggihan patungkol sa pera which made him excited to know her backgrounds more. Habang inaayawan siya ng babae ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng determinasyon na paluhurin ito sa harap niya. He has money which means he has all the resources to take that snooty woman down on her knees.

'Just wait and see Mari Ysabela Fallorina, makikita mo talaga ang hinahanap mo!'

"What's with that smirk?" Puna ni Isaac na kakapasok lang ng opisina niya. Kasunod nito si Damon at Rain na siyang kasama ni Isaac sa paghuli kay Mari Ysabela kanina. Kasunod din nitong pumasok si Zion na siyang tinawagan niya bago paman makarating sila Isaac sa opisina niya.

"What urgent matter are you going to tackle with me?" Tanong ni Zion bago umupo sa kanyang harapan.

"I need you to do something about Mari Ysabela Fallorina's workplace," aniya habang may naglalarong ngiti sa mga labi. Tingnan lang natin kung hindi ito gagapang pabalik sa kanya.

"You are so engaged with that woman Vincent. May chismis ba kaming hindi alam? Dati si Grace lang naman ang laging laman ng utak mo," puna ni Isaac.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan. May mga nanunuksong ngiti at tingin ang mga ito.

"It's not what you think it is," depensa niya sa sarili.

"Ah, okay," ani naman ni Damon kahit na halata sa mukha nito na hindi naman naniniwala sa sinabi niya.

"Hmm, so what do you want me to do with her workplace?" Tanong ulit ni Zion.

"Do something to fire her."

"Nah, that's against the labor code dude," tutol nito.

"C'mon man. Fire her or buy all her workplace and ban her wherever she applies. I want her to come to me and accept my offer…"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status