Share

15

Kabanata 15

"Kanina pa tingin ng tingin sa'yo iyang grupo ng basketball players," bulong sa akin ni Macy.

Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Nang nilingon ko ang sinasabi niya ay tama nga siya.

Nang sinulyapan ko ang grupo nila ay tinulak ng grupo ang isang kasama nila at kinantyawan ito.

"Mukhang tipo ka ni Andrei," ani Macy.

Nilingon ko siya.

"Andrei?"

Natigil siya sa kinakain. Kuryos sa usapan.

"Andrei Suarez. MVP ng basketball team ng Escala. Bukod sa athletic 'yan, matalino pa. Pinsan siya ng mga Vega. Kilala mo ba sila?"

Vega...

"Yup. I saw their coconut plantation."

"Ang lawak diba? Property nila iyon. Si Andrei, kamag-anak nila. Kaya gwapo at matalino. Financial Management ang kurso niya. Magaling sa pera."

Napatango ako. Pinsan pala ito ng mga Vega.

Lumapit si Macy at may gustong idugtong na ayaw niyang marinig ng iba.

Hinanda ko naman ang tenga ko.

"At ang sabi…magaling din daw humalik," aniya at hagikgik.

Ngumisi ako sa kaniya. She really reminds me of Kola!

"Ewan k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status