Pagtigil pa lang ng kotse ni Chaeus ay agad na akong bumaba. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Hindi niya ako hinabol subalit dama ko ang paninitig niya sa likod ko. Deretso ako sa kwarto. Hupa na ang galit ko kahit na anong kapa ko dito. Matapos magpalit ng damit at magtanggal ng mga kolorete sa mukha ay padapa akong nahiga. Hinarap ang cellphone na kanina pa tumutunog.“Nasa bahay na ako, Girls.” sagot ko sa text ni Josefa, siya na ang bahalang magsabi sa dalawa na baha rin ang message sa inbox ko. “Sorry nga pala sa gulong ginawa ng tukmol kanina sa bar.”Maya-maya pa ay naka-rehistro na ang name ni Josefa. Tumatawag na. Hindi pa yata kuntento sa naging sagot kaya need pang marinig nila ako. “Sure ka na ayos lang? Hindi ka pinagbuhatan pa ng kamay ni Chaeus? Grabe, galit na galit siya!” bulalas ni Josefa sa kabilang linya, nai-imagine ko na ang pagtirik ng mga mata nito sa ere.“Hindi naman. Takot lang noon kay Daddy.”“Iyong braso mo naman kumusta?”“Okay naman. Bukas ko pa makik
Gabi na nang magising ako. Bukas na rin ang dim light ng silid ko na sure akong gawa ito ng maid. Matapos na maghilamos ay piniling lumabas na. Umaalboroto na naman ang patay-gutom kong mga bituka. Wala talaga silang kabusugan, aba!“Pahanda na ng dinner.” anunsyo ko pagkapasok ng kusina, hindi pa naman iyon late pero hindi kasi sila naghahain kapag walang kakain nito. Agad na sumunod ang maid na nakarinig sa akin. “Wala si Chaeus?” pormal na tanong ko habang kumukuha ng pagkain upang ilagay na sa plato.“Umalis after lunch. Ang sabi sa amin ay sabihin sa'yo na may lalakarin siya kapag hinanap mo.”Tumango lang ako. Ano pa bang comment ko? Alangan namang itanong ko kung nasaan na ito?“Okay.”Matapos kumain ay saglit akong tumambay sa sala. Panay ang sulyap ko sa main door. Hindi ko man aminin pero hinihintay ko si Chaeus umuwi. Nang mapansing lumalalim na ang gabi ay tumayo na ako upang magtungo na sa silid. Dahil siguro sa pagod ako at kulang din sa tulog ay hindi naglaon at muli a
Pumuwesto ako sa kung saan abot-tanaw ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Chaeus. Hindi rin kalayuan ang cafe na halos kahilera lang ng resto na pinapagawa niya. Buo na ang pundasyon noon. Siguro ay hindi na rin magtatagal at matatapos na. Nakatitig lang ako sa labas ng salamin habang patuloy ang kain ng cake at inom ng smoothie. Pinapanood ko pa rin sina Chaeus.“Mabait naman pala si Tukmol, mabilis rin mauto. Siguro ay mabuting tao talaga siya. Pangit lang ito sa paningin ko dahil nilalamon ako ng galit.” muli kong kumbinsi sa aking sarili sa pagiging lihim na mabuting tao ng lalake, “Tama kaya?”Habang pinagmamasdan pa ang features niya ng lihim ay doon ko napagtanto kung bakit ang mga kaibigan ko ay humaling sa kanya. Magandang lalake nga naman ito. Matangkad. Maskulado rin. Pang-display, dahil sa good looking. Nakadagdag pa ng asset niya ay ang pareha ng mga mata niyang kulay grey. Para sa akin iyon ah? Hindi ko alam sa mata ng ibang tao kung ano ang gusto nila. British na british
Kumuha na ako ng ilang ply ng tissue at pinunas iyon sa kamay. Wala pa ‘ring imik kahit na dama ko ang paninitig ni Lailani sa akin. Ano bang dapat na reaction ang ibigay ko? Wala akong alam. First time ko kaya ito. Hindi pa naman ako magaling mag-fake ng totoong nararamdaman. Kung ayaw ko sa tao ay nakikita iyon sa kilos ko. O kung hindi ay kita iyon sa gaspang ng ugali ko.“Hindi mo naman sinabi na narito pala sa bansa ang girlfriend—este ang fiancee mo, Chaeus...”Hindi sa gusto ko silang mag-away. Gusto ko lang malaman ni ate mong girl na ngayon lang siya nabanggit ni Chaeus. I don't want her to feel bad, pero iyong kulo ng dugo ko ay hindi mapakali sa pagtaas. Ang init ng ulo ko sa kanya. Realtalk.“Dahil ngayon lang din naman tayo nag-usap ng matino mula ng dumating ako, Hilary.” sagot ng Tukmol na hindi ko nagustuhan, siguro ay ayaw niya lang mapahiya sa harap nito. Tama naman. Ngayon lang naman talaga kami nag-usap. At ang ayaw ko dito ay kung paano iyong fiancee niya ay nataw
Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may mga matang nakatitig sa akin. Kinailangan ko pang ilang beses na ibukas-sara ang mga mata para lang luminaw iyon pero muling bumagsak dala ng sobra kong antok. Tuluyan akong nahimasmasan ng maramdaman ang banayad na haplos sa aking inaantok na mukha ng mainit, malambot at malapad palad. “B-Bakit?” parang mapupunit ang lalamunan sa sakit na tanong ko, dama ko ang panunuyo nito. Ang Tukmol ang tumambad ng idilat ko ang mata.Sinabi ko bang pumunta siya dito sa kwarto ko? Ganunpaman ay hindi na ako nag-react. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko, matamang nakatunghay. Mapungay na ang mga mata na halatang pagod. Sa hula ko ay ilang beses niyang sinalat ang noo ko. Tinitingnan yata kung mayroong lagnat. Inirapan ko siya. Iyon ang initial na reaction ko. Gumalaw ako at bumaling na sa kabilang pwesto.“Kumusta na ang pakiramdam mo? Kinakabag ka pa rin ba? Ininom mo ba ang gamot kanina?” sunod-sunod niyang tanong, puno ng pag-aalala.“Hmmn...”“An
Bagama't nagulat ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaction. Iisipin niya lang na okay lamang sa akin ang lahat kahit na hindi. Walang imik na lumulan ako sa front seat na parang normal na araw lang iyon. Ni hindi ako bumati ng good morning pabalik, hindi rin ako nagtanong kung nasaan ang driver. Higit sa lahat ay bakit siya ngayon ang maghahatid? Niknik niya, hinding-hindi ko siya kakausapin. Akala niya okay kami? Manigas siya diyan kakaisip kung bakit malamig na naman ako.Dama ko ang mainit na paninitig niya habang tinitingnan akong nagkakabit ng seatbelt. Sa asta niya ay halatang marami pa sana siyang sabihin ngunit dahil sa pananahimik ko kaya pinili na lamang niyang huwag na ‘ring magsalita pa.“Ingat ka, Hilary.” usal niya matapos na iparada ang sasakyan sa harap ng gate, nagawa kong hindi siya kausapin buong biyahe.Nagawa ko ng makababa ng kotse at papasok na sana ng gate nang buksan niya ang bintana at magpahabol pa sa akin ng mahabang litanya. “See you later, Hilar
Tumawa lang ang dalawa sa ginawa ko. Ini-scroll ko iyon pababa. Umaasa na may makikita akong tag pictures or post man lang sa fiancee niya. Halata na hindi sila sweet online ah. Wala man lang akong makita kahit na isa. Iyong tipong kahit sweet greetings man lang kapag may importanteng okasyon sa relasyon nila o mga holiday greetings. As in wala ni isa. Sabi nga nila kapag ganun daw ang guy na sobrang showy at clingy sa timeline mo ay sobrang mahal na mahal ka, meaning hindi siya mahal ni Tukmol? Eh bakit siya pakakasalan kung hindi siya nito mahal?“Ano? Nakita mo na?” bahagyang silip ni Josefa sa ginagawa ko, umiling ako. Puzzled pa rin kung bakit wala akong mahanap ni isang post niya.“Hindi pa. Wait lang. Maghintay kayo!” iritable na ang tono ng boses ko, lalabas pa yata akong sinungaling dahil lang hindi ko mapatunayan.“Baka naman wala talaga siyang fiancee, Hilary? Gino-good time mo lang kami ni Josefa para maasar or magselos or tantanan namin siya?” lantarang akusasyon ni Shanae
Bagay na hindi ko dapat sinabi sa dalawang gaga dahil hanggang uwian ay kung anu-anong basura ang nabubuo sa kanilang isipan. Nauulol sila sa kakaisip ng mga posibleng gawin kay Lailani. Nandiyan ang ipapa-kidnap daw nila si Lailani at pakakawalan kapag na-fall na sa isa sa kanila si Chaeus para safe na raw ang maganda nitong genes. Nang tahasang sabihin nila iyon sa amin ay halos mautas kami ni Glyzel sa kakatawa. Baliw na baliw na talaga ang dalawang gaga.“Bakit? Pwede naman iyon. Lahat ay posible sa taong nagmamahal, Hilary.” si Shanael na proud na proud pang sabihin iyon sa akin, shunga lang!“Ang tanong ay mamahalin ba kayo ni Chaeus? Baka mamaya si Lailani pa rin ang gusto noon hanggang dulo. Sayang naman ang effort niyo.” patol ko sa kanila, isa rin yata akong baliw eh. “Huwag ka ngang nega Hilary! Panira ka naman sa imagination namin ni Shanael.” si Josefa na halatang dalang-dala na rin sa kalokohan nila.“Hindi ako nega. Sinasabi ko lang ang possibility para hindi naman kayo