Share

Kabanata 14

Agaran kong nailayo ang kamay sa kaliwang pisngi ni Yohann Min nang mapaaray siya sa ginawa kong paglinis sa sugat niya. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak para linisin naman ang natuyong dugo sa gilid ng labi nito. Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya sa ginagawa ko. 

“Bakit mo pa kasi ginawa ‘yon?” 

“Ang alin?”

Sinalubong ko ang mga mata niya bago nagsalita. “Yung ginawa mo. You’re crossing the line, Yohann Min. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon” pagpapaintindi ko bago sinadyang idiin ang hawak na bulak sa gilid ng labi niya. Napaiwas siya dahil sa ginawa ko. “Tignan mo ‘tong nangyari ngayon sa mukha mo, tsk”

“Hahayaan mo lang na bastusin ka?”

“Hindi naman sa ganun” Nagbaba ako ng tingin sa first aid kit na hiniram ko rito sa opisina nila Amay at Greggy. “Hinayaan mo na lang sana. Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng lalaking ‘yon” tawa ko.

“You’re still

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status