Share

Chapter Eleven : Diary

October 23, 2019

Baguio City, Philippines

Alas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.

Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.

Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.

Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.

Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status