Share

Chapter 15: STRONG CONNECTION

"Proteksyon para sa pamilya ng batang kakaopera lang?" ulit ni Knox sa patanong na paraan sa sinabi ni Walter.

"Sa ngayon wala pa akong idea kung kaano-ano niya ang pamilyang iyon pero dahil sa kanila kumagat si Viana sa alok ko," anito, na may pasayaw-sayaw ang ulo habang nagsasalita saka lumagok ng alak pagkatapos. "So good news," dugtong nito pagkatapos lumunok.

Napatingin siya sa sahig habang pinipitik sa ashtray ang hawak niyang sigarilyo. "So ibig sabihin, walang tao si Clary..."

"Sino boss?" inosenteng tanong ni Walter, nilapag ang baso sa ibabaw ng lamesa.

Hindi pa pala nito alam na hindi si Viana ang may-ari ng Azara Gems. Tiningnan niya ito at inutusan na lang, "Alamin mo kung anong koneksyon ng pamilyang iyon kay Viana."

Naisip niya kasi, kung sa kanila pa humingi ng proteksyon si Viana, ibig sabihin walang tao si Clary na gumawa ng ganito para sa kanila or si Viana man na malakas katulad ng grupo nila. At sa paraan ng paglapit ni Viana kay Walter mukhang malaking tao ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status