Share

Chapter Eleven

"WHAT are you doing here?" kasabay ng tanong na iyon ay ang pagbaha ng ilaw sa paligid.

Napapikit si Vodka nang masilaw sa liwanag, nang makahuma ay agad niyang hinanap ang may-ari ng boses. Gulat na sinundan niya ang galaw ng babaeng pababa na ngayon ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng Tipsy Talk patungo sa kanyang direksiyon.

"Scarlet," wala sa loob niyang bulalas.

Nakikilala niya ang babae. Ilang beses na rin niya itong nakita sa loob ng nightclub. Sa pagkakaala niya ang ito ang may-ari ng Tipsy Talk. Kakaiba ito sa lahat dahil may suot itong maskara na natatakpan ang mga mata.

Matangkad ito at aral ang mga galaw. Nakasuot ito ng damit na hanggang sakong ang haba at mapula ang walang kangiti-ngiting mga labi.

Marami na siyang naririnig tungkol sa misteryosong babae ngunit hindi niya alam kung ano paniniwalaan sa mga iyon. Walang nakakakilala sa totoong katauhan ni Scarlet, maging ang kanyang kaibigan na si Isabella na nagtatrabaho sa night club ay walang ganoong alam dito.

"You are trespassing, Ms. Rodríguez," Scarlet muttered coldly when she stopped in front of her. Vodka was surprised that the woman knew her name. "What are you doing here?"

"I... I just miss the place. I want to know when will Tipsy Talk open again," Vodka answered and avoided eye contact with her, she roamed her eyes around the place instead.

Ngunit muli siyang napatingin kay Scarlet nang lumipas ang ilang sandali at hindi pa rin ito nagsasalita. Mataman siya nitong tinititigan na tila ba binabasa siya. Hindi niya maiwasang hindi mailang at kabahan dahil sa ginagawa nito. She had that mysterious and dangerous aura around her.

"You know something," Scarlet muttered surely. "Tell me, what happened that dawn, what did you saw? What are you hiding, Ms. Rodríguez?"

Sandaling hindi makapagsalita si Vodka at nakagat ang pang-ibabang labi upang pigilan iyon sa panginginig. "N-No... No... I don't know what you're talking about."

Vodka was taken aback when she saw the corner of her lips twitch in a dry smile. Wala sa loob na napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Scarlet leaned closer and placed her lips over Vodka's ear and whispered, "You saw and heard things. You need to recover your memories that night Vodka."

Nakaawang ang mga labi na tinitigan niya sa mga mata ang babae na bahagya nang nakalayo sa kanya. Bago pa siya makahuma ay tinalukuran na siya nito at muling umakyat patungo sa ikalawang palapag ng Tipsy Talk.

Nanghihinang napaupo si Vodka sa sofang malapit sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga labi at mga kamay dahil sa tensiyon. Sandali siyang nakatingin sa kawalan bago dumako ang mga mata sa direksiyon ng counter. Scarlet was right. She needed to get her memories back, intact and clear. But it was easier said than done. She was drunk and feeble-minded when Patrick Castillo was murdered and it was dark that time!

Wala sa loob na napatingin siya sa sahig ng nightclub kasabay nang pagkudlit nang ala-ala sa kanyang gunita.

Wala sa loob na napatingin sa isang bagay na nasa kanyang paanan. Kumikislap iyon kaya napansin niya sa kabila ng kadiliman. Sa nanginginig na kalamnan ay dinampot niya iyon. Sandali siyang natigilan nang bukod sa bagay na iyon ay may-isa pa siyang nakapang kung ano, hindi na siya nag-isip at kasama rin iyong kinuha bago tumayo upang makaalis na sa lugar na iyon.

Napatayo si Vodka sa kinauupuan at nanlaki ang mga mata. Naalala na niya, bukod sa kuwintas na ibinigay niya kay Isabella ay may isa pang bagay siyang nadampot at ang bagay na iyon ay ang basag na cellphone!

Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang kanyang handbag, dinampot ang kanyang cellphone at may tinawagan. Nakadalawang ring na bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"I want to ask something, Erick. Is Patrick Castillo's phone recovered at the crime scene?" agad niyang tanong sa kaibigang abogado ni Felix. Ito ang naglinis sa kanyang pangalan upang hindi siya madawit sa pagkamatay ng anak ng congressman. She was truly thankful to him for that.

Nagsalubong ang kilay ng abogado na nasa kabilang linya dahil sa pagtataka bagaman ay sinagot pa rin ang tanong ng dalaga. "Yes. Why did you ask? Is something going on?"

"N-Nothing... I'll hung up now." Lalo lang siyang naguluhan dahil sa nalaman. Kung nasa awtoridad na ang cellphone ni Patrick Castillo, kanino iyong nasa kanya? Bakit mukha ni Patrick ang kanyang nakita?

Nagpalakad-lakad siya habang nag-iisip, ang isang kamay ay nasa beywang nang tumunog ang kanyang cellphone tanda ng may nagpadala ng mensahe.

Nang makitang mula iyon kay Isabella ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigan subalit gaya ng mga nakaraang araw ay hindi ito sumasagot. Nakatatlong dial siya ngunit walang tugon mula rito.

Mabilis na dinampot ni Vodka ang bag na nilapag niya kanina sa sofa at malalaki ang hakbang nalumabas sa lugar na iyon. Tinungo niya ang kanyang sasakyan at mabilis na pumasok. Muli niyang binasa ang mensaheng ipinadala ni Isabella bago pinaandar ang kanyang Lamborghini.

Isabella texted her that she wanted to meet with her and talk to her. The address she texted was at the outskirts of the city and she needed to drive for more or less an hour.

Mariin niyang inapakan ang silinyador at mariin ang pagkakahawak sa manibela. She badly needed to talk to Isabella. There's a lot of things that were bothering her, a lot of unanswered questions. She needed to know everything that happened that dawn. Did Isabella killed Patrick Castillo? Or she did not? She needed to know the truth or she'll go insane.

Ilang minuto pa ay nasa kalsada na siya kung saan walang masyadong bumabiyahe. Nasa hangganan iyon ng lungsod at kaunting sasakyan lang ang kanyang nakakasabayan. It was already ten in the evening, the road was clear that was why she's confident on running at full speed.

Nang makita alng dalawang truck sa kanyang unahan ay agad niyang inapakan ang preno upang bumagal ang kanyang takbo. Subalit sa kanyang panggigilalas ay hindi kumagat ang brake. Sinubukan niya ulit ngunit ayaw talaga.

"No!" Nanlaki ang kanyang mga mata nang malapit na siya sa truck na nasa unahan. Mabilis niyang ikinambiyo ang kanyang sasakyan pakaliwa.

She revved her car to the opposing lane or she'll crashed to the truck in front of her. Nauga ang kanyang utak nang tumalon ang kanyang sasakyan sa median strip na siyang naghahati sa magkabilang kalsada.

Tig-dalawang lane lang ang magkabilang kalsada, ang dalawang lane sa kanan ay okupado ng dalawang malalaking truck.

Vodka was now driving on the opposing lane. Mabuti nalang at wala siyang nakakasalubong na mga sasakyang papasok ng lungsod.

Kahit nanginginig ang kamay dahil sa takot ay hindi niya binitawan ang manibela. Sinubukan niya ulit ng makailang beses ang preno ngunit ayaw talaga niyong gumana.

Nang makitang maluwag na muli ang kabilang kalsada kung saan siya dapat nagmamaneho ay kinabig niya roon ang Lamborghini.

Kamuntikan na niyang mabangga ang poste ng ilaw na nasa gitna ng median strip.

Humahagibis ang kanyang sasakyan sa gitna ng daan. Nanlalabo na ang kanyang mga paningin dahil sa mga luhang namumuo sa kanyang mga mata at nananakit ang kanyang mga kamay dahil sa pagkakahawak sa manibela.

Nang masulyapan ang cellphone sa ibabaw ng dashboard ay agad siyang dumukwang doon at dinampot ang aparato. Hindi niya inaalis ang atensiyon sa daan ngunit nagawa pa rin niyang makatawag ng kung sino. Basta nalang niyang pinindot ang call button ngunit hindi niya alam kung sino ang kanyang natawagan.

"Help me!" bungad niya nang masulayapang sumagot ang nasa kabilang linya. "Help me... My car's brake was broken! I can't stop the car! I don't want to die... Shit!" Nabitawan niya ang aparato nang makitang may dalawang kotse na naman sa kanyang harapan at okupado ang magkabilang lane.

Sunod-sunod siyang bumusina upang patabihin ang isa sa mga ito. Mukhang nakuha naman ng BMW ang gusto niyang mangyari dahil lumipat ito sa kabilang lane.

Binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan at sumigaw nang tumapat siya sa dalawang sasakyan. "My brake's broken!"

"Oh god, help me!" bulalas niya na muling umayos ng upo at nakatutok ang mga mata sa daan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status