Umiidlip si Deana sa biyahe nila nang magising siya dahil sa bahagyang pagtalon ng kanilang sinasakyan. “Ano ‘yon?” tanong ng ama ni Deana sa driver na naistorbo rin ang malalim na pag-iisip. “Kahoy ho yata, governor. Hindi ko napansin.” “Be more careful.” “Oho— BANG! BANG! BANG! “Dad!” Deana was shocked with the sudden gunshots enveloping their location. “Yumuko ka, Deana!” Natigil ang limang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa pamamaril na sumalubong sa kanila. “Kenneth, puntahan ninyo ang governor!” Pietro immediately commanded the two other soldiers. [“Okay, Captain.”] Minaneho ulit ni Kenneth ang kotse nila upang iharang sa kotse ng gobernador. Sa pagdating nila roon ay nasalo agad nila ang mga balang pinapaulan ng mga kalaban. Bumaba si Pietro sa sasakyan niya saka sinauli ang mga putok ng baril sa kanila. Nang tingnan niya ang sitwasyon ng kanilang grupo wala ng buhay ang iba sa mga tauhan ng gobernador. “Kenneth, alisin na ninyo rito ang mag-ama,” Pietro said
Kalalabas lang ni Deana sa airline company na pinagtatrabahuhan niya upang asikasuhin ang susunod na schedule ng flight niya, ngunit hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang isip niya dahil sa naging pag-uusap nila ni Kenneth.Pietro has lost a woman in his life and it was not just a temporary adrift but a lifetime. Paano niya iibigin ang isang lalaki na hindi pa kayang kalimutan ang kaniyang nakaraan?Deana was spacing too much that she did not notice a car coming in her way. Napaupo siya sa kalsada nang daanan siya ng sasakyang mabilis ang takbo kahit na tawiran pa iyon papunta sa parking lot.“Bwisit!”“Ms. Villegas!” Kenneth saw what happened. He rushed to her place and helped her stand.Napatingin agad si Deana sa kamay niyang nagtamo ng gasgas pati na sa siko niya na ngayo’y humahapdi dahil doon. Inis niyang pinagpagan ang sarili.“Damn it. That guy is so careless. This is a parking lot for Pete’s sake!”“Dadalhin na kita sa hospital para malinisan ‘yang sugat mo.”“Hindi na—“Hi
Seven in the morning when Deana started to water the plants in their front yard. She was busy in her own time when her phone vibrated in her shorts. It took her attention and had to press the call.“Tita! How are you? Kailan ka babalik dito?” Masaya ang naging bungad niya para sa kaniyang step-mom. Ilang araw na niya itong hindi nakikita dahil sa pag-uwi nito sa probinsiya.[“Baka sa susunod pang buwan, anak. Sa susunod na linggo kasi ang death anniversary ni Selena. We’re going to celebrate it. Gusto mo bang pumunta?”]“Sige po. Susubukan ko pong magpaalam kay daddy, pero hindi muna ngayon dahil masama ang pakiramdam niya. Tsaka limitado rin ang paglabas namin dahil sa pamamaril na nangyari.”[“Oo nga. Napanood ko ang balita. I called your dad and he said everything is okay. Magagaling daw ang mga bagong bodyguard niya kaya nalusutan niya ang kamatayan. Kita mo na ang tatay mong ‘yan nasa bingit na ng kamatayan nakukuha pang magsabi ng kung ano-ano.”]Deana laughed a little. “Oo nga
Pietro removed his seatbelt and stood from his seat. The moment he laid his eyes on Deana his heart started to beat tensely.“I will be glad to serve you, sir,” he stated before walking to Deana’s place. Kinuha niya ang tray na hawak nito. He threw gazes at her meaningfully. “Act like you don’t know us,” bulong pa niya sa naguguluhang si Deana.Bumalik si Pietro sa mesa ng governor at ng lalaking kausap nito. Nilapag niya ang bote ng alak at dalawang baso saka muling binigay kay Deana ang tray.“You can go back.”“O-Okay,” Deana stuttered.But Addi lifted his hand sending a message to his men behind. They stopped Deana from leaving.“I make orders here,” Addi said while staring at Pietro.Pietro competed with his gazes until he noticed him grin. The man pointed at him before looking at the governor.“I love this man of yours, governor. Very brave.”Naiilang na tumawa lamang ang gobernador. Kahit siya’y hindi mawari ang gagawin sa mga oras na iyon lalo na’t nasa harap nila si Deana.“P
One week passed since Deana left her father and Pietro in the plane. Sa ilang araw na pamamalagi sa iba’t ibang hotel sa Mindanao hindi niya inaasahang makararating siya sa probinsya ng kaniyang Tita Serena. Pagbungad pa lang sa kaniya nito’y tumakbo na siya sa ginang at doon umiyak sa balikat nito.“T-Tita…”Gulat na gulat si Serena nang masilayan si Deana sa harap ng kaniyang bahay. Hinaplos niya ang likod ng dalaga dahil sa labis na pagtatangis nito.“Shush. Tahan na. Ano’ng nangyari?”Sa rami ng gustong sabihin ni Deana ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Tanging pag-iling na lamang ang naging sagot niya sa kaniyang step-mother. Serena invited her inside her house. Kinuhanan din siya nito ng maiinom. Nang maubos niya ang isang basong tubig unti-unting kumalma ang pakiramdam niya.“Aalis po ba kayo, Tita?” pansin niya nang makitang bihis na bihis ang ginang.“Ngayon ang death anniversary ni Selena. Pupunta ako sa puntod niya. Gusto mo bang sumama?”Walang pagdadalawang isip
Deana was dancing happily at the bar they went into last time. Rhustin was just watching her from their table. Naging alalay siya ng babae dahil sa pamimilit nito na pumunta roon. Habang abala sa sarili niyang oras napansin niya ang pag-ilaw ng nakapatong na cell phone niya sa mesa.Napabuntong-hininga siya bago kuhanin iyon at sagutin ang tawag. Ni hindi nga niya alam kung paano nakuha ng lalaki ang numero niya.“Bakit?”[“I assume you’re in a bar.”]“Alam mo naman pala bakit hindi ka pa pumunta?” He cut the call and proceeded to drink his rum. Pagtingin niya kay Deana ay inaaya siya nito sa gitna ng sayawan. Umiling lang siya saka pinakita ang cell phone para sabihing may kausap siya.Just after minutes a familiar man stood in front of him. Nagsalin siya ng alak sa isa pang baso.“Maupo ka muna. Hayaan mo muna siyang magsaya ro’n.”“Nasaan si Deana?”Nginuso ni Rhustin ang direksyon ng dance floor. Lumingon doon si Pietro subalit dahil sa maraming kumpulan hindi niya agad makita si
“Ano’ng gagawin mo rito?”Pietro came with Deana who was strolling in a mall. “Bibili ako ng bagong sapatos para sa uniporme ko.”“Kailan ang lipad mo?”“Wala pa. Pagkatapos pa ng eleksyon. Nag-apply ako for leave. Bakit, gusto mo na agad na umalis ako?”“Tss. Nagtatanong lang.”Ngumiti si Deana. Kinuha niya ang kamay ng lalaki saka pinagsiklop ang sa kanya. She looked into him again who’s staring fixedly on her eyes. “Bakit tinitingnan mo ako ng ganiyan?”“Hindi ko rin alam.” Humigpit ang hawak ni Pietro sa kamay ni Deana. “Can you not leave again?”Deana was smiling happily. Nakatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak. “Hindi na ako aalis.”Sa gitna ng nagtatamis nilang pag-uusap, isang sigaw ang pumukaw sa kanila. “Ate Sophie!!”Deana’s eyes widened when she saw Xyrelle running towards her. Matagal-tagal din niyang hindi nakita ang kapatid ni Pietro. “I texted her. Gusto ka na raw niyang makita,” wika ni Pietro sa tabi niya.Deana hugged Xyrelle when the girl came. Suot pa
The next day Pietro dressed up looking smart and appealingly to join a major meeting with his team. They all prepared for this day. Mga mataas na opisyales ng kasundaluhan ang haharapin nila at iba pang pangkat ng kanilang sandatahan. They drove to the city where the meeting will be held.Pietro and his team arrived at the main Headquarters. They proceeded to the meeting hall and found some soldier officers and high officials waiting for the rest. Sumaludo sila bago pumaroon sa kanilang mga upuan. “Captain Xodriga,” a soldier called and greeted him. “Sa unahan ka ho uupo kasama ng ibang mga opisyales.”Pietro went to the stage where four other seats are placed. Naupo siya sa katabi ng Lieutenant. Silang dalawa pa lamang ang naroon. “Ready ka na ba sa report mo?”Tumango siya sa lalaki habang tinitingnan ang paligid. “Mukhang marami tayong pag-uusapan ngayon,” aniya. “Hindi ka nagkakamali riyan,” sagot sa kaniya ng Lieutenant. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay sunod-sunod na dumatin