Share

CHAPTER 69

“Aaahhh!” Malakas na malakas na naisigaw ni Reedz habang nakasabunot ang mga kamay niya sa buhok niya. Halos maglabasan ang litid ng kaniyang leeg at pulang-pula ang kaniyang mukha.

Galit na galit siya ukol sa nalamang kondisyon ng anak. Sa sobrang galit niya ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Mahirap pa’y hindi niya alam kung kanina o kung saan siya nagagalit na siyang nagpapahirap sa kaniyang damdamin.

“Bakit ang anak ko pa?! Bakit?!” Mayamaya ay nasipa naman niya ang bedside table. Nang hindi makuntento ay ang pader ang kaniyang sinipa. Napasuntok din siya. Ilang beses niya iyong ginawa, maibsan lang sana ang nararamdamang galit.

“Reedz, tama na,” pakiusap ni Calynn sa asawa.

Isang suntok pa sa pader ay tumigil na nga si Reedz. Napasandal na lamang siya doon na para ba’y anumang oras ay babagsak ang kaniyang katawan. Wala sa sariling nakanganga siyang nakatingala sa kisame. Hinahabol ang paghinga.

Saglit lamang ay dumausdos ito sa pader at napaupo habang tahimik na lumuluha. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Clifford Macasaet
Update pls
goodnovel comment avatar
Clifford Macasaet
Update pls
goodnovel comment avatar
Clifford Macasaet
Update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status