Sa mga naunang reader nito— inedit ko 'to, kaya balikan niyo 'yong chapter 15 to 16, kasi bagong chapter talaga 'yon. Dinagdag ko kasi sa mga naunang chapter 'yong mga lumang chapter na nauna at pinalitan ko ng latest chapter 'yong 15 and 16.
[Lance]He wants to get back to Rogelio and beat him to death. Beating was not enough compensation for what he had done. Damn! Kill that asshoĺe is the right thing to do!Paano kung hindi sila tinawag ni Birang? Humigpit ang yakap niya sa maliit na katawan ni Letlet na hanggang ay nanginginig pa sa takot.Umalis na si Lola Asun kanina lang. Hindi man lang nito nalaman ang nangyari sa apo.Pagkarating sa bahay ay pinasok niya agad ito sa kwarto niya at inilapag sa papag. Tumayo siya para kumuha ng tubig at basang pamunas rito ng pigilin siya nito sa kamay.Tumayo si Letlet. "M-Magbabanyo ako." Agad na sinalo niya ang dalaga ng matumba ito. Tila kumirot ang dibdib niya ng agad na lumayo ito sa kanya na para bang natakot ito."Sweetheart." Sinundan niya ang dalaga ng lumabas ito ng kwarto at lumabas."Wag kang lumapit sa akin!" Umiiyak na sigaw nito habang nakatalikod sa kanya. "W-Wag mo akong sundan..." Ani nito bago tuluyang pumasok sa banyo.Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pag
SAMANTALA...Nagbigay daan at nagsiyukod bilang pagbibigay galang ang lahat ng empleyado ng Mardones Group Of Companies sa kanilang presidente na bihira lang magpakita at humarap sa mga conglomerates. Taas noo na naglakad sa gitna si Asunta Mardones. Sa bawat galaw ay bakas ang kapangyarihan na animo'y walang kinatatakutan... ngunit 'yon ang alam ng karamihan..."Maligayang pagbabalik, President." Bati ni Vincent Lopez, ang kan'yang kanang kamay at isa sa kanyang pinagkakatiwalaan. Apo si Vincent ng kanyang dating secretary na pumanaw na dala ng katandaan, at dahil malaki ang utang na loob ng pamilya ng mga Lopez sa Mardones ay nagpasya ang mga ito na maglilingkod ng tapat sa pamilya ng presidente.Umupo si Asunta sa kanyang swivel chair na halos walong buwan din n'yang hindi naupuan. "Nakahanap na ba ng lead tungkol sa nangyari sixteen years ago?" "I'm sorry, President, pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago tungkol sa imbestigasyon." Sagot ng binata.Napahilot ang matandang
[Letlet]Nanlaki ang mata niya ng makita na nasa lapag ang matanda at nakahandusay, at dahil nag aalala siya ay agad na lumapit siya rito para alalayan 'tong iupo ng maayos sa higaan kung nasaan ang kasama nito.Pero maagap na lumapit si Lucian para tulungan ito."Kamusta po ang pakiramdam mo, manong?" Ipinakita niya ang limang daliri. "Ilan po 'to?" Binawasan niya ang daliri ng dalawa. "Eh, ito? Ilan 'to?""Letlet!" Malakas na boses na tawag ni Birang, kasama ang mga kababaihan sa kanila.Mukhang na-tsismis agad ng kaibigan niya na mayro'ng imported na napadpad na naman sa kanilang isla. Kaya heto ang mga kadalagahan sa kanila, nag uunahan sa pagpasok sa kwarto ng kanyang Lola. Umubo ang matandang lalaki matapos makahiga sa papag. "S-Salamat." Malat ang boses nito at halata ang panghihina.Tumingin siya kay Lucian.Napansin niya ang pagtitig nito sa matanda at maingay nitong paglunok. Ang matandang lalaki din ay saglit na natigilan ng makita ang pinsan niya, napansin pa nga niya ang
[Letlet]Malakas siyang natawa. Halos sumakit ang tiyan niya dahil sa mga pinagsasabi ni Gian. Silang dalawa nalang ang naiwan dito sa kusina dahil nagbibihis pa si Mang Garry. Dinala na kasi ni Menggay ang mga lumang damit na binigay ng mga taga-isla para may magamit ang mag ama. Si Gian naman ay tapos ng magbihis, ito na nga at nagkukwentuhan sila.Kinuwento kasi ni Gian ang hitsura ni Birang ng makita daw sila nito sa tabi ng pangpang."Ilang beses pang nadapa si Birang habang palayo sa amin ni Dad, habang sumisigaw ng nagsasalita ang bangkay. Tsk, may bangkay ba na nagsasalita?" Napapailing na ani ni Gian, kaya tawa siya ng tawa."Naku, gano'n talaga si Birang kapag inatake ng nerbyos. Hindi nakakapag isip ng tama." Pagdadahilan niya.Ayos naman pala itong si Gian. Mabait naman pala. Saka magaan ito kausap, hindi nakakatakot. Oo, at nailang siya no'ng una, pero hindi na ngayon.Sabay silang nakarinig ng tikhim sa pinto. Paglingon niya ay nakita niya si Lucian. Napangiti siya. "Lu
[Lance]Hindi niya akalain na sa pinakadulo ng gubat ay mayro'ng ganitong lugar.Marami pa talaga siyang hindi alam tungkol sa isla.Bakit ba kasi hindi nabanggit nina Letlet at Lola Asun ang tungkol sa batas? Eh, di sana ay wala siya dito ngayon kasama ang lalaking 'to.Sumama ang mukha niya ng mapatingin kay Gian na katulad niya ay hindi rin maganda ang tingin sa kanya.Sabay silang napatingin sa mga babaeng nakapalibot sa kulungan nila. Halo-halo ang mga narito, mga bata at matanda. Sunod-sunod silang napalunok. Paano ay nakangiti ang mga 'to sa kanila ng nakakatakot—para bang leon na handa silang lapain anumang oras.Kung kanina ay nasa magkabilang dulo sila ni Gian, ngayon ay hindi na—mabilis silang dalawa na umusod sa gitna ng may isang may edad na babae ang lumapit sa kanila. Katulad ng iba ay nangingitim ang mga ngipin nito at nandidilat ang mga mata habang nakatingin sa kanila.Masama silang nagkatinginan ni Gian ng magkabanggaan ang likod nila."Mga binata may paraan ako pa
[Letlet]Pasimple n'yang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Gian."Nagluto nga pala ako ng ginataang isda na mayro'ng mga sili at talong." Kinuha niya ang apat na pagkain na binalot sa dahon ng saging at ini-abot sa dalawa ang mga 'yon. Dahil hindi sila pwedeng pumasok sa loob ng kulungan ay pinanood lang niya si Lucian na buksan ang dala niya. Ang nahuli n'yang isda ang niluto niya para dalhin sa dalawa.Nakita niya na lumapit si Lucian kay Gian, pinagtabi pa nito ang dalawang balot ng ulam na para bang nagmamalaki.Umasim ang mukha ni Gian ng mapansin na napakalaki ng isda na para kay Lucian at sa kanya ay hindi.Ngumisi si Lucian. "Parang pagmamahal 'to ni Letlet. Iyong para sa akin, malaki... at 'yong sa'yo ay maliit." Ani pa ni Lucian saka humalakhak."Tsk, malaki 'yan dahil pinsan ka niya. Balang araw ay sa akin na ang magiging ganyan kalaki." Ani naman ni Gian.Pareho sila ni Birang na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa."Anong ginagawa niyo?" Takang tanong ni Birang.H
[Letlet]Nagmamadali n'yang inabot ang pagkain kina Lucian at Gian. Gusto niya pa sana na magtagal at makausap ang nobyo pero hindi na niya nagawa. Mahirap na at baka maabutan pa siya.Malungkot na naglakad siya pabalik ng bahay. Bakit gano'n? Hanggang ngayon ay tila galit pa rin sa kanya si Lucian? May nagawa ba siyang ikinagalit nito? Ano naman 'yon?Isang malakas na tapik ang nakapagpabalik sa diwa niya."B-Bakit ang lungkot ng mukha mo d'yan? Eh, ako itong hinahabol ng mga babaeng 'yon dahil nagsinungaling ako." Medyo hingal pa si Birang, nakahawak pa ito sa dalawang tuhod ngayon na halatang galing sa malayong pagtakbo. "Grabe ang mga 'yon! Sabik sa mga lalaki!" Palatak pa nito.Nagpatuloy siya sa paglakad at walang kabuhay-buhay na pumasok sa bahay nila, kasunod si Birang."Magandang tanghali, Mang Garry." Bati nila sa matanda. Lumapit si Mang Garry sa kanila. "Letlet, maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa amin ng aking anak rito sa bahay niyo." Tumingin ang matanda kay Birang
[Letlet]Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang naglalaba rito sa dulo ng Hot Spring. Masaya siyang malaman na hindi naman pala galit si Lucian."Ang saya mo yata ngayon, Letlet." Ibinagsak ni Birang ang batya na may lamang labahan. "Parang noong nakaraan lang ay halos hindi maipinta ang mukha mo."Nakangiting pinalo niya ng palo-palo ang malaking damit ni Lucian. "May maganda lang kasing nangyari." Aniya, na pinamulahan ng mukha ng maalala ang naganap sa kanila ni Lucian."A-Aray ko naman, Letlet!" Nagpatalon-talon si Birang habang hawak ang paa. "B-Bwisit ka! Kailan pa naging damit ang paa ko!" "Naku, pasensya na!" MASAMANG nakatingin sa kanya ngayon si Birang habang hawak ang paa na napalo-palo niya."Pasensya ka na, huwag kang mag-alala, nilabhan ko na ang mga labada mo." Dahil kasalanan naman niya ang nangyari rito ay nilabhan niya ang mga labahan nito.Umingos lang si Birang.Nakaramdam siya ng konsensya. Namamaga kasi ang paa nito dahil sa nagawa niya."Magandang umaga, Lu