Share

64. Nagbalik

[Lance]

Niluwagan niya ang suot na kurbata at padaskol na sumandal sa kanyang swivel chair. Noon ay hindi siya nakakaramdam ng pagod sa tuwing pinag-uusapan ang mga bagay tungkol sa negosyo, subalit ngayon ay tila gusto niya agad umuwi ng bahay para uminom ng alak at magmukmok.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mga lumang pictures ni Letlet rito. Nag-zoom in pa siya ng mga pictures kung saan nakangiti ito at halatang masaya pa...

Tumayo siya at nagpasyang umuwi. Gusto niyang magpakalango sa alak ngayon sa kanyang bahay. Habang sakay ng kanyang minamanehong kotse ay panay ang mura niya dahil sa matinding trapik.

"Damn!" Hindi man lang umuusad ang mga sasakyan.

Tila nahahapo na isinandal niya ang ulo sa headrest ng kotse niya, ng hindi sinasadyang napatingin siya sa kanyang katabing sasakyan. Gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mata.

"L-Letlet?"

Agad na binuksan niya ang kotse at bumaba ngunit saktong pagkababa niya ay umandar na ang kotseng katabi niya. Malalakas na busi
SEENMORE

Thank you sa pagbabasa ❤️

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status