NAPABALIKWAS nang bangon si Akihiro nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa n'ya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot.
"Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon.
"Naistorbo ba kita, anak?"
Nagising ang diwa ni Aki pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Ma. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?"
"It's okay, anak. Gusto ka lang sana
"Musuko, sore wa yoi kotodashi, anata wa ie ni iru! Hontōni aitaidesu. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.) bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya.Napangiti naman si Akihiro nang marinig 'yon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama mo hontōni koishī yo! (I really miss you too, Mama.)" nakangiting sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother."Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang mommy nang tanggapin nito ang bulaklak.
"SO, you must be Ysabelle Madriaga?" nakangiting tanong ni Aki sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Naririto siya ngayon sa isang kilalang restaurant upang kitain ang anak na dalaga ni Mario Madriaga--ang business partner ng Papa niya. Ngayon kasi ang nakatakdang araw na makikipagkita siya sa anak nito. Wala rin siyang ideya kung ano ang itsura ng babaeng ka-date. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para alamin pa iyon.Kiming ngumiti ang babae kay Aki saka tumango. Sinuklian rin niya iyon ng matamis na ngiti saka inakay ito patungo sa mesa nila. Pasimple rin niyang pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda ang babae. Isang tipikal na anak mayaman kung titingnan. Maganda, maputi, makinis at elegante. Nakasuot ito ng dress pero medyo conservative ang istilo noon. May manggas kasi ito at may kwelyo."I'm pleased to meet you, Ysabelle Madriaga. Have a sit," malapad ang ngiti na anya
"MALIGAYANG bati sa inyo, Carlos at Hezekiah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Carlos para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't-isa.""Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Carlos sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kan'ya ng ngiti si Hezekiah; isang napakagandang ngiti, saka kumawit sa kaniyang braso ng may paglalambing."O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak."Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Carlos. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiah sa ina. Tumango naman ito
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang Mister saka hinaplos siya sa buhok. "'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dumito na lamang at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula no'ng mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon. "Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito subalit mayamaya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Carlos sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiah ang masuyong tingin ni Car
"TELL ME your reason kups, kung bakit mo kinukop si Hezekiah Delgado?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Akihiro ang kaibigan. "Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa n'yang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Heinz sa kan'ya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito. "Ayon sa report, 16 na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, but we rescued 15 only. The girl who's named Hezekiah Delgado was missing. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae. . . which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah? Bumuntong-hininga si Akihiro saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin kaibigan.
PAGLABAS ni Akihiro sa DISG ay agad siyang dumiretso sa hotel kung saan madalas silang mag-check in ni Zea. Nang marating iyon ay mabilis niyang ipinarada ang sasakyan at dumiretso sa lobby."Hi, I'm Akihiro Tetsuya. I'm with Zea Fuentes," pakli niya sa babaeng receptionist. Ngumiti naman ng matamis ang maganda at sexing babae sa kan'ya saka tila kinikilig pang sumagot."Alright, Sir. Ma'am Fuentes is waiting for you. Her room is number 271, third floor," magalang namang sagot ng babae saka ngumiti muli ng matamis sa kan'ya.Kakaiba rin ang tingin nito, at alam na niya kung anong ibig sabihin n'on. Hindi na 'yon bago sa kan'ya. Pero hindi na muna niya ito papatulan. Sa susunod na lang, wika niya sa isipan habang nakangiti rin dito.
"MAHAL ko, kumusta ang pakiramdam mo? Maayos na ba?" masuyong tanong ni Kiah sa asawa habang marahan niya itong hinahaplos sa buhok.Nasa ospital sila ngayon sa kabayanan dahil bigla na lamang natumba si Carlos habang nagtatrabaho sa bukid. Ayaw na sana niya itong payagan pang magtrabaho subalit mapilit ang asawa niya. Lalo raw siyang magkakasakit kapag naglagi raw siya sa bahay. Kung kaya't wala na siyang magawa kung 'di pabayaan ito. Subalit hindi naman niya akalain na ganoon ang aabutin ni Carlos. Tuloy ay sising-sisi siya.Ginagap ni Carlos ang kamay ng asawa na humahagod sa kaniyang buhok saka iyon dinala sa mga labi. Pagkatapos ay ngumiti siya rito. "'Wag ka nang mag-alala, mahal ko. Maaayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay napagod lang ako sa pag-gapas ng palay."Ngunit alam ni Carlos na kasinungalingan lamang iyon. Alam
"HERE'S your order, Sir. One brandy on the rocks.""Gracias," nakansakaang turan ni Akihiro sa bartender saka dinampot ang baso na may lamang alak.Pangatlong araw na niyang nagsu-surveillance sa El Casa Montenegro ng gabing iyon. Patuloy pa rin ang pangangalap niya ng mga ebidensya na magdidiin sa nasabing club. May mga ilang impormasyon na rin naman siyang nakukuha, pero sa tingin niya ay kulang pa rin iyon kaya naman mas pinaghuhusayan pa niya ang pagmamanman.Gamit ang kaniyang hidden camera na kasing liit ng butones ay kinukuhanan niya ang lahat ng mga kaganapan sa loob. Hindi rin nakaligtas sa camera niya ang mga kabataan na lantarang nag-po-pot session. At dahil doon, napatunayan ni Aki na drug den nga ang lugar at front lamang ang nightclub.