Share

CHAPTER 2. THE MYSTERIOUS GUY

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naka move on sa blind date na 'yun. Nag effort pa ako na puntahan ang Elon na 'yun tapos hindi din pala siya kagwapohan. Si Shanella kasi nkakainis!

Kung may makikilala akong lalaki na kamukha ni Piolo Pascual paniguradong hindi na siya makakaligtas sa akin. Pakiramdam ko parang sinumpa ako pagdating sa pag-ibig dahil lahat puro palpak. Nawawalan na rin akong ganang humanap ng true love. Baka nga tama ang sinasabi nila na waiting is key.

"Erin, galit kapa rin ba sa akin dahil sa nangyari kagabi? Pasensiya kana ha hindi ko din naman alam na pangit pala ang totoong Elon na 'yun. Nadala kasi ako sa kabaitan niya tsaka magaling din siyang magsalita through chat kaya siguro naniwala ako. Nagkataon lang naman na taken na ako kaya ikaw ang naisipan ko na ireto sa kanya," paliwanag naman sa akin ni Shanella.

Magkatabi kami ngayon sa kama niya dahil dito ako natulog kagabi.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Sa susunod Shanella huwag mo na akong idamay diyan sa kalandian mo ha. Palagi akong napapahamak eh! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag mo ng pilitin na makahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin dahil malas ako pagdating sa pag-ibig!" inis na sabi ko naman sa kanya.

Hinampas niya naman ako ng unan. "Hoy! Walang malas sa pag-ibig 'no! Baka hindi pa ngayon ang time para sa'yo, baka kapag dumating na ang lalaking 'yun buntis ka kaagad!" aniya sabay tawa nito.

"Huwag mo akong itulad sa'yo!" Inis na sabi ko sabay bangon sa kama.

"Ito naman napaka seryoso, ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin? Parehos lang naman tayo na naghahanap ng taong magmamahal at mamahalin din ng tapat. Kaya kapag may tao akong mamahalin balang araw, kahit sino pa ang hahadlang ay papatayin ko para lang makuha ko 'yung akin," aniya.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Para bang may ibig sabihin ang mga sinasabi nito at ang sama ng tingin sa akin.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman pinulot niya iyon sa itaas ng table na nasa tabi lang ng kama.

"Wait, sasagutin ko lang 'to!" Lumayo siya sa akin at sinagot kung sino ang tumatawag.

Medyo naninibago ako sa mga galaw niya dahil dati kapag tumatawag ang boyfriend niya hindi naman siya lumalayo sa akin at pinaparinig pa nga niya minsan para lang painggitin ako.

Pagkatapos niyang kausapin ang tumawag sa kanya bumalik naman siya sa kinaroroonan ko at malapad na nakangiti.

"Sino 'yun?!" takang tanong ko.

"Boyfriend ko," aniya.

"Ah ganoon ba! Sana all hindi nawawalan ng boyfriend," sabi ko naman.

"He ask me for a date today so ikaw bumalik kana doon sa condo mo at kailangan kong umalis," sabi naman niya sa akin.

"H-Hindi mo ako isasama?" tanong ko naman sa kanya.

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya. "Hindi! We have a lunch together with his family tapos sasama ka? Ano ka doon? Chaperon ko?!" mataray naman na sabi nito.

Minsan hindi ko din gets itong babaeng 'to. Minsan mabait minsan mataray at higit sa lahat minsan mayabang.

Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya sa akin. Lumabas nalang ako ng condo niya at pumunta sa sarili kong condo.

Nakakatampo si Shanella but i understand naman that she wants a privacy.

Nang makarating ako sa condo kaagad kong binuksan ang tv at nanuod ng movie ni Piolo. Sobrang hottalaga ni Piolo kapag n*******d. Mapupula din ang kanyang labi na tila ba ang sarap s******n.

Kahit wala pa akong experience sa sex alam ko na n*********n ako pagdating kay Piolo. Sobrang obssessed ako sa kanya talaga.

Kung mahahawakan ko lang siya ngayon baka nilapa ko na siya ng halik at baka siya pa ang makauna sa akin.

"Ohhhhh! Piolo, sana naman kahit sa panaginip lang iparamdam ko sa akin ang sarap ng hagod ng dila mo!" sabi ko habang tinititigan siya sa telebisyon.

Tila ba may kiliti akong naramdaman habang hinahaplos ko ang aking sarili. Iniimagine ko na si Piolo Pascual ang gumagawa sa akin ng ganoon. Napapapikit pa ako.

"Shit!" Kaagad akong tumayo sa sofa habanv pinapapawisan. "Ano ba ang ginagawa mo Erin? Nagiging manyak kana rin kagaya ni Shanella!" saway ko sa aking sarili.

Bakit ba 'yun ang iniisip ko? Hindi ba may paninindigan ako na hindi ko ibibigay ang virginity ko sa isang lalaki kapag hindi niya ako pinakasalan?

Tumungo nalang ako sa banyo at naligo. Pagkatapos, naisipan kong pumasyal. Isang linggo na leave ang boss ko ngayon at pati na rin ako. Mabuti nalang at wala akong trabaho ngayon, nang sa ganoon ay mababawasan din ang stress ko.

Nagbihis ako ng bago kong damit at lumabas.

Naisipan kong mamasyal sa Mall para bumili ng bagong sapatos dahil sira na ang lahat ng sapatos ko.

Nang makarating ako ng Mall ay kaagad akong namili ng mga sapatos. May napansin akong isang babae at isang lalaki sa di kalayuan. Naghahanap rin sila ng shoes. Naka holding hands pa ang mga ito. Nang biglang humarap ang babae sa akin nakita ko na si Shanella iyon. Tatawagin ko sana siya pero naalala ko na ayaw niya pala akong kasama kaya mas minabuti kong magtago para hindi niya ako makita.

Ang lalaki naman ay nakatalikod lang din.

"Babe, this shoes is really nice! I like it!" ani ni Shanella sa lalaking kasama niya.

Napakalandi talagang magsalita ng babaeng 'to talagang mapapailing ka nalang kapag narinig mo.

"Then, get it!" ani naman ng lalaki.

Ang gwapo ng boses ng lalaki. Mabilog na masarap pakinggan sa tenga. Hinihintay ko na humarap ang lalaki para makita ko pero wala talaga.

"Soon, ikakasal na tayong dalawa hindi ba? Are you excited? Kasi ako sobrang excited ko na," ani ni Shanella sa kanya.

Ikakasal? Meaning fiancee na niya ang lalaking 'to? Bakit wala manlang siyang nabanggit sa akin?

Halata sa mga kilos ng lalaki na mayaman siya at kapag nagkataon ang swerte ng bestfriend ko sa kanya.

"Of course, excited na rin ako! But, huwag muna nating isipin ang marriage kasi alam mo naman na may dapat pa tayong gawin. Alam mo naman kung ano ang plano ni Dad hindi ba? We need to do our job Shanella," ani ng lalaki kay Shanella.

"Oo naman! Iyon na nga ang ginagawa ko sa ngayon eh. Nakuha ko na ang tiwala niya, i take it easy dahil baka makahala siya sa akin. Alam mo naman na matalino 'yun baka naman mahalata ako kaagad edi sira ang lahat ng pinaghirapan ko," ani naman ni Shanella. "And besides, she believe in me kaya madali ko siyang mauuto. I can get what i want at sisiguraduhin ko na makukuha ko ang pakay natin sa kanya," dagdag pa niya.

Hindi ko naiintindihan kung sino at tungkol saan ang pinag-uusapan nilang dalawa pero isa lang ang sigurado ako, na ang planong sinasabi nila ay masama.

"Good! Kaya naman pala gusto ka ni Dad para sa akin dahil ang bilis mong kumilos. I excited to meet her soon nang sa ganoon ay makilala ko na rin siya," ani naman ng lalaki.

"Hmmm! Baka naman mainlove ka doon ha! Patay ka sa akin!" sabi ni Shanella na para bang nagseselos.

"Bakit naman ako maiinlove doon? Mas maganda at sexy pa ba 'yun sa'yo?!" Kitang kita ko ang paghaplos ng lalaki sa puwet ni Shanella.

Nakakadiri naman ang lalaking 'to kahit sa public minamanyak ang kaibigan ko.

"Let's go na nga!" ani ni Shanella sabay hila sa kamay ng lalaki.

Pagkatapos nilang umalis ay lumabas naman ako sa pinagtataguan ko.

Biglang sumama ang tingin ko sa aking kaibigan. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na nagpaplano sila ng masama sa kanilang kapwa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status