Enjoy po...Maraming salamat sa mga nagbabasa at nag-add sa library nito.
"What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma
“May masakit ba sa'yo, Erica? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong Reynald. Hindi ko napigil ang pagsalubong ng mga kilay ko. Rinig ko pa ang labas sa ilong na tawa ni Myra. " 'Wag mo nga akong hawakan," sita ko, sabay tampal sa kamay niya at tinulak pa siya. Ang lakas ng loob niya na haplusin ang pisngi ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinahid ng paulit-ulit ang pisngi ko na parang diring-diri sa ginawa niya."Erica, sorry, concern lang naman ako. Baka kasi may iba ka pang nararamdaman o baka may iba pang masakit sa’yo. Balik na lang kaya muna tayo sa clinic. Pahinga ka muna do'n—""Pwede ba, Reynald. Tigilan mo na itong fake mong pagbait-baitan," madiin kong sabi saka nilampasan siya."Reynald, isip ka ng ibang tactic. 'Di umobra ang pagbait-baitan mo," pang aasar pa ni Myra, bago sumabay sa paglalakad ko."Haba ng hair mo today! Um-effort si Papa Reynald, 'yon nga lang hindi umobra sa nerd,” ngisi na naman nitong sabi at panay din ang lingon niya. Hindi ko alam kung sumusun
Paulit-paulit akong napapailing. "You like me huh?" naiirita kong tanong. Sarap supalpalin ng bibig niya. Sinadya niya pang lakasan ang boses, halatang kumukuha ng atensyon sa mga taong dumadaan. Gusto yata nito na dumugin ako ng lahat. Ngiti at paulit-ulit na nagpagtango ang sagot niya kasabay ang paglapit sa akin. "D'yan ka lang." Pandidilat ang kasabay ng sinabi ko. May kasama pang duro. Akmang hahawakan na naman niya kasi ako. Feeling talaga 'to. "Erica, hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina? Pinagtanggol na nga kita sa mga kaibigan ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin, maniwala ka lang na gusto kita?" Nasapo ko ang noo ko. Gusto ko pa nga sanang tumawa ng tumawa, pero baka naman isipin niya na natutuwa ako dahil gusto nga raw niya ako. "Feeling dehado ka rin 'no? So, gusto mo magpasalamat ako dahil you chose me over your friends? Tingin mo, happy ako dahil gusto mo ako? Gusto ako ng isang Reynald Punzalan—ang pantasya ng mga kababaihan na saksakan ng yabang at kamanyakan." Hi
Yuko ang ulo at parang wala sa sarili akong naglalakad papunta sa school. Paanong hindi ako mawala sa sarili, demonyo ang kapareha ko sa project. Buo ang loob ko na ipasa ang lahat ng subjects ko para maka-graduate at maka-alis na sa paaralang ‘to. Paano pa mangyayari ‘yon? Hindi ko nga alam kung paano e-approach si Justin. Hindi ko alam kung paano namin gagawin ang project.“Erica,” mahinahong boses ang narinig kong tumatawag sa akin, pero hindi ako nag-abalang pansinin. “Good morning,” sabi pa nito habang nasa tabi ko na. “Sayang, ako na lang sana ang partner mo, at hindi ang pinsan ko." Napilitan akong lumingon. Kaagad sumalubong ang fake na ngiti ni Reynald. Gusto ko nga sanang talakan na naman. Pero wala na nga akong energy. Naubos kahapon. “Tingin mo, gusto kitang maging partner?” medyo gigil kong tanong. “Alam ko namang ayaw mo rin akong maging partner, but me, gustong-gusto ko. Ang malas lang at si Myra pa ang partner—”“Wow! Ikaw pa talaga ang malas?” biglang sulpot ni My
“Ano na naman ang ginawa mo, Justin?” Narinig kong sigaw ni Reynald kasabay ang pagbagsak sa mga bigsig niya. “Wala akong ginawa, Reynald—” “Ano ba? Talagang magtatalo pa kayo? Kita n’yo na nga na kailangan ng tulong ang kaibigan ko!” sikmat na sabi naman ni Myra, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. “Erica?” Kapa ko ang ulo ko, at hindi pa kaagad maidilat ang mga mata. “Erica, pinag-aalala mo ako,” Nag-aalalang mukha ni Myra ang bumungad sa akin pagmulat ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sabay hawak sa noo ko. “Ang init mo pa.” “Ayos na ako, at saka, hindi pa naman ako mamamatay,” sabi ko sabay naman ang paggala ng paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. “Hindi mamamatay! Bunganga mo din minsan walang preno. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo,” sita nito sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako nandito?” tanong ko habang ang tingin ay nasa dextrose bag na nakasabit sa stand. Napatingin din ako sa kamay kong balot na balot. “Ewan sa’yo, Erica! Tatano
"Oo, ayoko na magkaroon ng utang na loob sa'yo!" sagot ko. Nagulat ako sa biglang pagdating at pagsabat ni Reynald, pero agad ko namang nasagot ang tanong niya. Pasikmat pa nga, para ramdam na ramdam niya na ayoko at hindi ako natutuwa sa tulong na ginawa niya. Rinig ko ang pahapyaw niyang tawa na sinundan ng buntong-hininga. Um-acting na naman siyang affected sa sinabi ko. "Erica, alam mo, ang hirap at ang sakit mo palang gustuhin—""Pinsan, pinaggagawa mo sa sarili mo? Nagmumukha ka nang tanga. Tigilan mo na nga 'yang bait-baitan mo. Lalo na ang drama mo. Hindi bagay sa'yo." Napapikit ako ng todo nang marinig ang boses ni Justin.Kahit saan na lang ay bigla na lang sumulpot ang mga demonyo na 'to. Ewan ko ba kung bakit lagi kaming nag-aabot. Para kaming may mahabang tali sa mga kamay na hindi maputol-putol. "Ano ba naman 'to? Akala ko makapagpahinga ako ng maayos ngayon, hindi pala. Hanggang dito kasi sa hospital, boses at kayabangan pa rin ng mga demonyo ang naririnig ko," nangh
Mapakla akong tumawa. “Wala… wala akong tinatago, Myra. Bakit ba iyan kaagad ang pumapasok sa utak mo?” tanong ko sabay iwas ng tingin.“Kasi nga, ang weird mo. Wala ka nga bang tinatago?” tanong nito ulit.Ang kulit din talaga niya. Umiling na lang ako. Kaya lang tingin niya ay nagdududa pa rin. "Ang totoo, kaya ayokong pumasok ka sa kwarto ko, hindi kasi ako komportable—hindi ako komportable na may ibang tao na pumapasok sa comfort zone ko, Myra. Nakakahiya. Makikita mo pa ang mga kalat ko.” putol-putol kong palusot.“Makalat ka?” tanong niya na para bang hindi makapaniwala na makalat akong babae.Tipid akong ngumiti. “Kita mo naman siguro ang buhok ko at hitsura ko. Ang kalat, hindi ba? Malamang kwarto ko mas matindi pa ang kalat.” Hindi na siya nagsalita, nakamot na lang niya ang ulo, pero wala pa ring pagbabago sa tingin niya na parang binabasa pa rin ako. “Totoo ang sinasabi ko, Myra. At saka, ayoko rin kasi na hawakan ng ibang tao ang mga gamit ko. Sanay nga akong mag-isa—san
“Anong sabi mo? Nilandi ko ang pinsan mo? Hindi ba't the nerd ang tawag mo sa akin, nag-level up na ba? Naging malanding the nerd na?” Ramdam ko ang pagsingaw ng init sa ulo ko. Kumulo ang dugo ko. Bumitiw ako sa stand. Kung kanina ay lumalayo ako nang lumapit siya. Ngayon ay ako naman ang lumapit. Gusto kong hampasin ang mukha niya. Nakakapanggigil. Walang kurap akong tumitig sa hambog niyang pagmumukha. Naikuyom ko pa ang kamao ko sa puntong halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko.“Maang-maangan ka pa, pumatong ka nga—”Mapakla akong tumawa. Napapailing pa ng paulit-ulit. “Iyan ba ang sinabi niya? Pumatong ako? At talagang naniwala ka? Kung ikaw kaya ang patungan ko? Tatayuan ka ba?” walang preno kong tanong. Nasobrahan yata ako sa tapang ngayon at kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig ko. Nahiya akong bigla. Parang umurong ang dila ko at bigla rin akong nanghina. Pero pinilit kong ‘wag magpahalata. Nagtapang-tapangan pa rin ako, kahit ang totoo ay naduduwag na naman ako.