LAKING pasasalamat ko dahil umalis sila Eugene isang oras matapos kong makita ang muka niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na kamukang-kamuka niya si Ivan. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang ama ng kambal pero bakit kamukang-kamuka niya ang anak ko?! Arghh! Masisiraan ako ng bait e! Dahil sa nalaman ko hindi ako makapag focus ng maayos sa trabaho, mabuti nalang at kahit papaano may nagawa ko. Actually, hindi ko naman talaga kailangan na mag trabaho ngayon dahil katatanggap lang saakin pero gaya ng sabi ko gusto ko magpakita ng magandang impression kahit na hindi maganda ang pagkakakilala ko sa boss ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:30 na pala ng hapon. Sigurado akong uwian na ng kambal ngayon. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano kung totoong si Eugene ang ama nila? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila lalo na sinabi ko pa naman na iniwan kami ng daddy nila. Isa pa paano ko nga ba malalaman na siya talaga ang ama ng kambal? Ipa-DNA ko kaya? Napatapik a
“E-EUGENE ALVAREZ?!” Sabay na sabi ni Irene at Kayla na halos pa sigaw na nga dahil sa pagkabigla nila. Tumango naman ng sunod-sunod si Kylie dahil doon. “Yes po mommy, he told us that she knows you. Is he, our daddy? He looks exactly like kuya!” Napakurap si Irene dahil sa tanong ni Kylie. Napatingin siya kay Kayla at kita niya na pinanlakihan siya nito ng mata na tila sinasabi na magpaliwanag ka saakin mamaya. Napabuntong hininga siya dahil doon at muling tumingin sa mga anak. “Can mommy not answer that question? I’m so tired today, I want to sleep early.” Napa cross finger si Irene sa ilalim ng kanilang lamesa matapos niyang sabihin iyon. “Oo naman po mommy! Kylie, stop asking mommy questions. For sure she was very tired,” Napatingin siya kay Ivan dahil sa sinagot nito na iyon. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa sinabi ng kaniyang panganay. Kahit na nakangiti ito sa kaniya ay alam niya na nagtataka na ‘rin ito. “Ganon po ba? It’s okay mommy! Kami nalang po bahala dito at
MAAGANG pumasok si Irene dahil pursigido pa ‘rin siya na ipakita na hindi magsisisi sila Eugene na tinanggap siya nito bilang secretary niya. Ngunit ang akala niyang maayos na kaniyang pagpasok ay hindi pala. “Hey you!” Narinig niya ang sigaw na ‘yun pero hindi siya lumingon tutal wala naman pangalan niya. Ngunit napahinto siya ng biglang mayroong humila ng kaniyang buhok na ikinatigil niya sa paglalakad. “Arghh!” daing niya. “Kapag tinatawag ka huminto ka! Kebago-bago mo dito maka-asta ka kala mo kung sino?! Anong pinagmamayabang mo na ikaw ang secretary ni boss?!” Napakunot ang noo niya dahil doon at laking pasasalamat nalang niya dahil binitawan na ng kung sino mang babaeng iyon ang kaniyang buhok dahil kung hindi hindi siya magdadalawang isip na gantihan ito. Napatingin siya sa kaniyang likuran kung saan andoon ang babaeng galit na galit sa kaniya o tamang mas sabihin na inggit? Hindi iyon ang unang beses na nakaranas nang ganon si Irene dahil sa totoo nga ay mas marami s
PAGKALABAS ni Roger ay agad siyang nag punta sa elevator upang habulin si Irene ngunit napansin niya na walang gumamit doon kaya isang daan lang ang alam niyang dinaanan nito ay sa hagdan. Dali-dali siyang pumunta doon at tatakbo pa sana pababa ng hagdan ng matigilan siya dahil nakita niya ito na nasa sahig na at tila nanghihina. “Irene!” Narinig ni Irene ang boses ni Roger ngunit wala siyang lakas para lingunin ito o kahit pigilan manlang na lumapit sa kaniya. Ayaw niya sana na may makakita sa kaniya sa ganoong sitwasyon ngunit hindi niya makontrol ang kaniyang sarili. Nasasaktan siya dahil sa nalaman mula kay Eugene, naisip niya na ang tingin sa kaniya ng lalaki ay madaling bayaran at pera lang ang mahalaga. Ang mas ikinainis pa niya ay nadamay pa ang kaniyang mga anak. Nang marinig niya ang pangalan na matagal na niyang hindi naririnig o naiisip manlang ay doon palang nagsimula na siyang mahirapan huminga. At nang makilala niya si Hannah ay doon na siya tuluyang hindi makahing
Naiwan naman si Roger na hindi makapaniwala at napaupo nalang sa waiting chair na naroroon sa gilid. ‘Trauma? Hindi kaya may kinalaman ito kung bakit ang pamilya na ni Hannah ang may hawak sa negosyo nila Irene?’ Biglang nabuhayan si Roger dahil sa naisip niya na iyon. ‘Tama! Tapos ayon kay Eva si Hannah ang babaeng nakasama ni Eugene six years ago samantalang si Irene iyon!’ Agad na napatayo si Roger dahil doon at kinuha ang kaniyang cell phone at mayroong tinawagan. “Kung nagawa niyang akuhin sitwasyon na dapat si Irene naman talaga ibig sabihin hindi maganda ang relasyon nila. Ibig sabihin alam ‘din ni Hannah ang nangyari six years ago…” Nabuhayan si Roger ng mag ring ang linya sa kabila, after how many days nakontak niya ‘din ito. “Hello—” “Mason! Nasaang lupalop ka ba ng mundo at hindi kita makontak ng ilang araw?!” Putol na sabi niya kay Mason na siyang tinawagan nito. “Kuya Roger! Wahh! Palit nalang tayo! Hirap na hirap na akong hanapin ang babaeng walang muk
BAGO pa ‘man tumawag si Roger kay Mason ay nagising na si Irene kung kaya agad niya itong nilapitan at tinanong kung ayos lang ba ito. “N-nasaan ako?” Ngunit ‘yan ang nakuhang sagot ni Roger mula kay Irene. “Hindi mo ba naaalala? Hinimatay ka kanina sa elevator. Sabihin mo nga saakin ang totoo Irene? Sinaktan ka ba ni Hannah? Hindi ba pinsan mo siya?” Gulat na napatingin si Irene kay Roger dahil sa sinabi nito. Hindi na siya nagulat pa tungkol sa alam niyang pinsan niya si Hannah pero ang tanong nito kung sinaktan ba siya ng babae, doon siya nagulat. Napatahimik siya sandali dahil doon at napayuko. Agad siyang nakaramdam ng takot, takot na baka maulit ang ginawa ng tito at tita niya sa magulang ni Kayla. Biglang pumasok sa isip niya ang nakangiting niyang mga anak kung kaya agad siyang tumingin kay Roger at hinawakan ang kamay nito. “M-manong tulungan mo ako! T-tulungan mo kami ng mga anak ko! Baka—b-baka kami ang saktan nila kapag nalaman nilang buhay pa kami!” Natigilan si R
Nanlaki ang mata ni Kayla dahil sa kaniyang narinig at ang kaninang inaantok ay bigla nalang nabuhayan at dali-daling binuksan ang pinto. Napanga-nga siya ng makita doon si Eugen Alzarez na sa social media niya lang nakikita! “Ikaw nga! Grabe kamukang-kamuka mo si Ivan—” Agad na napatakip ng bibig si Kayla dahil sa kaniyang sinabi ngunit hindi niya napansin ang pagkuyom ng kamao ni Eugene. “E-eugen calm down. Maaaring tulog na sila Irene at ang mga bata,” mahinang bulong ni Roger dito na kinakabahan pa. “Tulog na talaga sila, kaso si Irene kasi may lagnat kaya—” “Fever?!” Nagulat si Kayla ng biglang sumigaw si Eugene at dali-daling pumasok sa loob na ikinaiwas lang ni Kayla. “E-eugene ‘wag kang maingay tulog sila!” lapit na sabi ni Roger dito at huminto naman si Eugene. Si Kayla naman ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Eugene lalo na at gusto na niyang tumili dahil sa inaasta nito. Narinig lang nito na may lagnat ang kaibigan niya ay nagalit na ito agad. Napaatras siya n
EUGENE AGAD kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang sinabi ni Mason. Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig kahit na naka-aircon dito sa office ko at nagsimula na ‘ring manginig ang aking kamay habang tinatawagan si Roger. Paanong nagawa niyang ilihim saakin ang totoo?! “Sh*t!” Inis na sabi ko ng hindi ko makontak si Roger dahil mayroon pa itong kausap sa kabilang linya. Kailangan ko siyang hanapin para alamin ang totoo! Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko ngunit hindi ko inaasahan na muli akong mapapa-upo sa swivel chair dahil sa panghihina ng tuhod ko. Doon ko lang naramdaman na sobra na ang panginginig ng katawan ko at sobrang bilis ‘din ng tibok ng puso ko. Napapikit ako ng muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mason. Hindi ako makapaniwala, hindi ko inaasahan ito pero bakit nga ba hindi ko pinaniwalaan ang puso ko na kakaiba na kung tumibok noong una at pangalawang beses ko siyang nakausap? Naalala ko six years ago, parang na-hypnotize ako sa boses niya at pinang