Share

Sorry Or Not Sorry

Tinanggal ko ang sapatos at naupo sa sofa. Tulog na yata ang mga katulong. Humikab ako dahil inaantok na. Inayos ko ang pagkakahiga sa sofa. Malapad naman kaya kumasya ako. Nilalamig din ako dahil sa suot ko.

Dala na rin ng kapaguran ay nakaidlip ako kaagad. Ilang saglit pa, nakaramdam ako na parang lumulutang ako sa ere. Nanaginip yata ako na si Princess Jasmine yung sa Aladdin. Hinayaan ko nalang yun dahil sobrang inaantok ako.

Kinabukasan. Nagising ako na nakasuot ng nightgown may nakatakip na kumot. Nasa kwarto na pala ako. Hay! Naglalakad akong tulog. Imposible yun. Tapos ang malala, nakapantulog pa ako. Ipinilig ko ang ulo para muling alalahanin ang lahat. Walang pumapasok kahit yata pukpukin ang ulo ko.

Naistorbo ang pag-iisip ko dahil sa isang boses. "You must have your breakfast." Tumingin ako sa kanya. Hindi siya nakangiti o kahit nakasimangot. Hindi ko tuloy alam kung anong mood niya.

"Pwede tayong mag-usap kahit sandali?"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status