Share

Cross path

Kinabukasan ay maaga syang pumasok, ayaw nya muna kasing masermonan ng kanyang department head, dahil masakit talaga ang ulo nya, tinulungan nya ang bunso nyang kapatid sa project nito, na nasa grade five na ngayon, busy na rin sa pag aaral ang isa nya pa na kapatid para matulungan ang bunso nila, ayaw na rin nya abalahin ito, dahil nasa College na ito at kumukuha ang kursong HRM, umuwi lang sya kahapon dahil linggo at nakiusap ang Mama nya, dahil halos kalahating taon na syang hindi umuuwi.

Agad na umupo na sya sa designated room para sa hiring, dalawa lang sila na mag iinterview, at magkaiba sila ng kwarto, kaya naman sya lang mag isa dito isang mahabang table at dalawang silya sa harapan ang makikita dito, bukod sa mga flower vase at glass window sa bawat gilid ng silid, binabaan din nya ang AC, para mawala ng bahagya ang sakit ng ulo nya, nag dala na lamang sya ng cardigan para isuot kung sakali man na lamigin sya.

Tumuntong ang alas otso ng umaga at in-inform na sya ng kanyang katrabaho na magsisimula ng ng interview kaya naman inubos na nya ang tubig na hawak nya para maibsan kahit paano ang sakit ng ulo na nararamdaman nya, hindi maganda kung mag iinterview sya na ganito ang nararamdaman, nagsisi tuloy sya na hindi kinain ang umagahan na inaabot sa kanya ni JC, kaya siguro sumasakit ang ulo nya.

Isa isa nang pumasok ang mga aplikante para sa mga posisyon na binakante nila. Puro may mga ipagmamalaki ang mga tao na nakakausap nya, kadalasan ay graduate with flying colors, kaya naman natutuwa ang dalaga sa kanyang mga nakakausap, pero ang ilan ay tila hindi handa, kaya naman imbes na mag interview lang, nag encourage pa sya ng mga applicants, nagmukha pa tuloy counseling sa ilamng aplikante kaysa sa Job interview.

Halos patapos na din ang interview, isang folder nalang ang natitira kaya naman agad nya nang pinapasok. 

"Good morning, Ma'am." Bati sa kanya ng pumasok na aplikante, sandaling tinignan nya ito, pamilyar ang mukha nito na para bang nakita na nya ito, hindi lang matandaan kung saan. 

"Good morning, you must be Mr.-" agad na binuksan nya ang folder nito para mabasa kung ano ang surname nito. Vanth

"It's Vanth, Zander Jaxon Vanth." Sandaling napatitig sya sa resume nito. Hindi lang pala pamilyar ang pangalan nito. 

Jaxon.

Sobrang tagal na din simula ng marinig nya ang pangalan na yon, na hindi nya inakala na maririnig pa nya, dahil sa lawak ng mundo na 'to, imposible na mag kita pa ang dati nang nagkahiwalay, at ito din ang huling tao na gusto niyang Makita, dahil naalala nya ang kaibigan nya na nawala dahil sa kagagawan nya, at hinding hindi nya ito mapapatawad.

"Ma'am?" Napabalik sya sa reyalidad ng maramdaman nya ang marahang pagtapik sakanya. 

"Ah, yes. I'm sorry, alright Mr, please take your seat." Sabi nya, dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa din ang lalaki sa kanyang harapan. Tumango naman ito at umupo. 

Naramdaman nya ang isang pamilyar na pakiramdam sa tiyan nya, na para ba'ng may mga paru-paro na lumilipad. Bwisit na yan. Tumigil kayo, wag nyo ko traydurin pwede ba?

"So you came from US, why'd you want to have this job?" Unang tanong nya. Pinilit nyang maging kaswal sa harapan nito, kailangan, I have to be professional, kung sya ang kailangan ng kumpanya, pero sana ay hindi.

"I just want a job." Hinintay nya na magsalita pa ito, dahil baka nag iisip sya, pero wala na pala itong kasunod, kaya tinignan nya ito, at tinaasan ng kilay habang isinusulat ang sagot nito, kahit medyo walang kwenta, kailangan ito for evaluation, at reference kung sakali man na may mangyari. 

"That's it? You just want a job?" Tumango naman ang lalaki, at ngumiti. 

"Yes, may problema ba don?" Halos sabunutan nya ang lalaki dahip sa sagot nito. Kahit kelan talaga, hindi talaga magbabago. 

Ibinaba nya a folder nito at tinignan ang lalaki sa harapan nya. 

"Mister, hindi ka ba nasabihan kung ano ang vacant position namin? Ni hindi ka manlang ba nag basa? Countless people wants this job that you’re applying for, and you came here, telling me that you just wanted a job? You’re wasting our time, if you’re not serious about this then leave." Mababa at nakangiti nyang sabi. 

"Ah, yeah, sorry, this is my first time applying for a job." 

Muntik na syang matawa sa narinig nyang sagot, pero hindi nya magawa, kaya ibinalik na nya ang copy ng resume ng lalaki, wala nang kapupuntahan ang usapan na to, lalo pa at walang kwenta ang kausap mo, hindi mapigilan ni Disha na sabihin sa sarili nya. 

"Okay, we'll call you kung ikaw ang napili namin. Thank you, have a nice day, Sir." 

"Really? Bakit hindi nyo pa sabihin kung tanggap ako o hindi? So i will not have to wait?" Aroganteng sagot ng lalaki, na nag pataas ng presyon nya, figuratively.

.

Pero imbis na patulan nya ito, ay nginitian pa nya. "Mister, I have a question." 

Tumaas ang kaliwang kilay nito, indikasyon na hinihintay nito ang sasabihin nya. 

"Naranasan mo na bang sabihan ng pangako, tapos pinanghawakan yon ng pinagsabihan mo, then all of a sudden biglang nawala yung nangako?" 

Nagtaka naman ang lalaki sa tanong nya, gayunpaman, sinagot nya ito. 

"Hindi pa." 

Tumango ang kausap nya. "Well, mararanasan mo yon kung hahanap ka ng sagot sa akin ngayon." 

Kita ang amusement sa mukha ng lalaki dahil sa sinabi ng kausap nya, kaya naman ngumiti at tumango bilang sagot. "Okay, okay, I get your silly point miss, and I love the idea, well anyway, i'll wait for the call, then." Sabi ng lalaki at tumayo, tsaka dumiretso sa pinto para lumabas na ng kompanya, nang bigla syang may maalalang itanong dito. "Anyways, what's your name?" 

Nginitian lang sya nga babae. "I'm Elara Callista, long time no see Jaxon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status