Share

Chapter 3

Habang nasa loob ng elevator ay hindi maiwasang kabahan ni Ava, siya lang kasi ang mag isa sa loob kaya naman kinakabahan na talaga siya.

Tapos si Andrea ay hindi pa siya sinamahan kaya eto siya ngayon halos atakihin na sa kaba

Sa 50th floor pa ang opisina ng 'amo' niya pero hindi pa man din siya nakakalapag sa floor na yon ay huminto ang elevator at nagbukas

Pagbukas nito ay bumungad sa kanya ang isang napakagwapong lalaki, sobrang gwapo nito, mukha siyang greek god.

With his deep blue eyes, sharp jaw, pointed nose and kissable lips, Ava can't stop herself but to gawk at him

Hindi niya namalayang ganon din pala ang lalaki sa kanya, nakatitig din ito sa kanya ng malalim kaya halos ma-estatwa siya sa kinatatayuan.

Ilang segundo silang nagtitigan bago nagpasya ng lalaki na pumasok na rin sa elevator, wala itong pinindot na floor kaya nagtaka si Ava

"Aren't you gonna press your floor sir?" Tanong niya rito pero di niya alam kung bakit bigla nalang itong natawa

"No need, mukhang pareho naman tayo ng pupuntahan" pagkasabi niya non ay mas lalong kumunot ang noo ni Ava.

Ha?

Magtatanong pa sana siya kaya lang bigla nang bumukas ang elevator door indicating na nakarating na siya sa 50th floor.

Naunang lumabas ang gwapong lalaki sa kanya pero halos manlumo siya nang marinig ang mga bati ng mga tao sa paligid

"Good morning Mr. De Luca" sabay sabay ang bati ng mga tao kaya napatigil sa paglalakad si Ava pero sa paghinto niya ay humarap sa kanya ang lalaki saka ngumisi

"Halika na Miss Fernandez, marami pa akong idi-discuss sayo" with that ay dere-deretso na itong naglakad patungo sa opisina nito leaving her stun

Wait?? Paano niya nalaman ang apelido ko?

Hindi niya alam girl, hindi naman Fernandez ang apelido mo

Shut up brain!

Nahihiyang naglakad si Ava pero huminto siya nang magsalita ang isang babae

"Akin na po muna ang blazer niyo Ma'am" mahinahong sabi ng babae, Lopez ang nakalagay sa nametag nito

"Here" Ava said handing her her blazer, ngumiti naman sa kanya si Ms. Lopez pero makalipas ang ilang minuto ay nawala ang ngiti nito at basta tinitigan siya

Omg

"U-Uhm...bakit?" Tanong niya dahilan para mapailing si Ms. Lopez

"Ah wala wala po Ma'am, para kasing pamilyar kayo e...pero nevermind siguro kasi magkamata lang kayo kaya ganon...pumasok na po kayo sa opisina ni Sir ma'am" with that naiilang na tumango si Ava saka tumungo na sa opisina ni Mr. De Luca

Pagkapasok na pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang napakagandang opisina ng Amo niya, sobrang linis at elegante ng mga kagamitan, merong malaking center table tapos may dalawang mahabang couch.

Sobra siyang nagandahan sa paligid kaya di niya namalayang tinatawag na pala siya ni Mr. De Luca

"Miss Fernandez" pagtawag muli nito, nahihiyang napayuko si Ava

"S-Sorry po, ang ganda lang ho kase ng opisina niyo"

"Oh well...thanks, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ka narito, alam mo rin naman siguro yon diba?" Biglang naging seryoso ang tono nito kaya napa angat ng tingin si Ava.

Kahit na may kakaiba siyang nararamdaman ay pinilit niyang tumingin ng deretso sa mata nito

"A-Actually sir...hindi ko rin po alam" she honestly said making him raise a brow, bakit ang sexy?

Huy Ava tumigil ka nga! Amo yan kaya magtigil ka!!

"Seriously? Eh wala naman palang kwenta ang pinadala ni Lucifer sakin e" what the fudge??

A-Anong Lucifer??? Pinadala ako ni Lucifer?? What the—

"Excuse me? Anong Lucifer po ang pinagsasasabi niyo? Hindi ho ako pinadala ni satanas sir" nagtataka niyang sabi dahilan para matawa si Alexander

"You know what, walang sense itong pagpunta mo rito...you may go" biglang sabi nito dahilan para lalong magtaka si Ava

Naguguluhan ako!!

"What do you mean Sir?"

"Bingi ka ba Miss Fernandez? I said you may go...o baka hindi ka nakakaintindi ng english kaya tatagalugin ko na para sayo, makakaalis kana...oh and please? Wag ka ng bumalik?" Mas lalong nag init ang ulo ni Ava dahil sa sinabi ng walang modong lalaking yon kaya naman hindi na siya nagpatinag

"Aba't talagang sumosobra kana ah! For your information lang ho ah? Hindi ko ho talaga ang alam ang sinasabi niyong dahilan kung bakit ako nandito dahil unang una, sinama lang ako ng kapatid ko rito...at lalong lalo nang hindi ako pinadala ni Lucifer dahil hindi naman siya nage-exist!" Nanggagalaiti niyang sigaw rito pero parang wala lang sa kanya ito dahil hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya

"Tapos kana ba? Makakaalis kana"

"Aba—"

"Mr. De Luca...nandito na po si Ma'am Bella" biglang napatigil si Ava nang magbukas ang pinto

Halata namang nataranta si Alexander dahil mabilis nitong inayos ang sarili, and by mean of that is that nagsuklay ito ng buhok gamit ang kamay niya saka pinagpag ang damit.

Hindi tuloy naiwasang mapatitig sa kanya ni Ava, kahit medyo bastos ito ay hindi mo mapagkakailang sobrang gwapo niya talaga.

"Ganon ba? Sige papasukin mo" kahit sa pagsasalita nito ay masasabi mong kinakabahan siya, hindi tuloy naiwasang magtaka ni Ava

Sino naman kaya ang Bella na yon

Maya maya pa ay may pumasok nang napaka gandang babae, petite lang ang katawan nito pero maganda siya, mukhang edukada at mayaman, pero habang tinititigan siya ni Ava, agad siyang nagtaka

Why does she look so familiar?

"Babe..." She greeted then went to hug Mr. De Luca who's standing beside Ava

"H-Hey" yun lang ang nasabi ni Alexander pagkayakap nito sa kanya

"I missed you" sabi pa nito saka walang sabi sabing inangkin ang mga labi ni Alexander dahilan para mapayuko si Ava

Ano ba yan, bakit pa ba ako nandito

Sinubukan niyang umatras pero narinig niya ang pagtawag ni Mr. De Luca sa kanya

"Uhm...honey, this is Allegra Fernandez, naga-apply siya as Personal Assistant ko, and Miss Fernandez, this is Bella my beautiful wife" para namang sinabuyan ng malamig na tubig si Ava sa sinabi ni Mr. De Luca sa kanya

Wife?? He's married??? Bakit?!

Para siyang nabingi sa narinig, oo at naiinis siya rito kanina pero hindi mo maitatangging attracted siya rito dahil napakagwapo naman niya kase talaga

But after hearing what he said, parang may tumarak sa puso niya.

Nakangiti siyang tinignan ni Bella but the moment na magtama ang mga mata nila, doon lang nila na-realize kung sino ang isa't isa

"Allegra?"

"Bella?"

They both said in unison as they looked at each other shockingly

No

This is impossible!! Hindi ito maaari!!

"You guys know each other?" Nagtatakang tanong ni Alexander na tinignan ang dalawa

But Bella and Ava seems to be shocked as hell as they continue to stare at each other

"Huy!" Pareho na silang tinapik ni Alexander kaya naman nagising silang pareho

"Ah...O-Oo, magkakilala kami...r-remember what I told you about the girl I met in New York eight months ago?"

"Yes, naaalala ko"

"That girl, is her" muling ngumiti si Bella kay Ava pero nanatiling nakatitig sa kanya si Ava at gulat na gulat

Mag asawa sila?? Paano??

Hindi ito tama!!

"Oh is that so? Oh siya sige, dahil kaibigan ka naman ng asawa ko, tanggap kana, pwede ka nang magsimula bukas" wala sa sariling napatingin si Ava kay Alexander, hindi niya magawang matuwa dahil gulat pa din siya sa natuklasan.

Hindi pwedeng asawa niya si Bella, dahil kilala ko ang nobyo niya!

"That's good to hear babe! Anyways, mauuna na pala ako, kailangan ko pang pumunta sa boutique, sabay na kami ni Allegra" hindi na siya nakapalag at basta nagpahila kay Bella sa kung saan hanggang sa namalayan nitong starbucks na sila na nasa labas lang ng building

Pagkaupo na pagkaupo ni Ava, umorder lang saglit si Bella ng kape tapos bumalik na rin.

"Allegra" pagtawag nito ay Ava dahilan para mapatitig nanaman ito

She can't believe it

"Ano to Bella? Y-You're married? P-Paano? Alam ba ito ni Ian o ng asawa mo?" Hindi makapaniwala niyang tanong dahilan para mapayuko si Bella sa kahihiyan

"He knows" sabi lang nito, Ha??

"Sino?"

"Ian" She whispered and in that moment, mas lalong nagalit si Ava

Matalik na kaibigan niya si Ian kaya hindi siya makapaniwalang pumasok ito sa ganitong gulo, she felt betrayed

"Bakit?"

"I love him....I love him so much Ally , siya ang mahal ko at hindi si Xander" pagkasabi niya nito ay napapikit nalang si Ava, hindi niya alam kung ano mararamdaman niya, naaawa siya na nasasaktan dahil alam niya ang pakiramdam ng lokohin.

"Kung ganon bakit ka nagpakasal? You married him kahit na hindi mo siya mahal, baliw ka na ba? Tapos ngayon idadamay mo pa ang kaibigan ko?"

"Matagal na siyang damay Allegra, dahil siya naman talaga ang nauna...kaya lang something happened kaya ikinasal ako kay Xander" sagot nito dahilan para mas lalong uminit ang ulo ni Ava

"Kahit na! He's your husband, kahit na hindi mo siya mahal, sana manlang magkaroon ka ng onting awa para sa kanya, paano pag nalaman niya ito ha?" Singhal niya

"Hindi niya malalaman, kung wala kang sasabihin"

"You're unbelievable" Ava looks at her with disgust as she tried to leave but Bella grabs her arm

"No please! Wag mong sabihin sa kanya...ipapaliwanag ko rin naman sa kanya ang lahat e, naghahanap lang ako ng timing, tsaka nag file na rin naman ako ng annulment kaya please wag ka nalang magsalita?" Her eyes were pleading, mukhang desidido talaga siya sa pakikipaghiwalay kay Mr. De Luca

Naaawa tuloy siya para sa boss niya e, kahit naman nakasagutan niya ito kanina, alam niyang masakit pa rin ang lokohin ng taong mahal mo.

Wala nang nagawa si Ava kundi ang bumuntong hininga "Okay fine...hindi ako magsasalita, but only if you promise me na hindi mo na palalalain ang sitwasyon"

"Of course Allegra...I promise"

"Okay, hindi ako magsasalita pero hindi ko yon gagawin dahil sinabi mo, ayoko lang na mas masaktan pa ang asawa mo pati na din si Ian" pagdadahilan niya pero mukhang hindi naniniwala si Bella

"Isa pa palang pabor Allegra..."

"Ano yon?"

"I want you to seduce my husband"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status