Trigger Warning: This chapter contains sensitive events like guns and killing.Matapos ang halos isang oras na pagtambay at pag-uusap sa seaside ng mall ay naisipan naming umalis na. Muli naming dinaanan ang mall hanggang sa makarating kami sa 2nd floor ng parking building. Inilagay nina Lucian at Cloud ang mga pinamili namin sa likod ng kotse habang kami naman ni Sunny ay pumasok na agad. Sumunod sila sa amin at agad rin namang pinaandar ni Cloud ang sinasakyan namin. Our travel was quiet. Busog at pagod kaming lahat kaya naman wala na ang nagsalita pa sa amin. Sa tingin ko ay mas gusto rin nilang magpahinga dahil kanina pa naman kami nag-uusap. Ang stereo lang sa kotse ang tanging naririnig namin pati na rin ang tunog ng ibang kotse na kasabayan namin sa daan. It was a peaceful ride. Unti-unti kong natanaw ang company building ni Cloud pero nagtaka ako nang lagpasan niya 'yon. "Hindi na tayo dadaan sa opisina?" tanong ko sa kanya. "Huwag na. Umuwi ka na lang at magpahinga." tug
Trigger Warning: This chapter contains sensitive events like violence, guns and killing. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong katatapos lang matanggal ang katawan ng kasambahay namin mula sa kusina. The maids started cleaning the blood stains. Kahit paano ay naaawa ako sa kanila. Kailangan nilang magtrabaho at isugal ang buhay nila para sa pamilya namin.. Oo, malaki ang sweldo nila dahil pinanghahawakan rin nila ang sikreto namin, ngunit buhay ang pinag-uusapan rito. Hindi ko maiwasang maawa dahil kita ko sa mga itsura nila ang takot at kaba. Sa hirap ng buhay nila noon, mas pinili nilang pakisamahan ang pamilya namin at masangkot sa gulo para lang may makain ang pamilya nila, ang pamilya nilang inosente. "Lucian." Napatingin ako sa likuran ko nang may tumawag sa akin. "May nahanap na kayo?" tanong ko kay Cloud. Umiling ang kapatid ko. A low curse came out after he answered me.. Wala sa sariling sumandal ako sa counter at napako ang tingin ko sa mga katulon
When Lucian and I came inside the venue, all eyes were on us. Nakaramdam ako ng kaba sa tingin ng iba.. Others were expressionless, some are giving us a small smile. Lucian pulled me close to him. Napatingin ako sa kanya nang gawin niya 'yon. Is it even alright for us to act like this in public? Nang makarating kami sa table namin ay sinalubong ako ni Sunny. She gently front hugged me so I did the same. "Sakto lang kayo." aniya sa amin. Lucian pulled out a chair for me then I sat there. Tumabi rin ito sa akin. "Nasaan si Cloud?" tanong ni Lucian kay Sunny. Iginala ni Sunny ang mata niya para hanapin si Cloud, and then when she found him, she pointed him out. Tumingin kami sa direksyon na itinuturo niya. Nakikipag-usap si Cloud sa ilang mga business partners niya.. Pati na rin si Terrence ay kausap niya. I noticed a girl clung on to Terrence's arm, mukhang iyon ang asawa niya. I couldn't see his wife's face dahil natatakpan siya ng isang matangkad na lalaki kaya ibinaling ko n
Cheska's Point Of ViewTerrence left me with Arazela.. Halos bente minuto na ang nakalipas nang magsimula ang dinner time. Tinapos lang ni Terrence ang pagkain niya rito sa table namin at dumiretso na sa gawi ng mga kaibigan niya para makipag-usap.Napalingon ako kay Arazela nang tumayo ito."Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin.Ipinakita niya lang sa akin ang isang kaha ng sigarilyo.. Hindi niya pa rin pala tinitigilan ang paninigarilyo.She left me there.. Alone.Iginala ko na lang ang tingin ko sa loob ng venue. Pinagmasdan ko ang mga masasayang mukha ng bawat businessman na nandoon, one of them is my husband.I sighed in boredom.Inis akong tumayo sa kinauupuan ko pero hindi ko inaasahang mabangga ang taong nasa likod ko nang maglakad ako."Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.Sunny just nodded, but I can see the fear in her eyes.. "Anong problema mo?" kuryosong tanong ko rito.She bit her lip then spilled it. "Fifteen minutes na ang nakakalipas, hindi pa rin bumabalik si Ate Maxi
Matapos kong ayusin at ilagay ang ilang mga gamit ko sa maleta sa ibinaba agad 'yon ng isang bodyguard ko. Alas dos na ng madaling araw at nadala ko na rin si Maxine sa bahay... Pero hindi pa rin siya gising. Binitbit ko ang messenger bag ko at pumunta sa isang guest room kung nasaan si Maxine. Pagpasok ko roon ay tumambad sa akin si Sunny na tulog sa sofa. Alam ko na sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Iyon ang rason kung bakit bantay-sarado niya ngayon si Maxine — ayaw na niyang maulit ang nangyari. Lumapit ako kay Maxine. I held her hand gently and started brushing it with my fingers... I kissed her on her cheek. "Pagbalik ko, dapat gising ka na," usap ko sa kanya. If she could only hear me. I also kissed Sunny on her forehead before leaving. Tatapusin ko lang ang misyon ko sa Russia at babalik din agad ako. Nilisan ko ang kuwarto at dumiretso sa sala. Doon ay nakasalubong ko si Cloud. "Sigurado ka bang hindi mo 'ko k
Sunny came back holding a plate and a tumbler. Umupo ito sa tabi ko at saka kumain... Talagang wala siyang balak iwan si Maxine. "Dapat sa kusina ka na lang kumain. Nandito naman ako," usap ko sa kanya. She finished chewing her food first. "Okay lang." I can feel the guilt that she's not letting go. She's blaming herself because of what happened, that's why she'd rather stay beside Maxine. I remembered the first accident that happened before — Sunny and my ex-girlfriend Tiana went to a party. They got too drunk at ang akala ni Sunny ay magagalit kami sa kanya noon ni Lucian dahil wala pa siya sa legal na edad para uminom, so Tiana decided to drive despite of being drunk. They got into an accident... Nasisi ko si Sunny dahil sa nangyari. Ang totoo ay ayaw naman talagang umuwi ni Sunny noong oras na 'yon dahil alam niyang mapapahamak sila kung pipilitin nila, but Tiana didn't want to disappoint me. Tiana wanted to take Sunny home because she also thought that I would be angry at h
Nagising ako nang may umalog sa akin. Bumungad ang mukha ni Arazela sa harapan ko at wala sa sariling napakusot ako ng mga mata ko."Uuwi na tayo," usap niya sa akin.Umupo ako sa hinihigaan ko at napansin kong nasa isang guest room pa ako ng bahay nina Terrence at Cheska."Ayos ka lang ba? Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka doon, edi sana sinamahan kita..." mahinahong sabi ni Arazela.Sinubukan kong tumayo pero may kirot pa rin ang kaliwang hita ko dahil sa sugat.Inalalayan ako ni Arazela nang muntik na 'kong matumba. Muli niya 'kong pinaupo sa kama."Dahan-dahan lang at huwag mong pilitin kung masakit," pangaral niya.I took a deep breath before talking to her. "Anong oras na?" tanong ko sa kanya."It's three in the afternoon. We should go home before sunset," tugon niya.Tumango na lang ako. Nang tumayo ako at tinulungan niya 'kong maglakad. Hindi naman gano'n kasakit pero tuloy siya sa pag-alalay sa akin.Pahirapan ang pagbaba namin sa hagdanan kaya naging mas maingat siya sa g
Maxine's Point Of ViewNakaramdam ako ng lamig kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. It was a little dark, ang tanging pinanggagalingan lang ng ilaw ay ang maliit na ceiling light sa dulo ng kuwarto.Iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Arazela na natutulog sa sofa.Naalala ko ang nangyari kaya agad kong sinubukan kung nakakagalaw na ba 'ko. Ginalaw ko ang dalawang kamay ko at maayos naman akong nakakagalaw."A-Arazela..."Sinubukan kong magsalita pero mahina pa ang boses ko."Arazela," tawag ko ulit sa pangalan niya.Agad itong naalimpungatan.Gulat itong tumingin sa akin. "Maxine! Teka lang, tatawagin ko sila!"Mabilis itong tumakbo palabas ng kuwarto. I took a deep breath and then I tried to sit up.Nanginginig ang mga kamay ko pero kinaya kong umupo. Napasandal na lang ako sa headrest ng kama pagkatapos noon.Bumalik si Arazela kasama si Sunny, Cloud at ang isang babae na hindi pamilyar sa akin.Napansin ko ang bendahe na nasa hita ni Cloud. Anong nangyari sa kanya