"She is unbelievable!"
Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. Mas naggatungan ang dati nang yamot.
"Who does she think she is?"
Isang simpleng pinapasahod lang ng mga Samonte. The nerve of that woman. Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang. He is Lorenzo Santibañez for God's sake! Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman.
"Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari."
Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon? Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan.
"How's my future daughter-in-law?"
Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya habang tinatanaw ito mula sa sasakyan.
Sino ba ang matinong babaeng basta na lang nakahinto sa gitna ng kalsada habang nakadipang nakatingala sa langit na ang buhok ay basta na lang inililipad ng hangin sa kung saan. It was a picturesque sight. Lihim pa nga siyang natatawa sa kung sinuman ang babaeng yon na tila walang pakialam sa paligid.
Until he found out who that woman was.
He hated himself for the fact that something within him was evoked while staring at her.
Shit!
May sademonyo yata ang babaeng 'yon. He couldn't stand even the slightest sight of her. Kahit noong mga bata pa sila.
Itinuon niya ang pansin sa pagmamaneho. Ilang saglit lang ay narating na niya ang villa. Agad-agad siyang dumiretso sa silid at nagshower kapagkuwa'y naupo sa veranda habang tahimik na umiinom. Jack Daniel's would be his companion for the night.
Nights at the hacienda are unbearably lame. Nakakabagot ang buhay sa lugar na ito. Mabagal. Walang thrill. He is stuck in this god-awful place when he should have been in the metro enjoying what any men in his prime is enjoying.
"Why do I have to personally supervise the farm, Dad?"
Minsan ay tanong niya sa amang si Manolo Santibañez. May tagapamahala naman sa lupain pero kada buwan ay hindi nawawala sa kanyang itinerary ang silipin ang farm. Kahit noong bata pa sila, lagi silang umuuwi dito, bagay na kinayayamutan niya.
"Doon ako nagsimula bago ako tumuntong dito sa syudad. One way or the other, you will learn a skill set or two from what you are doing."
He is a city boy. Hindi niya maatim na makinig sa mga kuliglig sa paligid. This isn't the life he wanted. Well, at least, may Margaux na nagpapagaang ng pakiramdam niya. Kapag nasa Maynila ito, hindi rin naman sila nagkikita dahil lagi itong umuuwi sa probinsya pagkatapos ng mga commitments nito.
"Just be patient. The moment na nagpakasal ka kay Margaux, tuluyan mo nang papalitan ang ama sa posisyon at ipagkakatiwala na lang natin sa mga tauhan ang lupain."
Sa tuwina ay paalala ng kanyang inang si Viviana.
He couldn't wait for that day to come. Marrying Margaux has always been on his agenda. Matagal na rin naman silang pinapareha ng kapwa mga magulang. Maganda ito, may pinag-aralan kaya wala siyang angil. Margaux could be his equal. She is independent and strong-minded.
Nilagok ang natitirang laman ng bote at napagpasyahang matulog. Bago pumasok sa loob ay tumingala muna siya sa kalangitan. It was dotted with stars. Hindi niya forte ang stargazing pero kakatwang nagagandahan siya sa nakikita. No wonder, that woman is as crazy like that over stargazing. Gusto niyang batukan ang sarili for allowing a tiny space of his imagination be occupied by her.
*****
"How long has it been since you conducted thorough check-up and inventory of our equipment, Mr. Carvajal?"
Bagama't mababa ang tono ay mababakas ang yamot na namayani kay Lorenzo. Ayaw niyang nakakakita ng aberya sa operasyon ng kahit alinman sa mga negosyo nila. Kapag naririto siya sa hacienda ay nagka-conduct siya ng surprise visit sa lupain at sa milling factory na nasa loob mismo ng hacienda. One of the primary reasons ng bawat pagparito niya ang operasyon ng sakahan, di lang siya pumaparito para mag-unwind o magrelax. For relaxation ay mas pinipili niya ang ibang bansa.
"May regular check naman ho ang technician natin, Sir."
"Yet, it still happened."
Diskuntento siya, makikita sa mukha niya daan upang mahirapang mag-apuhap ng isasagot ang tauhan. He is an intimidating boss and a hard one to please. Afterall, next in line siya sa posisyon ng ama sa negosyo nila.
"Do something. We cannot afford to lose even a single cent."
Bawat segundong nasasayang ay kawalan din iyon sa income nila. Higit sa lahat ayaw niya ng papatay-patay sa trabaho. Madalas nga siyang bansagan ng hard and cold. He doesn't want to settle for anything less.
Lumulan siya sa kanyang sasakyan at mabilis iyong pinasibad. Dala ng kabagutan ay mas pinili niya ang maglibot. Kung saan-saan lang naman siya napadpad hanggang sa humantong siya sa paanan ng burol na may nakatanim na matayog na puno ng kamatsile sa pinakagitna at pinakaituktok. Ang kahoy ang nagsisilbing hangganan ng lupain ng mga Samonte at Santibañez. May fence na pumapagitan sa dalawang lupain ngunit pinili ng dalawang patriarchs na hindi ienclosed ang naturang burol.
Of all places, ito ang masasabi niyang pinakapaborito niya sa buong hacienda.
Kasalukuyan na niyang inaakyat ang burol nang matantong hindi siya nag-iisa. May nakaparadang bisekleta sa puno at may bag siyang nakikita na nakalatag sa damuhan. Babae base sa kulay ng bag nito na may Betty Bop na disenyo at sa bisekletang may nakataling pink accessories.
Natatabunan ng malaking katawan ng puno ang kung sinuman, ang invader sa favorite spot niya.
Kasabay ng pagtuklas ng katauhan nito ang pagkunot ng kanyang noo.
WHAT A coincidence. Ang babaeng ito na naman.
Si Elisa, tahimik lang na nakaupo sa lilim ng puno at nakatanaw sa malayo. Nasanay na siyang nakikitang nakasimangot ito o di kaya ay seryoso lang ngunit sa pagkakataong ito ay may kakaibang aura ng mukha nito. And that certain glow in her eyes habang nakatitig lang sa kawalan.
It was a look of contentment.
Unang beses na nakita niyang may manipis na ngiting sumilay sa mukha nito and it sure looks good on her. Sinuyod niya ang kabuuan nito. She is plain and simple, in all angle. Ang may kahabaang buhok ay basta na lang inipit sa clamp. May ilang hibla na tumakas roon at naglaglagan sa leeg at balikat. Ang sweater na suot nito ay kadalasan niyang nakikitang gamit nito kapag napapagawi siya sa hacienda.
She has been using that sweater since high school. Wala ba talaga itong pambili ng damit? Sa pagkakaalam niya ay nagtapos na ito sa pag-aaral at kasalukuyang nagtatrabaho bilang staff sa opisina ng lupain pero nakukuntento itong suotin ang faded nang kasuotan.
Dapat ay aalisin na niya ang mga mata sa babae pero tila naiengganyo pa siyang lakbayin ang mukha nito.
Beauty wise, malayo ito sa ganda ng mestisang si Margaux. Medyo makapal ang mga kilay, katamtaman ang tangos ng ilong, plump na mga labi na hindi nababahiran ng kahit anumang cosmetics. Ayaw man niyang aminin ngunit may nakatago itong simpleng ganda. It was simple yet delicate.
Silly. He never had a thing for plain and conservative women pero heto siya ngayon at sa babaeng ito pa nag-aksaya ng oras.
This is just insane.
Nang bigla ay lumingon si Ellisa sa gawi niya. Huli na para ilipat sa ibang dako ang paningin. Nakita niya kung paanong awtomatikong napalis ang ngiti nito at maang na napatitig sa kanya. Ang bilugan nitong mga mata ay napipintahan ng pagtataka.
He never realized how nice those pair of eyes were. Tila may sariling kapangyarihan na humihigop sa kanya.
But then, he noticed how her reaction changed. Ang maang na ekspresyon ay napalitan na ngayon ng simangot at literal na pag-ismid. Like he was the most unpleasant sight her eyes could ever landed.
Wow ha! That woman had done everything to hurt his ego.
Ang ganda ng mood niya kanina ngunit may demonyong dumating at bumulahaw sa kanyang pananahimik at pamamahinga. Napaismid siya at kaagad na inilipat ang paningin sa unahan. Mas maiging ang malawak na sakahan ang tititigan kesa sa gwapo nga ngunit nakakasuya namang pagmumukha ng kanyang intuder.Sa akin ba nakatingin si Lorenzo?Himala yata iyon sa lahat ng himala. Dapat yata magpa-fiesta siya."What are you doing here?"Sa loob ng maraming taon ay hindi si Lorenzo ang tipo ng taong unang nagbubukas ng usapan sa kanya. He hates her. Sa di malamang dahilan ay mabigat ang kalooban nito sa kanya. Tingin nito sa kanya ay bacteria magmula noong mga bata pa lamang sila. At kapansin-pansin na mababa ang tonong ginamit nito sa kanya."Kumakain," sa mababa ring tono ay sagot niya. Saka niya sininop ang walang laman ng baunan at inilagay sa duffel bag niya."And of all places, dito pa talaga sa paborito kong spot."Nasorpresa siya sa nala
"Bakit mo pa ako kailangang isama doon?"May uneasiness siyang nararamdaman habang nakaupo sa kotse katabi ni Margaux. Patungo sila sa kabilang hacienda, sa mismong mansion ng mga Santinbañez. Katunayan ay nakakapangalahati pa lang sila ng nilalakbay."Relax. Hindi tayo magtatagal don. We will last not later than nine. Isa pa, we are going to the lion's den, alangan namang pababayaan mo akong mag-isa. Syempre, I need my pack.""Pupunta naman ang mga friends mo, ah, panigurado at saka, nandodoon din naman ang daddy mo."Nakapangalumbaba siya sa nakabukas na bintana at kasalukuyang tinititigan ang nakalatag na mga bituin sa langit. Ang ganda ng gabi pero natatabunan naman ng discomfort na nararamdaman sa puso niya.She was never comfortable around Lorenzo."Ano ka ba? I prefer your company over my so called friends. Si Dad naman, for sure, he and Lorenzo's father would discuss nothing but business."Napabuntunghininga siya.
Matuling lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Kapag sumasagi sa utak niya ang pangayayaring iyon, ‘di niya maiwasang lukubin ng pait ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya, sa pagkakataong iyon siya nakaramdam ng matinding humiliation. Labis-labis na pagpapahiya pa nga. She suffered this pain all alone, in silence. Ayaw niyang magsumbong kay Margaux. Ayaw niyang makagulo.Naipagpasalamat niya na hindi na nagpapang-abot ang mga landas nila ni Lorenzo. Hindi na rin ito madalas na napapagawi sa hacienda.Ngunit nang dumating 25th birthday ni Margaux, napipinto na naman niyang makakrus ng landas si Lorenzo. May engrandeng pagtitipon sa bahay. Imbes na sa isang hotel sa bayan o ‘di kaya ay sa Manila idadaos ang naturang pagtitipon gaya ng nakagawian, mas pinili ni Sir Deo na sa bahay na lang. As always, Margaux looks exquisite sa suot nitong Sherri Hill purple gown. Simple lang ang tabas ngunit lumalabas ang k
"Bullshit!"Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is.Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa at muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang.Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this."Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinung
Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Binilang niya talaga. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Halos masuka siya. Napahawak siya nang mariin sa upuan at naipikit nang mariin ang natatabingang mga mata. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasa-sama kay Margaux kahit anong pangungulit nito na isama siya sa mga bakasyon nito sa ibang bansa. Kapag lumuluwas siya ng Manila, barko ang sinasakyan niya. Ang pressure, ang pagod, ang kaba, naghahalo sa sistema niya. Hinihila na siyang matulog pero hindi niya ginawa.Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon. Tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Naninibago siya sa nakakasilaw na liwanag na tumambad sa kanyang mga mata. Ilang oras ding may tabing ang paningin niya. Napapikit siyang muli
"What the hell was that?!"Dumadagundong ang malakas at galit na boses ni Audrey sa buong opisina. He was expecting for Audrey to barge in. Hinintay lang nito na lumabas ang ka-meeting niya. Habang nakikipag-usap kay Mr. Pantaleon, ibinulong na ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi ugali ni Audrey ang pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she was furious over something."Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?"Kakauwi lang nito mula sa Europe. Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang pinakamalapit sa kanya.Niluwagan niya ang pagkakabuhol ng kurbata at naupo sa swivel chair at minwestrahan ang kapatid na maupo sa katapat na upuan. Instead, nagpalaka-lakad ito sa harapan niya habang
Sa nakalipas na dalawang araw na nanatili si Elisa sa bahay ni Lorenzo, walang pagbabago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba na baka isoli siya nito kay Sir Deo anumang oras. Nakakabagot ang bawat minutong nakakulong siya sa maliit na silid na nagbubukas lang kapag may inihahatid na pangangailangan niya."Hindi mo ginagalaw ang pagkain."Mula sa pagtitig sa labas, nabaling ang pansin niya sa pagkain na inihatid kanina ni Mando. Gaano man ‘yon kasarap tingnan, hindi niya makuhang ganahang kumain. “Pakialis na lang niyan.”Imbes na bitbitin ang tray, napapailing lang na napatingin doon si Mando."Mando, ‘yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga ‘yon. Please." May halo nang pagmamakaawa ang boses niya pero ang lalaki, tumalikod lang nang walang sinabi. Narinig naman siguro nito ang sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang siya at muling tumitig sa labas ng grills partikular na sa mga ha
10“Tito, can you read me some stories?”Nakahiga na sa kama si Caleb at kasalukuyan niyang kinukumutan.“Next time, Cal. Promise, next time.”Bahagyang sumimangot si Caleb. Kapag nasa kanya ito, wala itong hinihiling na hindi niya ibinibigay. Pinupunan niya sa abot ng makakaya ang kakulangan nito sa hindi pagkakaroon ng ama. But tonight, he will make a pass on bedtime stories. May mahalaga siyang gagawin. Inihabilin niya muna si Caleb kay Aling Cora. Bumaba siya ng hagdanan at tinungo ang silid ni Elisa. Kailangan niyang makausap nang masinsinan ang babae, once and for all, nang matapos na ang lahat ng gulo at bumalik sa normal ang lahat.Naratnan niyang kasalikuyang nag-aayos ng higaan ang babae."We need to talk."Napahinto ito sa ginagawa at dahan-dahang humarap sa kanya. Tinitigan lang siya ng babae. Hinintay ang anumang sasabihin niya.Damn those eyes.Nakakainis.“May kailangan ka?”He heaved a heavy sigh. Isinuksok niya sa bulsa ang dalawang kamay at matamang tinitigan ang bab