Share

Chapter 1: Party

"Ikaw na talaga, Doc. Kaiden." Pumalakpak si Nyssa sa kanyang kaibigan na si Kaiden dahil katatapos lang inannounce na siya 'yong nangunguna sa katatapos nilang training. "Kahit na sino hindi ka kayang ibagsak. Talagang napapabilib mo'ko ng sobra, Doc." Namamanghang pagpapatuloy ng babae.

Natawa ang lalaki saka inalis ang puting coat sa kanyang katawan. Kaka-off lamang nila sa duty doon sa kilalang ospital. Parehas silang nagtratraining na tinatawag na internship para mahasa ang kanilang kakayahan sa larangan ng medisina. Stressful man ang araw na 'yon kay Kaiden ay napalitan naman ng magandang balita dahil nanguna siya sa katatapos nilang training. Malaking advantage iyon para mas makilala ang kanyang pangalan sa larangan ng medisina.

"Pasasaan pa't naging Garcia ako." Sumilay ang ngisi sa labi ni Kaiden saka sila sabay na natawa ni Nyssa. "Kahit sa larangan ng medisina lang ako magaling, okay na 'yon sa akin."

"Bakit nga ba masyado mong ginagalingan gayung wala ka namang girlfriend o special someone? Never ko pa ngang nameet 'yong family mo e kaya nakapagtataka kung bakit nagpapakaworkaholic kang tao." Segunda nito at naglagay ng lipstick si Nyssa sa kanyang bibig at inayos-ayos pa ang sarili dahil nastress siya sa maghapon nilang training.

Naupo si Kaiden sa malapit na monoblock chair at isa-isang inalis 'yong gloves na nakasuot sa kanyang magkabilang kamay. Gustuhin man niyang iwasan ang tanong na 'yon ni Nyssa ay hindi niya nagawa. Kung tutuusin, iilan lang 'yong nakakaalam sa totoong kaganapan sa buhay niya. Hindi siya palakwento, saka lang magsasabi ng tungkol sa kanyang pamilya kapag may interview siya.

"Hindi ko naman kailangan ng family o special someone para galingan sa training e. " Tugon niya sa seryosong tinig. "Sapat nang ginagalingan ko dahil sa mga taong aasa sa akin once naging licensed doktor na ako. Sa propesyon na nais nating pasukan, buhay ng tao ang nakataya kaya kinakailangan ng malakihang focus para 'di magkamali. I hate creating mistake at pagsisisihan ko habambuhay kapag napabayaan ko ang magiging pasyente ko."

Matapos ang usapan nila ni Nyssa, nagpaalam na ang babae dahil may date pa sila ng kanyang nobyo, barkada iyon ni Kaiden. Pinanood ni Kaiden ang bulto ng babae na lumabas ng room na kinaroroonan nila. Kanya namang inayos ang mga gamit dahil gusto na niyang umuwi para makapagpahinga. Matapos maayos lahat ng gamit ay naglakad na siya sa may hallway.

"Dok, pablow out ka naman." Pang-aasar ni Clyde sa kanya nang makasalubong siya nito sa may hallway. Kasama ni Clyde sina Edward, Oheb at Marco, mga kasamahan niya ang mga 'yon sa training.

Tinugon ni Kaiden ang pakikipag-apir ng tatlong kaklase sa kanya. Pinaulanan siya ng mga ito ng pagbati dahil sa pangunguna niya sa kanilang training. Hindi nawala 'yong konting asaran na ibinato nila sa kanya kaya narinig ang malalakas nilang tawanan. Pasalamat nila na walang katao-tao sa hallway na kinaroroonan nila.

"Pashot ka naman, Den." Usal ni Oheb, kunwari pa itong tumungga upang iparating kay Kaiden ang nais niyang mangyari.

Napangiwi si Kaiden sa asar na iyon ni Oheb sa kanya. "Kayo talaga, katatapos ng training, hindi ba kayo pagod?" Napakamot si Kaiden sa kanyang ulo. Mas naistress pa siya sa kalusugan ng kanyang mga kaibigan.

"Minsan lang naman saka ayaw mo bang icelebrate 'yong pangunguna mo sa training kanina? Dapat icelebrate natin 'yon, 'no? Big achievement 'yon para sa ating med student." Segunda ni Edward na sinang-ayunan nina Oheb at Marco.

"Oo na sige na." Pagsuko ni Kaiden kaya napalundag sa tuwa ang tatlo. Lumapit pa sila rito at pinaulanan ng halik kaya pinagtutulak niya ito paalis dahil nandidiri siya. "Pasasaan pa't naging doktor kayo kung mga lasinggero naman kayo."

Iisang sasakyan ang ginamit nila papunta sa malapit na bar. Malapit sa pinuntahan nilang bar ang dorm nina Oheb kaya sasakyan na lang niya ang ginamit nila. Habang nasa byahe sila ay nagpalitan sila ng komento sa katatapos lang na training. Hindi nawala 'yong pagtatawanan nila sa kanilang mga katangahan daw habang isinasagawa ang operasyon kanina sa ER. Nag-aasar sila dahil nakakatawa ang lagay nila kapag kinabahan maliban kay Kaiden na kalmado lang.

"Paanong 'di kayo kakabahan e ginagawa niyong tubig ang kape." Asar ni Kaiden sa kanila kaya umingay ang tawanan sa loob ng sasakyan.

Isa ito sa mga gusto ni Kaiden kapag katatapos ng nakakastress na training nila maghapon. Malapit na kaibigan niya ang tatlo, hindi naman sila bad influence pero madalang lang siya makisabay sa kanila. Minsan lang siya sumasama dahil mas pinipili ni Kaiden ang mapag-isa upang mag-aral. Hindi na bago sa kanya 'yong mapag-isa palagi dahil sa tanang ng buhay niya ay namuhay siya ng walang kasama.

"Welcome, Sir. Pasok po kayo."

Binuksan sila nong guard ng pinto at nagpasalamat sila rito. Kabisado na nila ang pasikot-sikot ng bar kaya dumiretso sila sa dati nilang tambayan. Umorder na rin sila kaagad ng kanilang iinumin at pulutan. Hindi naman madamot si Kaiden kaya sagot na niya lahat ng babayaran. At sa tagal ng wala na siyang inom ay umepekto kaagad sa kanya 'yong alak. Mahina siya pagdating sa alcohol kaya madali siyang malasing. At kapag ganoon na tumatama na ang alak sa kanyang katawan, hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang sarili.

Linunod ko ang aking sarili sa alak kahit alam kong madali akong tamaan non. Nakipagtagisan ako ng galing sa mga kaibigan ko na uminom kahit ang totoo ay talo ako dahil nga certified lassingero sila. Suki sila parati sa bar at walang araw na absent sila para uminom pagkatapos ng kanilang klase.

"Inom pa tayo." Anyaya ni Kaiden sa kanyang mga kaibigan habang nakataas ang kamay nito hawak-hawak ang isang baso ng alak. Tanging si Oheb na lang ang natira dahil nauna ng umalis sina Edward at Marco dahil natatakot makagawa ng kasalanan pagtumagal pa sila roon sa bar.

"Kaiden, awat na'ko. May tatapusin pa akong report kaya mauna na ako." Usal ni Oheb at isinuot ang black nitong jacket habang pagewang-gewang na naglakad.

"Tangina! Ang hihina nyo pala e."

Itinungga ni Kaiden ang huling baso ng alak na hawak niya. Pangisay-ngisay na siya sa dami ng alak na kanyang nainom. Nahihirapan na siya tumayo at idilat ang kanyang mga mata. At kahit na ganoon, sinikap niyang makatato para pumunta ng comfort room dahil naihi siya bigla.

Lahat ng tao sa bar ay nakabagsak na sa sahig dahil sa kalasingan. Wala siyang aasahan na tutulong sa kanya patayo kaya binalanse niya ang kanyang katawan. Dala ng enjoy ay hindi na nila namalayan ang oras. Alas dos na pala ng madaling araw tapos may klase pa siya kinabukasan. Sanay naman siya sa puyatan pero hindi sa usapang lasing siya.

Napahinto siya nang may babaeng kumuha ng kanyang atensyon. Nakahandusay ito sa pang-isahang sofa na nasa left side nila. Napaawang ang kanyang bibig nang makita ang magandang pangangatawan ng babae. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng katawan dahil sa presensya ng babae.

"Anong kailangan mo?" Usal ng babae sa kanya, nagkatitigan silang dalawa.

"You.." Tugon ni Kaiden at walang pasabi-sabi na hinalikan ang babae sa mapusok na paraan. Binuhat niya ito at kinarga papunta sa malapit na comfort room. Walang pagtutol ang nakuha niya sa babae kaya pinagbigyan niya ang init ng kanyang katawan sa gabi na 'yon.

Ano kaya ang maaaring kahantungan ng pakikipagtalik ni Kaiden sa babaeng hindi naman niya kilala?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status