Share

Chapter 11: Blood

"Doc, ayaw talaga niyang magpaawat kahit pinagtabuyan ko ng maraming beses. Talagang matigas po ang ulo niya't nagpupumilit pumasok. Nong napagod na siguro ay ayan nakatulog na kakahintay sa inyo." Napapakamot sa ulo na usal ng guwardiya nang komprontahin ni Kaiden kung bakit naroon na naman si Dreams. "Sino po ba talaga siya? Totoo po ba 'yong chismis na misis niyo siya't buntis siya?"

Hindi nag-antubiling sumagot si Kaiden bagkus nilapitan niya si Dreams at sinuri ang maamong mukha ng babae na natutulog. Bakas sa mukha ni Dreams ang pagod pero kahit na ganoon, nakitaan ni Kaiden ang angking ganda nito. Hindi niya naiwasang titigan ang babae't suriin ang mukha nito sa malayang paraan.

Napunta ang tingin ni Kaiden sa mapupungay na mata ni Dreams, namangha siya sa ganda ng pilikmata nito't mga kilay na tunay. Bumaba ang mata niya sa ilong nito na medyo may katangusan. Napalunok si Kaiden nang mapunta ang tingin niya sa labi ni Dreams. Napahito siya't hindi inaasahan na babalik sa ala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status