Share

Chapter 2

VIENNA'S POV

Nakarating din naman kaming dalawa ni Therese sa cafeteria. Siya na raw ang bibili ng pagkain at ako na lang daw ang hahanap ng bakanteng table pero wala naman akong mahanap kasi okupado na ng lahat ng estudyanteng naandito. Ngunit may biglang tumawag sa 'kin, nang lingunin ko ito si Britt lang pala kasama si Enzo at yung isang lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Tumayo naman si Britt mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa direksyon ko, napatingin tuloy lahat ng estudyante sa'min. Sikat ba sila rito? bakit gano'n na lang kung makahatak ng atensiyon?

"Wala ng bakanteng table, do'n na lang kayo maupo sa table namin." Napatingin naman ako sa direksyon ni Therese ngunit bigla siyang umiling na ipinagtaka ko naman. I just mouthed why? then napatingin siya sa mga babae na kasalukuyang nakatingin sa 'kin ng masama.

"Hali ka na Vienna, huwag kang mahiya sa'min." Nag-aalangan ako, an'tagal naman ni Therese.

"Britt thank you na lang, sa may bench na lang kami kakain ni Vienna, ito na ang pagkain mo." Save by the bell, buti na lang nakabili na siya. Kinuha ko rin naman ang pagkaing inabot ni Therese, ngumiti na lang ako kay Britt at sumunod na kay Therese palabas ng cafeteria. Sa tingin ko napahiya siya dun, pero kung mai-issue lang din naman ako 'wag na lang.

Nagsimula na rin kaming kumain ni Therese nang makaupo na kami sa isang bench malapit lang sa cafeteria. Nakaraos din sa tingin ng mga tao.

"Therese sina Britt ba sikat dito?" tanong ko. Naibaba niya rin naman ang kinakain niya at uminom ng soda.

"Actually hindi naman talaga sikat sina Britt, ang mas sikat si Sebastian," sagot naman ni Therese. Sebastian? 'yon kaya ang pangalan ng isang lalaking kasama nila?

"Silang tatlo soccer player at nagre-represent ng course natin tuwing may sports event dito sa university. Mas habulin ng babae si Sebastian, bukod sa gwapo na singer pa at isa rin siyang member ng Music Club." Napapatango naman ako sa kuwento ni Therese. Kaya pala gano'n na lang makatingin sa 'kin ng masama ang mga babae kanina doon sa cafeteria dahil pala kay Sebastian.

"Kaso masungit, tahimik at moody, parang allergic sa ngiti. Never pa namin siyang nakita na tumawa o ngumiti, siguro hindi niya lang talaga ugali 'yun," dagdag pa niya. Halata naman sa mukha nung Sebastian, na curious tuloy ako sa personality niya.

"Marami pa namang mas gwapo rito bukod kay Sebastian. 'Yun nga lang kasi ang lakas ng appeal niya sa mga babae kaso masungit at 'di namamansin." Inaamin ko gwapo nga yung si Sebastian, ideal boyfriend ng lahat.

"Kaya ba ayaw mo na maki-share sa table nila kasi baka ma-issue tayong dalawa dahil kay Sebastian?" Tumango siya bilang sagot.

"Alam mo ba ikaw pa lang ang nag-iisang babae na niyaya ng kaibigan niya para maki-share sa isang table," sabi niya.

"Big deal na ba 'yun?" takang tanong ko.

"Of course Vienna, sa lahat ng fans ni Sebastian napaka-big deal na nun. Wala pa kayang ni isang babae ang nagtangkang sumabay sa kanilang kumain. Kung hindi kita napigilan kanina baka ikaw na 'yun," sagot din naman niya. Masyado lang talagang immature ang mga fans niya, tsk! tsk! tsk!

"Bakit kaya ang bait sa 'yo ni Britt? hindi kaya siya gan'yan makitungo sa mga babae." Napaisip din naman ako sa sinabi niya. Bakit kaya? baka mabait lang talaga si Britt, hindi ko naman nakikita o napapansin na pakitang tao lang siya.

"Huwag na nga lang nating pag-usapan, madami pang araw para riyan at marami ka pang matutuklasan." Ngumiti na lang ako bilang sagot. At ayun nga nagkuwento ng kung anu-ano si Therese para mapaiba lang ang usapan. Nag-enjoy naman akong kausap siya, she's nice and kind, for sure she could be my best friend.

After naming kumain, nag-aya siyang pumunta ng field. Sumama na lang din ako para malaman ko rin kung saan 'yun. Maganda naman pala 'tong university, malawak kaso medyo malayo ang ibang building ng iba't-ibang course.

Nakarating din naman kami sa field at kasalukuyang may naglalaro. Naupo rin naman kami ni Therese sa isang bench at nanuod ng laro. Hanggang sa may napansin akong isang lalaki, it's Vince ang kuya ko. Magaling naman pala talagang maglaro si kuya and nakita ko ring may nag-che-cheer sa kaniyang grupo ng kababaihan. Iba rin ang appeal niya but he just ignore it.

"Nakikita mo ang lalaking 'yon?" At tinuro niya si kuya, hindi ko pa pala naikuwento sa kaniya.

"He's my brother," agad kong sagot na ikinagulat niya, tumawa na lang ako.

"Seryoso? kuya mo siya?" hindi makapaniwalang usal niya. Kinuha ko naman ang phone ko at ipinakita sa kaniya ang mga pictures namin ni kuya.

"Naniniwala ka na? we are really close before but now medyo hindi na pero nagpapansinan naman kami sa bahay," sagot ko sabay balik ng phone ko sa bag.

"Gano'n ba, kaya naman pala magkamukha kayo. Nasa lahi niyo na talaga ang pagiging gwapo at maganda."

After ng ilang minuto natapos na rin ang laro nila, tumayo na rin naman kaming dalawa ni Therese. Ayoko rin kasi na makita ako ni kuya rito baka isipin pa niya na hindi ako pumasok sa klase.

"Therese saan pala yung building ng Engineering?" tanong ko nang makaalis na kaming dalawa sa field. Tinuro rin naman niya sa 'kin ang daan, balak ko kasing sorpresahin ang bestfriend kong si Michelle. She doesn't even know na ngayon ako papasok, akala niya kasi sa Monday pa.

Michelle Lorenzo is my bestfriend since 10th grade at nagkakilala kami sa US because of my dad. Mas nauna nga lang siya na mag-transfer sa university na 'to. Nag-stay siya sa US for almost 4 years with her lola and bumalik siya ng Pilipinas 1 year ago.

Nakarating na nga kami ni Therese sa building ng Engineering, mula rito sa malayo nakikita ko na siya. Nakatayo at may kausap sa phone niya. Wala talagang may nagbago sa kaniya, maganda siya as usual. Lumingon din naman si Michelle at gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako. Ngumiti naman ako nang pagkatamis sa kaniya.

"VIENNAAAAAA!!!!" sigaw niya. Hindi ko napigilan ang magulat, umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong building. Hindi na talaga nahiya ang babaeng 'to, napatakbo na rin naman siya sa direksyon ko at bigla siyang tumalon para yakapin ako. Nasasakal ako sa ginagawa niya pero namiss ko rin naman ang kaibigan ko.

"I missed you so much.. bakit hindi mo man lang ako sinabihan na ngayon ka pala papasok? ang sama mo talaga," sabi niya, napatawa naman ako saglit. Pinagtinginan na tuloy kami ng mga estudyanteng naandito.

"I missed you too, gusto lang kitang sorpresahin, sorry kung hindi kita sinabihan. By the way she's Therese, classmate ko, Therese siya naman si Michelle Lorenzo bestfriend ko." Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa 'kin at hinarap si Therese.

"I know you, Therese Perez ng swimming team right?" Tumango naman si Therese bilang sagot.

"Swimmer ka pala? hindi mo naikuwento sa 'kin kanina," ani ko.

"Sorry Vienna, nahihiya kasi ako," sagot naman ni Therese.

"Bakit ka naman mahihiya kay Vienna? You know what friend si Therese representative 'yan ng course niyo sa swimming competition, diba ikaw ang nag-champion this year?" Nahihiyang tumango si Therese.

"Congrats Therese, keep it up," sabi ko naman sa kaniya, nginitian din naman niya 'ko.

"Sandali lang ha? hintayin niyo 'ko, kukunin ko lang ang bag ko saglit." Umalis din naman si Michelle at nagtungo nga sa room niya. After mga ilang minutes nakalabas din siya at nagtungo na sa direksyon namin ni Therese. Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siya na gitara. Si Michelle rin kasi mahilig tumugtog, kumakanta rin siya at nagbabanda pero tumigil ang loka kasi magfo-focus daw siya sa acads. Alam niya na nagco-cover ako ng kanta, siya rin ang sumasama sa 'kin tuwing nagre-record ako sa studio ni kuya RJ.

Nakababa na rin naman kami sa building ng Engineering habang nagkukuwento ng kung anu-ano si Michelle about sa nangyayari rito sa university. Actually silang dalawa lang ni Therese ang nagkakaintindihan, 'di ko naman kasi nasaksihan ang kinukuwento nila, nakikinig na lang ako.

Naupo naman kami sa isang bench, madaming nakatambay at okupado lahat ng upuan. May kaniya-kaniya rin namang ginagawa ang lahat ng estudyanteng naandito. Nasa left side ako, sila namang dalawa ang nasa right side at mula rito sa puwesto ko, nakita ko sa isang dulo sina Britt. Magkaharap kami ni Sebastian pero hindi niya napapansin na tinitingnan ko siya. Bakit parang familiar sa akin ang gan'yang mukha? did I met him before?

"Vienna.. oy."

"Ha?" Saka ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatitig kay Sebastian. Napansin kaya nina Therese 'yun? 

"Kanina ka pa namin kinakausap," wika ni Michelle.

"Sino ba tinitingnan mo?" takang tanong ni Therese.

"Ahh wala, ano ba 'yon?" iwas na tugon ko. Baka kasi tuksuhin pa nila ako kapag nalaman nilang si Sebastian ang tinitingnan ko.

"Kantahan mo kami Vienna," sagot naman ni Therese.

"Paano mo nalaman na kumakanta ako?" takang tanong ko. Tinuro niya si Michelle. Minsan talaga itong kaibigan ko, pahamak.

"Iparinig mo naman kay Therese ang golden voice mo," sabi pa niya. Nag-aalangan ako, an'daming nakatambay na estudyante rito, pahamak talaga 'tong si Michelle. 

"Michelle maraming tao, sa ibang lugar na lang," tugon ko ngunit umiling siya.

"Huwag mo silang pansinin, sige na Vienna kaya mo 'yan." Kinuha ko na lang ang inabot niyang gitara. Bahala na si batman, sisisihin ko talaga siya kapag napahamak ako dahil dito.

Pumalakpak naman silang dalawa nang mag-start na 'kong mag-strum. Naagaw tuloy ang atensiyon ng lahat, kahit sina Britt napatingin na sa direksyon ko maging si Sebastian.

(Song playing: "Walk with Me" by Bella Thorne)

Hindi ko akalain na sasabay sila sa beat ng kanta, ang mga nakaupong estudyante lumapit na sa direksyon namin. Nakakaramdam na talaga ako nang hiya, promise.

Ito ang pinakaunang song na kin-over ko way back in 2017 noong nasa US pa 'ko. I really love this song, kaya nag-decide ako na ito ang unang ico-cover ko.

Saka ko na lang na realize kay Sebastian na pala ako nakatingin. Ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit hindi siya umiwas at nakipagtitigan din sa 'kin.

Nagpalakpakan ang lahat matapos kong kumanta pero hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Sebastian. Ngunit makalipas ang ilang sigundo umiwas na rin ako, napilitan naman akong ngumiti sa harap ng lahat pero sa loob-loob ko, kinakabahan na 'ko.

Natapos din naman ang gano'ng eksena, hindi ko namalayan ang oras uwian na pala. Wala naman kaming ibang ginawa kanina, pagkatapos ng meeting tinuloy na rin naman ang klase. After ng apat na subjects, uwian na rin sa wakas. Napagod ako ngayong araw, ewan ko ba. Magkasama kami ngayon ni Michelle papuntang lockers area, si Therese nauna ng umuwi may part time job pa raw siya, bilib ako sa kasipagang taglay niya.

"Vienna next week pala opening na ng mga clubs, saan mo gustong sumali?" tanong niya habang naglalakad kami. Nabanggit sa 'kin 'yan ni Therese kanina, kaso hindi ko alam kung saang club ako sasali.

"Kung sa Music Club na lang kaya, tutal singer ka naman talaga may alam din sa iba't-ibang instruments, for sure makakapasa ka kaagad. Ano gusto mo ba? sasamahan kitang magpa-register next week," dugtong pa niya. Ano bang purpose ng mga clubs? to build up someone's confidence? dagdag pasanin lang 'yan sa pag-aaral.

"Hindi ko alam, tiyaka tinatamad ako," sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"Tinatamad ka o nag-aalangan? tama ako diba? Vienna wala namang may makakakilala sa 'yo rito, it's just me and kuya Vince," saad niya. Wala naman akong pakealam kung malaman nila. Ang iniisip ko lang naman ang sarili ko, kung ano ang maidudulot niyan sa 'kin kapag sumali ako.

"Okay, sige sasali na."

Ayoko na rin naman ng pahabain pa ang usapan. Napilitan na lang din ako na pumayag, ngumiti naman agad si Michelle.

Nakarating din naman kami sa lockers, maraming nakatambay at madami rin ang nag-iiwan ng mga gamit nila. Nagtungo na rin si Michelle sa locker niya gano'n din ako. Iiwan ko lang 'tong librong dala ko, masiyado kasing mabigat, nakakangalay sa balikat.

"Bukas ire-release na ang bagong kanta ni VnM.. nae-excite na 'ko."

"For sure madaming views na naman 'yan, sana soon malaman na natin kung sino siya."

Palihim akong napangiti sa dalawa habang binubuksan ang locker ko, ako ang pinag-uusapan nila. Screen name ko ang initials ng pangalan ko, it's just simple pero kahit ni isang listeners hindi makahula.

"Vienna hali ka na, uwing-uwi na 'ko." Sumunod din naman ako sa kaniya pagkasara ko nang locker ko. Tomorrow, it's Friday, 8:30 am start ng class ko kaya magpupuyat ako mamaya.

Nakarating naman kaming dalawa ni Michelle sa parking lot, sinundo siya ni Manong Dante na family driver nila for almost 12 years kaya nauna na siya sa 'kin. Nagulat naman ako nang makita ko si kuya na nakasandal sa kotse ko, ano sasabay siya sa 'kin?

"Key..," walang emosyong sambit niya nang makarating na ako sa puwesto niya. Napataas ang kilay ko sa inakto niya, damn him! its my car kaya ako ang magda-drive.

Tumungo naman ako sa driver's area at 'di siya pinakinggan, sumakay na nga ako gano'n din siya but I know nainis siya sa ginawa ko.

"What's your problem?" naiinis na tanong niya. Nasa biyahe na kami pauwi, nilingon ko naman siya.

"Makakaganti rin ako sa 'yo," dugtong pa niya.

"Threat ba 'yan? maiiyak ba 'ko?" tugon ko. Kumunot naman ang noo niya, napatawa na lang ako.

Nakauwi rin naman na kami sa bahay, dumiretso na lang din ako sa kwarto at humilata na agad sa kama. Haysss hindi ko naman na feel ang ganitong stress noong nasa amerika pa 'ko pero bakit sa university na 'yun, feeling ko ang bigat-bigat ng pinapasan ko.

Nagbihis na lang din naman ako ng pambahay at ginawa na ang mga homeworks ko. Mahigit 30 minutes ko rin itong sinagutan, nahiga na lang ulit ako sa kama at napapikit. 

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Sebastian, bakit ko nga ba siya tinitingnan kanina? Hindi pa naman kami nakakapag-usap, I don't even hear his voice. But I have this strange feeling, I couldn't explain pero nakaka-curious siya. Sino ka nga ba Sebastian? bakit hindi ko maiwasan ang mga titig mo?

*********

Kinaumagahan, nagising din naman ako mga pasado alas syete. Ewan ko ba kung bakit maaga akong nagising eh nagpuyat naman ako kagabi. So, I decided na mag-ayos na lang para pumasok. For almost 1 hour din ang pag-aayos ko ng sarili, lumabas naman ako agad ng kwarto para bumaba na at kumain ng breakfast. Pero nang makarating ako sa dining area, wala si kuya.

"Maagang umalis ang kuya mo, may soccer practice daw."

Napansin pala ni tito Lucas na hinahanap ko si kuya. Naupo na lang ako para kumain na, pero bakit wala rin dito si mom?

"Si mom po asan?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato.

"Kakaalis lang papuntang office, madami pa raw siyang aasikasuhin," sagot naman ni tito.

"Okay po, uhmm tito pwede po bang sumabay na lang ako sa inyo?" tanong ko na ikinagulat niya. First time ko kasing humingi ng favor sa kaniya, siguro nanibago lang.

"Sige, iisang way lang naman ang workplace ko sa school mo," tugon niya. Ngumiti naman ako kay tito, buti na lang pumayag siya. After mga 15 minutes tapos na rin akong kumain, lumabas na rin naman na kami ni tito sa bahay at sumakay na sa nakaparada niyang kotse. Tinatamad kasi akong dalhin ang kotse ko every Friday tiyaka wala rin ako sa mood mag-drive.

Nagpapasalamat ako kasi hindi masyadong traffic, naihatid ako ni tito Lucas exactly 8 sa university. Nagpaalam na rin naman ako kay tito at pumasok na ng gate. Nakikita ko na ang iba't-ibang posters ng mga club sa hallway, nadidinig ko rin na pinag-uusapan ito ng mga estudyanteng nadadaanan ko. I joined different clubs since 10th grade pero same lang naman 'yun sa college. It's just that malaki ang responsibilidad mo bilang isang officer. Nakasalalay sa lahat ng members at officers ang tagumpay ng isang organization.

"Hi Vienna," bati sa 'kin ni Britt nang makasabay ko siya sa hallway papuntang room. I just smile at him.

"Anong club ang sasalihan mo?" tanong niya.

"Music Club," maikling sagot ko.

"Gano'n ba, si Sebastian member pala ng Music Club baka magkita kayo ro'n." Tama nga si Therese, siguro maganda ang boses niya, gusto ko na tuloy marinig.

"Ikaw? ano ang sasalihan mo?" tanong ko at napatingin sa kaniya.

"Hindi kami pwedeng sumali sa mga clubs ang nasa soccer team, nagfo-focus lang kami sa laro. Ang tanging nakasali lang sa amin, si Sebastian," sagot niya. Bigla ko namang naalala ang kinuwento sa 'kin ni Therese kahapon. Buti na handle niya pa ang oras para sa academics. Napaka-talented pala talaga niya kaya pala marami ang humahanga sa kaniya.

"I see good for him."

Napaka-interesting pala ng personality ni Sebastian. Hindi mo aakalain sa itsura at ugali niya na talented siya. Like what Therese told me yesterday, anti-social si Sebastian, tahimik at masungit pero magaling naman pala sa ibang bagay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status