"Nandito na po tayo sa Garden of Peace Resting Place, ma'- sir nga pala," ang sabi ng guardya habang tinuro ang karatolang nakapaskil. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa loob?"
"Naku, wag na po manong, nakakahiya po sainyo."
"Buti alam mo." Sarkastikong sabi ng guardya sa kanya.
"Po?" Ang takang tanong ni Angelo, "Ano bang problema ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon, bakit ba karamihan sa kanila ang papangit ng ugali?"
"Wala, ang sabi ko mag-ingat ka po sa loob," napaubo naman ang guardya, hindi niya inakalang maririnig ng babae ang kanyang sinabi. "Oh siya, aalis na ako."
"Salamat po, manong." Nagpasalamat muna si Angelo sa guardya at pagkatapos ay nagpaalam na
Habang tumatakbo si Angelo, ay parang may nararamdam siyang sumusunod sa kanya. Kaya mas bilisan pa niya ang kanyang pagtakbo, gumagabi na kasi. Baka maging delikado pa sa kanya kung tatagal pa siya sa lugar dahil dayo lang siya, at hindi niya kabisado ang daan. Baka mamaya bumangon pa ang mga patay dito, kahit patay na ang katawan niya, ayaw niyang makakita ng mga kalahi niyang multo.Napahinto naman siya sa kanyang pagtakbo ng may makaramdam na naman siyang malamig na hangin sa bandang likuran niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod, habang nananalangin na sana hindi nakakatakot na multo ang makikita niya.Nang makatalikod na siya ay nanginginig na imulat niya ang kanyang mata, at tumambad sa kanya ang kunehong pinakawalan niya kanina.Bumuntong hininga siya tsaka linapitan ang ku
"Nandito na pala tayo," ang pagbabasag muli ni Rain sa katahimikan nababalot sa kanilang dalawa. "Nandon pala yung bahay ko. Yung ikalawang bahay na may kayumangging pintura."Sinundan ng mga mata ni Angelo ang tinuturong bahay ni Rain. At nakita niyang maliban sa bahay ni Rain ay may iba ding mga istrukturang nakatayo doon."Gusto ko sanang imbitahan ka para maghapunan pero, baka hinahapan ka na sa inyo." Habang nakatignin si Angelo sa kinaroroonan ng bahay ni Rain, ay bigla itong nagsalita."Salamat nalang, pero tulad nga ng sinabi mo maggagabi na. Sa susunod nalang siguro." Magalang na tinangihan ni Angelo si Rain dahil kailangan na niyang makauwi at baka magwala sa galit ang panget na nilalang."Sige, kung dadayo ka ulit dito. Ala
Matapos magtangal ang mga tinga sa kanyang ngipin, naisipan na ni Angelo na bumalik sa terminal ng bus. Buhat-buhat ang kuneho ay nakipagpatentero siya sa mga sasakyang dumadaan.Pagkatapos ng pakikipagpatentero ay narating na din niya ang terminal ng bus."Ano nga ulit yung pangalan ng bus na sinakyan ko kanina?"Napakamot nalang sa kanyang ulo si Angelo, dahil hindi na niya matandaan ang pangalan ng bus na sinakyan niya kanina papunta sa bus terminal.Nagpaikot-ikot siya sa terminal, nagbabasakaling matatandaan yung bus na dapat niyang sakyan."Ano nga ulit yung pangalan ng lugar kung saan nakatira si Mark,"sising-sisi si Angelo kung bakit niya kinalimutan ang isang napakaimportanteng bagay. Kung alam sa
Sinundan naman ni Angelo ang lalaki papunta sa isa sa mga opisina ng istasyon. Nang makapasok na sila sa loob ng opisina ay bigla nalang siyang binulyawan nito."What the h*ll are you doing here?!" Bakas ang galit sa mukha ng lalaki, nang makita niya ang pagmumukha ni Aimie sa lugar ng kanyang pinagtratrabahuan."Ingleserong palaka toh, kala mo kung sino. Di ka kagwapohan kaya wag kang high blood, mas lalo kang pumapanget."Napasimangot naman si Angelo dahil sa inasal ng lalaking kaharap niya. Kung makaasta ito parang may ginawa siyang nakakasuklam na bagay."Do you think I'll feel sorry for you, because you're here in front of me with that pathetic face of yours." Mas lalo pang nagalit ang lalaki nang makita nito ang expresyon ng mukha ni Aimie, na parang nagpapaawa sa k
"Yur mi brader?""Pisti, bigla akong napaingles."Hindi mapigilan ni Angelo na murahin ang sarili dahil sa kanyang sinabi.Samantalang ang kuya naman ni Aimie ay napaigting dahil sa kanyang narinig. Di niya akalaing naglayas lang ito sa pamamahay ay pumangit na ang pag-englis nito."What's your problem, why are you speaking like that?" napataas ng kilay ang kuya ni Aimie habang tinatanong si Angelo. Sa tingin niya kasi ay parang lumuwag ang turnilyo ng nakababatang kapatid niya."Anong what's your problem diyan, pede bang magtagalog ka nga, nakakarindi kang palaka ka." Hindi mapigilan ni Angelo ang magalit dahil kanina pa niya sinabing magtagalog nalang ang mukhang palakang kaharap niya, pero englis pa rin ng englis. "Kapag ako hindi nakapagpigil masasapak talaga kita, isa pang englis diyan babatuhin kita ng sapatos."Nakita naman ng kapatid ni Aimie na seryoso ang kausap niya kaya napaubo muna siya bago magsalitang muli.
"Enough!" Hindi mapigilan ni Anton ang sigawan ang nakababata niyang kapatid. "Bumalik tayo sa paksa. Sino ba yang Mark na yan?Nagkibit-balikat lang si Angelo sa tanong ni Anton. Hindi naman napigilan ng huli na panlisikan ng mata si Angelo, dahilan upang mas lalong ibaon niya ang sarili sa kinauupuan niya."Mark Akkin Castro ang buo niyang pangalan. Sa kung papaano sila nakasal ni Aimie, yun ang hindi ko alam." Walang nagawa si Angelo kundi sabihin ang katutuhana sa palakang kausap niya."Kung makapagsalita ka parang ibang Aimie ang kinasal sa Mark na yan." Napatawa nalang si Angelo sa sinabi ng kapatid ni Aimie. Totoo naman kasi ang sinabi nito- si Aimie ang ikinasal sa panget na iyon at hindi siya."Naku kung alam mo lang brad
Nabasag ang katahimikang bumabalot sa dalawa, nang dumanting ang pulis na naatasang bumili ng pagkain."Heto na po chief." Inabot ng pulis kay Anton ang supot na naglalaman pagkain. Agad namang nagpasalamat si Anton nang matanggap na ang pinabili niya.Nang makita ito ni Angelo, at ng kuneho na kanina nagtatago ay takam na takam nilang tinignan ang supot na may lamang pagkain. Napalunok ang dalawa sa kanilang nakita, at kulang nalang atakihin nila si Anton upang makuha ang supot na may pagkain."Penge." Hindi makatiis si Angelo kaya humingi na siya kay Anton, samantalang napangisi naman si Anton sa inasal ng kapatid."Bakit naman kita bibigyan?" ang tanong niya kay Aimie habang kinukuha sa supot ang mga pagkaing pinabili niya.
Nang matapos lantakan ni Angelo ang mga pagkaing naiwan sa mesa ni Anton, ay dali-dali siyang lumabas sa opisina nito. Hinanap niya yung nakakatandang kapatid ni Aimie, sa mga sulok ng istasyon, nagbabasakaling makita niya ang pangit na palaka. Lubos ang ipinagtataka ng mga tauhan ng istatsyon sa kilos ng kapatid ng kanilang chief, mukha kasi itong my hinahanap. Kaya naman nagtulakan sila, sa kung sino ang lalapit sa minamahal na kapatid ng kanilang chief. "May hinahanap po kayo?" Sa kanilang pagtutulakan ay may isang minalas na pulis at naitulak siya nang malakas papunta sa kinaroroonan ni Angelo. Walang nagawa ang minalas na pulis kung hindi ang lapitan ang nakababatang kapatid ng kanilang chief at magtanong dito. "Hinahanap ko yung mukhang palakang, si Anton," seryosong pag