Sir
Naisipan ko na maagang pumasok ngayon sa school dahil isa lang naman yung klase ko ngayon. It Capstone. Sa totoo lang nahihirapan ako dito sa subject ko na to e. Buti na lang kamo hindi ko kaklase si Cita ngayon."Aga mo ata ngayon, Abi?" tanong ni Cathy. Seatmate ko.Nginitian ko siya. "Maaga kasi akong nagising."Lumingon ako corridor wala pa masyadong studyante. Maaga pa kasi talaga. Six thirty pa lang. Karamihan kasi seven am nag uumpisa ang klase. Isa rin sa mga dahilan e, wala rin akong kasama sa bahay. Hindi kasi umuwi si Ate. Nag text lang siya na mag o-overtime daw siya. Pumikit ako saglit. Ninanamnam ang katahimikan dulot ng hindi ko kasama si Cita.Mas gusto ko yung ganito. Mapayapa. Yung tipong hindi ako nagsasalita. Tahimik lang."Grabe talaga yung nangyari kahapon no? Nabalitaan mo ba yun, Abi."Nilingon ko siya at umiling na lang."May holdapan kasi.. Tapos sa harap pa mismo ng school nangyari."Inignora ko na lang siya. Ayoko kasi talagang makipag usap ngayon. Tinatamad ako. Wala nga si Cita ngayon, pero mukang may kapalitan siya.Mag kaiba kasi kami ni Cita. Sobra. Tahimik lang ako lagi, samantalang siya napaka loud at outgoing masyado. Ang dami niyang alam tsaka lagi niya akong sinasama sa mga pinpuntahan niya. Minsan kahit ayokong sumama, sumasama na lang ako. Ako lang kasi ang kaibigan ni Cita dito sa school. May pagka m*****a kasi yon. Kaya lagi siya namimisunderstood ng lahat."Nasaksak yung isang Prof. natin dito kahapon."Gulat akong napalingon sa kanya. "Sinong Prof.?""Hindi ko kilala basta ang narinig ko lang e, prof. ng sociology..""Anong oras daw? Kahapon lang?" tanong ko n arin dahil napukaw na nag atensyon ko."Oo. Siguro mga 5 na yun ng hapon. Nagkaklase nga kami nun, tapos yun biglang bumaba halos lahat ng prof. para tignan yung nagayari.."Mga 5? Naka uwi na ako nun. Three kasi natatapos yung klase namin."Kawawa nga.. Yummy pa naman daw..""Nahuli na ba yung sumaksak?" tanong ko pa. Grabe lang no? Kami ni Cita may nakita rin kaming gulo. Yun nga lang hindi naman talaga kami dapat madadamay don, kaso lang nangielam kasi si Cita. Tapos ngayon naman isang Professor. Kawawa naman yung family nun."Hindi. Nakatakas daw." ani nito. "Tsaka sabi rin kanina na may pupunta daw ditong mga police mamaya para mag tanong tanong."Napatango ako. Nag usap pa kami sa ibang bagay. Natigil lang kami nung dumating na yung professor namin.Kahit nakaharap sa computer ay Gustong gusto ko itext si Ate ko kung okay lang siya kaso kinakabahan ako baka mahuli ako ng prof na nag tetext. Hindi ko kasi kaya mag text pag may prof sa harap. Sa pagkakataon na ganito ko hinihiling na sana kasama ko si Cita. Para siya na yung gumawa. Namaster na niya kasi yung ganun.Napapansin kong hirap sa pag tuturo yung Prof. namin kaya hindi na ako nagulat ng sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay bigla siyang napaupo sa table niya at napahagulgol.Hindi naman maalis sa amin ang mag alala sa kanya. Grabe kasi yung iyak niya. Baka naapektuhan siya dun sa nangyari. Lahat kasi ng mga instructor at proffessor dito ay magkakaibigan."Pasensya.. p-pasenya na." aniya sa kalagitnaan ng pag iyak niya. Tinabunan pa niya ng kamay ang muka niya para hindi namin makita ang umiiyak niyang muka."Ayus lang sir, iiyak mo lang po.." sabi naman nung isa kong kaklase."B..bestfriend ko k..asi yun.. Nasaksak kahapon.."Siniko ako ni Cathy kaya ako napatingin sa kanya. "Bestfriend pala niya." bulong nito sa akin na parang hindi ko narinig yung sinabi ni Sir."Sorry, Sir." Sabi ni Cathy. "Ano po ang pangalan niya Sir?""Si Instructor Diaz.." sagot ni sir.Nanlaki yung mata ko. Hala! Instructor ko yun nung 1st year! Sa socio. 1st sem. O my! May iba din akong narinig na nagulat dahil sa narinig kay Sir."Instructor ko yun ng second year ako!" sabi nung isang boses sa likod ko."Naging prof. ko yun sa isa kong back subject!"Naging maingay sa bulong bulungan ang room namin.Hindi pala nila ipinaalam sa mga studyante ang nangyari kahapon. Kaso hindi rin nila na kontrol kasi may mga nakakita kaya kumalat."Kung hindi mo kayang magturo ngayon Sir, maiinitindihan po namin..""Im s..sorry.. So..rry!"Hindi na nagturo pa si Sir ngayong araw. Naiintindihan ko naman. Nawalan siya ng matalik na kaibigan. Sana lang mahuli na yung gumawa nun kay Sir Diaz. Nakaka habag naman kasi.Maaga pa pero nandito na kami sa canteen. Isa't kalahating oras pa dapat bago matapos ang klase namin. Tinext ko na lang si Cita kasi nangungulit na rin. Bumili muna ako ng isang pirasong asado na siopao. Hindi pa naman kasi ko nagugutom, gusto ko lang ngumuya. Kakaupo ko lang sa gilid na lamesa nang makita si Cita na lilinga linga. Marahan kong tinaas ang kamay ko upang mapansin niya. Ngiti naman ang isinukli niya sa akin.Hindi pa man din siya nakakalapit sa akin ay nag uumpisa na siyang dumaldal."Uy! nabalitaan mo ba yung nangyari kahapon?"Tumango lang ako."Grabe no?" medyo malakas na boses na sabi niya nang makalapit na. "Ay, bumili kana agad ng food mo, hindi mo ako hinintay."Napatingin ako dun sa mga lumingon sa amin dahil sa lakas ng boses ni Cita."Hinaan mo konti yung boses mo, Cita.""Bakit?" masungit na sabi niya."Hindi lang tayo ang tao dito.""Pake ko naman? Hindi naman library itong canteen, kaya huwag silang maarte." sinadya pa ata niyang lakasan iyon. Jusko po! Sana pala hindi ko na lang sinita."Oh ano, tara na?" aya niya. Tumango ako at tumayo na. May usapan kasi kami ngayon na sasamahan ko siyang mag mall. Bibili kasi siya ng bago niyang laptop."Kilala mo ba kung sinong Prof. yun?" tanong niya habang naglalakad kami sa malawak na field ng school. May malaki pang puno ng Narra doon kaya kahit mainit ang panahon ay malilim pa rin ang nilalakaran namin."Si Sir Diaz, daw." sagot ko.Narinig ko naman na napsinghap siya. "Si ano.. Yung teacher natin nung 1st year sa socio?"Tumango ako."Shit. ayy hala! Andami ng pulis." sabi nito ng matanaw namin ang nagkalat na police sa may parking."Tara tignan natin..""Ayoko na, Cita. Dumiretso na tayo sa mall. Wala naman tayong maitutulong diyan.""Sandali lang tayo.." sabi nito sabay hila na sa akin.Marahan ko pang inayos yung strap ng bagpack ko sa balikat dahil nalaglag pa ito ng tumakbo kami ni Cita."Uyy, ano ng balita?" si Cita doon sa isa rin nakikiusyoso. Napalingon ito sa kanya.Nagkibit balikat yung lalaki na ka schoolmate namin. "Wala daw nakakilala e.. Naka hoodie daw kasi tapos tumakbo agad.""Hindi nakita sa cctv?" tanong pa ulit ni Cita."Nakita nila yung face. Kaya ipapaskil nila diyan mamaya.""Ah. Sige, salamat." si Cita na tinapik tapik pa yung balikat ng lalaki na akala mo'y matagal na silang mag kaibigan.Nag iba naman yung hitsura ng lalaki kaya umalis na rin."Tara na, Cita.. Kailangan kong makauwi ng maaga.." hinihila ko siya paalis don. Dahil gusto pa ata niyang magtagal doon.Marami pa ang nakiki usyoso doon na mga studyante. Hindi rin ako masyadong tumitingin sa daan dahil nagpupumilit si Cita na bumalik don.Paliko na dapat kami nang may mabunggo kami. Matigas na bagay."Ayy, Tanga, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" hiyaw ni CitaHinaplos ko yung ulo ko. Medyo masakit kasi. Jusko po! Ano ba yun? Pakiramdm ko naihampas ko yung ulo ko sa matigas na kahoy."Sorry po.." sabi ko at bahagyang yumuko para pulutin yung ballpen nung nabangga namin."Patanga tanga kasi!" sabi ulit ni Cita.Pinalo ko siya sa braso pagkaangat ko. "Tumigil ka nga! Tayo yung nakabunggo sa kanya."Humarap ako dun sa taong nabunggo namin at inilahad sa kanya yung ballpen. Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung mukha niya.Diyos ko po!Yung lalaking may rosas na tatto sa gilid!Napalunok ako. Naramdaman ko naman na natigilan din si Cita."Abi..""Sorry din. Nag mamadali kasi ako." anito at kinuha yung ballpen sa kamay ko."Hindi! Okay lang. Kasalanan naman talaga ni Abi yun. Hindi kasi siya tumitingin sa daan." si Cita. Napalingon ako sa kanya. Nag bago ang ihip ng hangin?"Anyway, ako si Cita." tapos ay naglahad siya ng kamay na mabilis namang tinanggap nung kaharap namin. "Ito naman si Abi.. Bestfriend ko." naglahad din siya ng kamay sa akin at kinakabahan na tinanggap ko iyon."Dylan Rogerr.""Wow! Sabi nila pag Rogerr daw ang name, daks daw, totoo ba yun?" walang hiya na pahayag ni Cita. Mabilis ko siyang pasikreto na sinabunutan sa likod. Lalo pa at nakita ko kung paano kumunot ang noo nung lalaking kausap."Joke!" agad na bawi ni Cita.Napailing naman si Dylan Rogerr. Magsasalita sana siya ng lapitan siya naka unipormeng police."Sir, pinapatawag po tayo ni Inspector sa Jeep.""Sige susunod ako Sir." sagot niya."Police ka ba?" agad na tanong ni Cita pag kaalis nung kausap na police.Tumango ito. "Yes." sabi nito. "I have to go now. Mag ingat kayong dalawa. Cita, Abi.." yun lang at umalis na ito."Sige Sir! Salamat! sa paalala!" pahabol na hiyaw ni Cita."Tang ina! Ang gwapo niya Abi!" ani nito at inalog alog pa ako."Ito oh, magandang model to, Cita." turo ko doon sa isang laptop na binusisi ko kanina pa. Hindi siya ganun kalaki tulad ng ibang laptop at manipis din siya. Magaan dalhin."Mag kano po yung ganito, Sir?" tanong ko dun sa salesman."36,999 po maam."Tinignan ko si Cita."Cita.. Ito na yung kun--""Grabe no? Akalain mo pulis pala siya?" daldal ni Cita sa akin. Hindi pinansin ang sinabi ko. Hindi pa rin siya nakaka get over sa pagkakakita namin dun sa lalaking may rosas na tatto kanina. "Tapos pinagbintangan pa natin siya na adik.."Hindi ko na siya pinansin. Malapit na akong maasar sa kanya. Kanina pa kasi niya bukang bibig yung lalaki na yun. Nandito nga kami sa mall para bumili ng laptop niya pero nakailang store na kami at wala pa rin siyang napipili. Imbes na mag komento siya sa mga tinitignan namin na laptop, hindi. Bukambibig niya yung pulis! "Tapos Dylan Rogerr pala yung name niya. Tingin mo nasa school kaya ulit siya bukas?" magiliw pa rin na daldal nito. Hindi niya ata napa
"Pero bakit kailangan namin madamay! ni hindi nga namin kilala yung lalaki na yun!" napatayo na sigaw ni Cita. Nandito kasi kami ngayon sa office ng Dean. Pinatawag kami kasi nahagip at nakita sa cctv yung ginawa namin na pag tulong doon sa lalaki na siyang sumaksak kay Sir Diaz. "Pero bakit niyo nga tinulungan?" napatingin ako dun sa isang nakatayong police na nagtanong. Medyo bata bata pa siyang tignan. Mga ka-edad lang siguro namin siya. Ang bata naman niyang Police, isip isip ko."Akala kasi namin, pinagtitripan lang siya. Hindi namin alam na police pala si Rogerr at hinuhuli lang yung lalaki." paliwanag ulit ni Cita. This time hinawakan ko na siya at pinaupo. Yung kamalditahan at katapangan kasi ni Cita, natatanaw ko na. Buti na lang wala dito si Dean. Jusko po! Baka pumutok na ang ugat nun sa stress dahil sa inaasal ni Cita, ngayon. Apat lang kasi kami na nandirito. Ako at si Cita at yung police na naka uniporme na nakaupo lang n para bang walang anngyayari na sagutan sa hara
---"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa ulit ng isang beses kay Cita, kahit pa ilang beses ko na siyang natanong. Hindi ko kasi maiwasan na mag alala para sa kanya. Ayaw niya rin kaksing sabihin kung ano ba yung napag usapan nila sa loob."Ay nako! Oo nga, ayos lang ako. Pa ulit ulit ka naman, Abi.."Hinalo ko yung sphagetti sa harap ko. Nandito kasi kami sa isang fast food sa harap ng school. Dito kami dumiretso after nung nangyari sa office ng Dean. Dapat nga magpapalamig lang kami dito, pero nakaramdam na rin kami ng gutom.Tinignan ko pa ulit ng isang beses si Cita, habang hinahalo niya yung sundae niya. Nag alala talaga ako sa kanya kanina ng pinaiwan siya ni Mr. Villanuevo. "Uy!" nasabi ko bigla ng may naalala ako. Naalala ko kasi yung mga pinagsasabi niya kanina doon sa loob. "Ikaw kung ano- anong pinag sasasabi mo doon sa harap ng pulis kanina, sigurado ka ba doon?" "Leche! hindi naman pulis yung gunggong na yun!" tukoy niya doon sa lalaking kasama ng dalawa."Pero kahit
---"Kakilala mo rin pala si Mr. Villanuevo?" tanong ko kay Ate ng matapos kaming makapang hugas ng mga plato. Sila Cita kasama niya yung mga Pulis dun sa sala. Ako tinulungan ko na lang si Ate. Naupo muna ako doon sa upuan habang si Ate nag simula namang punasan ang lamesa. "Oo. Diba nga kaklase ko si Dylan, si Matias naman yung pinsan niya naging kaklase ko rin.""Nung college ka, Pakalat kalat ka?" sabi ko habang nakapalungbaba sa kanya. Natawa siya. "Oo. Kailangan e. Wala akong choice kundi maging irreg noon kasi wala kang kasama dito sa bahay. Kaya lahat ng subjects. ko non kasabay rin nung pasok mo nung elementary ka para sabay tayong uuwi."Napangiti naman ako. "Salamat, Ate.." alam kong napakahirap para kay Ate yung iadjust niya yung buhay niya sa kung paano ako nabubuhay noon. Palagi ko siyang kasama nun wala ata akong maisip na hindi ako nasamahan ni Ate. Pwera lang siguro nung minsan na iniwan niya ako kay Ate Ningning nung nag umpisa na siyang mag ojt. Ginantihan naman
---"Totoo ba, Charlene?" agad na tanong ni Ate sa akin pagkatapos ipaalam sa kanya ni Rogerr yung tungkol sa akin. Maingat niyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Nakita ko naman sa mukha ni Ate ang naramdaman ko kanina.Takot. At pag aalala. Sa tingin ko nga mas matindi pa ang nakikita ko sa kanya kaysa sa naging reaksyon ko kanina. Sa totoo lang, nung sinabi ni Rogerr sa akin iyon kanina ay natakot ako syempre.Sobrang takot.Na gusto kong sarilinin. Ayokong may makaalam pa na iba, ayokong maramdaman nila yung takot na ramdam ko ngayon. Tsaka isa pa, hindi pa naman ganun kasigurado na magagawa nga sa akin yun ng adik na yun, kung masasaktan ba niya ako o hindi. Kahit papaano ay nabawasan ang takot sa dibdib ko ng sabihin ni Rogerr na gagawin nila ang lahat para mahuli iyon. Tsaka nakakaawa na rin ang pamilya ni Sir Diaz, pag hindi pa rin nahuli ang adik at kriminal na iyon.Tinignan ko si Rogerr na naakupo sa kabilang sofa bago tumango kay Ate."Ano?!" napahawak
-Lunes ngayon, at kagigising ko lang. 6:30 na ng umaga pero nakahiga pa rin ako sa kama ko. Maaga ako nagising dahil sa totoo lang hindi naman ako gaano nakatulog. Tsaka nagising din ako kalagitnaan ng tulog ko ng maramdaman ko si Ate na tumabi sa akin. Nung tinanong ko siya kung bakit siya nandito sa kwarto, hindi naman niya ako sinagot at nginitian lang ako. Tapos pagkagising ko ng mga 4:00 wala na siya sa tabi ko. Lumipat na siguro.Biglang sumagi sa isip ko si Cita. Naalala ko yung nangyari kagabi. Napabangon ako ng wala sa oras. Agad kong hinanap yung cell phone ko.Tinawagan ko siya. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi. Jusko! Nakaka tulala naman kasi yung mga nalaman ko kagabi kaya, hindi ko na naalala yung kaibigan ko.Mag isa lang siyang umuwi. Sa totoo lang nag tataka na ako kung ano ba talaga yung nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya kay Mr. Villanuevo. Alam mo yung galit na labas ang ugat? Ganun kasi si Cita kagabi. "Hello, Cita?" sabi ko ng sinagot na niya ang
"Oh, ano na? Hihintayin mo siya?" tanong sa akin ni Cita nang matapos yung klase namin. Tinext ko naman si Ate para tanungin tungkol doon pero hindi naman siya nag rereply. Kaya hindi ako sigurado. Pero kung iisipin, malapit siya kay Ate, may posibilidad nga na nakiusap si Ate sa kanya.Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Cita. "Samahan mo na lang ako mag hintay sa kanya..""Sige.. Tsaka, gusto ko rin naman siyang makita." nakangiting sabi niya."Bakit naman?""Gusto ko lang siyang makita, bakit?" "Pero may boyfriend ka na diba?" tanong ko."oh,e, ano naman? Porket may lalaki ako, bawal na ba mag ka gusto sa iba?" mataray pang sabi niya sa akin. Parang hindi niya narerealize yung mga sinasabi niya."Cita, ang landi mo..""Ay, nag comeback na si Mother Abigail?" "Ewan ko sayo.." nauna na akong naglakad palabas ng room. Ang dami pang sinasabi ni Cita pero wala naman akong maintindihan. Nasa iba pa yung focus ko ngayon.Sa may Guard house ako nag hintay. 4:47 pm pa lang naman. Gusto
"Ate, gaano mo kakilala si Rogerr?" tanong ko kay Ate habang nag hahapunan kami. Napatigil siya sa tanong ko. Naisip ko lang kasi kanina habang kumakain kami sa labas ni Rogerr. Hindi ko pa talaga siya kakilala. Oo, nakakausap ko siya pero bilang tao lang. Yung wala namang koneksyon, dalawang tao lang na nagkakausap. Yun lang."Kakilala ko siya." ani ni Ate at sumubo ng pagkain.Napanguso ako. Hindi naman kasi niya sinagot yung tanong ko. "Alam ko Ate.. Pero.. ibig kong sabihin.. Alam mo ba yung pagkatao niya?""Ha? Oo naman.. Kaibigan ko si Rogerr pati yung pinsan niya na si Matias. Simula college hanggang ngayon. Bakit mo naitanong?""Napansin ko lang kasi na masyado mo siyamg pinagkakatiwalaan..""Aahh! Yun ba?" aniya "Pinag kakatiwalaan ko talaga siya. Parang kapatid ko na kasi talaga siya. Kaysa pa nga ata kay Cita..""Ate naman.." kawawa naman yung kaibigan kong iyon."Biro lang. Pero seryoso Charlene, alam mo.. Kung iisipin ko ngayong mabuti, hindi ko rin alam kung bakit tum