Aika de Leon
"Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan sa sulok? Ipis ka ba?" wika ng kaniyang kaklase na si Rita Usisera na halos lahat ng galaw ng kaniyang mga kaklase ay napapansin niya.
Hindi nagsalita si Aika sa pambabatikos ni Rita sa kaniyang mga ginagawa bagkus ay ginawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng kanilang aralin.
"Hindi ka pala parang ipis kundi ipis na talaga. Ikaw na nga itong kinakausap tapos hindi mo man lang ako kibuin. Para tuloy akong tangang nakatayo rito sa harapan mo. Hay, dadako na nga lang ako sa iba." Padabog na umalis si Rita dahil hindi niya man lang nausisa si Aika.
Ngayon ay tinungo ni Rita ang iba niyang kaklase na nasa sulok upang usisain ang kanilang mga ginagawa. Isa nga siyang usiserang tunay.
"Excuse me, maaari ba akong umupo rito sa tabi mo?" tanong ng isang dalaga kay Aika na pawang isang transfer student na mula sa angkan ng mayayaman.
"Okay." Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Aika na halo
Jubelle Lim"One dosen of roses to the most beautiful girl here in my heart. Happy 1st Monthsary Bey!" sabi ni Cris, boyfriend ni Jubelle sabay abot sa kaniya no’ng bulaklak at hinalikan sa pisngi ang dalaga na nagdulot upang kiligin ito."Naku, bes! Ang suwerte mo naman! Mukhang siya na nga ang lalaking mag-aalaga sa puso mong sugatan!" wika ni Angie, na best friend niya."Thanks, bie! Happy 1st Monthsary rin! Heto o, gift ko sa iyo," aniya sabay abot kay Cris ng paper bag na nasa tabi niya. Buong puso naman itong tinanggap ng binata."Wow, a, bey at bie! Sosyal, beybie!" pagsingit naman ni Angie habang binubuksan ni Cris ‘yung paper bag."Tumahimik ka nga riyan, bes! Moment namin ito, mamaya ka na umepal okay?" turan ni Jubelle sa kaibigan kaya naman nag-act si Angie na she zipper her mouth."Thanks, bey! The most precious gift na natanggap ko ever…" wika ni Chris sabay yakap sa dalaga. At dahil may kakaibang ligaya na n
Mimay Gomez"Mimay, kaya natin ito! Mananalo tayo! One point na lang ang kailangan natin para maging champion ngayong taon. Inaasahan ka namin, okay?" sambit ng kanilang coach na todo-todo sa pagpapaliwanag marahil dulot ng kaba.Championship ngayon sa Women's Volleyball at first time ng kanilang school na nakapasok sa championship at ngayon ay napakasidhi ng labanan ng magkabilang kampo.Lamang sila ng isang puntos 24-23 kaya kapag nakapuntos ang kalaban ay magkakaroon ng deuce at kapag sila ang nakapuntos, sure win na sila. Nasa kabilang kampo ang bola kaya kailangan nilang maging alerto upang maipasok ito sa kabila.Sinimulan ng i-serve ng kabilang grupo ang bola kaya lalong tumindi ang tensyon na nararamdaman ng kampo ni Mimay.Na-receive ni Trish ang bola at isi-net naman ito kay Mimay para gawin ang Killer Spike niya ngunit nauna sa pagtalon si Mimay kaya hindi niya naisagawa ang plano kaya dumaplis lang ito sa kaniyang kamay. Mabuti na lang
Angie Lee"Wahh! Ang guwapo niya talaga! Feeling ko ay nasa langit na ako dahil mukha siyang anghel na bumaba rito sa lupa,” wika ni Angie sa kaniyang isip."Uy, bes, ano nangyari sa ‘yo? Masyado yatang malalim iyang iniisip mo, mas malalim pa sa swimming pool," saad ni Jubelle na busy sa pagkain ng paborito niyang lasagna.Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at laging magkasama ang dalawang ito lalo na pagdating sa kalokohan."Alam mo ba, bes, kami na ni Cris! Sinagot ko na siya!" ani Jubelle at tuwang-tuwa pa."Naku, ikaw talaga, bes, kahit maraming beses ka ng nasaktan ay hindi ka pa rin napapagod na magmahal," turan niya sa kaibigan habang kumakain ng fries."S’yempre naman, bes. Kahit ilang beses akong masaktan ok lang, hindi ako titigil hanggang sa matagpuan ko si Mr. Right,” anito habang kumakain naman ngayon ng hamburger."Naku, ewan ko sa ‘yo. Okay, maiba naman tayo, bes!" Biglang naisipan
Kryzette Ferrer"Naku, bestibes! May ichi-chika ako sa ‘yo bilis!" apuradong sambit ni Tasha, ang nag-iisang kaibigan ni Kryzette."Ano na namang chismis iyan, bestibes? Saan mo napulot?" malumanay na tanong ni Kryzette habang nagbabasa ng dyaryo."Ganito kasi iyon, bestibes. Nagpunta ako kanina ng CR tapos narinig ko ang pag-uusap ng dalawa nating kaklaseng clown noong umiihi ako," panimula nito, na tila ba sobrang lapit kay Kryzette para hindi makasagap ang iba."O, tapos? Ano ang narinig mo sa pag-uusap nila?" tanong muli ni Kryzette na nakatutok pa rin sa pagbabasa ng dyaryo."Narinig ko na pinag-uusapan nila ang ex boyfriend mo," eksahiradang balita ni Tasha."Oh… ano naman ang tungkol kay Mark?" tanong ni Kryzette dulot ng kuryosidad. Agad niyang ibinaba ng dyaryong binabasa."Confirmed, bestibes! Bading si Mark! Nagladlad na raw siya sa school niya nito lang… pogay na pogay ang gaga," saad ni Tasha na tila t
Jade Winnflow"Mga bata, sabi ni Mother Superior mag-pray muna bago matulog, ‘di ba? Kaya ano ang dapat ninyong gawin?" sambit ni Jade."Close your eyes, bow your head, and feel the presence of our living God," sabay-sabay na sagot ng mga bata."Very good! Kaya let's pray!" wika ni Jade at pinangunahan na nga niyang magdasal ang mga ito."Amen!" sambit ng lahat matapos magdasal."Okay mga bata, matulog na kayo walang magpupuyat, a," paalala niya."Ate Jade, kumusta na nga pala si Mother Superior? Magaling na po ba siya?" tanong ni Ada, ang pinakamakulit sa kanila."Ahm, okay naman na ang kalagayan niya. Masyado lang siyang napagod kaya nahimatay kanina," paliwanag ni Jade sabay upo sa tabi ni Ada."E kung gano’n po, kayo muna ang magbabantay sa aming pagtulog?" tanong naman ni Roger, ang pinakapilyo sa kanila."Oo, kaya kapag magulo at makulit kayo, parurusahan ko kayo," pagbabanta niya sabay akto na parang n
Lucifera Yuno"Tara, luto tayo ng barbecue, ‘yung ihaw-ihaw," sambit ni Claire, na mahilig sa pagkain."E ‘di ikaw na lang mag-isa… wala ako sa mood ngayon, ‘no," masungit na turan ni Lucifera na tila dinaig pa ang isang matandang nasa menopousal stage na."Ang corny mo, Lucifera. Lagi ka na lang kumokontra sa amin," saad naman ni Josh, ang boyfriend ni Claire."Umamin ka nga, anak ka ba ni Lucifer?" mapantuyang tanong ni Gerald kaya nagtawanan ang buong grupo."Oo, anak nga ako ni Lucifer kaya Lucifera ang pangalan ko. Buwiset!" pabirong sigaw niya sa mga kaibigan."Wait lang, Lucifera, maaari bang magtanong ako sa ‘yo?" wika ni Jenny na medyo nag-aalangan pa."Nagtatanong ka na, ‘di ba? Go, push!" tugon ni Lucifera habang nakaupo malapit sa malaking puno.Ang araw na ito ay bonding moments nilang magkakaibigan kaya nag-picnic sila sa loob ng kagubatan."Nakita kasi kita noong isang
Raya ArellanoKatahimikan ang bumabalot sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. Masyadong mapayapa, bagay na bagay sa akin upang matahimik naman ang buhay ko.Ang mga tao sa paligid, hindi ka nila pakikialaman hangga't hindi mo sila ginagambala. Saang lupalop ba ako napunta? Isang kakaibang lagusan ang napasukan ko kanina at hindi ko akalaing dito ako dadalhin no’n.May nakasalubong akong lalaki, hindi maganda ang aura niya. Mukhang may masamang binabalak kaya kailangan ko ring mag-ingat. Walang sinuman ang dapat makaalam sa tunay kong katauhan.Ang maaliwalas na kalamgitan ay napalitan ng kadiliman. Ang mga tao kaninang walang pakialam sa ‘yo ay tila ba nag-aamok na ngayon. Ano ba ang kinalaman ng dilim na ito sa mga tao?Ang anyo ng mga tao ay nagiging kalahating halimaw. Oo, parang katulad ng sa akin ngunit ang pinagkaiba lang ay may parte lang sa kanilang katawan ang nagbabago.Napatingin ako sa itim na kalangitan at nakita ko an
Eli RobinsonMaagang pumasok si Eli sapagkat nagkaroon siya sama ng loob sa kaniyang ama at ayaw niya na muna itong makita.Pagkababa niya sa kotseng kinasasakyan, bumungad sa kaniya ang mga kababaihang hindi magkanda-mayaw na masilayan siya."Ang guwapo niya talaga!""Ang hot pa! Busog na busog na ang mga mata ko!""Makalaglag panty ka talaga Eli!""Puwede na ba kitang iuwi? Akin ka na lang, please!""Hay, nakakaasar talaga ‘yung mga babaeng iyan. Puwede namang huwag na nilang ipangalandakan sa buong campus ang mga katagang iyon," saad niya habang naglalakad sa loob ng campus patungo sa kaniyang silid-aralan.Napatigil siya sa paglalakad nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang isang babae na mukhang clown dahil sa sobrang kapal ng kolorete sa kaniyang mukha."Eli Robinson, mahal kita! Matanggap mo sana itong regalo ko! Mahal iyan, binili ko pa iyan sa France!" wika nito na mayroong nakakahumindig na ngiti.