Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita. Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince.
Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy.
“Aled, wait.” Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito.
Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince.
“Now what?” Singhal nito.
“I-I was..” Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin.
“A-alejandro..” Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila.
Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. “Speak.”
Nanlaki rin ang mga mata nang dalawa nang mapagtanto ang posisyon nila at ang pagpasok ni Donya Lyn. Agad na itinulak ni Sandy si Aled at sabay silang mabilis na tumayo.“No, tita. You got it wrong. N-nadulas ho kasi ako.” Agad na paliwanag nya. Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya.Si Aled naman ay hindi nagsasalita. Naupo lang ito sa kama at tila walang pakealam sa iniisp nang ina.Tiningnan nang Donya si Aled.“Hindi ka ba marunong kumatok?” Walang emosyon na tanong nang lalaki sa ina.“Ah.. S-sorry. H-hindi kasi naka lock..” Paliwanag naman nang Donya. “Anyway, it’s alright. Ikakasal na naman na kayo in five days. I got to go.” Sabi nang Donya at mabilis na lumabas.Nakanganga naman na naiwan si Sandy. Nagulat sya sa pag-uusap nang dalawa. Tila hindi mag-ina ang mga ito. Tila ang Donya pa ang humihingi n
Unang araw na nilang mag asawa. Natural na sa mansion na rin nakatira si Sandy. Ang kanyang silid ay katabi nang silid nang lalaki at napaka ganda niyon. Tila sya prinsesa kapag naroon sya. Kakagising nya pa lamang at agad nyang pinagsawa ang mata sa buong silid. Binigyan rin sya nang sariling credit card nang mama ni Aled na mama nya na rin. Nais nya sanang tumanggi ngunit magtatampo raw ito kapag hindi nya ito tinanggap. Para raw sa panggastos nya iyon. Napangiwi lang sya nang makita ang closet nya. Puro iyon girly dresses at karamihan ay palda pa. Inayos nya kinabukasan ang mga gamit nya sa closet na iyon at paulit ulit na inilibot ang mata sa kanyang silid. Gabi na kasi nang unang beses na pumasok sya roon at pagod na pagod pa sya pagkatapos nang kasal nila ni Aled kaya bulagta sya. Ngayon nya lang napapagsawa ang mga mata sa magandang ayos nang kwarto nya. Bagamat alam nyang da
Aled look so dashing in his attire. Naka rugged pants ito. Black maong na hindi maluwag at hindi rin masikip ang pants na suot nito. Tinernuhan nito iyon nang checkered polo na black and white at itim na skate shoes. Ang buhok nito ay nakataas. “Wow, ang pogi mo naman ngayon.” Puri nya rito. Natutuwa sya na hindi nya na kailangang mag effort nang sobra para makausap lang ito nang kaswal. Ngayon ay okay na ang mood nito palagi. “You look pretty yourself. Your attire suits mine.” Matipid itong ngumiti. Pareho silang naka black and white. Napangiti si Sandy.Pinagbuksan sya nito nang pinto. Sa isang lingo na pagtira nya sa mansion ay nalaman nya na madami nga itong kotse. Tatlo ang racing cars nito, dalawang motor bikes at isang pang personal na lakad, ang gamit nila nang oras na iyon. Noong una ay nalula sya pero kung tutuusin ay kaya
“Are you sick?” Sa tanong na iyon ni Aled muling bumalik ang pag-iisip ni Sandy sa kasalukuyan. Tiningnan nya ang lalaki. Bakas sa gwapong mukha nito ang pag-aalala. Kasalukuyan silang lulan nang kotse nang umagang iyon. Papasok pa lamang sila sa eskwelahan. Umiling sya. “No, I am not.” Matipid syang ngumiti. “Why are you like that?” Pagtataka naman ang nasa mukha nito. “Like what?” “Like..that. Cold all of a sudden.” Mahinang sabi nito. Linakihan nya ang ngiti. “No, may iniisip lang ako. Okay lang ako, ano ka ba.” Pinalo nya pa ito sa hita nito. Nagkibit balikat na lamang ang lalaki at hindi namuling nagtanong. Mula nang malaman ni Sandy
Ika-apat na gabi nang pagsunod nila Sandy, Lisa at Aileen kay Aled. Sa mga nakaraang pagsunod nila ay umuuwi na sila kapag alam nilang matatapos na ang event. This time ay nagpasya si Sandy na lalapit na sya sa asawa, come what may. Kasehodang magsuot rin sya nang mga tipo nang damit na suot nang mga babaeng naroon. Nagsuot sya nang pulang dress na hanggang kalahati lang nang hita nya ang haba. Pinatungan nya iyon nang itim na bolero. Tinernuhan nya iyon nang itim na boots. Tinulungan din syang mag make up nila Lisa at Aileen. Itinaas ang kanyang buhok at nag iwan nang ilang hibla na nakalaylay sa bandang pisngi nya. Hindi makapal ang pagkaka make up sa kanya kaya mas bumagay sa kanya ang kanyang outfit. Bagamat natuwa sya sa kinalabasan ay hindi sya kumportable sa damit na suot nya. Ang dalawa ang pumili nang suot nya, ito rin ang nag make-up sa kanya.&n
Aled won that night. They went home right away at alam ni Sandy na kung hindi man ito galit ay hindi ito natuwa sa ginawa nyang biglang pagsulpot sa lugar na iyon. Wala silang imikan sa kotse. Ipinasya ni Sandy na ipikit na lamang ang mga mata upang makapag relax at isinandal ang likod sa upuan. Ayaw nyang sya ang unang magsalita between them. Hanggang sa marating na nila ang mansion ay hindi pa rin ito nagsasalita. Natatakot na talaga si Sandy. Baka mas malala ang magiging pag-aaway nila nito. Hinila sya nito at hinawakan ang kamay nya nang mahigpit. Sabay silang umakyat at pumasok rin ito sa kwarto nya. Pinaupo sya nito sa kama nya bago ito nagsalita. “I’m sorry kung hindi ko nabanggit sa’yo ang pagkakarera ko. You see, hindi kasi talaga ako sanay nang nagpapa alam eh. I’m independent.” Pagpapaliwanag nito. Tumango si
Alas tres nang hapon nang araw na iyon nang makatanggap sya nang tawag mula kay Prince. Wala pa si Aled nang oras na iyon at hindi nya naman ito ma contact. Nag-papasama si Prince sa kanya sa isang mall at sa tingin nya naman ay hindi na mag-iisip nang masama si Aled. Mag-aalas kwatro na nang magkita sila sa isang restaurant. Naka suot ito nang wig upang magmukhang mahaba ang buhok nito at isang puti’ng cap. Nagsuot ito nang salamin ngunit gwapo pa rin ito’ng tingnan bagamat hindi na ito mukhang si Prince Montreal. “Prince! Na miss kita. Nagpa tan ka na pala. Hindi ka man lang nagpaparamdam.” Tila nagtatampo na sabi nya nang maka upon a ito. “Kailangan medyo summer look na eh. Ano ka ba. Syempre na miss rin kita. Kaya nga inaya kita eh. How’s married life so far?” She shrugged her shoulders. “Okay nama
Hindi nya na alam kung paano sya nakapasok sa kwarto nya pero alam nyang pagkatapak nya pa lang sa labas nang kwarto ni Aled ay tumulo na ang mga luha nya na kanina pa nagbabadyang bumuhos. Paano’ng ganoon ang nangyari? Ang akala nya ay okay na okay na sila nang asawa. Napapatawa nya na ito at napapa ngiti. Hindi na sya nito sinusungitan at hindi na rin ito nagsusuplado. Pero malayo pala sa katotohanan ang mga naramdaman nya. Sa bibig na mismo ni Aled nagmula na binigyan lamang sya nito nang pabor. Tila ayaw tumigil sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Patuloy lamang iyon sa paglabas. Dalawang oras na syang umiiyak at namumugto na ang kanyang mga mata ngunit tila wala pa rin iyon balak na huminto. Kanina pa sya kinakatok nila Lisa at Aileen. Nagtatanong ang mga ito kung ano ang nangayri pero hindi sya sumasagot. Gusto nyang isipin nang mga ito na natutulog lamang sya