Share

CHAPTER 5

Saturday night. Jason called him to meet at the bar. Excited ang boses nito.

“Cooper Pare, just met these pretty ladies yesterday. Hot Pare, hot! We will go bar hopping with them tonight. Get ready. Huwag kalimutan ang mighty shield natin.” pahayag nito kasabay ng isang malutong na tawa.

“Good for you. Pero pass muna ako. Just purchase yours at 7/11.” Tumatawa din na sagot ni Cooper. Alam niya ang tinutukoy na mighty shield ng kaibigan.

“What?!” hindi makapaniwalang sigaw nito sa kabilang linya.

“Yes, bro!” Magaan ang loob na sagot ni Cooper.

“Since when?!”

“Since last night.” At tumawa nang malakas si Cooper. Kahit siya ay hindi makapaniwala na nawalan na siya ng gana sa mga magagandang babae.

“I don’t understand. Bakit?”

“Anong bakit? Hahaha! Pare, I’m in love!”

“Are you serious? Kanino?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.

“Will let you know soon. Sige, bro ha. Pakabait na ako.” At hindi man lang nagpaalam na ibinaba niya ang telepono. Ini-imagine niya na naka-nganga pa rin sa gulat si Jason sa kabilang linya.

Cooper is a well-known playboy. Sa hitsura, tindig at estado sa buhay, iilang beses na siyang hina-hire for a modelling career. Big bosses in entertainment industry have been eyeing him for so long. But he simply ignored them. Showbiz is not for him. He might be a gigolo but he has goals in life. At bigla na namang sumingit sa balintataw niya ang mukha ng magandang babae. Kinuha niya ang sketch pad at sinimulang iguhit ang mukha nito.

“Haaaay. Antagal ng Biyernes.”

Lunes. Kaka-park pa lang ni Cooper ng SUV niya sa parking lot ng school nang makita si Jason na nakaabang na sa unahan. Alam niya ang sasabihin nito kaya maluwang ang pagkakangiti na lumapit siya dito. Sinalubong naman siya kaagad nito.

“What the f*ck, Pare! Who is it?” Hindi yata ito nakatulog sa kaiisip kung sinong maswerteng babae ang nakabihag ng puso ng isang chickboy na katulad ni Cooper.

“I don’t actually know her, Pare. Nakita ko lang siya sa isang hotel. But I vow to know her soon.” At ikinuwento ni Cooper ang pangyayari simula sa usapan ng pamilya nila ni Mandy hanggang sa nakita ang babae.

“She must be very beautiful. Sasama ako sa paghahanap.” Nakatawang sambit ng kaibigan habang naglalakad sila.

“Beyond compare, bro. I don’t know why, but I just can’t forget her.”

At patuloy sila sa pagkukwentuhan habang naglalakad. Hindi lingid sa kaalaman nila ang maraming mga matang nakasulyap at nakasunod sa bawat galaw nila. Campus crush si Cooper at Jason. Gwapo si Jason pero ang image nito is that of an easy-going young man, iyong parang walang pakialam sa buhay basta masaya na sa luxurious life nito. Samantalang si Cooper naman exudes a manly vibe, iyong tipong kayang-kaya kang protektahan kahit anong mangyari. He oozes off a king-like aura that nobody can ignore. Women come crawling to his feet for a small glimpse of attention while men stare with eyes full of jealousy. Magkaiba man ang character ng dalawa but they are good friends, magkasama sa lahat ng kalokohan.

“Oh! My handsome fiancé is here!" Nakapamaywang na harang ni Mandy sa daraanan ng dalawa. Naka-mini dress ito at kitang-kita ang kaseksihan ng babae. Kasama nito ang dalawang kaibigan.

“Mandy, please.”

“What? Fiance naman talaga kita di ba? We are getting married so why hide?” Nilakasan pa nito ang boses to let others know especially the girls, sending them a message that Cooper is taken.

“You are impossible.” At nilagpasan ito ni Cooper. Mabilis ang paglalakad na tinungo ang department nila. As if maiiwasan niya si Mandy. Iisang department lang sila at classmates pa.

Umupo na sila ni Jason sa magkatabing upuan sa loob ng classroom nila. They are in their senior years in college at ga-graduate na sila this end of school year. Excited siya pero at the same time malungkot din dahil after graduation, he and Mandy are bound to get married. Pero ayaw niya munang isipin yun. Mahaba pa ang panahon. Miracles might happen. He will just cross the bridge when he gets there.

“Everyone, attention please.” Anunsyo nang kakapasok na si Mandy. “Cooper and I are getting married next year. So, if any of you has plans on him, back off. He is mine” Malaki ang mga ngiting pahayag nito.

Everybody was stunned. They want to ask so many questions like how it happened as they did not hear any rumors that Cooper is courting her. Everybody looked at Cooper expecting a smile. Who wouldn’t like the gorgeous and rich Mandy? But all they see is a dark face, looking dangerously at Mandy. He gritted his teeth in anger, stood up and seized Mandy’s wrist and walked furiously outside the room. He then let go of her arm outside.

“What the heck are you doing? Why are you announcing it in everybody’s face?” Galit na galit na sumbat ni Cooper.

“Anong masama dun? Totoo naman di ba? Bakit? May balak kang hindi ituloy ang usapan ng mga magulang natin?" Taas ang mga kilay na balik-tanong ng dalaga.

“Utang na loob Mandy. Give me some space!” Mahina ngunit puno ng suklam na sabi ng binata.

“Cooper, I like you. In fact, I think I love you. I promise to be a good wife to you. Just give me a chance.” Malambing na pahayag ni Mandy sabay hawak sa kamay ng binata.

“I don’t and won’t like you!” Sabay hila ng braso na hawak ni Mandy.

“At sino'ng gusto mo? Ang Kate na yun? Look what happened to her. The same thing will happen to any woman that will be linked to you!” Puno ng babala na singhal ni Mandy kay Cooper at nagdadabog na pumasok ulit sa classroom.

Naiwang nakatulala si Cooper. So Mandy just admitted that she has something to do with Kate being beaten! He suddenly has goosebumps.

“This woman is dangerous. She is mentally-ill!” Cooper thought to himself.

Friday. After class, Cooper hurriedly went home. He took a bath and put on nice clothes. Alam niyang 7PM ang event ng babae sa Manila Peninsula. Excited na kinuha ang susi ng sports car niya at walang pagmamadali na nagdrive paalis. He still has an hour pero gusto niyang mauna sa venue at makita ang pagdating ng babae. Gusto niyang makita ang babae na walang humaharang sa kanyang paningin. He already reserved a table prior to this day, personal siyang pumunta to book a table. It was a music lounge at the same time they also hold dinner in that place too.

Before 7PM nakaupo na siya sa pwesto niya. Punuan na ang lounge. Mabuti na lang at nagpa-book na siya agad. Pinili niya ang pwesto sa bandang likuran pero medyo may kataasan ito kumpara sa mga nasa unahan. Hindi umaalis ang mata niya sa entrance ng lounge. Panay din ang sulyap niya sa kanyang relo pero kahit anino ng babae ay hindi niya nakita. Nate-tense na siya at 10 minutes to 7PM na pero hindi pa niya ito nakikita.

Puno na ang lahat ng mesa at ang mga waiter ay pabalik-balik na para kumuha ng orders. He was upset that he didn’t notice the curtains on stage were pulled up at nagpalakpakan ang mga tao. Umangat siya sa pagkakaupo at tumingin sa stage. Nakita niyang nakaupo sa harap ng piano ang babae. Kumaway ito at ngumiti ng bahagya sa mga taong pumapalakpak at tumingin ulit sa piyesa na nasa harapan nito. Napanganga si Cooper sa babae. Sobrang ganda nito sa suot na floral midi dress. Ang naturaly curly hair nito ay naka-one sided at nakaipit. Ang ganda talaga nito. Biglang kinawayan ni Cooper ang waiter sa di kalayuan. Lumapit ang waiter sa kanya at binigay ang list of menus. Pumili ang lalaki.

“By the way, it’s my first time here.” Tiningnan naman ng waiter ang listahan ng mga taong nagpa-reserve ng tables.

“Mr. Ayala, andito po ba kayo para panoorin si Zyon?” Nakangiting tanong ng waiter dahil nakita nito na kahit ito ang kausap pero ang mga mata ni Cooper ay nakatuon sa stage.

“Zyon pala ang pangalan niya?” Nakangiting tugon ni Cooper.

“Opo. At iyong mga kumakain dito ay pumunta para makita at marinig siyang kumanta.” May himig paghanga na sabi ng waiter. Umalis na ito para kunin at asikasuhin ang orders niya.

Inilibot ni Cooper ang paningin sa mga tao. Nakita niyang 75% ng mga taong andun ay mga lalaki, may mga kaedad siya na nakaupo in groups at halatang andun para sa babae. Meron ding nasa late 20s, 30s at ung mga may edad na ay kasama ang mga asawa.

“Good evening ladies and gentlemen, how are you tonight? Nakangiting pagbati ng babae sa microphone. At nagsimula na itong tumipa sa keyboard ng piano.

Baby, now that I’ve found you, I won’t let you go……                                                              I built my world around you, I need you so.....

Baby, even though, You don't need me now.....

Napanganga naman si Cooper sa lamig ng boses ng babae. Iyon yata ang pinakamagandang boses na narinig niya sa buong buhay niya. Napakalamyos at napakalamig. Parang ang lambot-lambot at ang sarap pakinggan. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang dibdib. Yumuko siya at tumawa ng bahagya. Nahihiya siya sa sarili niya at para siyang teenager na nakita ang kanyang crush.

“Okay lang iyan Cooper. First time mo kaya naiintindihan kita.” He consoled himself sabay tawa nang mahina.

Dumating na ang waiter at inayos ang pagkain sa mesa niya.

“By the way Sir, pwede po kayo mag-request ng kanta.” Sabay abot ng ballpen at maliit na papel sa kanya.

“Anong full name ni Zyon? Do you know her address? Student ba siya or ano?” Sunod sunod na tanong ni Cooper.

Tumawa ang waiter at kinamot ang ulo.

“First name lang po niya ang alam namin Sir eh. Hindi ko din po alam ang address niya. Pero ang alam ko mayaman yan siya kasi ang gara ng sasakyan niya eh. Nakita ko minsan nang paalis na siya at nakasabay kong lumabas ng hotel. Student po yata yan siya kaya every Friday lang siya tumutugtog dito.” May kadaldalan na sagot ng waiter.

“Alam mo ba kung saang school?”

“Ay hindi po Sir eh. Nahihiya kami makipag-usap sa kanya. Pagkatapos kasi ng tugtog niya, umaalis din siya agad. Pero alam nyo Sir mabait yan si Zyon. Iyong nagre-request ng kanta may iniipit yan na pera sa papel para tip sa kanya. Pero alam nyo po iniipon niya lahat yan at pagkatapos ng tugtog niya ay binibigay niya sa organizer at hinahati ng organizer ng pantay pantay sa lahat ng crew ng music lounge. Pati nga kami na mga waiters may share din.”

“Talaga? Thank you!” Kumikislap ang mga mata na sabi ni Cooper. At sinimulan na ni Cooper ang pagkain habang nakikinig sa malamyos na boses ng dalaga. Maya-maya ay kinuha niya ang ballpen at papel at sumulat ng paborito niyang kanta na gusto din niyang ialay sa dalaga.

7:00-9:00 PM ang tugtog ng dalaga. Matapos ang tatlong kanta ay uminom siya ng tubig from the bottle she is holding. Maya-maya, umalis siya sa harap ng piano at umupo sa may kataasang stool sa center stage hawak ang kanyang acoustic guitar. Kinuha niya ang mga maliliit na papel na inipit ng stage organizer sa maliit na podium katabi ng stool. Iyon ay mga requests ng mga customers for the night. Inisa-isa niya iyong kinanta. Lumipas ang oras na hindi niya napansin.

In-open ni Zyon ang huling nakatuping papel. Medyo nagulat siya sa cash na nakaipit sa papel. Ten thousand pesos! Sino namang customer ang nagbigay ng tip na ganun kalaki? At nagulat din siya sa request na kanta nito.

“And for our last request for tonight, this happens to be my favorite song too.” At maluwang ang mga ngiting sinimulan na niyang tumipa sa gitara ng kantang I'm Yours.

Well, you done done me and you bet I felt it

I tried to be chill, but you're so hot that I melted

I fell right through the cracks

Now I'm trying to get back

Nanlaki ang mga mata ni Cooper na nakikinig kay Zyon.

“Pareho kami ng favorite song?! Yes! We are destined! You are mine, and I’m yours!” Parang baliw na tumatawa si Cooper.

Nagkatinginan sila ni Zyon? Hindi alam ni Cooper kung anong maramdaman.

“In love nga talaga ako. Walang duda.”

Pagkatapos ng event ni Zyon ay nagpaalam na siya at pumunta sa backstage. Ibinigay sa organizer ang nakalap na tip. Nakangiti namang tinanggap ng lalaki ang pera.

“Malaki-laki yata ang tip natin ngayon, Zyon.”

“Oo nga po eh. Hindi sila matipid ngayon at may nagbigay ng ten thousand.” Nakangiting sagot niya habang inaayos ang gitara sa lalagyan nito.

“Wow! Sino kaya iyon? Baka admirer mo.” Tukso pa ng organizer habang tinutulungan siyang mag-ayos.

“Haha. Hindi po ako interesado. Sige po mauna na ako.”

Si Cooper naman ay nakaabang sa labas ng backstage. Pero ilang minuto na siya doon ay hindi niya nakitang lumabas ang dalaga. Lingid sa kanyang kaalaman, may elevator pala sa loob ng backstage at nakababa na ang babae. Umalis si Cooper na hindi man lang nakilala ang babae sa personal.

“Haaay. Sana Friday ulit bukas.” Malungkot na bulong niya sa srili.

Inilibot niya ang paningin sa parking area sa gilid ng hotel. Pero hindi na niya nakita ang Porsche ng babae. Lulugo-lugo siyang naglakad papunta sa sarili niyang kotse.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status