Share

Chapter 5

I swear to God, sobrang pula ng mukha ko kanina pa. Sobrang nakakahiya ang sitwasyon na 'yon. Ayoko ng maulit pa.

"Bakla tulala ka riyan?"

Napatikhim ako at napaayos ng upo. "Huh? Ah may sinasabi ka?"

Umirap siya. "Sabi ko, friday ngayon means walang trabaho bukas kasi day off natin, sama ka na sa 'min mamaya ha? Sila ate Lanie naman kasama natin!"

Kumunot ang noo ko. "Saan nga punta niyo?"

"Bakla! Confirm hindi ka nakikinig! Bar daw later tonight, celebration for the successful presentation. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Have fun okay? Puro ka na lang trabaho, lumabas labas ka rin minsan 'no. Kaya ka maputla at mukhang labanos kasi 'di ka lumalabas labas," reklamo niya.

"Ayoko. Walang kasama 'yong mga kapatid ko at tsaka 'di naman ako mahilig sa mga gan'yan. Iyang bar bar na 'yan, hindi nga ako umiinom." Tumayo ako para ligpitin ang gamit ko at inayos ang table ko. Kakatapos lang nang presentation ng team nila at successful 'to dahil na close nila ang deal kaya magsi-celebrate raw.

Ayokong sumama kasi bukod sa mga kapatid kong walang kasama, e 'di naman ako mahilig sa mga gan'yan. Kahit kailan nga 'di ako nakapasok sa bar kahit na nasa legal age na naman ako. Hindi pa nga ako nakakatikim ng kahit anong klaseng inumin aside sa tubig, soft drinks, yakult, dutch mill, chuckie at iba pa. 

"No, walang kj dapat dito! Ibilin mo na lang sa kapitbahay niyo 'yong mga kapatid mo. Minsan lang naman 'to Shantal! Promise mag e-enjoy ka. It can take your stress away. Lalong lalo 'pag maraming poging nagkalat sa dancefloor, you won't regret it girl."

Napabuntong hininga ako. Kinakabahan ako sa mga gan'yan. Baka kasi malasing ako ro'n at 'di ko na alam ang mangyayari sa 'kin. I'm not used to any kind of party that's why I'm afraid. Pero wala naman sigurong masama 'di ba kung kahit ngayon lang ay hayaan kong ma enjoy ang sarili ko. 

Tumango ako. "Sige na nga pero sinasabi ko sa 'yo Carla ha, kapag ako iniwan mo ro'n at may mangyaring masama sa 'kin, talagang hindi na kita kakausapin," tinaliman ko siya ng tingin.

"My gosh! Told yah, you can't resist us, this. Susunduin ka namin sa inyo ha! May kotse si ate Lanie, dadaanan ka na lang namin do'n." He clap his hands in so much happiness.

Napailing ako at tumayo na para umuwi. Hindi ko na kailangang mag-paalam kay sir kasi nauna na 'yong umuwi kaysa sa aming mga empleyado niya. Speaking of sir, kasama niyang umuwi 'yong kapatid niyang si Armiana at talagang nakakahiya 'yong nangyari kanina. Ayoko na lang alalahanin pa at baka 'di ako makauwi ng maayos. 

Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayang nakasakay na pala ako ng tricycle pauwi sa bahay. Nalaman ko lang na dumating na ako nung tinawag ako ng driver para sa pamasahe.

"Pasensiya na kuya, nakalimutan ko," nahihiyang sambit ko.

Tumawa siya. "Ayos lang, pagod ka siguro sa trabaho."

Napangiwi ako at tumalikod na lang. Kasalanan 'to ng magkapatid na Alvarez, kung 'di ba naman ako niloloko ng gano'n e 'di hindi sana ako lutang ngayon.

Huminga ako ng malalim. Get hold of yourself Shantal, they're just teasing you. Your just overreacting.

Pumasok ako sa bahay at naabutan ko ang mga kapatid kong naglalaro kasama ang mga kaibigan nila. Pinapayagan ko kasi silang maglaro rito basta sa loob lang ng bahay o 'di kaya'y sa loob ng baranggay, 'wag lang talaga silang lalagpas sa kabilang baranggay. Mahirap na at marami pa namang masasamang tao sa paligid.

"Ate Shantal! Pasensiya ka na ate ha? Wala kasi kaming ibang magawa kaya gumala kami rito," sabi ni Mike, kaibigan ni Shawn.

Umiling ako. "Nako okay lang! Enjoy lang kayo riyan."

Mas mabuti ng sila ang gumala rito kaysa 'yong mga kapatid ko ang lalabas ng bahay. Mas safe kapag nasa loob sila, mas mapapanatag ang loob ko kapag nandito sila sa loob.

"Lyn, Shawn, ano kasi, niyaya ako ng mga ka-office mate ko na mag celebrate. Sandali lang naman ako, promise uuwi ako agad."

"Ate ano ka ba! Mag enjoy ka naman pa-minsan minsan. Okay lang sa 'min maiwan dito, wala naman kaming gagawing ikakagalit mo, pangako 'yan." Nakangiting sabi ni Lyn at yumakap sa 'kin. Napangiti ako. Always the softest and understanding one.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Basta ha, kayo na muna ang bahala rito sa bahay. Promise niyo kay ate na 'di kayo lalabas at mag iingat kayo rito sa loob. 'Wag magpa-pasok ng 'di niyo kakilala," bilin ko sa kanila.

Tumango silang dalawa kaya pumasok na ako sa kwarto para makapagbihis na. Huminga ako ng malalim habang nagpalit ng ripped jeans at white fitted shirt. Binili ko SA ukay ukay nung nakaraang linggo. Maganda siya kasi kahit mura lang parang pwedeng ng ipanlaban sa mga branded na damit.

Nang matapos magbihis ay inilugay ko ang buhok kong hanggang bewang at nag polbo lang ng kaunti. Ayokong masyadong mag polbo kasi minsan nangangati 'yong mukha ko. Tumayo na ako at lumabas.

"Ate! May naghihintay sa 'yo sa labas. Carla raw 'yong pangalan."

"Basta Lyn, Shawn, umayos kayo ha. Babalik ako mamaya, uuwi rin ako agad, 'di ako mag tatagal pero 'wag niyo na akong hintaying umuwi. Kumain na kayo pagkatapos matulog na, may pasok pa kayo bukas."

They nod. Lumabas na ako ng bahay at naabutan ko si Carla sa labas na naghihintay sa 'kin. 

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Omg ka bakla! Ang ganda mo talaga, effortless ang ganda!"

Natawa ako. "Ikaw talaga! Asan sila ate?"

Hinila niya ako at naglakad kami papuntang kanto ng baranggay. 'Yon pala ay hindi makapasok 'yong sasakyan nila sa baranggay kaya sa kanto na sila nag antay.

May kasama rin kaming mga ka-office mate lang. 'Yong iba madalas kong makasalubong pero 'yong iba medyo 'di pamilyar sa akin.

"Ayan kompleto na tayo! Excited na ako!" sabi ni Shiela.

I smiled at them shyly. Minsan kasi nahihiya akong makipag-usap sa kanila pero mababait naman sila at approachable kaya walang problema. May iba lang talagang parang araw araw may galit sa mundo.

"Dito ka na Shantal," sabi ni ate Lanie at itinuro ang pwesto katabi niya.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at tumabi. Akala ko simpleng sasakyan lang pero van pala 'to. Tumabi ako sa kanya at hinayaan si Carla katabi ng driver.

Sa buong biyahe papuntang bar na 'di ko alam kung saan at anong pangalan ay tahimik lang ako at nakasandal sa bintana ng van. 'Yong ibang kasama namin ay maingay at nag uusap, paminsan minsan ay nakikinig lang ako sa kanila.

Minutes had passed and finally we arrived at the destination. Isa isa silang bumaba. I bit my lower lip as I stare at the place. Maganda at sa labas pa lang ay maririnig mo na ang ingay ng music at DJ sa loob. Sa labas din ay may mga taong nag mi-make out, nagsusuka at nag tatawanan. 

Greenville Bar 

Ayan ang nakalagay sa labas. Lumapit kami sa entrance at sinalubong kami ng guard. Tumabi ako kay Carla kasi kinakabahan ako. It's my first time here and it's my first time entering in a bar. This feels like I'm hype because of the music. Parang nabuhay ang dugo ko. 

Pagkapasok ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Really? Ganito pala ang loob ng isang bar. Some are making out in the couches, in the corner of the bar, in the mini stage, sa taas, sa bar counter, everywhere. 

"Bakla alam kong naninibago ka sa mga nakikita mo pero 'wag kang matakot ha? Basta dikit ka lang sa 'min palagi, walang mangyayari sa 'yo," 

Wala akong nagawa kundi ang tumango at sumunod sa kanila. Naglakad sila papunta sa may lamesa at couch malapit sa bar counter. I sat next to Carla and roam my eyes around. Ganito pala talaga sa loob 'no? May mga nagsasayaw sa gitna at may mga taong walang hiyang nakikipaghalikan sa gitna ng dancefloor.

"Bacardi at Black Label? Naknampucha seryoso kayo? Mga gago makakauwi pa ba tayo niyan?" rinig kong mura ni Hanz, kasama rin namin.

"Weak ampota, wait ka lang at may parating pa." Leo said and laugh.

My eyes widened as I look at the drinks in the table. Seryoso ba sila? Akala ko celebration lang pero bakit napakaraming inumin rito? 

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang dumating ang waiter at inilapag ang mga pagkain at inumin. 

"Smirnoff, Johnnie Walker, Gilbeys Gin? Putangina niyo may babae tayong kasama mga gago! Sino ba nag order nito ha?" 

They laughed and they pointed Carla. Seryoso? Siya ang namili ng mga inumin na 'to? Mahal yata 'to.

"Ano ba kayo! First time natin lumabas na kasama si Shantal kaya sulitin natin ang gabi tsaka 'di sa 'tin 'yang Johnnie Walker, Gilbeys Gin at Black Label, may nagpapa-order lang niyan."

Napakunot ang noo ko. May kasama pa ba kaming iba? 

"Basta wait niyo lang sila later." He said and smirk.

"Ewan ko sa 'yo Carlo Angelito! Kumain na nga muna tayo kasi nagugutom na ako," sabi ni ate Lanie kaya nagsimula na rin kaming kumain.

Sobrang ingay nila sa table habang kumakain kami, tawananan ang pumuno sa table namin. Masaya rin pala magkaroon ng kaibigan.

Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ng pagkain ay nabilaukan ako at nanlaki ang mata. This is so embarrassing for freaking sake.

"Shantal ito tubig, nangyari sa 'yo?" Inabot ni Shiela sa 'kin. Agad ko 'tong ininom. 

Umiling ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang kamay. Is this seriously happening right now? Talagang sobrang mapaglaro ang tadhana kasi kung sino pa 'yong taong gustong gusto mong iwasan ay palagi mo pa talagang nakikita.

Napatayo sila nang lumapit siya sa pwesto namin kasama ang mga kaibigan niya.

"S-Sir... Nariyan po pala kayo!" utal na sambit ni ate Lanie.

He didn't even bother to respond and smiled on her. He just ignored her and look at Carla before looking at me. He slightly smirked at me. Napaiwas ako ng tingin. I can't take his eyes.

"Carlo where's our drinks? Did I informed you right?"

Aligagang tumango si Carla at itinuro ang mga inuming itinabi niya kasi sabi niya ay may nagpapabili, 'yon pala ay si sir. Hindi man lang niya kami sinabihang si sir pala. 

"Ito na po 'yon sir. Dadalhin ba namin sa table niyo or..."

"No need. Let the waiter transfer that." Ani sir at nakapamulsang tumalikod sa amin.

Do'n lang ako nakahinga ng maayos. I can't take his presence. I don't know why everytime he's around, I'm always scared. Scared on something I don't know. Basta parang may kakaiba sa aura niya sa t'wing malapit siya sa 'kin. He can make girls legs jelly just by his stares. He's too much to take.

"Gaga ka talagang bakla ka! Hindi mo man lang sinabi, e 'di sana nakapag prepare ako! Jusko kasama pa naman niya 'yong mga hot fafa niyang kaibigan. Gusto mo sa 'yo lahat palagi ang ayuda ano?!" reklamo ni Shiela.

Tumawa lang ang bakla at nagsimula ng uminom. Hinalo nila ang at inikot.

They started drinking at sinali nila ako. Gusto ko sanang tumanggi kaso nakakahiya. 

As time passes by, lasing na sila at nagsimula ng maging wild. Ikaw ba naman uminom ng gano'ng inumin, 'di ka ba malalasing.

"Come on Shanty! Let's dance!"

I laughed and shook my head. "No. Ayoko ko." I said with sleepy eyes.

Pero hinila pa rin nila ako at dinala sa dancefloor. Wala akong nagawa kundi ang nakisabay sa kanila. I don't want to stay on the table. Feel ko tipsy na rin ako. Umiikot na 'yong paligid at nahihilo rin ako sa mga disco lights na paikot ikot.

"Woah dance with me baby!" Carla grind his hips on the guy at her back. I laughed with his aggressive action.

Nagkawatak watak na rin kami at ang iba'y may kanya kanyang partner na. Maraming tao ang nakikisiksik kaya nawawala na sila. Napapikit ako at nagsimulang sumayaw lalo na nung pinalitan ng DJ ang kanta. This is the spirit of alcohol maybe.

"Everybody. Put your hands up in the air!" The DJ said and the crowd started jumping as he changed the sound into a wilder beat.

Napangiwi ako nang may umapak sa paa ko. Lumingon ako sa likod para hanapin sila Carla kaso wala akong makita kasi siksikan talaga ang mga tao sa loob. It's Friday at natural siguro na ganito karami ang tao.

I close my eyes and breath heavily. Nahihilo na ako at muntik ng mabuwal. This is bad. I have a low tolerance when it comes to alcohol. I slowly open my eyes when I felt a hand on my waist, squeezing it tightly. He nuzzled my neck and give it a light kisses. I can say that it's a ‘he’ because of it's hand. A calloused hand that is gripping my tiny waist.

Siniko ko 'to at pumiglas ako. Hindi ko kilala kaya tinulak ko. Tipsy ako pero hindi pa ako lasing. Humarap ako sa kanya at handa na sana siyang suntukin ng makita ko kung sino 'to. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. What the fuck?

He lazily look at me and lick his lips. He grab my waist and put my arms in his neck. He buried his face on my neck and kiss me there.

"Come on baby, don't be so hard. You'll enjoy this promise." He said and close his eyes. Sa tingin ko ay lasing na siya at 'di niya ako nakilala.

Pumikit ako ng mariin. Nahihilo ako pero nasa tamang pag-iisip pa rin ako. Kaya 'di ko maintindihan ang sarili ko at ang katawan ko kung bakit nag re-respond ito sa mga hawak at h***k niya. I should be pushing him now.

He look at me intently. Ang asul niyang mga mata na mapupungay na nakatitig sa akin. Ang mga mata niyang nakakalunod. He lowered his head to reach my lips. Nanlaki ang mata ko nang dumikit ang labi niya sa labi ko at kinagat 'to. He slowly move his lips and parted mine to enter his tounge. He continued kissing me and I was stunned for a moment. Hindi ako nakagalaw at hinayaan siyang halikan ako.

"Baby kiss me back," he said huskily.

He kiss me again and I responded to his kisses. Kahit 'di ko alam pa'no h*****k. Sinunod ko lang ang bawat galaw ng mga labi niya. I gripped his shirt. His hands started to touch my body sensually. Napaungol ako nang pumasok ang kamay niya sa damit na suot ko at kinapa ang d****b ko.

"Migo..." 

His kisses went down to my jaw, neck down to my collar bone. He stop kissing me there and look at me. Hinawakan niya ang baba ko at inangat 'to para magpantay kami.

"You taste good baby and I want you so fucking bad."

Doon ako natauhan at agad siyang itinulak. I slap his face and turn around. I gasped and run away. Nag uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang tumatakbo palabas.

Stupid Shantal. Ang tanga tanga mo para magpahalik sa kanya! Nasaan na ang sinabi mo sa sarili mong 'di mo siya hahayaang mahawakan ka at makalapit sa 'yo?!

Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako sa park at umupo sa swing. Humikbi ako at tinakpan ang bibig ko para walang kumawalang ingay.

Ang tanga ko sobra. I'm not being overreacting, I'm just emotional maybe because I'm drunk or simply I don't want to fall on his little games that I've been trying to avoid. Ayokong magpaloko sa kanya at magpadala sa mga actions niya dahil alam kong laro lang ang alam niya. He doesn't care if he hurts anyone's feelings because what he just care is to screw girls. 

Yumuko ako. What was just happened? Why did I even kiss back?

Napasinghap ako at napatayo bigla ako nang may humablot sa braso ko.

"Ano ba?!" sigaw ko.

"Why did you run? Are you ashamed?" He smirked.

"Bitawan mo ako sir. Uuwi na ako."

Umiling siya. "Not so fast honey."

"Please lang po sir. Ayoko ng gulo kaya bitawan mo na ako," mahinahong sambit ko.

He just smiled and snake his arms around my waist. "Sure, we'll go home baby."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status