Kinalaunan, nasanay na rin ako sa ginagawa ng mga isda sa mga paa ko. Namalayan ko nalang na ang sarap pala sa pakiramdam ng ginagawa ng mga isda sa paa ko. Ni hindi ko na nga palaging tinitingnan iyong mga paa ko para tignan kung ano na ba ang pinaggagawa ng mga isda roon. Nawili rin kasi ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanila ni Nica.
Nakailang picture pa nga ako sa paa kong nakalublob sa pond habang may mga isda sa talampakan ko. Kinuhanan ko rin ng mga picture iyong old balete tree.
Nag-picture-picture na rin kami nila Nica pati na sila tita. It was a nice sunny afternoon. Sobrang peaceful ng place.
"Tita, daan po tayo roon sa souvenir shop! Bili tayo ng mga anting-anting!" saad ni Nica.
"Hay, kung ano-ano na naman iyang nakita ni Nica, Massimo." Kamot-ulo ni Nico.
Wala namang pake si Massimo na nilalaro-laro iyong
Para sa natitirang araw, pumunta kami sa Kalma Kamay. Ang Massage and Reflexology Centre ng beach resort.Hapon na iyon ng magpa-massage kami. Halos inabot kami ng gabi roon."Grabe, ang sarap ng pakiramdam ko!" Inat-inat ni Nica sa katawan niya pagkalabas namin ng Centre.Kakatapos lang kasi ng massage session namin. Magaan ang pakiramdam namin paglabas doon sa bungalow type na lugar kung saan kami minassage. Mag-aalas cinco na siguro sa hapon. Ilang oras din ang tinanggal namin doon.Nakita namin sila Theus na kakalabas lang din sa bungalow. Lahat kasi kami ay nagpa-massage. Para naman pag-uwi namin ay hindi talaga parang pagod dahil sa mga ginawa namin dito sa Island.Dahil halos labahan na iyong mga dala kung damit, pinili kong suotin iyong dark blue ruffle hem shirred waist swiss dot dress para sa dinner. Mani
Diyos ko. Kung hindi pa ako napakapit kay Theus ay baka napasalampak na ako sa lupa.Pakiramdam ko huminto yata ng sandali ang mundo. Gasgas na 'yan pero iyon ang naramdaman ko.Pakiramdam ko nahulog ako... nahulog ng nahulog ng nahulog...Ano raw?He likes me?Nabibingi na talaga ako.Bakit... bakit naman ako? Ako, gusto niya?Totoo ba 'to? Hindi.... hindi ba 'to isa na naman sa mga panaginip ko?Pero bakit... bakit ganito ka-intense iyong nararamdaman ko kung panaginip ito?Gusto niya ako? As in like? Baka naman hindi talaga like 'like' kagaya ng iniisip ko.Hindi... hindi.... Nabingi lang talaga ako.Naka-move on na ba siya sa ex niyang si Angelique?Totoo ba talaga 'to?
After that very, very memorable and remarkable summer vacation experience, bumalik na sa dati ang lahat. Parang nakakapanibago tuloy... nakaka-miss na makarinig ng hampas ng alon sa umaga.. hindi ang ingay ng mga sasakyan na halos mag-away sa kalsada dahil sa bagal na usad ng traffic."Bye, Jia! Kita tayo paminsan-minsan, ah? Baka naman dahil nakabalik na tayo sa city, etchapwera na ako! Gala tayo minsan, girl. In-add na kita sa Facebook, accept mo 'ko," daldal ni Nica.Ngumiti ako at kumaway sa kanila ni Massimo na nasa harap na ng service nila pauwi. Pinapapasok na siya ni Massimo kasi nga uuwi na sila pero si Nica... hay nako, itong babae talaga na 'to.Lumingon ulit si Nica sa akin at pinandilatan ako ng mga mata. "Jia, girl, iyong sinabi ko sa 'yo ah!" saad niya at tumingin kay Theus na nasa gilid ko. "At ikaw, hoy!" Turo niya kay Theus. Nagulat ako sa lakas ng boses ni Nica.&
Sabi ko noon, ayos lang. Ayos lang na nag-aaway sila mama at papa tapos nagkakabati lang din naman kaysa naman maghiwalay sila. Akala ko noon, ayos lang iyon. Basta buo kaming pamilya pero noong tumagal parang na-realize ko na hindi pala 'yon okay.Hindi pala ayos iyong buo naman kayo pero nag-aaway-away naman. Na... kumpleto pero nagkakasakitan. Akala ko kasi ayos lang. Mag-aaway sila mama at papa tapos magbabati lang din kinalaunan na para bang wala silang naging away. Maglalambingan ulit na para bang ni minsan ay 'di pa sila nag-away.Naisip ko no'n, ayos lang, basta ba.. kumpleto pa rin kami. Pero noong tumanda na ako naisip ko na hindi pala 'yon healthy. Na hindi pala ayos iyon. Pero naisip ko na, pa'no kapag naisipan nila mama na maghiwalay? Pa'no na ako? Kami nila ate at kuya?Pero naisip ko rin na siguro.. mas mabuti na iyon, 'di ba? Kaya nga lang ang hirap... ang hirap siguro ng g
Kahit isang beses palang akong nakapunta rito sa Carvejal castle ay tandang-tanda ko pa rin ang lugar na 'to. May sentimental value 'tong lugar na ito sa akin. Theus first brought me here when my mom died... Noong namatay si mama sa isang iglap, nang walang paalam. Hindi pa ako makapaniwala noon. Kasi sinabi pa sa akin ni mama na hihintayin niya raw ako sa bahay. Aabangan niya raw iyong gawa kong ice cream pagbisita ko. Maghihintay lang daw siya sa bahay. Lulutuan niya raw ako niyong paborito kong chicken curry. Mamamasyal daw kami nang kami lang dalawa. Bonding daw namin kasi busy pareho sila kuya at ate no'n. Hiwalay na sila papa. At kita kong pinipilit ni mama noon na maging maayos. Galing pa ako sa trabaho no'n, nagtaka ako ba't wala si mama sa bahay, walang tao. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan noon, iyon naman pala.. Lu
It has been days after.. after Theus and I went to Carvejal castle.Napapikit ako ng mariin nang maalala naman ang lahat-lahat ng nangyari noong araw na iyon. Natakip ko ang mga palad sa mukha na para bang may magagawa iyon para makalimutan ko ang lahat ng nangyari no'n."Gusto ba talagang makalimutan, Jia?" kastigo ng isang bahagi ng utak ko.Nawala na nga sa utak ko na pumunta nga pala kami roon kasi nga tumawag ako kay Theus dahil sa interaksyon ko sa bagong pamilya ng tatay ko. Halos hindi ko na iyon naisip pa pagkatapos nang nangyari sa amin doon sa kastilyo!I mean.. that wasn't my first kiss but still!Nakakahinayang. I felt like first kiss matters. That first kiss is supposed to happen with someone that you want to have your first kiss with, right? But in my case, it wasn't in my favor.I had my first kiss noong nasa ju
"Jia! Theus!" maligayang tawag-pansin sa amin ni Vanessa. Buti at nadinig ko pa ang boses niya sa lakas ng pinapatugtog noong EDM.Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa walking street. Nagkayayaan kasi kaya sumama nalang din ako. Minsan na nga lang kami nakumpleto lalo na at nakaalis na si Sydney pa-Canada para sa career niya as a nurse.Nang tuluyan na kaming makaakyat ni Theus sa second floor ng bar ay sinugod na ako ng yakap ni Vanessa. Napabitaw tuloy ang kapit ko sa braso ni Theus."Ganda natin, ah?" untag ni Vanessa pagkatapos akong yakapin. Pinaraanan niya ng tingin ang suot ko. Bumaling siya kay Theus.Nakasuot ako ng isang peach spaghetti strap tie-back shirred waist ruffle hem dress at isang cream low-heeled sandal. Kipkip ko sa isang kamay ang maliit na handbag. Walang-wala lang naman ang suot ko sa outfit ni Vanessa.Nakasu
"Uh.. balik lang ako sa taas," paalam ko kaagad sa kanila ni Theus at Angelique. Mukhang may pag-uusap sila eh. Wow, bitter lang, Jia? Ang bait-bait ni Angelique tapos parang halos i-hate ko na siya? Diyos ko, Jia, para kang ano. I just want to be away from them. Nanliliit talaga ako kapag nakikita si Angelique lalo na kapag nasa harapan ko siya. Hindi ko talaga mapigilan na maikumpara ang sarili sa kaniya. Nasa dance floor na iyong kasama ni Angelique. Mukhang gusto nitong iwanan na sila Theus. Ni hindi nga ako tinapunan nito ng tingin. "Okay, let's g--" Pinutol ko na ang sasabihin ni Theus. "Hindi na. Mukhang may pag-uusapan pa kayo," saad ko at tumingin kay Angelique na inosenteng nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, I hop I tried my best on that.