Share

Chapter 13

Kinabukasan ay maaga akong nagising, four o’clock ng umaga ng tumungo ako sa kusina at ang tanging nadatnan ko lang ay ang mga katulong na kay aga-aga puro tsimisan ang inaatupag.

“Nakita n’yo ba ‘yong asawa ni sir, Hanz kagabi?” Ani ng isa sabay kagat sa hawak nitong sandwich.

“Ay, Oo, grabe, bukod sa pangit na ang taba-taba pa na parang akala mo ay pinabayaan sa kusina, tsk, naaawa ako kay sir Hanz.” Sagot naman ng isang tsismosa. “Ano kayang nagustuhan ni Sir sa babaeng ‘yun? Di hamak na mas maganda pa ako sa asawa n’ya.” Singit naman ng isang kasambahay na may makapal na mukha sabay higop sa mainit nitong kape.

“Baka naman pinainom niya si Sir ng pinaghugasan?” Ani ng isa na siyang ikinakunot ng noo ko. “Huh? Anong pinaghugasan?” Tanong ng naunang katulong. Napangiti pa ako dahil iisa ang nasa isip namin.

“Iyon bang pinaghugasan ng ginamit niyang panty para magayuma si Sir.” Ani ng matandang katulong. Umusok bigla ang ilong ko dahil sa usapan ng mga ito. Sa sobrang abala ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status