Share

Fourteenth Trip: Natural Beauty

ALMHERA'S POV

Ang pagsasabi ng salamat sa taong tumulong sa 'yo ay simple't madali lamang. Ngunit ito ako, malalim napabuntong-hininga, nag-iisip kung kailan ko masasabi kay Clinthon ang pasasalamat sa ginawa niya.

Napatingin ako sa kalendaryo rito sa kuwarto ko. Isang linggo na ang nakalipas, mula nang mangyari ang ginawa ng FoxyLuscious Group sa akin sa MHU College.

Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama, nag-iisip kung paano ko kakausapin nang harapan si Clinthon. Pagkatapos naming makalabas sa clinic no'ng nakaraang linggo at pumunta sa ospital upang ipa-check up ang mga natamo kong sugat at pasa. Hindi ko na muli nakita pa si Clinthon no'n.

Lumipas ang mga araw, nakita ko rin siya, ngunit sa malayo nga lang. Minsan ko rin siya nakasabay sa Jeep, pero hindi niya naman ako napansin at wala naman akong lakas para tawagin siya sa kaniyang pangalan.

Napagulong-gulong ako sa kama habang ginugulo-gulo ang sariling buhok. Ano ba ang dapat kong gagawin para makausap siya at pasalamatan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status