Chapter 9
Freeze
Pagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. Kaya hindi mahirap sa kanila na bitawan ang isang property ng ama nila.Para sa aming empleyado ay napakahirap niyon, dahil usap-usapan na iyong bago raw na magiging may-ari ay mamimili ng empleyadong maayos magtrabaho at maganda ang performance. Meaning, mawawalan ng trabaho ang iba sa amin. Kaya nasa sarili rin namin nakasalalay ang lahat.Maraming babaguhin ang bagong may-ari. Malamang isa na doon ang pagpapalit ng mga management manager, department supervisors, pati na ‘yong nasa accounting department, at iba pa. Lahat sisilipin at susuriin ng bagong may-ari.Marami siyempre sa kaopisina ko ang sobra nang kinakabahan, at isa na ako doon. Because what if the new owner didn’t need me here? ‘Sabagay, wala naman akong magagawa kahit pa magmakaawa ako sa kanya. Pero wala naman sigurong dahilan para tanggalin ako dito, because as far as I could remember, wala akong palpak at pending na trabahong nagawa. But if it wasn’t my destiny to stay here, eh, di humanap ng panibagong mapagtatrabahuhan. I think it was time to accept Bea’s offer. She was managing their own business. Kaya hindi ako masyadong apektado kung sakaling matanggal dito.Kung bad news ang tanggalan, may good news din naman daw. Usap-usapan kasi na guwapo raw ang bagong may-ari at single pa raw.For me, ano naman kung guwapo at single? Makakatulong ba ‘yon kapag nawalan ng trabaho ang iba sa amin? Duh! Tsk! Mga Pinoy nga naman, mahilig sa guwapo. Kaya maraming naloloko, eh.Wala sa sari-sariling puwesto ang iba sa amin nang bumukas bigla ang pinto at iniluwa niyon ang aming terror supervisor na laging nakasimangot tuwing umaga.Tiningnan niya kami isa-isa. I was not worried, dahil hindi naman ako kasali sa kaguluhang naabutan niya. I was just on my place. Pero ‘ika nga, ano ang mali ng isa ay magiging mali na rin ng lahat.
“Umagang-umaga, tsismisan agad? Kailan pa ba kayo magbabagong lahat?” umpisa niya sa malakas na boses.Awtomatikong nagsibalikan ang mga tao sa kanya-kanyang puwesto. “Patay! Nahuli tayo ni Miss Terror,” sabi ng isa naming kasamahan sa pinakamahinang boses.“Oo nga, eh! Tiyak masasabon na naman tayo nito ngayon,” bulong naman ng isa.Napailing at natawa ako sa hitsura ng mga ito. Alam naman pala, eh. Ba’t nagpapahuli pa? Tsk.“Kayo naman kasi, eh.” Aba’t nagsisisihan pa ngayon. Napapailing na lang talaga ako.“Aware naman siguro kayong naibenta na ng may-ari itong kompanya, ‘di ba?” Tahimik na tumango ang lahat na nagtaas ng tingin sa supervisor namin.“Alam n’yo na rin siguro na iba na ang mamamahala nito sa susunod na mga araw o linggo.” Tumango pa rin kami. “Kaya siguro naman wala nang mabibigla na isa sa atin ay mawawalan ng trabaho, right?” nakataas ang kilay niyang pahayag sa amin. “Maghanda-handa na kayo dahil mayamaya lang ay nandito na ang may-ari para bisitahin at libutin ang kasulok-sulukan nitong kompanyang nabili niya.” Napaawang ang bibig namin. We didn’t expect na ngayon agad ang pagbisitang gagawin ng may-ari. Hindi kami handa. "Alam ko namang lahat sa atin dito ay matagal na, but that’s not an excuse to stay. Dahil iba ang criteria ng may-ari ngayon kaysa noon. He said, he doesn’t need skilled employees, instead, he needs an employee who knows the words respect and how to listen and obey the rules. Maraming magbabago at idadagdag sa mga rules and regulations ng kompanya. So good luck, everyone, and get ready. Anyway, tatawagin na lang ang attention ng lahat mamaya thru paging. A piece of advice, be nice to the new boss. Understand?”
“Yes, Ma’am…” sagot ng lahat.
Hindi nagtagal ay umalis na rin siya. As expected, sarisaring usapan agad pagkalabas pa lang ng supervisor namin. Napailing na lang ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-focus uli ako sa trabaho.“Gurl… hindi ka ba nababahala na ma-shugi tayo dito?”Napaangat ako ng tingin nang may magsalita sa harap mismo ng table ko.Sa boses pa lang, alam ko na kung sino iyon. Si Gello Meralo aka Gee. Ang binabaeng kaopisina ko slash close friend ko dito sa field. Sa lahat ng kasamahan ko ay siya ang pinaka-close sa akin. Sa katunayan, naipakilala ko na siya kay Bea. Nag-click naman agad ang dalawa. Palibhasa parehong kalog at kung magbiruan ay sobrang nakakatuwa.Minsan na ring pumunta si Gee sa bahay at hindi na lingid sa kanya na may anak ako. Napagkakatiwalaan naman siya kahit pa may pagkataklesa kung minsan. Nagpapasalamat ako na hindi niya ino-open ang topic ni Sam sa harap ng mga kaopisina ko.
“Medyo nga, Gee, eh! Bahala na. Ipagdadasal ko na lang na hindi ako kasama sa mawawalan ng trabaho. Basta naging prominent naman ako sa lahat ng trabaho ko at nagagawa ko naman nang tama at maayos, ‘di ba?” sabi ko.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. “Pero, Cha, guwapo raw talaga ang may-ari. Excited na tuloy akong makita iyon at nang mapagpantasyahan ko na,” kinikilig niyang pahayag.“Ayos ka din, ‘no? Guwapo nga, pero paano kung mawalan ka ng trabaho? Okay pa rin sa ‘yo dahil guwapo."“Aakitin ko siya. Magmamakaawa ako nang bonggang-bongga. Kahit bed warmer na lang niya, payag ako. Basta huwag lang niya akong ipatalsik.”I rolled my eyes. “Kadiri ka! Puro ka kalokohan.” Hinagisan ko siya ng isang papel.Humagalpak siya ng tawa. “Napakaseryoso nito, eh, gusto ko nga lang magpatawa kasi nga kinakabahan na talaga ako.” Sumimangot siya.“Hindi kasi mabenta sa akin ‘yang patawa mo! Tensed na nga ang lahat, nagagawa mo pang magbiro nang ganyan.”Sasagot pa sana si Gee pero naputol iyon nang may announcement.Announcement, everyone. The new owner of this company has already arrived. Will you please get ready and proceed to the convention area, now. The meeting is about to start. Please cooperate. Thank you. Three times iyong paulit-ulit sa pagpe-page.Napasinghap ang lahat sa announcement na meeting. Ang akala kasi namin ay maglilibot lang ang bagong may-ari para i-check ang kabuuan ng kompanya as our supervisor announced. Kanya-kanyang ayos agad ang lahat, magulo ang bawat sulok dahil natataranta sila sa kung ano mang kahihinatnan ng bawat isa.Paglabas namin ng department ay saka pa talaga ako naihi. Nagpaalam na muna ako na gagamit ng CR at susunod na lang sa convention area.“Hintayin na lang kita, Cha,” prisinta ni Gee.“Huwag na. Mauna ka na dahil sandali lang naman ako,” tanggi ko.“Okay. Ikaw bahala. Sige, mauna na ako dahil excited na akong makita ang hot-hot na new boss natin. Haist! Sana gurly na lang talaga ako tulad mo. Maganda na, sexy pa kahit may—” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil pinanliitan ko siya ng mga mata. “Para naman makapaglandi ako nang sabayan tulad ng iba,” nakangising dugtong pa niya.Natatawang kinurot ko siya sa tagiliran. “Ang harot mo din talagang lalaki ka kahit kailan. Punta ka na nga do’n. Shoo…”“Ouch, ang sakit namang magsalita nito.” Maarteng tumaas ang kilay niya, saka humalukipkip.“Dami mong kalokohan. Pakisabi na lang sa kanila na nag-CR ako ‘pag may nagtanong sa ‘yo kung nasaan ako.”“Noted ‘yan, Cha. Basta dalian mo, gurl, huh?”“Oo,” sagot ko kahit nakatalikod na siya sa akin.Nang matapos sa pag-ihi ay humarap muna ako sa malaking salamin. Sinipat ko pa ang sarili. Dahil naaasiwa sa mahabang buhok ay naisipan ko iyong ipunin sa likod at talian. Much better, dahil bumagay naman sa ayos ko iyon. May ilang buhok na nalaglag sa gilid ng aking tainga which made me more attractive.Nag-retouch muna ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint. I smiled after. Aminado akong mas gumanda ako noong isinilang ko si Sam. I kept my original figure. My office attire really suited my curves. Halos walang nagbago. Kung may nagbago man, iyon ay ang edad ko lang. Hindi pa naman siguro ako late sa over-all open meeting ng lahat sa ground area. Sana.But I was wrong. Tahimik at nakaupo na ang lahat kaya paglabas ko ng elevator, napalingon ang lahat sa akin.Kahit naiilang ay nag-umpisa at nagpatuloy pa rin akong lumakad patungo sa kung saan naroon ang aking mga ka-teammates sa field. Yumuko na lang ako para iwas sa mapanuring mga mata. But I stopped walking when that firm and powerful voice blasted in front of my direction.
“Stop walking.”“H-huh?” I froze and stopped.“Is that how you welcome your new boss, woman?”Oh, my God. Sana pala hindi na lang ako nag-CR. Sana nagpigil na lang ako to avoid this embarrassment. Sa harap pa talaga mismo ng buong tao dito sa kompanya.Kinakabahan akong huminto at dahan-dahang itinaas ang aking paningin sa nagsalita. I was getting ready to say my apologies but…Oh.Biglang napaawang ang bibig ko nang makita nang buo ang lalaking nasa harap ko. I felt like somebody poured me a very cold water. Tipong nanlamig agad ang buong katawan at kaibuturan ko.Oh, please, it can’t be. Not now please, not ever, dear God…I was the new owner of Mr. Cheng’s company. I was here to introduce myself as the new owner. Mr. Cheng and I planned this formal introduction before his flight next week. Mas napaaga nga lang ang pagbisita ko sa kompanya because I insisted it.Actually, my real agenda was to visit and be familiarize with the whole area. But then my plan suddenly changed last night.The company was now under my name kaya puwedeng ako na ang masunod. Ako na ang batas. Kaya kagabi, tinawagan ko si Mr. Cheng to move my introduction today. Agad namang pumayag si Mr. Cheng sa gusto ko. He was one of our family friends kaya pumayag siya agad sa gusto kong mangyari.I scanned all the employees working in this company. But there’s only one person who I wanted to see, pero hindi ko siya mahanap. I knew it was impossible because there were four to six hundred employees here kaya siguradong malabo kong makita ang taong iyon.Matagal ang proseso
I don’t have a choice but to obey him. Kasalanan ko rin naman. But what he did to me was not right. Napaka-unprofessional niyang tao. Ngayon pa lang, nawawalan na ako ng ganang magtrabaho under his new management.Sana kasi sinabing “urgent,” para naman hindi na ako nag-CR!Nagmamaktol pa rin ako at naiinis sa sarili, pero mas naiinis ako sa pagpapahiya niya sa akin sa harap ng maraming empleyado.Walang awa, bastos, walang modo ang lalaking iyon. I didn’t care kung siya pa ang may-ari! Basta galit at naiinis ako sa kanya. Wala siyang karapatang ipahiya ako. I kept on apologizing at inaamin ko naman ang mali ko, pero ano? Instead na pakinggan ako, ipinahiya lang ako ng walanghiya sa harap ng mga tao. Ang yabang talaga!Bakit ba kasi sa lahat ng puwedeng makabili nitong kompanya ni Mr. Cheng, eh, siya pa? Ugh! I just hoped that he didn’t recognize me.I was back with two glasses
[Brad POV]Mr. Cheng really had a good taste on how to decorate his office. Ito kasi dapat ang una sa lahat ng lugar sa buong kompanya na maayos. The office was my second home, so I had to feel comfortable while doing paperwork.The office had a combination of dark gray and white interior design. All the small and big things were arranged properly in each area.Meron pang naggagandahang 3D paintings na nakasabit sa wall. The big luxury table was placed in an open glass wall where you could see the busy streets.It had been a while since I was just planning to convince Mr. Cheng to sell this company. I wanted to buy this para mas lumago pa ang iba kong kompanya at naayon naman sa akin ang plano. But he had a simple request. Na huwag tanggalin sa trabaho ang ibang empleyado. We had a deal, hindi lahat ay mananatili, lalo pa ang mga manager, supervisor, etc sa kani-kanilang puwesto. Kailangan kong i-rambl
Pagpasok pa lang sa opisina ay mukha agad ni Gee ang nabungaran ko. Para pa ngang inaabangan talaga niya ang pagdating ko. Hindi lang pala siya kundi pati na rin ang iba. Pinagtitinginan agad nila akong lahat. Kulang na lang ay lapitan ako at usisain kung ano’ng nangyari. Pero siyempre, naiilang sila sa akin kaya hanggang tingin na lang sila. Si Gee lang ang may lakas ng loob na magtanong sa akin.“Hoy, babae. Saan ka galing, huh? Alam mo bang hinintay kita?” nakataas ang kilay na pagsugod niya sa akin sa table ko. Ang taklesa talaga ni Gee. He did not know how to lower his voice. Napakaingay.Napakunot ang noo ko. Oo nga pala. Sabay dapat kaming magla-lunch kanina. How could I forget that? Napahampas ako sa noo at humarap sa kanya. “I’m sorry, Gee, hindi kita na-inform agad. A-alam mo namang ipinatawag ako, ‘di ba?”“Eh, bakit ngayon ka lang? Huwag mong sabihin na isang oras talaga kayong nag-usap? Ang tagal naman n’on. At ano ito
[Charmane POV]Hindi ko na naabutang gising ang anak ko dahil mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Sobrang traffic dahil rush hour. Kaya pumunta na lang ako sa kuwarto ni Sam at humiga sa tabi niya. I kissed his tiny little cheeks and forehead. Masuyo ko rin siyang niyakap.I really miss you, baby.“Mommy…” Naalimpungatan siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.Ngumiti ako. My stress because of work and the traffic was gone. “Sshh… Close your eyes again, baby. Sleep tight. I love you…” bulong ko. Masuyong hinaplos-haplos ko ang ulo niya and then I sang him a lullaby para mahimbing uli sa pagtulog.I sighed.Anak, nakita ko uli siya—si Daddy mo. Pero hindi niya alam ang tungkol sa ‘yo. Hindi na kasi kami nagkita uli noon. Pero ngayon, when I saw him again, hindi ko alam kung paano kita ipapakilala sa kanya. Kung paano ninyo malalaman ang tungkol sa isa’
harmane POV]Everyone kept an eye on me. Pero gaya ng dati, hindi ko na lang pinansin. Hindi ako dumeretso sa mesa ko na ipinagtaka ng iba, lalo na ni Gee. I walked directly to Ma’am Celly’s office. I just wanted to clarify things, kahit hindi malabo na totoo nga na magiging secretary niya ako.Kumatok ako nang tatlong beses bago pumasok.“Good morning, Ma’am,” I greeted her first.“Good morning. Take your seat, Miss Cordova.” Pinaupo muna ako ni Ma’am Celly, saka siya nagsalita uli. “I think you already know it. I mean, about the—”“Yes, Ma’am,” sagot ko, sabay tango.“Our new owner requested that you will be his temporary secretary,” seryosong sabi niya. “Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng trabahante dito, ikaw pa ang napili niyang ipalit sa secretary niya. ‘Sabagay, magaling ka namang magtrabaho kaya… pumayag ako. I know your skills when it comes to work. Sa totoo lang, mahirap ka ngang pakawa
Nagulat ako sa impit na tili at pagkalabit sa akin ng kaibigan ko. “U-uhm, sshh… Huwag ka namang tumili, Gee. Nakakahiya ka talaga,” sabi ko sa mahinang tono.“Ahh— S-sorry, Sir,” hinging paumanhin niya sa katabi ko.Bahagya lang siyang tumango kay Gee. Then he focused his stare at the closed elevator.“Charmane Cordova! Bruha ka, ang dami kong hindi alam. Humanda ka mamaya sa ‘kin pag-uwi, aabangan talaga kita. Ang daya-daya mo talaga,” bulong pa ni Gee sa akin.“W-wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo diyan,” bulong ko rin.“Painosente ka pa diyan. Hmp! Inis ako sa ‘yo. Don’t talk to me.” Nagtampo talaga ang baklang ‘to at inirapan pa ako.Sasagot pa sana ako pero bumukas na ang elevator. So, I needed to cut our conversation. Sinulyapan ko si Gee. “Talk to you later…” I whispered, then I followed Mr. Hernandez.He immediately got inside his car without staring at my direction. Nag-alangan naman akong
We immediately left when I came back from the restroom. Hindi na siya muling nagtanong about what he asked me a while ago, thank God. Hindi na rin kami nagkibuan habang nasa loob ng kotse pabalik ng kompanya.Pagdating sa kompanya ay muli kong pinagtuunan ang mga dapat ko pang malaman. I needed to review all the rules as his temporary secretary.Naku naman! Ang dami kong dapat pag-aralan. Sumasakit na ang ulo ko. Bakit pa kasi ako ang dapat maghirap dito? Sa dinami-rami naman ng iba diyan na mas magaling at matagal kaysa sa akin! Kontento na ako sa posisyon ko sa accounting department. Lahat ng trabaho doon ay alam at gamay ko na, hindi tulad nito na kailangan ko pang mag-adjust for my daily routine.Because I was busy ay hindi ko na namalayan kung anong oras na. Tutok na tutok talaga ako sa ginagawa.“Hep!” Napaangat agad ako ng tingin sa nanggulat sa akin. “Baka yumaman ka bigla niyan!”Napamura ako dahil hin