Share

Chapter 3- First Long Conversation

LC Series #2

Kahit Hindi Na Ako

“Oh shit!” Mahinang pagmumura ang tanging nagawa ko dahil sa pakiramdam ko ay may nakasunod talaga sa akin eh. Kanina ko pa nararamdaman iyon mula ng lumabas ako ng Mall hanggang dito sa Coffee Shop. 

Dali-dali akong pumasok ng CS at agad na naghanap ng makukublian. May taong nagbabasa ng libro sa isang sulok kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, agad na pinuntahan ko ito at basta na lang na inagaw ang librong hawak niya at nagkunwari rin na nagbabasa. Ginawa kong pantakip sa mukha ko ang libro pero nakikiramdam pa rin ako. Pasimple akong sumisilip sa entrance door ng coffee shop. 

Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong pumasok ang lalaking nakacap at sunglass. Para akong nakakita ng gangster in real life sa katauhan nito. Bumilis ang tibok ng aking puso. Huli na ng namalayan kong napahilig na pala ako sa katabi ko na siyang may-ari ng librong na hawak ko.

“Sorry huh? I just need to hide from that guy, mukhang ako talaga ang sadya niyan eh.” Bulong ko pa habang nasa lalaking nasa pinto pa rin ang aking paningin. 

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naglakad pa ito papunta sa gawi namin. Napapitlag ako ng maramdaman ko ang kamay ng katabi ko na nasa balikat ko na. Inakbayan niya ako. Nakatulong iyon para mas maitago ko pa ang sarili ko. Thank you sa nilalang na nasa tabi ko ngayon. Nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko.

Matunog ang naging paghinga ko ng lumabas na ang lalaki. Napagtanto kong madadaanan pala ang pwesto namin kapag palabas na ng CS. 

“Shit, that was so nakakakaba," nakapikit ko pang saad pagkuwa’y umayos ng upo ng maalala ang taong inagawan ko na nga ng libro ay tinulungan pa ako para hindi makita ng lalaking sunod ng sunod sa akin kanina.

“Thank you,” ani ko sabay siring ng tingin sa katabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Nakagat ko na naman tuloy ang dila ko ng makilala kung sino ito.

“Zeiroh?” hindi ko pa makapaniwalang tanong. He just smirked at me. Parang gusto kong sapuin ang ulo ko at iumpog sa pader na nasa likuran ko. 

“I asked you to be careful Miss Quintos. In born na ba talagang matigas ang ulo mo?” asik niya pa sabay bawi ng libro sa kamay ko. Napamaang na lang ako. Ang kadaldalan ko ay para bang hindi gumagana kapag siya ang kaharap. 

Inuunahan ng kaba sa aking dibdib… Naipilig ko ng pasimple ang aking ulo dahil sa lyrics ng kantang pumasok sa kukuti ko.

“Wala namang malambot na ulo kasi nga may skull. You know what skull is huh?” Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch pa iyon sa Merriam Webster’s Dictionary. Eh bakit ba? Sa nabobobo ako dahil sa kaba eh. 

“It’s the structure of bones that form the head and face of a person or animal.” Binasa ko lang iyon sabay tingin sa kanya. Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Napatulala naman ako.

Sa iyong ngiti. Ako’y nahuhumaling… Ipinilig ko na naman ang ulo ko.

Ngumiti siya? Weh? Legit iyon? Am I just dreaming? Hindi marunong ngumiti ang alien ah? Kumurap-kurap pa ako pero seryosong mukha niya na ang nakikita ko.

“Are you bored? Pinagtitripan mo ba ako?” Pagsusungit niya pa. Pinilit ko naman na ngumiti pero hindi ko na itinuloy pa dahil pakiramdam ko ay mahahalata niyang nangangatal ang labi ko.

Ano ba Carleigh? Bwiset ka! Umayos ka nga. Tumikhim ako at sumeryoso na din.

“Ako? Pagtitripan kita? Why naman? Eh hindi naman nga kita trip.” Napansin kong umiba ang timpla ng kanyang mukha. Nagtagis pa ang bagang nito. Nakaramdam na naman ako ng pagpapanic sa loob-loob ko.

“I mean Mr. Hernandez, hindi kita bet na pagtripan," paliwanag ko pa tsaka ngumiti. 

“Thank you nga pala sa tulong mo, muntik na ako doon ah?” dagdag ko pa.

“Who’s that guy?”

“I don’t know. Basta naramdaman ko na lang na may nakasunod sa akin.”

“Bakit wala kang suot na mask?” Napangiwi naman ako. Eh sa makakalimutin ako eh, bakit ba? 

Tsaka I want a normal life. Iyong normal talaga, malaya at walang pinagtataguan. Wearing a mask is like I’m always in danger. Ang creepy sa pakiramdam. Nakakapraning.

“Nasu-suffocate ako eh. Tsaka para naman akong may pinagtataguan kapag lagi akong nakasuot ng mask.”

“Dahil gano'n naman talaga Carleigh.” Napalingon naman ako sa kanya. Is it the first time he called me by my first name? Iyong hindi buo? 

“Because I like you Carleigh.” No, hindi pala. Second time pala ‘to.

“Anong gano'n?”

“Na may pinagtataguan ka. Your fans or so-called stalkers. Dalawang taon ka ng nagtatrabaho bilang DJ pero hindi mo pa rin maproseso ng utak mo na hindi ka safe na gumala kung saan-saan ng hindi naka disguise?” Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit alam niyang dalawang taon na akong DJ? 

“Nakikinig ka ba? Para kang walang alam sa mundo na pinasok mo.” May halong panenermon niyang saad. Napakamot na lang ako sa noo.

“Alam ko naman iyon pero kasi… Ah basta, gusto ko lang naman mamuhay ng normal.”

“Normal? Eh bakit hindi ka na lang naging magsasaka? Iyon ang pinaka normal na buhay sa mundo.” Pinanliitan ko naman siya ng mata.

“Minamaliit mo ba ang mga magsasaka?”

“Of course not, why would…”

“Iyon ang dating sa akin ng sinabi mo eh. Parang nang-iinsulto ka or what? Tama ka, sana nga naging magsasaka na lang ako dahil talaga namang payapa ang ganong klase ng pamumuhay. Sana nga hindi na lang ako nag-aral sa mamahaling unibersidad at naging DJ kung mapapaaga din naman pala ang kamatayan ko. Sana pala ay sinamahan ko na lang ang tatay ko sa pagsasaka sa bukid. Tsk, kung alam ko lang talaga na ganito, sana nanatili ng lang ako sa probinsiya. Doon lang ako magkakaroon ng normal na buhay. Masayang maging normal lang. Malaya at walang mga epal sa buhay mo.” Mahabang lintanya ko at napatingala pa sa kisame.

“May masama din ba sa pagiging magsasaka? Wala naman eh, bakit iyon ang laging sinasabi nila kapag hindi ka nangangarap ng mataas at kapag gusto ko lang naman ng normal na buhay?”

“Talaga ba Leigh? Eh di sana nagsaka ka na lang din at hindi na nag-aral sa mamahaling paaralang ito kung magsasaka lang din naman pala ang hanap mo, kaloka ‘to.” 

“Normal? Eh bakit hindi ka na lang naging magsasaka? Iyon ang pinakanormal na buhay sa mundo.”

“Eh ano naman kung magsasaka? Proud nga ako sa kanila eh. Proud ako sa mga magulang ko.” Bulong-bulong ko pa. Nakakawalang gana ang araw na ito.

“I’m sorry for what I’ve said…”

“Bakit nagsosorry ka? Para mo ding inamin na minamaliit mo nga kami eh no?” Mukhang hindi niya naman alam kung ano ang isasagot. Dismayado ko siyang tiningnan. Minamaliit niya nga? Ha! Tama lang pala ang desisyon ko noon na huwag siyang bigyan ng pagkakataon na bilugin ang utak ko. 

Wala din naman pala siyang pinagkaiba sa ibang mata pobreng mayayaman eh. Pare-pareho lang sila.

Padarag na tumayo ako pero agad naman na nahila niya ako paupo ulit. Malamya at nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kanya.

“Saying sorry doesn’t mean that you’re confirming an accusation or something Miss Quintos.” Hindi naman ako umimik. Nakatitig lang ako sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya.

“I won’t say that again, okay? Wala akong minamaliit ng tao kasi para sa akin lahat naman tayo ay pantay-patay eh. Parehong lupa lang din naman ang inaapakan natin, pare-parehong bigas lang din ang kinakain natin, walang mataas at mababa, mayaman at mahirap, we’re all pantay sa paningin ng diyos.” Napakurap naman ako. Hindi ko inaasahan ang huling linyang sinabi niya. Bukod sa mahabang sinabi niya ay makahulugan din iyon. Wow, just wow. Kakaibang kugtong din ito.

“Init ng ulo mo eh. Hindi mo na lang sinabi na nakalimutan mo na namang magdala ng mask, ang dami mo pang alibi,” aniya sabay tayo. Wala sa sariling nakagat ko naman ang pang-iibabang labi. Somehow, he’s right.

Sinundan ko na lang siya ng tingin habang papuntang counter. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya, bawat galaw niya ay nakamasid lang ako.

Minamasdan kita ng hindi mo alam. Huwag ka sanang magagalit. Naiumpog ko na talaga ang ulo ko sa pader. Kanina pa pumapasok sa kukuti ko ang kantang ito ah? 

“Here.” Napapitlag pa ako, nakabalik na pala siya at inilapag ang cup sa harap ko. Pati flavor ng coffee na iniinom ko ay alam niya?

“Bakit alam mong ito ang iniinom ko?”

“I asked Briannes. Sabi mo nga noong isang araw ay matagal ka ng customer dito kaya naisip ko na alam nila kung ano ang palagi mong binibili dito.” Haba ng sagot, hindi na yata siya nagtitipid ng salita.

“Huwag kang gumala lagi ng mag-isa at wala man lang kahit anong takip yang mukha mo. Sikat ka Carleigh kaya hindi maiiwasang may magtangka sayo.” Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Magtangka? As in papatayin o kaya gagahasain ako? Bakit naman nila gagawin iyon? Inaano ko ba sila? Oo, maganda ako pero hindi ibig sabihin nun ay for free na ang beauty ko ‘no?” Pinitik niya naman ang noo ko. Maagap ko namang nasapo ito.

“Kung ano-anong pinagsasabi eh. But yeah, maaari ngang mangyari yan sayo kung hindi mo iniingatan yang sarili mo. Ang talino mong tao pero wala kang ideya kung gaano ka na kasikat? Pumunta ka ng counter at alamin mo kung may customers bang hindi nakakakilala sayo, kapag meron tsaka mo na paniwalain ang sarili mo na hindi ka nga sikat.”

“Gagawin ko yang sinabi mo?”

“Yes, go.” Utos niya pa sa akin.

“Inuutusan mo ako?”

“Yeah para malaman mo at maniwala ka na sa mga pinagsasabi ko.”

“At talagang kailangan kitang sundin?”

“Carleigh.” Halata sa tono niyang nakukulitan na siya sa akin.

“Okay. Let see. Kapag merong hindi nakakakilala sa akin ay hindi mo na ako pipiliting magsuot ng mask or whatever ek-ek tuwing gagala ako?”

“Deal.” Tumango-tango naman ako at inayos pa ang buhok ko sabay tayo. Lumapit ako sa counter kung saan may nakapilang customers, nasa mahigit sampu ang bilang nila. Madami talagang customers ang CS na ito. Halos puno nga din ang mga tables eh.

“Ah excuse me.” Kunwaring untag ko kanila. Lahat naman na nasa pila ay napatingin sa akin. Baka mapagkamalan pa akong singitera dito, lagot talaga sa akin itong Zeiroh na ito!

“Pwede bang makisingit? Nagmamadali kasi ako eh.” Keme pa akong ngumiti. Sa loob-loob ko ay sana may magtaray sa akin dahil senyales iyon na hindi ako nito nakikilala bilang isang DJ Carleigh.

“Sige po.” Dismayado ako ng lahat sila ay tila ba tuwang-tuwa pa na tumango, nag give way pa nga iyong nauuna sa pila.

“Kilala niyo ako?” Wala sa hulog kong tanong.

“Yes po.”

“DJ Carleigh, ang ganda niyo po.”

“Sayang, bawal magpicture.”

“Shit, she’s more beautiful in person.”

Sa kabila ng papuring natanggap ko from them ay naiinis ako dahil nanalo ang kugtong na Zeiroh. 

“Mauna na po kayo DJ Carleigh.”

“Oo nga po, ayos lang naman sa amin.” Napakagat labi na lang ako. No choice ako kundi ang umorder na lang ulit. Nakasimangot na bumalik ako sa table ng kugtong.

“Ano na?”

“Hindi nila ako kilala, kahit isa sa kanila ay hindi ako kilala. Tsaka isa pa, hindi naman nila ako kamag-anak para kilalanin.”

“Iba ang nakita ko sa mga mukha nila sa sinasabi mo.” Nangingiti niya pang saad. Mataman na napatitig na naman ako sa kanya. 

“What? Talo ka diba? Ibig sabihin ay sikat ka talaga kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo ng magsimulang magdisguise kapag gumagala ka lalo na kapag mag-isa ka lang.” Nanatili akong nakatingin lang sa kanya at napangalumbaba pa. Bakit ang ganda sa pandinig ng boses niya? Sa sobrang ganda ay parang gusto ko siyang ipasok sa music player at i-play ng paulit-ulit ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

“Hey DJ, nakikinig ka ba?” Napaayos naman ako ng upo. 

“Oo, hindi ako bingi.”

“Naririnig mo lang ako pero hindi mo naman pinapakinggan.” Sermon niya na naman. Ano daw? Pwede ba iyon? Naririnig pero hindi pinapakinggan? Sana ayos lang siya.

“Ngumiti ka nga.” Saad ko pa.

“Huh?”

“I said, ngumiti ka nga.”

“Why?” Nakakunot noo niyang tanong.

“Basta. Ngumiti ka na lang.”

“Crazy.”

“Sige na.” Pangungulit ko pa. Napasinghap naman siya.

“Fine.” Pilit na ngiti lamang iyon. Napabusangot naman ako.

“Para ka namang mannequin sa ngiting yan. Ang plastic. Iyong natural naman.”

“I can’t, paano ba?” Napapalatak naman ako.

“Parang ganito.” Tapos ngumiti ako ng natural para magaya niya. Bahagya naman siyang napatulala tapos napakurap-kurap pa. 

“Wow.” Bulong niya pero hindi ko naman narinig.

“Ikaw naman. Ngumiti ka ng kasing ganda ko. I mean kasing ganda ng ngiti ko.” Tiningnan niya naman ako na para bang nakukulitan na talaga siya sa akin. 

“Huwag na nga lang, di bale na lang. By the way, girlfriend mo ba iyong Marie?”

“Yeah.” Tipid niyang saad. 

“Really?”

“Yeah why?”

“She’s so…” Maarte, mataray, masama ugali, feelingera and 99 other negative adjectives.

“She’s pretty.”

“Really? Iyan lang ba ang masasabi mo sa girlfriend ko?” Napangiwi naman ako. Actually ang dami kong gustong sabihing mga negative feedback about her personality and attitude base sa ginagawa niya the last day pero huwag na lang at baka masaktan ka pa.

Ano naman kayang nagustuhan niya doon? Wala naman nga sa kalingkingan ko iyon eh. Kung nagustuhan niya ako noon eh di sana ka level ko din ang naging girlfriend niya. Maarte at maattitude din naman ako pero depende sa tao at sitwasyon iyon. Nasa lugar naman ang pagiging ganun ko. Psss! Hindi na nga pala ako ang gusto niya, halata naman eh. 

“Wala na. She’s just pretty.” Ani ko sabay simsim ng kape. Pero mas maganda ako don.

“Napapadalas yata ang punta mo dito?” Tanong ko pa.

“Ah yeah. Pinag-aaralan ko kasi ang kabuuan ng CS na ito. Gusto nina Alester and Lilah na ipaayos ito eh, papalakihan at mas pagagandahin pa.”

“Bakit kailangan mong pag-aralan?”

“Dahil kailangan kong gumawa ng bagong blueprint nito. Tsaka ako din naman ang hahawak ng project na ‘to.”

“Eh? Bakit? Ano bang trabaho mo na pala ngayon?” Hindi naman agad siya nakasagot. Narinig ko pa ang mahina niyang buntong-hininga.

“Mas gaganda pa pala lalo ito. Excited akong makita ang new version nito.” Iba ko na lang sa usapan, mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko eh.

“Lahat na ng CS ay a-adjustan?”

“Yes. Lahat ng LC buildings.”

“Wow! Iba na talaga ang mayaman. Bakit naman ganun?”

“Kasi lumalaki na rin naman ang family Hernandez eh. Hindi namang imposible na lahat kami ay magkaroon ng sari-sariling pamilya. May pamilya’t mga anak na nga rin ang karamihan sa mga kapatid at pinsan ko eh.” Napatango na lang ako. 

“Speaking of anak, pamangking mo pala si Jazh?” Nagtataka niya naman akong tiningnan.

“Paano mo nalaman?”

“Nabanggit niya noong isang araw, nandito lang daw siya as a trainee? Tsaka tinawag ka niyang Tito.”

“Really? Oh, that’s new.”

“New? What do you mean?”

“Hindi basta-bastang nagpapakilala at nagkukwento ang batang iyon. Pili lang ang kinakausap nun.” Hindi ko naman alam kung ano ba ang sasabihin ko. Siguro ay dahil sa ipinagtanggol ko ang bata against Marie kaya ganun.

“Isa lang ibig sabihin nun, nakuha mo ang tiwala ng pamangkin ko.” Kaswal niyang saad. Nakatitig na naman lang din ako sa kanya. Hindi kasi nakakasawa ang mukha niya eh. 

“Is that a good idea?” Bantulot kong tanong.

“I guess, hmmm.” Napatango na lang ako. Hindi man kasi ako mukhang manloloko para hindi pagkatiwalaan eh. 

Huli kong napagtanto na ito ang kauna-unahan na matagal kaming nag-usap at nagsama sa iisang lugar lang. Ito ang kauna-unahang naging komportable ako sa presensiya niya. Okay naman pala siyang kausap at kasama, hindi naman pala boring.

“Uy, yong utos ko sayo. Ngumiti ka muna.” Balik pangungulit ko na naman.

“Give me a reason why I have to?”

“Kasi.. Ano… Uhm…” Nag-isip pa muna ako ng pwede kong maging palusot pero wala talaga akong maisip eh.

“Ano?”

“Ano kasi… Wala lang, gusto ko lang makita ang mukha mong nakangiti, masama ba?” Pinakatitigan niya naman ako at ganun din ang ginawa ko. Ini-imagine ko na lang na nakangiti na siya sa akin.

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit…

Natigil ang kaepalan ng kantang iyon sa kukuti ko ng unti-unti siyang ngumiti sa akin. Oh shit! What’s happening to me? Bakit bigla na naman lang nangatal ang sistema ko? Ngumiti siya? Am I just dreaming again? Tampalin ako, ngayon na!

“Okay na ba Miss DJ?” Maya-maya ay rinig kong saad niya. Iyon ang paggising sa lumilipad kung katinuan.

“Ahh, y-eah. Okay na… Ngumiti ka ba? Parang hindi naman eh.” Umangat naman ang sulok ng kanyang labi pagkuwa’y bahagya pang ginulo ang buhok ko.

“Ang kulit mo talaga,” aniya sabay ngiti na naman. Oh shit! Bakit parang nakakaadik ang ngiti niya? Kugtong talaga!

Sa iyong ngiti, ako’y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko’y tumitigil para lang sayo… Natampal ko na talaga ang noo ko at naumpog ang ulo ko sa mesa. Gusto kong isako ang sarili ko at itapon sa dagat para ipakain sa mga kugtong.

What’s happening to me? Wala bang pagpapaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin?

“Carleigh, are you okay?” Napamura na naman ako sa isip ko dahil sa concern na nabasa ko sa kanyang tono. Mariing napakuyom ako at umayos na ng upo.

“Y-eah. I’m fine.”

“Talaga ba? Bakit namumula ka? May masakit ba sayo?”

“Wala!” Napalakas yata ang pagkakasabi ko nun kaya may mangilan-ngilan na napalingon sa gawi namin, agad akong napaubob sa mesa.

“What’s happening to you?” Alangang tanong niya.

“Yeah, what’s happening to me?” Tanong ko din, pabulong lamang.

“Hey, okay ka lang ba talaga?”

“Yeah,” ani ko sabay tayo. Parang bigla tuloy akong nahilo. 

“Uwi ka na?”

“Yes.” Dinampot ko na ang sling bag ko na nasa bakanteng upuan. I need to save myself from him first. Mukhang sa kanya ako nanganganib.

“Here, gamitin mo na muna.” Inabot niya sa akin ang kanyang hood.

“Malamig na sa labas.” Tsaka ko palang namalayan na madilim na pa. Ang bilis ng oras ah?

“Thank you.” Tsaka tinanggap ang inaabot niyang hood. Tinalikuran ko na siya at akmang hahakbang na paalis ng magsalita siya.

“About pala sa question mo kanina.” Bahagya ko siyang nilingon.

“Question?”

“Hmmm. I’m an architect at the same time, an engineer too.”

Bigla ay may naalala ko. Naalala ko ang huling usap namin ilang taon na ang nakalipas. 

“Ano bang pangarap mo sa buhay?”

“To be an architect.”

“Oh? Good for you but engineer ang gusto ko eh.”

I am literally speechless. Did I missed something in my past?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hara Miya
you missed him carleigh!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status