His Impact
Dahlia's POV
Kumakalam na ang aking sikmura nguni't 'di ko magawang magreklamo dahil alam kong malilintikan lang ako kay Lexux. Nasa isang bagsakan kami ng isda napadpad. Sumaludo ang mga lalaki kay Lexux na tila ba ito'y isang hari.
"Nasaan na?" seryosong tanong ni Lexux sa lalaki.
"Nasa bodega na, sir," sagot ng lalaki.
Pinuntahan namin ang bodega na tinutukoy ng lalaki at tumambad sa harap ko ang mga nicotine.
Putragis ang dami nito. Biglang kumati ang kamay ko na posasan ang mga ito. Kinagat ko ang ibabang labi upang itago ang inis at galit.
"Ito na ba lahat?" tanong uli ni Lexux sa lalaking kaharap namin.
"Opo, sir."
Pagkatapos nilang mag-usap ay may tinawagan si Lexux sa kaniyang cellphone kaya nilibot ko ang kabuuan ng bodega. Tangina 'di ko nadala ang relo ko na may camera para i-video ang bodegang ito. Buwesit kasi na Lexux!
"Dahlia!" tawag ni Lexux sa akin.
Nilingon ko siya at napalunok ako dahil sobrang hot niya habang nakatayo at nasisinagan ng araw. Damn! Ang sexy naman nang pagkabigkas niya ng pangalan ko subalit mas sexy ang tumawag.
"Bakit, may ipapagawa ka?" tanong ko sa kaniya.
"Mauna ka na sa kotse. Magbibigay lang ako ng instruction sa kanila." Malamig niyang sabi.
Sinunod ko siya para wala ng problema pa. Seryoso ang mukha nito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nila kaya 'di ko maalis ang mata sa labi niya. Nakagat ko naman ang aking labi nang maalala kung paano niya ako marahas na hagkan. Shit! Kahit masakit ang paraan nito nang paghalik ay 'di ko maikakaila na matamis ang labi niya. Bigla na lang siyang lumingon sa gawi ko na kinangatog ng tuhod ko dahil sa mga mata niyang malamig.
Tangina! Tinted naman itong sasakyan pero kinakabahan pa rin talaga ako sa titig niya. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng matinding kaba at sobrang panginginig. Sa kaniya lang talaga, kay Lexux lang talaga!
Dahlia, umayos ka nga!
Kinalma ko ang aking sarili nang palapit na siya sa kotse. Umakto akong naiinip sa paghihintay sa kaniya upang 'di niya mahalata ang takot sa aking dibdib. Hindi ko talaga maisip na may lalaking makakapagpabahag ng aking buntot.
"Bakit ang tagal mo?" Pagsita ko sa kaniya ay umakto akong naiinis.
Magaling ako umarte pero hindi ko alam kung effective kay Lexux.
"Huwag na huwag mo akong sitahin at itikom mo 'yang bibig mo bago pa ako mismo ang gumawa para tuluyan ka nang 'di makapagsalita."
Kung ibang lalaki lang ito ay baka inirapan ko na siya subalit kakaiba talaga si Lexux sa lahat ng lalaki. Alam na alam nito kung paano patatahimikin ang kausap. 'Di na lamang ako nagsalita sa takot na baka masapak pa ako ng gago na ito. Humalukipkip ako habang nakanguso na nakatingin sa labas ng bintana.
"Kakain tayo?!" excited na tanong ko nang huminto kami sa isang resto.
"Hindi. Baka gusto mong sumayaw sa loob habang kumakain ang iba?" sarkastikong sagot niya.
Binagsakan niya ako ng pinto at nauna nang pumasok.
Nice. Napakabait. Very gentleman.
Sinundan ko siya dahil gutom na talaga ako. Ikaw ba naman inangkin ng ilang beses, nakakapagod 'yon 'di ba? Luminga-linga ako at nakita ko siya sa may dulo subalit hindi siya nag-iisa. Hmp!
May kasama siyang magandang babae!
Mabagal lamang ang lakad ko patungo sa kanila. Nang-aakit ang mga mata ng babae habang nakikipag-usap kay Lexux. 'Di ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Gusto ko siyang hatakin at kaladkarin palabas.
What the fuck?!
NAGHAHAHALIKAN ang mga hangal!
Tumalikod ako at mabilis na bumalik sa kotse. Hindi ko nagustuhan ang nakita. 'Di ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Naguguluhan ako! Basta isa lang ang maliwanag sa akin, ayokong makita ang paghahalikan nila. Alam ko naman na wala akong karapatan na sitahin siya o magselos dahil hindi naman kami.
Pero kasi...
Siya ang unang umangkin sa labi ko lalo na ang kumuha ng virginity ko. Siguro naman may karapatan akong masaktan, 'di ba?
Sumandal lang ako sa kotse at naghintay sa kaniya. Kailan kaya matatapos ang mga iyon sa pagkain ng labi ng isa't isa?
"Dahlia!"
Nilingon ko ang tumawag ngunit kaagad akong nadismaya nang si Ysay ang aking nakita.
"Ysay" bigkas ko.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya, "Wala ako sa mood eh," sagot ko.
Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko.
"May ginawa ba si Lexux sa'yo?"
Umiling ako bilang tugon.
"Sinungaling, alam kong ginalaw ka niya. Wala namang babae na pinalampas iyon!" nakailing na pahayag ni Ysay.
Naasiwa ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Sinuri ni Ysay ang aking kabuuan bago muli nagsalita.
"I'm looking forward na ako naman ang pagbigyan mo Dahlia." He grinned.
Nainis ako sa sinabi niya. "You misunderstood it, Ysay."
Feeling ko binabastos ako ni Ysay. Tsk! Binabastos naman talaga niya ako pero bakit 'di naman ako naiinis kapag si Lexux ang nambastos?
"Hindi ko siya pinagbigyan sa ginawa niya. Pinuwersa niya ako," mahinang pahayag ko.
"Kailangan pa ba kitang puwersahin?" Nakangiti siya habang nakatingin sa akin at hinaplos ang braso ko.
Inis ko naman na tinapik ang kamay niya.
"Iwan mo na ako rito kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo." Biglang uminit kasi ang ulo ko nang hawakan niya ako.
Wait, naging si Lexux na ata ako.
Humalakhak si Ysay sa aking sinabi.
"Hahaha! Mukhang nahawa ka na sa ugali ni Lexux ah. Kaya mo bang pasabugin ang ulo ko, Dahlia?" Then he laughed again.
'Di ko siya pinansin upang tantanan niya ako subalit makulit pala itong si Ysay.
"Tara, pumasok na tayo!" pagyaya niya sa akin.
"Ayoko nga." Matigas na saad ko.
Pinilit niya pa rin ako ng ilang beses at handa na sana akong singhalan siya nang may biglang nagsalita mula sa likuran ni Ysay.
"What are you doing here?"
Natigilan ako sa napakalamig na boses ni Lexux.
"Dude! Ako na bahala sa kaniya." Nakangising sabi ni Ysay.
Gusto ko siyang irapan nguni't ang init nang titig ni Lexux sa akin kaya napayuko ako.
"Pumasok ka na sa loob, Ysay. Kanina ka pa hinihintay ni Lexine." Malalim at malamig ang boses ni Lexux.
"Tsk. Pero mas interesado ako kay Dahlia eh! Bakit kasi sa'yo pa siya binigay ni Daddy?!"
Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanila. Sa ibang deriksiyon ako nakatingin dahil 'di ko kayang salubungin ang mga mata ni Lexux. Subalit ramdam ko ang malamig niyang tingin sa akin.
"I said get inside, Ysay!" he shouted.
"Tsk!" reklamo naman ni Ysay.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Ysay kaya napasandal uli ako sa kotse at 'di nag-abalang lingunin si Lexux.
"Talk." Tipid niyang utos sa akin.
Hindi ko alam kung si Bernard o siya ba ang pinuno dahil kaya nitong utusan kahit ang anak ni Bernard. Wala bang kinatatakutan ang lalaking ito?
"Dahlia." May pagbabanta sa tinig niya sa pagkakataong ito.
"Nawalan ako ng gana." Mabilis akong tumugon dahil alam ko na kung paano siya mainis.
"Let's go inside." Walang gana niyang sabi sa akin bago ako tinalikuran.
'Di man lang ba niya rerespetuhin ang opiniyon ko?! Hindi ko siya sinunod at nanatili lamang na nakasandal sa kotse. Ayokong kasabay ang babaeng kahalikan niya.
"Bahala ka riyan. Psh! Ayokong kumain habang may naglalampungan sa harap ko." Inis kong pagkausap sa aking sarili.
Napalundag ako nang may biglang humawak sa buhok ko at hinugot ito nang napakalakas.
"Aray!"
"Sinusuway mo ba ako?"
Nagtatagis ang mga bagang ni Lexux habang nakatingin sa akin. Napangiwi ako sa sakit nang pagkasabunot niya. Nakatingala ako sa kaniya, mataas rin na lalaki si Lexux. Hindi nga lang ako sure sa height niya.
"W-wala na nga akong gana!" sigaw ko.
Pinilit kong ilabas ang inis ko kahit sobrang kinakabahan na ako sa kaniya.
"I don't care! Ang sasabihin ko pa rin ang masusunod kaysa sa opiniyon o gusto mo!" Mariin ang pagkakabigkas niya ng bawat katagang binitawan.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Ouch, Lexux!"
"Pasok!" Pagsigaw niya sa akin.
Pilit niya akong kinaladkad habang hawak ako sa buhok.
Ruthless jerk!
"Aray! Ayoko nga pumasok at makita na nakikipaghalikan ka sa ibang babae!"
Naiinis na ako kaya sinigawan ko na siya. Pero sobrang sakit na talaga ng anit ko! Tumigil naman siya sa paglakad at binitawan ang buhok ko.
"Wala akong pakialam kung 'di mo iyon nagustuhan." Walang emosiyon ang mukha niya.
"Jerk." I cursed.
"Ayusin mo ang itsura mo at pumasok ka sa loob." Pinal niyang utos sa akin.
"Ayoko nga e!" matigas ko namang sagot.
"Baka gusto mo pinggan ang ipapakain ko mamaya sa'yo?" pagbanta niya sa akin.
Inayos ko kaagad ang aking buhok at ang nagusot kong damit. Ngumiti ako nang malapad sa kaniya na tila walang nangyari.
"Pasok na tayo! Gutom na talaga ako! He-he." Ngumiti ako ng pilit kahit na inis na inis ako.
Sa huli ay siya pa rin ang nasunod at wala akong nagawa. Baka kasi totohanin niya ang banta sa akin mahirap na! Si Lexux ito hindi kung sinong lalaki lang. Hindi nagbago ang expression ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
Bato ba ang puso niya?
Nasa likod niya lang ako habang papasok kami ng resto. Kailangan kong pigilan ang umuusbong na damdamin ko habang maaga pa. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi niya kayang tugunan ang kung ano mang nararamdaman ko sa kaniya. Bato ang puso niya at binalot pa sa yelo.
Mas lalong 'di kami puwede dahil isa siyang sindikato at ako pa mismo ang maglalagay ng posas sa kamay nita balang-araw. Biglang kumirot ang puso ko nang maisip ang scenario na iyon.
What the heck, Dahlia! Wake up! He's a ruthless criminal!!!
Kumakain lang ako habang nag-uusap ang tatlo. About sa drug operation ang pinag-uusapan nila at talagang nakikinig ako upang may ma i-report ako kay chief.
Kusang umirap ang mata ko nang haplusin ni Lexine ang kamay ni Lexux. Bagay ang pangalan nila sa isa't isa. Tsk! So, what?!
What the fuck?! Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa?
Nakita ko ang paggapang ng kamay ni Ysay sa legs ni Lexine papasok sa skirt nito. Ganito ba kakati ang babaeng ito?! Habang inaakit si Lexux ay nagpapakasarap sa ginagawa ni Ysay?
Very disgusting!
Gusto kong masuka kaya iniwas ko ang mata sa ginagawa ni Ysay. Subalit mali ang deriksiyon na sinulyapan ko.
Lub.dub.lub.dub
Literal na bumilis ang tibok ng aking puso nang magtagpo ang mata namin ni Lexux habang nakangiti itong nakikipag-usap kay Lexine.
No! Hindi pala siya ngumingiti.
He's grinning!
Damn! He was so hot even with grin.
Ano bang mahika ang mayroon siya at grabe ang impact niya sa akin? Isang araw ko pa lang siya na kasama ay nangangatog na agad ang tuhod ko. Dammit!
Bakit nagulo kaagad niya ang sistema ko?!
Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na naiinis ako sa mga nakikita. Pinilit kong maging kaswal lamang ang aking galaw.
"Dahlia."
Napakaarte nang pagkabigkas ni Lexine sa pangalan ko.
"Bakit?" Walang gana akong sumagot.
Sinulyapan ko si Lexine at pakshit nababasa ko sa mata niya ang pagka-enjoy sa ginagawa ni Ysay.
The fuck! Umungol pa siya nang mahina!
"Umaakto ka bang inosenti ngayon?" Malditang tanong ni Lexine sa akin.
"Hindi naman. Wala lang talaga akong pakialam sa ginagawa niyo." Gusto ko siyang irapan.
Tinaasan niya ako ng kilay. Aba!
"Nakailang sex ka na ba?"
Napakabulgar naman ng babaeng ito! Pinigilan kong mapanganga sa tanong niya. Hindi ba siya nahiya sa dalawang lalaki na nakikinig sa kaniya?
"Dahlia, bingi ka ba?" Naiinis na tanong ni Lexine nang 'di ako sumagot.
Nilingon ko si Lexux na seryoso ang mukha habang kumakain. Uminit naman ang pisngi ko nang sulyapan niya ako.
"I don't know." Wala sa sarili kong sagot.
Mabilis kong iniwas ang mata sa kaniya.
"What? Ganoon na ba karami kaya 'di mo na maalala?" natatawang tanong ni Ysay.
"Wild ka rin pala." Lexine commented.
Nainis ako sa narinig dahil parang napakababa at napakarumi kong babae dahil sa sinabi nila.
"Ilang lalaki ang gumamit sa'yo?" Tanong muli ni Lexine.
"Isa." Sagot ko.
Naramdaman kong natigilan si Ysay sa sinagot ko subalit as usual walang pakialam si Lexux.
"Huh? Ang gulo mong kausap, Dahlia. Buti pa sumama ka sa akin mamaya humithit para gumaan iyang ulo mo." Ngumis si Lexine.
Lihim akong napamura sa narinig. Sino mag-aakala na sa likod ng magandang mukha niya ay gumagamit pala ito nang pinagbabawal na gamot.
"Wala ako sa mood," tanging sagot ko.
Kunwari gumagamit rin ako ng droga para 'di nila ako pagdududahan lalo na ni Lexux. Ano ba itong pinasok ko? Pakiramdam ko ay unang misyon ko pa lang ito dahil sa umuusbong na takot sa aking dibdib. Wala rin akong idea kung saan ba talaga ako natatakot. Bahala na!
His FingerDahlia's PovHindi ko alam kung saan kami ngayon patungon ni Lexux. 'Di ko alam kung mag-partner ba talaga kami o hindi dahil wala naman siyang sinasabi sa akin."Lexux." Mahinang lamang ang pagtawag ko sa kaniya baka kasi gulpihin niya ako."Magtatanong ka kung saan tayo pupunta?" walang emosiyon niyang wika.Nakagat ko ang labi. Bakit ang talas ng isip niya?! Nagbabasa rin ba siya nang isip ng iba? Takte!"Saan ba?" tanong ko."Sa impyerno," sarkastikong sagot niya.Sabi ko nga e!Sabi ko nga 'di na lang dapat ako nagtanong!Nakakaasar na siya huta!Napasimangot na lang ako at umirap sa kawalan."Buksan mo ang zipper
Special NightmareDahlia's PovMabilis akong naligo at nagbihis, habang wala pa siya ay nag report agad ako kay chief. Mabilis lamang ang aming pag-uusap baka maabutan pa ako ni Lexux. Pag kalabas ko ng banyo ay wala pa rin siya."Baka nakipag sex dun sa Blyte"Umirap ako at pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko naiwasan mapangingiti sa pumasok sa isip ko."Araw-araw mukha niya ang mabubungran ko at gabi-gabi siya ang katabi ko matulog"It should be a disgusting nightmare but it turns out a special nightmare for me.Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Alam kong si Lexux ang pumasok dahil sa pagwawala ng puso ko sa presensiya nito. Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya di ko makita ang papasok.Pumikit ako at nagku
My Unexpected FeelingsDahlia's Pov"Lexux please I'm tired already" Pagod kong bulong ng ipasok niya ang daliri sa hiwa ko.Nakatatlong round na kami at pagod na akong nakahiga sa dibdib nito. Feeling ko nanlalanta na ako."Just sleep there and let me do what I want to do with you"Kailan ko ba maririnig ang masuyong boses nito? Damn! Binigay ko na sa kaniya katawan ko pero malamig na pakikitungo pa rin ang nakukuha ko sa kaniya. Heartless!"Please?"Baka makuha ko siya sa pakiusap ko. Gusto kong kunin ang loob niya hindi dahil sa misyon ko kundi dahil sa gusto ko talaga. I like him.It sounds crazy but damn I like him.Even he's a syndicate.A heartless man.Ruthless jerk.
First MissionDahlia's Pov"Ito pa oh!" Sabay abot ko ng alak sa lalaking kaharap.Tangina!Inutusan ako ni Lexux na akitin ko daw ito habang siya ay maghahanap ng volt. May utang daw kasi ang mga ito sa kanila at sisingilin lang ni Lexux."Akitin mo si Ryan ako na bahala sa iba"Pinaningkitan ko si Lexux."What? Marunong din naman ako gumamit ng baril!"Hindi niya pinansin ang reklamo ko."Katawan mo lang kailangan ko sa lakad na ito hindi ang pagiging mahina mo. Ang bagal mo gumalaw kaya mag pakasarap ka na lang"Nasaktan ako sa sinabi niya dahil parang napakababa ko namang klaseng babae para sa kaniya. Pota! Alam niya na siya lang nakagalaw sa akin."Hindi ako marunong
MercilessDahlia's PovAlas diyes ng gabi na ako bumalik sa malaking mansiyon. Nakipagkita na din ako kay chief habang busy si Lexux at si Blyte.Hingang malalim.Maingat kong pinihit ang seradura at dahan-dahan na pumasok sa loob ng kuwarto. Madilim. Pinatay ata ni Lexux ang ilaw."Sa'n ka galing?"Napalundag ako sa gulat dahil sa malamig at malalim na boses ni Lexux."Inutusan ako ni Blyte"Kunwari kalma lang ako pero ang totoo kinakabahan ako sa kaniya. Di ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim pero ramdam ko ang titig niya."Di mo man lang ako sinabihan?""Hindi ba sinabi ni Blyte sa iyo?""At bakit siya ang mag sasabi sa akin?"Sabi ko nga shut up na ako. Kahit anong sabihin ko di rin naman siya mag papatalo eh. Pumunta na lang ako sa kabinet at kumuha ng pa
Dream OnDahlia's PovNasa isang bar kami ngayon, siya nakikipag-usap sa ibang sindikato tapos ako ito pinatayo niya lang at pinabantay sa paligid. Sabihan ko lang daw siya kung may napansin akong kakaiba."Malandi", inis na bulong ko.Paano ba naman kasi may isang babae na kumandong kay Lexux! Prostitute! Jusko baka pumapatol din ito sa mga ganiyang babae? Paano kapag magka aids ito?! Shit, tapos pati ako pinapasukan niya!!!! Grrrrrh! Nakakainis naman eh! Hindi ko magawang mandiri sa kaniya. Psh!Ma text nga ito!To Lexux:Hoy! Pumapatol ka sa mga ganiyan?Ilang minuto ay nag reply siya.What?Nag reply siya?!'Di ko ini-expect talaga ito ah!'You wanna die?'Napasimangot ako sa nabasa. Wala na ba siyang ibang iniisip kun
DumpDahlia's PovHabang kumakain ako ay may narinig akong tila kalaskas kaya sinundan ko. Di ko na muna uubusin ang pagkain ko.Sayang naman!"Oh! Shit ang sarap"Narinig ko ang ungol ng isang babae. Nakakadiri naman ng pag ungol niya. Napaisip tuloy kung anong tunog ng ungol ko. Dahlia! Aish!"Ysay.... harder oh ahhh"Huh?Si Ysay?Di na ba talaga sila makapaghintay at dito na talaga sumabog ng karupokan?"Kakain na lang ako"Bang! Bang! Bang!Nagulat ako sa putok ng baril. Kinasa ko agad ang baril ko. Sumilip ako sa labas. Lintek!May kaaway!Tumakbo a
FeverDahlia's Pov"Lexux ba't tayo bumaba ng truck?", tanong ko.Hindi niya ako sinagot. AGAIN! Napakasungit talaga niya di ko alam kung bakit ako nahulog sa suplado at ruthless na ito?Nag diwang ang puso ko ng makita ang astig niyang motor. Teka? Paano naman napunta ang motor niya dito?Hmm?Kahit anong isip ko naman wala rin akong maisip na sagot sa tanong ko. Di ko rin siya matanong dahil lalong wala akong makukuha sa kaniya. Napangiti na lang ako dahil mayayakap ko siya.Yay!"Fuck! Tatayo ka lang ba diyan?!"Mabilis akong sumakay sa likuran niya."Subukan mo lang kumapit sa akin ihuhulog kita sa daan"Ampupu! Yayakap na sana ako eh! Hmmmffff! Inirapan ko siya kasi nakatalikod siya kaya di ko makikita ang matatalim ni