Share

Chapter 5

THIRD PERSON'S POV

"Mr. Pog—

"Xavier. That's my name not that sh-t." Napairap nalang si Fate dahil sa pagtatama sa kaniya ni Xavier.

"Okay Xavi. Pwede ba—

"Xavier not Xavi. Do I look like a gay?" Inis nitong tanong sa babae.

"Ang cute kaya. Ayan na ang itatawag ko sa'yo simula ngayon ha. Yun na nga XAVI, pwede bang lumabas ako? Kikitain ko lang ang best friend ko." Pag papaalam nito nang maayos at binigyan n'ya ng diin ang pag gamit sa palayaw.

"You can't. Your best friend can come here. Refrain from noise." Nagtatalon naman ito sa tuwa.

"TALAGA? PUMAPAYAG KA NA PUMUNTA RITO SI VIEN? SURE NA SURE?" Paninigurado n'ya

"Do I have to repeat myself?" Pabalik na tanong nito. Nakangiting umalis naman sa opisina ni Xavier si Fate. Napabuntong hininga nalang siya dahil hindi n'ya alam ang gagawin sa kaniya. She's too noisy for him.

[David's calling...]

"Yes?" Bungad na tanong nito sa kabilang linya.

"Good evening, Xavier. Gusto kang makausap ng mga investors sa personal."

"I'm busy." Ibaba na sana n'ya ang tawag subalit pinigilan s'ya ni David.

"We need a new CEO as soon as possible, Xavier. Alam namin na masakit yun sa part mo kasi kapatid mo s'ya. But how about them? Paano ang mga may pamilyang binubuhay? Kung patuloy kang mag mamatigas maaaring ikabagsak 'yon ng kompanya. Gusto mo ba 'yon? Gusto mo bang mawala na parang bula ang pinaghirapan ng kuya mo?" Sermon ni David sa kaniya. Kababata at kaibigan n'ya si Cedric at alam niyang matigas ang ulo ni Xavier.

"I'll see what I can do." At ibinaba na ang tawag. Napakuyom s'ya at pinagtatapon ang mga gamit na mahahawakan n'ya. Narinig 'yon ni Sebastian at Fate kaya'y dali-dali silang napatakbo sa kinaroroonan ni Xavier.

"Boss, okay ka lang?" Agad na tanong ni Sebastian habang pinupulot ang mga nagkalat na at sirang papel sa sahig. Buti nga ay 'yon lang ang naitapon niya dahil may mamahaling vase roon na malapit sa kaniya.

"Get out." Mahinang sabi nito.

"THE TWO OF YOU, GET OUT!" halos mapatalon si Fate dahil sa pag sigaw n'ya. She's too sensitive sa mga lalaking sumisigaw sa kaniya. At dahil sa nangyari ay hindi nito maiwasang maluha habang palabas sa opisina. Sinundan naman siya ni Sebastian na nakapansin sa kaniya.

"Fate, pagpasensiyahan mo na si Boss ha? Gano'n lang talaga siya pag mainit ang ulo. Pero maniwala ka hindi niya iyon sinasadya." Pagpapakalma ni Sebastian. Kasalukuyan silang nasa labas ng mansiyon at tila ba'y nag papahangin.

"Alam ko naman 'yon eh. Hindi lang talaga ako sanay na may sumisigaw sa'kin lalo na't lalaki pa. Alam mo Sebastian 'yang boss mo parang nag me-menopause kasi palaging galit." Napatawa naman si Sebastian dahil sa tinuran ni Fate.

"Tsaka alam mo ang assuming ng boss mo na 'yan. Kung makapag utos akala mo ay hari s'ya rito sa mundo ah." Paglalabas n'ya ng sama ng loob. Napatahimik nalang si Sebastian dahil nakita n'yang nasa likod nila si Xavier at tahimik na nakikinig.

"Sigurado akong tatandang binata s'ya kasi walang sino mang marunong babae ang paoatok sa kaniya HAHAHA." Dagdag pa nito.

"Really?"

"Oo, Se—XAVI?" Gulat itong napalingon sa likuran n'ya at doon nga'y nasilayan n'ya ang mga nag sasalibong nitong kilay. Agad namang tumayo si Fate at ngumiti ng pilit.

"A-ano kasi eh...h-hayaan mo akong magpaliwanag ha. Yung tungkol k—

"Cook for me." Singit nito sa sasabihin sana no Fate.

"Ha?" Tanong niya.

"You will do it or you will do it?" May bahid ng inis ang boses nito. Ayaw n'ya kasi ng paulit-ulit lalo na kung sa simpleng bagay lang naman.

"Do I have a choice? Tsk!" padabog na nilampasan ni Fate si Xavier. Ng nasa likod na s'ya nito ay akmang babatukan n'ya ang ulo ni Xavier ng bigla itong humarap sa kaniya. Agad naman s'yang nag tatakbo papasok sa loob ng mansiyon at dumiretso sa kusina.

Samantalang hindi naman napigilang tumawa si Sebastian kaya'y nakatanggap s'ya ng isang matalim na tingin mula sa kaniyang amo. Tumikhim muna ito bago mag salita.

"Boss, lumabas na ang resulta tungkol sa fingerprint ng manuscript. Negative, walang kinalaman si Fate sa nangyari kay sir Cedric." Saad ni Sebastian at pinakita ang cellphone nito kung saan naroroon ang resulta.

"Then, investigate those companies that was mentioned." Ang tinutukoy nito ay ang mga kompanyang pinagpasahan ng manuscript ng kaibigan ni Fate.

"And don't tell anyone that we found out the truth. I want her to be with me." Dagdag pa nito.

"To be with you? Teka boss, don't tl me nagkakagusto ka na sa kaniya?" Makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Sebastian.

"What are you talking about? I want her to be with me because she might be a useful weapon someday." Sagot nito at nauna ng pumasok sa loob. Napapailig nalang si Sebastian habang sumusunod sa kaniyang amo papasok sa loob ng mansiyon.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang niluluto ni Fate. Inamoy n'ya ito. 'Hmm ang bango. Tiyak na magugistuhan 'to ni Xavi sungit.'

Naglagay s'ya sa mangkok at inilagay sa food tray. Nag salin din siya ng isang basong tubig at tinungo ang opisina ni Xavier. Pagkarating n'ya sa harap ng pintuan ay pumasok s'ya agad.

"What are you doing here?" Agad na tanong ni Xavier habang nakatutok sa dalawang laptop na nasa mesa nito.

"Malamng dinala ko 'tong paborito mo." Inilapag ni Fate ang tray sa mesa na nasa bandang sofa.

"It's not what you think. And next time, knock the door before you come in, understand?" Inihagis ni Fate ang kaniyang sarili sa sofa bago sumagot.

"Hindi. Kasi papaano kung marami akong dalang mga pagkain oh paano ako makakakatok sa pinto nun? Tsaka what if may meeting ka, edi maiistorbo kita...mawala ang focus mo sa trabaho. Hayst. Paminsan-minsan kasi Xavi gamitin mo rin ang utak mo, 'wag puro pa gwapo lang ha? Naku, na iistress ako dahil sa'yo." Mahabang paliwanag ni Fate habang kinakamot ang ulo.

"THE F-CK?"

Napatigil naman si Fate sa ginagawa n'yang pag tingin sa mga halamang malapit sa kinaroroonan n'ya. She knew that Xavier is already annoyed.

'Magagalit na naman 'to kahit sinasabi ko lang ang totoo.' Ani niya sa kaniyang isipan.

"Okay. Relax. Manahimik na nga ako oh... See?" Kunwaring ini zipper n'ya ang kaniyang bibig. Bumalik ulit tuon ni Fate sa mga halaman. May napansin naman siyang price tag na nakalagay sa vase. Nilapitan n'ya ito at tinitigan ng mabuti.

"80 THOUSAND PESOS PARA SA ISANG HALAMAN? JUSKO ANO BANG KLASENG MGA HALAMAN ANG MGA INILALAGAY MO RITO?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fate. Sino nga bang bibili ng ganoong kamahal na halaman kung pwede naman manghingi sa iba?

"It's imported. Don't lay your fingers on MY PLANT. You might have a virus." Ani ni Xavier.

"Paanong don't lay my fingers? Ganito ba?" Hinawakan nga ni Fate ang halaman na yun. Nakita n'yang napatayo si Xavier sa upuan. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.

"Yeah, I know. I MUST excuse myself dahil mukhang may lalaking mag memenopause na naman HAHAHA." Saad nito at tumakbo palabas sa kwarto na kinaroroonan ni Xavier. Narinig n'ya pa ang sigaw nito pero hindi n'ya 'yon pinansin. Dumiretso s'ya sa kusina. Nagugutom na s'ya at kailangan n'yang kumain para magkaroon ng lakas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status