" Kamusta na siya doc? Bakit bigla siyang nawalan ng malay pagkatapos sumakit ang ulo niya,” tanong ni Harry." Walang namang problema sa kanya. Sa ngayon kailangan muna niya ng sapat na pahinga at iwasan ang sobrang pag-iisip. Hindi kinaya ng utak niya ang sobrang pressure na maalala ang nakaraan kaya nagtriger ito ng stress dahilan para mawalan siya ng malay.”"Doc, may pag -asa pa bang maalala ko ang aking nakaraan?" tanong ni Katleah ng magising na rin ito. Kanina ng magising siya, napagtanto niyang nakahiga pala siya sa loob ng private room at nagkataong narinig niya ang lahat ng sinabi ng doctor." Iha, normal na sa tao na habang tumatanda ay nakalimutan niya ang ala-ala ng kanyang pagkabata. Ngunit minsan may mga karanasan sa kanyang pagkabata na hindi kayang kalimutan sa pagdaan ng panahon at bumabalik ito lalo na kung mararanasan niya ulit iyon. Huwag mong epressure ang iyong utak para piliting maka-alala dahil lalo lang itong sasakit. Hayaan mong kusa itong lalabas sa tamang
3 YEARS AFTER"Katleah!.. Sandali!..”Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Marie na humahangos habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. “Pwede ba kitang makausap sandali?, doon sa may coffee shop sa labas nitong University natin nalang tayo mag-usap ng maayos.""Bakit? wala akong oras.. Kailangan ko nang umuwi ngayon para mag-aral, may exam pa ako bukas.""Kailangan mo pa ba yan? Simula ng pumasok ka dito sa University, Ikaw lagi ang nangunguna. Lahat ng professor bilib na bilib sa katalinuhan mo, kaya pwede bang mag chill chill ka na lang muna kahit sandali , Sister?"Saglit siyang natigilan ng tinawag siya nitong sister. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo Marie nagmamadali ako. ""Umaasa ka pa bang susunduin ka ni Kuya? Hindi mo ba alam na magkasama sila ngayon ni Sandra?”"Anong ibig mong sabihin?'’ nakakunot-noong tanong niya dito."Well, dahil hindi ka naman sasama sa akin para magcofee
Nagising si Katleah sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. "Nasaan ako?'' tanong niya sa sarili. Akmang babangon na siya nang mapabalik ulit ang katawan niya sa pagkakahiga sa kama. Parehong may tali ang dalawa niyang kamay at paa. Ang kanyang bunganga ay natatakpan ng makapal na tela upang hindi siya makapagsalita. Tuluyan nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Mamatay na ba siya na hindi man lang nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang? Sasapitin ba rin niya ang katulad sa sinapit nila? “Dad, Mom, help me please…” taimtim niyang dasal sa sarili nang biglang may pumasok na lalaking naka masked at may hawak itong baril."Isuot mo na ang damit mo at umalis dito." sabi ng lalaki sa kanya habang tinatanggalan siya ng tali at busal sa bibig."Isuot?" Nasindak siya ng makita ang sarili na walang kahit anumang saplot sa kanyang katawan."Mga walang hiya kayo, anong ginawa niyo sa akin? Mga hayop kayo? agad niyang sigaw ng matanggal na ang busal sa kanyang bunga
" Boss, nandito ang mga damit mo na ipinadala sa akin ni Aling Martha. Limang araw na daw kasi kayong hindi umuwi." sabi ni James na kanina pa nakamasid kay Marco. Kakarating lang niya sa hospital, ngunit hindi niya maiwasan ang hindi maawa sa sitwasyon ngayon ng kanyang boss. Lumingon sa kanya si Marco na halatang namumugto parin ang mga mata mula sa pag-iyak. Araw-araw na yata ang boss niya umiiyak at naghihintay kung kailan magising ang kanyang asawa." Salamat, James. ilagay mo nalang diyan at bumalik na muna sa opisina. Dalhin mo nalang dito sa hospital ang lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan." matamlay na sagot ni Marco sa kanya.Tulalang nakatayo sa gilid ng pinto si James habang nakatingin sa kanyang boss. He's on the side of Katleah's bed while holding her hand. Napabayaan na niya ang sarili. Magulo ang buhok, gusot ang damit, at kahit sa oras ng pagkain nito ay halatang nakakalimutan na niya. Hindi na siya nagtagal pa sa silid na yon. Agad na siyang umalis pabali
Pagkalipas ng ilang araw na pag papahinga ni Katleah sa hospital, sa wakas ay makakauwi na rin siya sa kanilang mansion ni Marco. Bago siya umuwi ay lihim muna siyang kinausap ni Axel, at dito niya mismo nalaman na magpinsan pala sila sa Ina. Hindi nila ito pinaalam kay Marco upang hindi maging komplikado ang kanilang relasyon. Marami pa silang dapat ayusin bilang mag-asawa dahil kapwa pinag tangkaan ang mga buhay nila.Pagdating ng mansion ay agad siyang kinarga ni Marco papasok sa kanilang silid. “Marco, babe ano kaba? Ibaba mo na nga muna ako.'' Ginawaran lang siya nito ng halik sa labi habang namumungay ang mga mata na nakatitig sa kanyang kabuuan."Babe, ano na naman ang pinaplano mong gawin?" kinakabahan bagamat excited na rin niyang tanong kay Marco."Kailangan kong makabawi ng lakas babe." malanding sagot nito sa kanya."Huh? Eh di ba dapat magpahinga ka? kailangan mo ring makabawi ng tulog."Kaya nga sweetheart, ikaw ang lakas ko at pagkatapos nitong gagawin natin sigurado ak
Isang buwan na ang nakalipas, mula nang sinorpresa siya ni Katleah, at ngayon si Marco naman ang nakaisip na sorpresahin ito mamaya.Nag palagay na rin siya ng tattoo sa kanyang kaliwang dibdib, at nakaukit doon ang pangalang Till death do us part My Katleah.For more than 3 years, mas lalong lumalim ang pagmamahal nila sa bawat isa. Mas lalo niyang minahal si Katleah at ganon na rin si Katleah sa kanya. Nakatitig siya sa kumikinang na singsing na sadyang pina customize pa niya para sa araw ng magiging kasal nila. Gusto niyang bigyan ng isang Engrandeng kasal si Katleah."Boss, ang saya-saya niyo ngayon ah? Pangiti-ngiti pa kayo habang nag-iisa," pang-aasar ni James ng pumasok ito sa opisina ni Marco at inilapag ang mga dalang documento sa mesa.Agad namang tinago ni Marco ang singsing sa kanyang bulsa bago tinapunan ng matalim na tingin ang madaldal niyang secretary. Sinira nito ang kanyang masayang imahinasyon sa planong pag sorpresa mamaya sa asawa."Wala ka bang ibang gagawin Jam
SIX HOURS nang naghihintay si Marco sa labas ng Operating Room ngunit hindi parin lumalabas si Axel.. Gusto na niyang pasukin ito sa loob. Another Two hours ulit siyang naghintay, pabalik-balik siyang naglalakad sa hallway, hindi mapakali, at parang nababaliw na sa kakaisip kung ano na ang nangyari kay Katleah sa loob. Ilang sandali pa'y lumabas na si Axel na parang nanlalata ang katawan, bagsak ang mga balikat at parang hindi alam kung paano sabihin sa kanya ang lahat. Niyugyog ni Marco ang balikat ni Axel habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Axel, sumagot ka! Ligtas na ba si Katleah ha?” sigaw niya sa kaibigan dahil takot na takot na siya mula pa kanina. Hindi niya kayang mawala si Katleah. Ngunit ang sumunod na sinabi Axel ang tuluyang nag pagunaw sa mundo niya. "I'm sorry. I did everything I could but I couldn't save them". Pareho silang hindi nakaligtas." Nagbabadya ang luha ni Axel habang sinasabi ang lahat ng ito sa kanyang kaibigan. Nagtaka si Marco sa sinabi
Habang nasa biyahe, muling nagising ang ulirat ni Marco. Nang mapagtantong na sa loob siya ng sasakyan muli na naman siyang nag hysterical at gustong bumaba upang bumalik sa puntod ni Katleah. Ngunit agad naman siyang pinigilan nina Axel at Aiden na ngayon nakaupo sa likuran ng kanyang kotse at napapagitnaan siya. Hanggang ngayon, hindi parin niya matanggap sa sarili na wala na ang kanyang asawa. Parang gusto na niyang mamatay.Ilang sandali pa ay dumating na sila sa harap ng Mansion ni Marco. Subalit hindi nila inaasahan na pagbaba ni Marco ng sasakyan ay agad siyang sinalubong sa mukha ng mga galit na suntok ni Raven. Napaawang ang kanilang mga labi ng masaksihan na hindi man lang lumaban ang kanilang kaibigan. Bagkus patuloy parin nitong iniinda ang lahat ng sakit na tinamo ng kanyang katawan. "Ano ha! Lumaban ka hayop ka! Hinayaan kong mapunta sayo si Katleah dahil akala ko minahal mo siya!. Pero ikaw din pala ang papatay sa kanya!"Kahit anong suntok at tadyak ang ginawa ni Rav