Share

CHAPTER 6

"Jefá,"

Kabababa ko pa lang ng sasakyan ko nang salubungin ako ni Pote hawak ang isang maliit na device.

"You got it?" Tanong ko sakanya.

He nodded, "Yes. Na-record ko lahat, in case na magbago ang isip nila. Magagamit natin 'to pang blackmail."

Napangiti ako, "Cool. What about the shipment? Na-settle na ba ang schedule no'n? Ayoko ng delay, we have to supply our customers now or else they will find another supplier, I don't want that to happen."

Kami pa naman ang pinaka trusted at pinaka malaking supplier ng mga baril sa iba't ibang grupo, we are licensed to operate and sell high qualities of guns. Hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa.

"Wala pa ring balita kay Julyo, do you want me to go there?"

Napabuntong-hininga ako at napahilot sa sintido. I told them to settle everything as soon as possible but I guess they didn't get my message.

"No need. I'll go there myself, prepare the helicopter."

Pumasok muna ako sa loob ng mansyon at dumiretso sa kwarto ko.

Wala ang pamilya ko ngayon dito, Si Violet ay may klase tuwing umaga. She's a 3rd year college. Si Magnus naman ay may binigay akong misyon para sakanya. While my parents, they're out of town, they're an invited for an auction.

Kinuha ko lang ang ilang mga gamit ko at nagpalit ng isang simpleng white t-shirt at denim highwaisted short bago nagsuot ng brown high heel boots. Binagayan ko na rin ito ng itim na sumbrero.

Narinig ko na ang tunog ng helicopter sa taas ng mansyon kung saan meron kaming helipad.

Dumiretso na ako doon at naabutan si Pote na nagse-set-up na, hindi lang siya magaling na security, kaya rin niyang maging piloto anytime.

I don't trust any of my pilot, so he's doing their job for me to feel at ease.

I'm glad to have him.

Nang makasakay ay pinalipad na niya ito papunta sa isang warehouse namin kung saan sunod sunod ang delay ng mga armas namin at hindi iyon maganda para sa aming business.

We need to solve the issue as soon as possible.

Since naka helicopter ako, hindi na kami inabot ng kalahating oras at nakalapag na sa tapat ng warehouse kung saan sinalubong ako ng mga tauhan ko.

Including Julyo. Sila ang nagha-handle ng mga shipments na dumadating dito sa southern part. Ang ibang tauhan ko naman sa iba't ibang lugar ay okay ang naging transactions sa mga distributor. Sila lang ang hindi.

"I'm so sorry, Jefá. Tumawag na ako sakanila, ilang beses, asking for our shipments. Pero mukhang may malaki tayong problema."

"And what could be the problem?"

Napatingin muna siya sa katabi niya at bumuntong hininga.

"The Cartel, our distributors was supplying them now for the same price like us, short of products because they want almost half of the shipments," bulalas nito.

Napahampas ako sa lamesa sa harap ko kaya halos mapatalon sila sa gulat. Parang umakyat ang galit sa ulo ko at napakuyom ng kamao.

"The leader?"

He nodded.

"How dare him crossed my line again! They should find their own distri! Are they trying to start a war?" Galit na asik ko.

"Jefá," Pote tapped my shoulders.

"Calm down, we can still fix this," he murmured behind my ears.

Nakailang buntonghininga muna ako bago bumunot ng baril at pinaputukan si Julyo. Gulat na gulat ito nang dumaan lang sa pisngi niya ang bala.

Napasinghap naman ang iba dahil sa nasaksihan.

"This is a fucking warning, go get that shipments and tell to those motherfuckers, I am not playing with them. It's either they deliver my products, or I'll deliver bullets on their skulls."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ng warehouse. Sumakay ulit ako sa helicopter na agad namang pinaandar ni Pote. He knows how mad I am right now.

Augustine Jimenez Cartel, you're trying to steal my distributors? Steal them, and I'll give you war.

I'm not losing any shipments, it's either he voluntarily back out, or I, myself, will make him do that.

"Stay here, I need to go somewhere," sambit ko sa kanang kamay ko nang makababa na kami sa mansyon.

"Where are you going, Je–"

"I need to let off some steam, I'll be back."

Sumakay na ako sa bigbike ko at nagmaneho sa paborito kong vent-out place. It's the Damonville bar and casino, maaga pa para magbukas 'yon pero gusto ko na agad uminom. I need to calm myself because If I continue being mad for the whole day, makakapanakit talaga ako.

I need everything to be perfect, but some dickhead are trying to destroy it.

Nang makita ako ng bouncer sa labas ng bar ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. I know the owner of this bar, she's my friend too. Kaya anytime ay open sila para sa akin.

"Is Damon inside?" Tanong ko.

I'm hoping to see her today, may kailangan din akong i-discuss sakanya. Kailangan ko lang din talaga munang maglabas ng galit.

"Yes, Ma'am," sagot ng bouncer.

Damon is one of my close friends. She's a businesswoman and she's also under her brother's organization.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa counter. May ibang customer na rin dito na mahilig uminom ng maaga pa, gaya ko.

"One martini, please," sambit ko sa bartender na agad naman niyang inilapag sa harap ko.

"Thank you."

Ramdam ko pa rin ang galit sa loob ko. Nakita ko ang pagbaba ni Damon mula sa second floor ng bar.

"Baka masunog naman ang baga mo niyan, Pula? Masiyado pang maaga para sa hard drinks," umupo siya sa kabilang high stool sa tabi ko.

She's wearing a suit, with her minty green long hair swaying around her hips. She looks like an angel, hindi bagay sa pangalan niyang Damon.

But looks can be deceiving sometimes.

"I'm trying to stay cool, kilala mo ako kapag galit, I cannot control myself."

She pouted, "Let's go upstairs then, sa VIP room. Doon na rin tayo mag-usap, baka mamaya pagbabarilin mo nalang ang mga customers ko rito," natatawa niyang sambit.

I just looked at her coldly. Sumunod ako sakanya papuntang sa ikalawang palapag. She chose the VVIP room for me.

Nagpadala na rin siya ng isang bote ng Margarita at sinabing huwag akong bigyan ng Martini dahil masiyado pang maaga.

As much as I want to drink that, she's the owner and I still respect her business. She's the boss here after all.

"So, what's your problem? Mukhang iritang irita ka ngayon," tanong niya sa akin nang magsimula kaming uminom.

" Augustine Jimenez is my problem, he's messing with my shipments. I just found out awhile ago–"

"You mean, the hot lawyer?" Gulat niyang bulalas.

"Yeah. Hot."

Damon is Damon, she's just like me. We both like romance and hot men. Ang kaibahan lang namin ay ako birhen pa, siya ay hindi na.

"Then settle it with him. You can schedule for an appointment on his office. Or daanin mo na sa surprise visit!"

I sighed, "Alam mong hindi ako basta basta sumusugod, malalabag ko ang isa sa rule ng mga Cabrón."

"Hindi ko sinabing sumugod ka. Puntahan mo para pag-usapan 'yung problema. Lalabag ka lang naman sa rules kung jinombag mo siya!"

"Damon, alam mong maiksi lang ang pasensya ko. Hindi malabong labasan ko siya ng paborito kong katana kung sakaling hindi ko magustuhan ang pag-uusap namin."

She chuckled, "You're talking as if you didn't know how strong the Cartel Bloodline is. Hindi siya magiging commander nila kung mahina siya, paalala ko lang, my dear friend!"

"You're stating the obvious," inirapan ko siya.

Tatawa tawang uminom nalang siya sa kaniyang baso at nagsimula nang buksan ang topic tungkol sa napag-usapan naming partnership ng bago niyang itatayong business.

I will be her first ever investor.

Nakadalawang bote na rin kami ng margarita nang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Don Henry.

Sinenyasan ko si Damon na huwag mag-ingay at tumayo na para sagutin ang tawag.

"Where are you?" Agad na tanong niya sa akin.

"Damonville, why?"

"Patrick called me about their supply, what's happening?"

Sapo ang noong naglakad ako pabalik balik.

Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa problema ko. If they find out that the Cartel are meddling with our business, they will settle it themselves.

At alam ko ang way nila ng pag-settle.

"Nothing, it's just about the weather kaya may delay, tell them I'll deliver it tomorrow."

"Are you sure? Tell us if you have a problem, my dearest daughter, we are willing to help."

"No... no, everything's fine," I don't need any help, gusto ko sanang sabihin.

"Alright, I'll hang up now."

Nang ibaba na niya ang tawag ay hinarap ko agad ang kaibigan ko.

"I'm going to his office. Do you know where is it located?"

"Yes! Siya ang humawak sa kaso namin noon, wait, I'll send it to you," kinuha niya ang cellphone niya at may pinindot pindot.

"Done!"

Hindi na ako nag-abala pang magpasalamat at lumabas na sakanyang bar. Pinaharurot ko ang big bike ko papunta sa office ng Jimenez na 'yon.

I can't lose my clients.

Walang hampay na pinarada ko nalang sa harap mismo ng isang malaking building kung saan puro abogado ang nasa loob at tauhan ng mga Cartel.

"Ma'am, ID po," hinarang ako ng guard nang magtangka akong pumasok.

"I don't need to show you my ID, call your boss and tell him, It's Suarez."

Kunot noo muna ako nitong sinuri mulo ulo hanggang paa hanggang sa may pinindot siya sa kaniyang tenga at nagsalita.

Hindi ko iyon gaanong marinig dahil bukod sa lumayo siya sa akin ay hininaan naman niya ang boses niya.

Napatango-tango muna ito bago ako binalikan.

"You can now go inside, Ms. Suarez. Sir Augustine is waiting for you," ika niya.

So, he's expecting me, huh?

I knew it. He has a plan. But I don't know what it is, and I'm here to find out.

"What floor?"

"Last–"

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok. Hinanap ko ang elevator at saktong kakabukas lang nito at walang tao. This building has 6 floors, sumakay na ako ro'n at hinintay itong sumara.

A huge black theme walls made me smirked when the elevator opens. I'm not surprised, he's a man, of course he's fond of color black.

Nag-iisa lang ang pintuan sa malawak na palapag na 'to at sigurado akong iyon na ang opisina niya.

He doesn't have a secretary? I don't see anyone outside that room.

Imbis na isipin pa 'yon ay taas noong naglakad ako papasok ng kanyang opisina. Only to find out the no one is sitting on that swivel chair.

Mabilis ang naging reaction ko nang may humawak sa braso ko at hinila ako. Sinubukan kong humarap para kumawala sakanya pero dahil sa lakas niya ay hindi ko nagawang ikutin ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Nakasandal ako ngayon sa isang matigas na dibdib.

Sinubukan ko ring gamitin ang paa ko at padaanin ito sa likod ng mga paa niya para patirin siya ngunit nagawan lang din niya ng paraan.

"No one dares to touch me without my consent, Jimenez. You might want to put your hands off me or I will have no choice but to kill you here right now," banta ko sakanya nang higpitan niya ang pagkakakulong sa sakin ng kaniyang mga bisig.

It's like he's hugging me from behind.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at ang ilong niyang dumampi doon.

"You smell so nice, Suarez. What's your perfume? I'll buy you dozen," he said in husky voice while smelling my neck.

Dahil doon ay nakaisip ako ng paraan para makawala. Pilit kong inangat ang kanang kamay ko at hinila siya sa buhok.

He didn't even flinched but I still pulled his hair. At nang lumuwag ang hawak niya ay yumuko at tumuwad ako para ma-out balance ang katawan niya, nang magawa ko iyon ay nauwi siya sa pagkakahiga sa malamig na tiles ng kaniyang opisina at kaagad ko naman siyang pinatungan.

I put my hands on his neck like I'm choking him.

"I can my buy own, Cartel. I am not just a Suarez, I am also a billionaire," mayabang na sagot ko.

Tinaas naman niya ang kamay niya bilang pagsuko pero may multong ngiti sakanyang labi.

"Okay, you win, Mi Amoré, get off me now, I'm having a hard time controlling my monster," makahulugang sambit niya na nakuha ko rin naman agad dahil naramdaman ko ang pagtayo no'n sa mismong prinsesa ko.

"F*cking asshole..."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eloisa Pesimo Ladi
hahaha....galing nman...ingat pula.............
goodnovel comment avatar
Kimberly Kim
ayyyieh nag meet din c commander at jefa ... baka sa kanya mo masuko at bataan pula careful darling ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status