Share

Bangungot

Kinagabihan ng March 5, 2061 araw ng sabado; Naghihintay si Hanson ng dalaw ng antok. Kanina pa siyang nakamasid sa madilim na puting kisame, mula sa pagkagat ng gabi hanggang sa mga oras na ito.

Tahimik.

Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at tiningnan ang orasang nakapatong sa study table, “Alas onse na pala.”

Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit hindi na ito isyu kay Hanson pagkat nasanay na siya sa ingay nito dala ng malimit nitong mag-overnight para mag-group study. Karaniwang inaabot sila ng madaling araw sa pagre-review para sa quizzes at preliminary test, pero ngayong gabi, himalang nakatapos sila ng maaga, salamat sa festival at may dalawang araw silang pahinga mula sa training ng pag-aarnis.

Malaking bagay na 'to para kay Hanson. Ilang buwan na rin kase silang subsuban sa training mula 2pm hanggang 5pm kapag weekdays at 8-4 naman tuwing weekend. Maging hanggang sa pag-uwi nila ay kinailangan pa nilang mag-ensayo. Magjo-jogging ng madaling araw o di kaya'y mag-warm up. Lahat ng ito ay bahagi ng paghahanda nila para sa darating na Palarong Pambansa.

Dagdagan pa ng pag-aaral para sa scholarship program nila. Kailangan nilang magsipag dahil kung hindi ay mawawalan sila ng scholarship at maaaring matanggal pa sa team.

Tumagilid si Hanson sa kanan at napabuntong hininga. Bahagya niyang kinagat ang kanyang mga labi. Inaalala hindi lamang ang mga panaginip kundi pati ang gaganaping Palarong Pambansa.

‘Siguradong sangkaterbang pangungutya na naman ang aabutin ko nito.’ ani niya sa sarili. Mula sa sulok ng kanyang isipan ay tila nakaririnig siya ng mga boses na umaalingawngaw sa loob ng kanyang ulo.

‘May sakit siya pero bakit siya hinayaang sumali?’

‘May potensiyal pero hindi magamit.’

‘Mahusay at kayang tapatan si Sarah pero hindi niya kaya.’

‘Bakit siya sumali sa grupo 'eh wala naman pala siyang binatbat kundi ang manood ng laban at mag-anyo?’

Weaklings like you shouldn't have the right to join the team!’

“Stop it...” mariing usal ni Hanson, “Leave me alone.”

Agad na inabot ni Hanson ang isa pa'ng unan at madiing itinaklob sa kanyang mga tenga, maging ang mukha niya'y sinakupan na rin nito, not wanting to see his surroundings. Ngunit sa kabila ng pagtatakip ay patuloy pa rin niyang naririnig ang mga boses na iyon, “Stop it.” Pilit niyang iwinaksi ang kaisipan sa ibang bagay, pero hindi niya magawa pagkat nakatatak na ang mga salitang iyon.

Sa isa't kalahating taon mula ng sumali si Hanson sa Arnis team, ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong lumahok. Hindi naman dahil sa mahina siya o kung ano pa man, kundi sa PTSD, Post traumatic stress disorder. Alam ng lahat ng mga kasamahan niya sa koponan ang tungkol doon. Ang Head coach, assistant coach, ang team Captain at ang vice captain,  lahat sila, batid ang kalagayan ni Hanson, kaya minsan, tampulan siya ng panghuhusga at panunukso.

Pinababayaan naman iyon ni Hanson. Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya.

Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit siya sumali sa grupo ay dahil nais niyang malampasan ang kanyang limitasyon, at siyempre para rin sa nakatatandang kapatid at ina-inahan. Nagsumikap siyang maging malakas upang mapagtagumpayan ang kanyang takot. Naging mabuti naman ang kinalabasan nito. Kahit papaano'y nakokontra niya ang kanyang trauma, liban nga lang sa panaginip.

Subalit masakit pa rin. Mahirap para sa kanya ang harapin ang trauma, gayundin ang panghuhusga ng mga tao sa kabila ng pagsusumikap niyang maging matatag at malakas.

Subalit ano pa nga ba ang magagawa niya. Hindi niya maaaring diktahan ang mga bagay na nangyayari sa kanya. Nagpabaling-baling si Hanson sa kanyang higaan. Haharap sa kabila, lilingon sa isa, babaluktot ang katawan at mag-iinat.

Dagli siyang bumangon nang paupo sa kama at hinilamos ang kamay sa kanyang mukha, kinukuskos ang magkabilaang sentido, “Ano ba, Hanson, kalma ka lang, kalma lang ha,” bulong niya. Nagpakawala siya ng hangin at tumindig. Lumapit sa study table kung saan may isang pitsel ng tubig at isang basong nakataob sa maliit na platito.

Inabot niya ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso. Hinila naman niya ang drawer sa ilalim ng study table at kinuha ang maliit na boteng may tatak na Trazodone. Ang Trazodone ay ginagamit kapag may initial-sleep insomnia, lalong-lalo na sa katulad niyang may PTSD. Binuksan niya ito at naglabas ng isang tableta at ininom.

Matapos no'n ay agad niyang nilagpak sa kama ang mabigat na katawan nang patalikod at napabuntong. Humarap din siya at napatulala sa kisame, naghihintay na umepekto ang ininom na gamot.

Unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata, hanggang sa tuluya na siyang pumikit. Tila kibit-balikat siyang nagsawalang bahala. Bakas ng kapayapaan sa kanyang mukha. Siguro, sa pagkakataong ito'y hindi na sila magpapakita pa. Sana ganito na lang kapag matutulog na siya.

‘Sana nga.’

Sa kalagitnaan ng kawalang kamalayan ni Hanson ay tila may mga imahe ang sumulpot sa kanyang kaisipan.

May mga paang naglalakad. Nagsasalubungang mga espada at mga hiyawan. Malilim at malabo. Isang hindi mawariang pangitain.

Mula sa tila imaheng iyon ay isang boses lalake ang nagwika, ‘Sa wakas! Dumating ka rin, Kadena’  tinugonan ito ng boses babae, ‘Ako man din ay natutuwang makaharap ka, Gilan.’ Kulob ang mga boses nila at ume-echo.

Dahan-dahang nagbago ang imaheng nakikita ni Hanson at naging isang senaryo kung saan may dalawang pigura ang nakatayo. Nanatili itong malabo anupa't hindi matukoy-tukoy ang kanilang pagkakakilanlan. Pawang hugis ng katawan at kulay lamang ng kanilang mga damit ang tanaw. All-white ang kasuotan ng boses babae, habang ang lalake naman ay mukhang tisoy, topless at abot paa ang pang-ibaba na kulay abo rin.

“Gayung nandito ka rin lang naman...bakit... hindi natin tapusin kung ano ang ating nasimulan?” Anya ng lalake.

“Sang-ayon ako. Sa pagkakataong ito... sisiguraduhin kong mawawala ka na sa landas ko at wala ng hahadlang pa sa mga plano ko.” tugon ng babae.

Humigpit ang pagkakapit ng mga kamay ni Hanson sa kumot, “Pfft-t ugh” usal niya. Nagsimulang mangurap-ngurap ang kanyang mga mata. Maging ang mga likidong butil ay nagsisulputan na sa kanyang mukha at katawan. Pinilig-pilig niya ang kanyang ulo, waring pinipilit na magising mula sa sariling panaginip, subalit wala itong silbi.

“Parehas lang tayo Gilan. May mga pinaplano rin ako sa mundong ito... at hindi ako makapapayag sa binabalak mo.”

“Gusto mong sulohin ang mundong ito? Kung ganun...”  panandaliang nanahimik ang lalake, at sa muling pagwika nito'y tila isang nakakikilabot na boses ang bumulalas galing sa bibig nito. Malalim at napakalamig, “BAKIT HINDI NATIN SIMULAN PARA MAGKAALAMAN NAAA!”

Tila may sumulpit na mahaba't mapusyaw na puti sa kanang kamay ng pigurang may boses lalake habang ang isa naman ay may hinugot  mula sa kanyang bewang. Sabay silang humiyaw na parang ito na ang huling pagkakataon at pagkatapos ay biglang kumaripas ng takbo ang dalawa patungo sa isa't isa, hawak-hawak ang mahabang puting bagay sa ere na animo'y nakahanda ng iwasiwas.

Walang hinto-hinto sa pagtakbo ang dalawa hanggang sa nagkasalubungan na't magka-dikitan ang puting bagay. Tila may  puwersang pumagitan sa kanila at naitulak ang isa't isa at napaatras.

Naunang kumilos ang lalake. Tumakbo ito patungo sa babae at pahalang na iwinasiwas ang hawak nito, ngunit nailagan naman ito ng babae nang umatras.

Napunta sa likuran ang babae at akmang itatarak ang hawak nito sa likod ng lalake, subalit agad naman itong humarap at nahadlangan ang pag-ulos.

Sa isang iglap ay biglang napalitan ang senaryo at sa pagkakataong ito ay kapwa ng nakayuko at tila halos matutumba na dalawa. Dinig na dinig ang malalalim nilang paghinga. Kapansin-pansin din ang tila pagkislap-kislap ng liwanag sa paligid nila, patay-sinde, kasama ang animo'y nangangalit na ingay mula sa taas.

Maya-maya pa'y natigil ang paghabol nila ng hangin. Tumayo sila ng tuwid at huminga ng malalim. Animo nag-iipon ng lakas, naghahanda. Huminto ang kislap ng liwanag, maging ang ingay galing sa taas ay naparam.

Sa walang pagtatagal ay nabasag ito nang walang ano-anong nagpakawala ang kalangitan ng isang kidlat. Dumampi ito sa lupa at natamaan ang isang puno na agad namang nasunog at nahati sa kalahati.

Muling humiyaw ang dalawa ng malakas, gaya ng isang galit na leon, “AAAAAHH!”

Kaagad tumakbo ang dalawa patungo sa isa't isa, walang kinatatakutan. “AAAAAHHHH~~!” Nang mapang-abot ang dal'wa'y biglang sumambulat ang nakasisilaw na liwanag.

“Argh!” tila naimpit ang boses ng binatilyo.

Si VD na kanina'y nanahimik sa tabi ng study table ay biglang nag-ilaw ang malapad na screen na mukha nito. Na-detect niya ang kakaibang gawi at ingay mula kay Hanson anupat siya'y lumapit upang suriin ito. Unang tingin pa lang ay alam niya ng inaatake na naman ito.

Maging si Mike na nahihimbing sa sahig ay naalimpungatan. May pagtataka pa siyang luminga-linga sa paligid, hinahanap ang sanhi ng kanyang pagkagising, nang mapagtanto ang pinagmumulan nito ay kaagad siyang napabalikwas. Sumugod siya dito at tinapik-tapik ang pisngi. “Hey, hey, hey, Hanson. Hanson.” sabi niya pero hindi siya madinig ng binatilyo, “Listen dude, whatever you see there, they are not real.” dugtong niya habang patuloy pa na pinipikpikan ang pisngi. Sinubukan niyang iyugyog ang balikat. Hindi nagtagal ay tumigil na ito at kumalma.

Nakahinga ng maluwag si Mike at napalinga sa pet robot, “What do you think VD, is he gonna be okay?”

“Initiate checking vital signs.” sagot nito. May isang minutong nanaig ang katahimikan sa silid, matapos no'n ay binasag ito ni VD.

“Checking complete.”

“Blood pressure: 90/60 mm Hg

Breathing: 12 to 18 breaths per minute

Pulse: 60 to 100 beats per minute

Temperature: 36.5°C”

“Which means?”

“His vital signs are normal. Based on observation, his panic attack has a 58% chance of coming back. If that percentage surpass then there is a high possibility that his PTSD could be triggered.”

“Okey, so he's fine now, right?”

“Yes.”

Mike breath in relief as he heard those words from VD. Bumalik si Mike sa kanyang tulugan, nagtabing ng kumot at pinagpatuloy ang naudlot niyang tulog.

Si VD naman ay pansamantalang nanatili sa tabi ni Hanson, scanning his condition, looking for other signs that might triggered his PTSD. Nang wala na siyang makitang kahit anong senyalis ay bumalik na rin siya sa kanyang pwesto at marahang naparam ang palinyang ilaw sa mukha.

Mukhang naging maayos naman ang lahat, ngunit iyon ang akala nila. Hindi sa lahat ng oras ay kayang made-detect ni VD kung nanaginip pa ba si Hanson o hindi, at sa pagkakataong ito ay nabigo siya pagkat si Hanson ay patuloy pa ring binabangungot.

Sa mga sandaling iyon, ang kaninang sumabog na liwanag ay biglang naging kulay itim, dahilan upang balutan ng kadiliman ang buong paligid. At doo'y mabilis na dumaan ang ilang senaryo mula sa kung saan. Malabo ang karamihan sa mga ito gaya ng nauna, at sa huling bahagi ay nakita ni Hanson ang puting nilalang na nakatindig sa kawalan. Basang-basa sa ulan. Nakayuko. Walang imik.

Segundo ang nakalipas ay biglang nagbago ang eksena at ngayon ay nakikita na ni Hanson ito ng hanggang balikat, malinaw at malapitan. Marahang nag-angat ng baba ang puting nilalang at matalim na tinapunan ng tingin si Hanson. Sa pagtama ng kanilang mga mata ay tila may nananahang malamig sa gulugod ni Hanson. His heart starts to beat as fast as hell na halos marinig niya na ito. And as he looked into his eyes he felt something peculiar, something pop up on his head. Nasa dulo na ng kanyang dila pero hindi masabi. Kilala ba niya ito? Natatakot ba siya dito? Iyon ang hindi niya alam. Sandali pa'y isang malakas na hiyaw ang lumabas mula sa bibig ng puting lalake kasunod ang tuluyang pagkadilim.

###

“Hanson, wake up!” tawag ni Mike na nagmamadaling lumapit sa cellphone niyang nakalapag sa lamiseta sa tabi ng kama. Panay lang ang alarm nito na naka-set ng 6AM pero pasado alas otso na. Dali-dali rin itong pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina.

“Hanson gising na, Hanson gising na,” pag-uulit ng pet robot na si VD.

Marahan namang napamulat si Hanson nang madama ang pagtama ng sinag sa kanyang mukha. Tinapikan siya ni Mike, “Come on man!” at humakbang palabas ng kwarto.

Paupong bumangon si Hanson sa higaan, “That's a long dream,” sabi niya nang iangat ang kanyang mga kamay at minasdan. Kapansin-pansin ang pangangatal nito na maging ang mga kalamanan niya'y tila nabalutan ng sobrang takot. Pansin niya rin ang kawalang enerhiya sa kanyang katawan. Ngayon lang siya napagod ng ganito, pati lalamunan niya'y nanuyo.

Why my dreams are like this? tanong niya, It's getting darker and darker as time goes by. Ginagawa ko naman ang lahat to encounter this thing, pero bakit until now ay hindi pa rin ito maalis-alis.  Where did I go wrong? May nakaligtaan ba ako? namula ang kanyang mga mata kasunod ang mga maliliit na luha na bumagsak sa kanyang mukha.

“Hanson is crying! Hanson is Crying! Crying! Crying!” Basag ni VD sa kanyang pagmumuni.

“No I'm not. tanggi niya at pinunasan ng kanyang palad ang basang pisngi, Masama lang ang pakiramdam ko ngayon.” Bumaling siya sa kaliwa at tumingin sa orasan, “8:30 na pala.”

“Hansom bumangon ka na dyan,” tawag muli ni Catherine.

“O-Opo, bababa na po!” nauutal na tugon ni Hans.

“Hurry up Hanson we'll be late!" Dugtong pa ni Mike na nauna ng bumaba.

“Late?” bulong niya. Inalis niya ang kamay sa kanyang mukha at kunot-noong nagtaka sa sinabi nito, “late, para saan?”

Nanatiling kulubot ang kanyang ekspresyon at tila tulog pa ang kanyang diwa upang maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.

Bumaling siya sa kalendaryo. Nakita niyang nakatapat ang petsang iyon sa araw ng sabado, samakatuwid  wala silang pasok ngayon. Rest day din nila ngayon sa Training at wala naman siyang naalala na may gagawin sila ngayong araw.

“Ano ba'ng meron?”

Maya-maya pa'y tila biglang may dumako sa kanyang isipan. “Oh shit!”

“Jason will definitely scolding me for being late,” usap niya, “ayaw na ayaw pa naman n'un ang late.”

Nagmadali na siyang kumilos. Wala na siyang oras upang makapaghanda pa't mag-ayos kaya kung ano na lamang ang kanyang mahawakan mula sa drawer ay iyon na. Asul na polo na dinoblehan ng sandong itim at maong na itim ang agad niyang naisuot. Hindi na siya nakaligo at nagwisik-wisik na lang ng pabango at pagkatapos ay patakbo siyang bumaba bitbit si VD.

Pagdating sa kusina ay nakita niya si Mike na kumakain at tila nagmamadali rin. “Good morning po, 'Ta.” Bati niya kay Catherine.

Dali-daling lumapit si Hanson sa mesa at naupo sa upuan. Agad siyang kumuha ng tinapay at inilipat sa kanyang plato. Mabilasan siyang kumain. Halos mapuno na niya ang kanyang bibig at lumunok ng walang humpay. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang basong may tubig at ininom.

‘TOOT TOOOT TOOT!’

Isang malakas na busin ang kanyang narinig mula sa labas. Pasaglit na sumulyap si Hanson sa bintana na malapit sa kanya at nakita ang isang itim na mahabang sasakyan na nakaparada sa bungad. Nakalutang ito ng isang talampakan mula sa semento.

Sa apat na sulok ng sasakyang ito ay may tig-iisang bilog, nakausli. Bawat isa ay nag-iilaw ng mint green na kulay at ito ang nagpapa-angat sa sasakyan.

Kilala ang uri ng sasakyang ito bilang Van Holver pero Van pa rin ang tawag nila dito dahil sa pagkakapareho ng disenyo nito sa nauna.

“Bilisan niyo boys nandito na sila.” Sabi ng Tita Catherine sa kanila.

Tapos na siyang kumain sa pagkakataong iyon. Dali-dali ng humakbang si Hanson patungo sa pintuan na dala-dala si VD, gayundin si Mike na kakatapos lang sa pagkain.

“Bye po 'Ta.” Paalam ni Hanson na sinegundahan naman ni Mike. Kumaway naman sa kanila si Catherine na nasa bungad ng pintuan.

Paglabas nila ng bahay, itinaas ni Hanson ang kanyang baba ng may maaliwas na mukha. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng mapait, sinusubukang itago ang lumbay sa pamamagitan  ng pagkakaroon ng pag-asa. Isang pag-asa na magbabago sa kanyang buhay.

“Hindi pa huli ang lahat. Alam ko'ng darating ang araw na makakawala rin ako sa sakit na ito. And when that happens,——

I'm going to find the justice myself, kuya Tristan.”

SPECIAL NOTE:

It is a fact that martial arts can reduce anxiety, panic attacks, and headaches. Not just for self-defense but also raise a person's self-esteem, stress relief etc. It does not cure PTSD but it can be used as a trauma reliever.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status