“Two Months Later”Napangiti ako ng mapait nang magkulay pula ang pregnancy test na ginamit ko sa pagtest ng ihi ko. I can’t imagine… na two red line ang lalabas. Isang beses lang naman may nangyari sa amin ng estrangherong iyon. Pero sa isang gabing ‘yon, I got pregnant. Halo-halong emosyon ang nararamandaman ko. Dapat ba akong maging masaya? Because I am pregnant. Pero…Hindi ganito ang gusto ko. Ang gusto ko ay kapag dumating sa point na magiging isa na akong ina ay mayroong amang kikilalanin ang magiging anak ko. Lahat naman ng mga babae ito ang nais. Ipapalaglag ko ba ang nasa sinapupunan ko? I’m scared..Tiyak na magtatanong at maghahanap ng ama ng pinagbubuntis ko sila mom. Sinong ipapakilala ko sa kanila? “Gil, bakit mo kasi binigay ang sarili mo sa lalaking ‘yon? Ni hindi mo man lang inalam ang pangalan ng lalaking ‘yon.” Pagsisi ko sa sarili ko. Nandito na ako sa Paris, siguro one month na ako dito. At ngayong buntis ako, naguguluhan ako sa pagdesisyon. Mu
NAGTUNGO ako sa pinaka malapit na store dito sa condo ko sa Paris, para bumili ng mga prutas. Napag-isip isip ko na hindi kasalanan ng nasa sinapupunan ang katangahang ginawa ko. Biktima lang ang nasa sinapupunan ko, at hindi ko dapat inisip na ipalaglag ang sariling dugo ko. Bukod pa ro'n, ito na siguro ang nakatadhana sa 'kin. Ang magkaroon ng anak na walang amang kikilalanin. Sa tuwing iniisip ko na na-disappoint ko ang magulang ko, sobrang kirot ng dibdib ko. Pero, wala na akong magagawa. Siguro, ipagpatuloy ko na lang ang sinimulan ko, ang pagpapalago sa negosyo namin dito sa Paris. Hindi naman siguro magiging sagabal ang magiging anak ko, sa hangarin kong iyon. Nabalik ako sa ulirat ng may isang binata ang lumapit sa 'kin at inabot nito ang wallet ko. Tiningala ko ito, napakunot ako ng noo nang mapagtanto ko na akin ang wallet na hawak ng binatang 'to. “Miss, wallet mo.” Saad niya. Kaagad ko itong kinuha sa kamay ng lalaking ito at sinabing. “Salamat, hindi ko napansi
NAKATITIG ako sa kisame habang sobrang lalim ng iniisip. Ilang buwan na kaming magkakilala ni Tyron, at masasabi kong ayos naman siya. Sinabi ko rin naman na isa na akong ina, dahil buntis ako. Akala ko ay lalayuan niya ko, dahil binata siya at ang dapat na nakadikit sa kaniya ay dalaga. Wala naman akong ibig-sabihin sa ginawa kong pagtapat kay Tyron. Nagiging advance lang akong mag-isip dahil iba na ang panahon ngayon. What if magkagusto siya sa akin? Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin na may gusto siya sa 'kin. At hindi rin naman ako nagkamali sa agam-agam ko na may gusto sa akin si Tyron dahil nito lang nakaraang buwan, umamin siya sa 'kin, na she really like me. Gusto n'ya akong ligawan, but I refused him. Na-a-appreciate ko ang pagiging mabait at maasikaso niya sa 'kin. Pero wala akong nararamdaman sa kaniya na mas higit pa sa kaibigan. Ang nilalaman lang talaga ng puso ko ay ang lalaking nakakuha ng pagkababae ko. Pero kahit na ni-reject ko si Tyron ay hindi
Five Years LaterMATAMAN kong nilibot ng paningin ko ang loob ng NAIA airport. After five years nakauwi na ulit ako sa bansang sinilangan ko. Kung noon, umalis ako sa Pilipinas ng mag-isa patungong Paris. Iba na ngayon, dahil kasama ko ang anak kong si Tres. My son is already five years old, masasabi kong napaka gwapo ng anak ko. Manang mana sa ama niyang Isang business tycoon.Wala pa sana akong balak umuwi ng Pilipinas pero ng malaman ko na na-bankrupt ang mga magulang na kinilala ko. Ay wala akong pagdadalawang isip at kaagad akong nagbook ng flight para sa aming dalawa ni Tres.Kailangan kong tulungan ang magulang ko na mabawi ang kumpanya namin sa isang mayamang negosyante. Ang sabi ni mom, makikipagtulungan daw si Mr. Anderson, na mabayaran ang lahat ng utang ng kumpanya namin. Pero may isa daw itong kondisyon, at iyon ay kailangan daw na ako ang haharap.Puno ng katanungan ang isip ko dahil sa hiling na 'yon. Bakit naisipan ni Mr. Anderson na ako ang kailangang humarap sa k
—GILLIAN—KINABUKASAN, maaga akong gumising para maghanda sa pag-alis ko. Upang magpunta sa isang sikat na hotel dito sa Manila. Du'n kasi ako makikipag meet kay Mr. Anderson. Kagabi, habang kumakain kami nila mom, nabanggit n'ya na kapag hindi na fix ang problema na kinakaharap ng pamilya namin. Nasabi sa akin ni mom na pati ang personal property namin ay kukunin ng bangko. At hindi ako makakapayag na mangyari 'yun. “Mom, kayo muna ang bahala kay Tres. Just call me if there's a problem,” bilin ko kay mom. Nasa garden si Tres, kasama niya si Dad. Nagba-bonding ang maglolo. Buti na nga lang ay napakiusapan ko si Tres na iiwan ko muna siya dito saglit. “Balitaan mo ako 'nak, kung ano ang mapagkakasunduan niyo ni Mr. Anderson. Sana'y matulungan niya tayong mabayaran ang lahat ng pagkakautang natin.” Malumanay na sabi ni Mom. Ngumiti ako, bago kumindat. “Mababawi natin lahat 'mom. Ako ang bahala,” kumpyansa kong sabi. Kahit na ang totoo ay wala akong kasiguraduhan na mababawi ng
Chapter 9“Be my wife.”Napaawang ang labi ko ng paulit-ulit na rumirihistro sa isip ko ang sinabi ni Terrence Anderson. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi naman ako nabibingi. At lalong hindi ako nahaha-lucinate!“Pwedeng paulit ng sinabi mo, Mr. Anderson?” sabi ko na lang. Nagkibit balikat naman siya at humakbang palapit sa ‘kin. Hindi ko magawang humakbang paatras dahil na ko-corner-an ako ng malaking sofa na nasa likuran ko. “Ayaw ko ng ulitin ang sinabi ko, Ms. gomez. I know you have cleared ear.” Nakangisi niyang sabi ng huminto siya sa tapat ko. Kapag humakbang pa siya ng isa tiyak na magkakadikit na ang mga suot namin.“Mr. Anderson, nakagamit ka ba ng droga para pagtripan ako?” hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong ng pabalang. “Nandito ako para makipag-deal sa ‘yo, pero hindi kasama dito ang pagtripan mo ‘ko.” Seryoso kong sabi habang lampas ang tingin kanya. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko! Ngayon na lang ulit tumibok ang puso ko na sobrang kakaiba. Inaami
-Gillian-“BAKIT mo ba ako dinala dito Mr. Anderson?” galit-galitan kong tanong nang ibaba ako ni Terrence sa tapat ng kotse niya. Paano ko nasabing kotse? Dahil nandito kami sa parking lot ng hotel. Talagang buhat-buhat niya ko na para bang isang sakong bigas kanina. “Ang ingay pala ng mapapangasawa ko? Mukhang mapapasabak ako sa araw-araw na gigising ako, simula ngayong gabi? Tama ba ko, Mrs. Anderson?” nakangising sabi nito. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa paglabas ng hangin sa ilong ko dahil sa nangyayari sa ‘kin ngayon. Ito ba talaga ang ugali ng lalaking ito? Akala ko seryosong tao, pero hindi pala. Parang mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha niya, pero nagkakamali ako ng hinala. “Misis ko, bakit hindi ka na nagsasalita diyan? Kaninang buhat kita, hindi ka matigil sa kakatili. Gusto mo bang buhatin pa ulit kita?” sabi niya. Kaagad naman akong umiling, bago lumayo sa kotse niya ng dalawang hakbang. “Tigilan mo ko, Mr. Anderson…”“Don’t call me, Mr. Anderson, misis
—Gillian—Napakagat labi na lamang ako ng hilahin ako ni Terrence sa hallway ng isang gusali. Pinagtitinginan kami ng mga nagtatrabaho sa gusaling ito. At halos sila ay nagbubulungan. Hindi ako sanay ng pagtitinginan. I mean iyong tingin ng mga tao kasi ay para bang nakikiusisa kung ano ang relasyon ko sa lalaking ito. “Bagong babae ni sir.”“Break na kaya sila ni Ms. Yesia?”“Mukhang new girlfriend ni sir.” “Mukha namang gold digger iyan ih.”Ilan lang ‘yan sa mga bulungan na naririnig ko mula sa mga babaeng nakakasalubong namin. Hindi naman bulong iyon dahil rinig na rinig ko.Itong lalaking humihila sa ‘kin ay parang walang naririnig. Chill lang kasi ito at diretso ang tingin sa daan. Mukhang sanay na itong pagbulungan ng kung sino-sino.Hanggang sa makapasok kami sa isang kuwarto. At sa madaling salita ito na ang office ng lalaking ito. Dahil binitawan ako nito at dumiretso siya sa swivel chair katapat ng isang mamahaling computer. Sa isa pang bakanteng upuan naman ay nakaupo