Perlm Marie Olavin
I cleared my throat. Sinimulan kong katukin ang pintuan ng kwarto ni Deon pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayon gabi. Nakapaghilamos na ako kanina pag-uwi namin galing ng reception at suot-suot ko na rin ang regalong silk dress ni Amy.Hating gabi na rin at kailangan na naming matulog para bukas. Binanggit kasi saakin ni Lola Alexandra na may biniling bagong bahay si Deon malapit rito. As in bahay na talaga, hindi na inuupahan, kumpleto na ang bayad."Deon?" kumatok pakong muli, nahihiya pa rin sa ginagawa.Ano nga bang pumasok sa utak ni lola at gusto niya kaming patulugin sa iisang kwarto? Hindi namin ideyang dalawa 'to, napansin niya sigurong hindi kami nag-uusap ni Deon nitong nga nakaraang araw kaya niya ito ginawa. Ito rin ang unang araw naming dalawa bilang mag-asawa.Nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sakaniya, bumuntong hininga ako. Aalis na sana ako nang bigla itong bumukas dahil naikot ng kaPerlm Marie Olavin"But, bro... She's my student. Paanong nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Sir Andrei.Walang tigil ang pagkagat ko sa aking daliri , palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Natatakot akong mabisto. Panay rin ang tingin ko sa hagdan ng bahay dahil baka biglang bumaba si lola at malaman niya ang kalokohang pinalabas ko sa school."I know she's your student, Andrei. Alam ko 'yun. What I'm asking you is, is that really true? She told you that her uncle died?" his voice rose when he uttered those words.Kung maaari lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon, gagawin ko. Nanatili lang akong titig na titig sa dalawa. "Unfortunately..." nanunuyang wika ni sir, mukhang nalulutas na ang nangyayari.Umungol si Deon sa sobrang pagkainis. Malalalim ang mga mata niya habang nakatingin saakin. His eyes used to be brown, but now his eyes are gloomy. Oh, crap. Galit na galit siya. Kusang lumayo ang mga
Perlm Marie OlavinLumipas ang ilang araw na pamamalagi ko rito sa bagong bahay ni Deon. Natatandaan ko pang maraming hinabilin saakin sila mommy at daddy nang ihatid nila kami rito sa bagong bahay. Malapit lang ito sa syudad pero tahimik ang lugar na ito kumpara sa real state tinirhan namin. Isa rin itong subdivision at mukhang bigating tao ang mga kapitbahay namin. Minsan, napapasilip ako sa kabilang bahay habang nagdidilig sa napakalaking garden. Bigla kong makikita iyong artista na lagi kong nakikita sa billboard. Bigating tao talaga! Ang laki-laki ng bahay na binili ni Deon. Nakakahiya tuloy makitira. Kulay dilaw ang tema ng bahay, ang bubong naman ay pula. May tatlong palapag at may malaking swimming pool sa likuran. Malaki rin ang garage at maraming pine trees sa garden. Napaisip tuloy ako kung saan niya nakuha ang malaking pera para mabili ito. Architect? Ilang taon siguro siyang nag-ipon para mabili ang isang 'to. Bukas na ri
Perlm Marie Olavin"Ang lamig," sabi ko sabay hagkan sa aking sarili.Ang paningin ko ay nasa dingding habang nagbababad sa bathtub na inihanda saakin ng helper namin dito sa mansion.Tuwing naiisip ko ang nangyari kaninang dinner, hindi ko maiwasang hindi mapatili. Lalo na nang pilit niya akong kinukumbinsi niya sakaniya dapat ako magtrabaho. "You told me earlier that your course was about business, right? Let me know if you need help. Mayroon akong kakilala rito sa pilipinas na pwede mong pasukan para magkaroon ka nang experience kahit papaano. And then, after several months or years, you can also build your own business or company. What do you think?" nakangising alok ni David Fernandez saakin at muling sumubo ng pagkain. Tumigil ako sa pagnguya ng steak at lumunok. Kung susumahin, magandang offer iyon sa aking pagsisimula sa business. Tiyak rin ako na matutuwa sila mommy at daddy kapag nalaman nilang may nag-offer saaking business o
Perlm Marie OlavinDahil sa sinabi ni Deon kanina. Kating-kati akong umuwi ng bahay at excited na matulungan niya mamaya sa mga paperworks ko!Hindi ko namamalayang natutulala na lang ako rito sa cafeteria habang iniisip kung ano ang mangyayari mamayang gabi! May mangyayari bang hindi ko aasahan?"Perlm? Narito ba yung mga hindi mo pa tapos na gawain? Tulungan na kita."Nilingon ko si Amy at nakita kong kinakalkal niya ang bag ko para tignan ang mga hindi ko pa nagagawang handouts. Mabilis kong hinablot ang bag ko sa kamay niya."Huwag na! Hindi ko na kailangan ng tulong niyo, kaya ko na 'to," mabilis kong wika at hinablot rin ang papel na nakuha niya sa bag ko pagkatapos ay tinago ko ito sa loob. Kumunot ang noo nilang tatlo. "Huh? Hindi kita magets, ang sabi mo kagabi kailangan mo ng tulong namin. May pa iyak-iyak ka pa kagabi sa group chat tapos kaya mo naman pala?" Inirapan ako ni Amy.Inignora ko ang tanong niya.
Perlm Marie OlavinTama ang naging desisyon ko. Sa unang pagkakataon, natanggihan ko si Andy. At sa magandang paraan. Wala akong naramdamang kahit anong awa dito sa puso ko nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Nakumpleto pa nga ang araw ko roon! Grabe! Ang ganda ng araw ko ngayon 'no? Huwag naman sana akong dapuan pa ng kamalasan dahil hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba. Pasado alasais pa lang. Nakiusap ako sa guard ng university na umuwi ng maaga dahil may importane akong gagawin. Oo na, hindi na importante, tutulungan lang ako ni Deon pero bakit ganito ako ka-excite?! Ni kapurit na lesson kanina hindi ko kayang ipasok sa utak ko sa kakaisip sa sinabi niya.Nababaliw na ba ako nito?! Dinungaw ko ang labas. Nakanguso ako habang nakatungkod sa may bintana ng bus. Pauwi na ako ngayon ng bahay. Malayo-layo kasi sa university ang bahay ni Deon. Hindi na ako nag-abalang puntahan pa siya sa main office ng university. Nahihiya ako baka matsis
Nagtaka ako sa nga sinasabi niya. Pilit kong inaalala kung nakipaglandian nga ba ako kanina kay Andy. Wala naman akong natatandaan! Ang alam ko lang, sinabihan ko siyang magbago na at huwag nang manloko pa!"I-i don't understand," naguguluhan kong sabi. "I was not flirting with him. Nagkausap lang kami..."Nanlamig ang tingin niya saakin. "Really?""Yes, Deon. Magtiwala ka saakin, sinabi ko sakaniyang tigilan na niya ako—""Really, Perlm? Gan'yan kababaw ang dahilan mo? Nagkausap lang kayo? Why did you hold his hand then? You're smiling, he hugged you! He placed his head on your shoulder," humalakhak siya. "Really? That's talking, huh?" Umiling ako. Umiling ng paulit-ulit. "Nagkakamali ka. Niyakap niya ako kasi..." hindi ko natuloy ang aking sasabihin at pumikit ng mariin."Because? Dahil ano, Perlm?" naghihintay niyang tugon sa matigas na salita."Kasi...""See? Ni hindi ka nga makadahilan
Perlm Marie OlavinTulala akong pinagmamasdan ang syudad. Binuksan ko ang bintana ng Audi at pumikit. Saglit kong pang ninamnam ang simoy ng hangin bago ako tuluyang nagmulat ng mata. Mula sa backseat, bumalik ang paningin ko sa harap. Nahuli ko si Deon na seryosong nakatingin saakin, nag-iwas siya ng tingin nang mahuli ko siyang nakatitig.Dalawang linggo na pala ang nakakalipas simula nang mangyari 'yong away namin. Magdamag akong nagkulong sa kwarto. Tuwing papasok ako, roon lang ako aalis ng kwarto. Tuwing kakain, ihahatid saakin ni Manang Eleanor ang pagkain ko. Nakabukod na rin ako sakaniya, wala na rin namang silbing magtabi pa kami dahil nakauwi na si lola sa bahay niya. Sa bahay nila ng namayapa niyang asawa. Yumuko ako at namalayang nakasuot na pala ako ng toga. Hawak ko ang aking mortarboard hat. Humigpit ang hawak ko rito. It's my day today. It's my graduation day.At sa apat na taon ko sa university, nayamot ako. Sa apat na taon na pakira
Pumila kaming lahat ng studyante sa may gilid at naghintay na umakyat ng stage. Humagulgol ang mga kaibigan ko habang nasa likuran ko silang lahat."Hoy! Mga magna cum laude kayo, may speech ka pa mamaya Amy, huwag kang umiyak!" niyugyog ko siya habang tumatawa.Buti nga sila'y may mga maipagmamalaki. Silang tatlo ay napasok sa pagiging cum laude, habang ako, pasang-awa. Ayos lang 'yon saakin, at least nakapagtapos! Tumitingin din ako sa aking likuran upang ngitian sila mommy at dad. Lagi naman silang kumakaway kapag lumilingon ako.I'm so excited. Really! I can't explain how happy i am right now! May mas sasaya pa ba rito? Sana nga mayroon! Deon, magpakita ka saakin habang nasa stage ako. Kahit iyon lang ang hilingin ko sa'yo. Kahit na ngumiti ka lang saakin. Ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko kapag ginawa mo 'yon! Please?"Perlm, ikaw na! Akyat na, bunso namin! Congratulations!" sigaw ng mga kaibigan ko saakin at hinalikan ako sa pisngi