Share

CHAPTER 4: Nightmare

Kasalikuyang nagmumukmok si Amanda sa labas ng terrace ng kanilang bahay. Hindi niya maiwasang malungkot sa naging resulta ng kaniyang entrance exam sa Southern Island University para makapag-aral doon ng high school.

Hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang kuya Zeil. Dahil ngayong araw ang uwi nito sa kanilang bahay para magbakasyon.

Napabuntong hininga na lang si Amanda habang naka tanaw sa labas kanilang gate habang hinihintay ang pagdating ng kapatid.

"Hays, ang bobo bobo mo talaga Amanda. Bakit ba kasi di ka nagmana sa kuya mong matalino." inis na ani niya sa kanyang sarili habang naka subsub ang kanyang mukha sa maliit na tea table na inuupuan niya.

Muli na naman siyang napatingin sa papel na hawak niya na naglalaman ng resulta na nakuha niya sa kanyang entrance exam.

"Ahh!!! Nakakainis talaga! Bakit naman kasi hindi pa umabot!" maiyak iyak na ani niya sa sobrang inis. Dahil dalawang puntos na lang sana ay makakapag-aral na siya sa Southern Island University.

Napatigil si Amanda sa pag mumukmuk nang marinig niya ang bosina ng kanilang sasakyan. Mga ilang sandali pa'y may lumabas nang katulong upang pagbuksan ang kakarating na sasakyan.

Agad namang napadungaw si Amanda sa ibaba. Mula sa itim na sasakyan ay nakita niya ang kanyang kuya Zeil na bumaba mula sa passenger's seat kasabay ng pagbaba ng kaniyang daddy.

Pagkababa na pagkababa pa lang ng sasakyan ay tumingala na agad si Zeil sa kinaroroonan ng kwarto ni Amanda. At saktong naroon ang dalaga, kaya naman ay nagtama ang kanilang paningin. Mabilis namang ngumiti si Zeil at kumaway sa kapatid.

Ngunit mabilis na nagtago si Amanda sa ibaba at nagsalampak sa sahig. Hindi niya maintindihan ang kaba ng kanyang dibdib.

"Bakit.... Bakit parang gumwapo ata lalo si kuya Zeil?" wala sa sarili niya wika habang naka hawak sa kanyang dibdib.

"Ah, umayos ka Amanda. Kuya mo 'yan, mahalay kang nilalang ka." ani niya kasabay ng pagsampal niya sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad.

"Hays, paano ko ba sasabihin sa kuya ko to?" ani niya nang makabalik siya sa kanyang wisyo at naalala ang hawak na papel.

Mga ilang minuto pa s'yang nagmukmuk at naka upo sa sahig ng terrace ng kanyang kwarto nang makarinig siya ng yapak mula sa labas ng kanyang silid.

Mabilis na tumayo si Amanda upang lumapit sa pinto at mapagbuksan ang kanyang kapatid.

"Kahapon pa di lumalabas ng kwarto ang kapatid mong 'yan. Dinadamdam ang naging resulta ng kaniyang entrance exam." kwento ng kaniyang daddy.

"Sige lang dad, ako nalang po ang kakausap kay Amanda." malumanay na wika nito.

"Sige, ipapatawag ko na lang kayo kay manang Lot kapag kakain na." ani naman ng kayang daddy.

"Sige po dad,"

Mga ilang sandali lang ay narinig niya na itong kumatok sa kanyang kwarto.

"Amanda?" ani nito at sinundang muli ng tatlong katok. "Andito na ako" masiglang sabi nito mula sa labas.

Agad din naman niya itong pinagbuksan. Mabilis naman s'yang yumakap sa kanyang kuya.

"Nako, ma miss talaga ako ng maganda kong kapatid." masayang wika ni Zeil sa kanya.

"Oo naman kuya, kaso lang... Gusto sana kitang i surprise sa result ng exam ko, kaso di ako pumasa." malungkot na wika ni Amanda sa kanyang kapatid habang naka busangot ang kanyang mapula pulang labi.

Nagulat si Amanda nang bila na lang nitong ipinatong ang kanang kamay sa kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok.

"Ayos lang 'yan, may susunod pa namang pagkakataon. May entrance exam pa sa college, huwag kang mag-alala" naka ngiti sagot ni Zeil sa kapatid.

"Hmp... Ilang taon pa 'yun, apat na taon sa junior high school at dalawa pang taon sa senior high school." maiyak iyak na ani ni Amanda sa kanyang kuya.

"Hmm... Pakita nga ng entrance exam mo." ani nito at mabilis na hinila ang papel ba hawak hawak ni Amanda.

"Ok naman pala ang nakuha mong score ah. Overall total mo sa mga exams ay 68% bale kulang ka na lang ng 2% para makapasa sa SIU high school. Talaga ngang nakakapanghinayang." ani nito at nagpakawala ng buntong hininga nang makita nito ang resulta ng kanyang entrance exam.

"Sabi ko sa'yo eh. Ma-di-dissapoint ka lang." nakabusangot na sagot ni Amanda.

Napangiti naman si Zeil at kinurot ang pisngi ng kapatid.

"Huwag ka nang malungkot d'yan. Parati naman akong dadalaw rito sa'yo tuwing bakasyon. At saka, alam kong makakapasa ka na sa entrance exam sa college dahil ako mismo ang magtuturo sa'yo ng mga expected questions," nakangiting pahayag nito sa kapatid para hindi na ito sumimangot pa.

"Sabi mo 'yan ah." paniniguro niya, agad namang tumango si Zeil bilang tugon.

"Promise." sagot naman nito.

"Ay oo nga pala." ani nito at may kinalkal sa kanyang maleta. "Tada! Marami akong biniling tape na anime. Simulan na nating mag movie marathon. Dahil maya maya lang ay ihahatid na dito ni yaya yung mga pinabili kong pagkain natin." masayang wika ni Zeil sa kanya.

"Wow!!!" manghang ani ni Amanda. "Wow ang gastusero talaga ng kuya ko." ani ni Amanda at pinag-cross ang kanyang mga braso.

"Haha, normal. Mayaman tayo e." ani ni Zeil.

Napansin naman ni Zeil na tila parang natigilan si Amanda pagkasabi niya nun'.

"Bakit Amanda? May problema ba?" takang tanong ni Zeil. Agad namang iniiling ni Amanda ang kanyang ulo.

"Wala kuya," ani nito sa kanya.

"Tara na nga, manuod na nga lang tayo. Asan ba ang uunahin natin?" ani ni Amanda sa kanya.

"Hmm... Kahit ano d'yan." masayang wika naman ni Zeil sa kanya habang tinatanaw ang masiyahing kapatid na namimili ng kanilang mapapanuod.

***

Nagising si Zeil nang may narinig siyang umiiyak. Agad n'yang sinundan ang ingay nun hanggang sa dalhin siya ng kanyang nga paa sa tapat ng silid ng kanyang ina. Napalunok s'ya ng kanyang laway at nagdesisyon na kumatok sa pinto nito.

"Mommy?" tawag niya sa kanyang ina. Wala s'yang narinig na sagot nito na tila ba hindi s'ya nito naririnig mula sa loob.

Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagdesisyon na pihitin ang siradura ng pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanyang harapan ang kanyang inang naka salampak sa sahig, naka talikod sa kanya, habang ang ulo nito ay nakapatong sa tuhod nito at umiiyak.

"Mommy," muli niyang tawag sa kanyang ina. Ngunit tila hindi pa rin s'ya nito naririnig. Dahan dahan n'yang nilapitan ang ina.

"Momm---ahh" akmang hahawakan n'ya na sana ang balikat nito nang biglang umangat ang ulo ng kanyang ina. Takot at gulat ang naramdaman ni Zeil nang makita niya itong madungis at duguan ang mukha.

"M-mommy," natatakot na wika ni Zeil nang hawakan nito ang kanyang kamay.

"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa atin Zeil! Magbabayad sila! Magbabayad silang lahat!" sigaw nito sa kanyang galit na galit.

"Mommy, mommy tama na!!!" nagsimula nang umiyak si Zeil sa sobrang takot. Natatakot siya sa ginawa ng kanyang ina.

"Tama na please!" umiiyak na sigaw ni Zeil ngunit paulit ulit pa rin nitong sinisigaw ang mga katagang 'yon na para bang galit na galit.

"Mommy! Tama na!" bulalas ni Zeil at bigla na lang napabangon sa kanyang higaan. Pawisan at hingal na hingal.

"H-hah, bangugot na naman pala." habol hininga n'yang wika at muling ibinagsak ang kanyang katawan sa kama.

Halos ilang beses n'ya na 'yong napapanaginipan simula nang mamatay ang kanyang ina. Na para bang hindi ito natatahimik hanggat hindi nito nakukuha ang hustisya.

"Huwag kang mag alala mommy, pagbabayarin natin sila. Silang lahat. Wala tayong papalampasin. Magbabayad sila sa ginawa nila sa'yo at sa pagsira nila ng pamilya natin." ani ni Zeil at muling ipinikit ang kanyang mga mata.

R.G ROMIE

Hello my beloved readers, salamat po sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa story nina Zeil at Amanda 😊😊😊

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status