Share

Chapter 15

HINDI NA niya muli pang nakita si Art nang bumaba siya. Hindi niya alam kung dapat niya ba iyong ipagpasalamat, o ano.

"Nasaan na kaya 'yon." hindi pa rin maiwasang tanong ng isip niya.

Nagulat pa siya nang makarinig ng boses ng babaeng papasok sa kusina.

"It's okay, Arty, baby, dinagdagan ko talaga ang niluto ko para sa'yo--I mean... kay Toni. Maganda raw sa buntis ang masabaw na pagkain. And of course, maganda rin sa'yo 'to, nakakadagdag daw ito ng-- hrmp... alam mo na..." at sinundan nito iyon ng nakaka-iritang halakhak.

Nang lumingon siya ay nakita niya ang gulat sa mga mata ni Art na nakatingin sa kanya. Hindi marahil nito inaasahang naroon siya.

Lumipat ang tingin niya sa babaeng katabi nito.

Hindi niya maikakailang sexy ito sa suot nitong hapit na spaghetti strap blouse, na halos iluwa na ang hind dapat, na sigurado siyang sinadya nito, gayundin ang leggings nito na tila ikalawang balat na nito sa sobrang hapit.

Bahagya pa siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status