Share

Chapter 4 Misteryosang bwisita

Chapter 4

CALIX POV

hindi lubos maiisip ni calix kung Saan nga ba kumuha ng lakas ng loob si Jasmine kung bakit Nagawa pa nitong mag tapat ng nararamdam sa kanya kahit alam nitong nandoon ang kanilang mga magulang. Hindi maiwasang mapa iling na lang si calix habang inaalala ang nangyari kanina. Saan kaba naman kasi naka kita ng babaeng manliligaw sa lalaki. Kahit naman marami nag papalipad hangin sa kanya ay wala pang nag lakas loob sa kanya na lumapit. Tanging si jasmine lang ang nag lakas NG loob na lumapit sa kanya kaya hindi niya maiwasan na ma turn off dito. dahil para sa kanya lalaki ang dapat na manliligaw sa babae. kaya hindi Niya maiwasang hindi mag isip ng hindi maganda dito. maganda naman ito kahit na masyadong revealing ito manamit ay muka parin itong may class. kaya hindi Niya maiwasan mag isip ng hindi maganda dito Lalo na kapag lumalapit ito sa kanya parang daig pa nito ang pakawalang babae kung Maka Asta siguro marami na rin itong karanasan sa kama kaya tila wala na itong pakialam. Pero hindi Niya maiwasan na humanga sa babae kanina. sobrang simple lang ng Ayos nito. at dahil sa kasimplihan nito ay lalong lumitaw ang natural na ganda nito. kaya naman kanina hindi siya na bigla sa hawak nitong bulaklak kundi sa babaeng my hawak ng bulaklak siya nabigla kung titignan kasi ito parang kandidata ito ng ms universe.kumpara ng mga nakakasanayan nitong suotin baka kung siya lang siguro ang magiging boyfriend nito ay baka ma pa away pa siya lagi. kung mag damit kasi ito halos ipangalandakan na yong katawan. Lalo pa siyang nagulat dito nung mag salita ito na gusto daw siyang ligawan parang hindi Niya nagustohan. dahil una sa lahat lalaki siya pangalawa hindi siya Yong tipo na babaeng gusto ko..malayong malayo ito Kay zhavia. kaya napaka imposible magustohan Niya ito.

si zhavia ang babaeng mahal Niya. bukod sa mahinhin ito siya pa Lang kung saka sakali ang magiging boyfriend nito. kaya naman si zhavia na ang na pili niyang babae na hihaharap sa altar dahil sa matalino na ito at maganda pa. ilang taon Niya na rin itong nililigawan Pero Ewan Niya ba kung bakit hindi pa siya sinasagot ng babae Pag mag kasama naman sila para na Silang mag jowa kaya naman wala ng nagtatangka pang umakyat ng ligaw dito.

dahil weekend na ngayon at pasokan na sa Monday naisip ni calix na kailangan Niya ng mapasagot SI zhavia para tigilan na rin siya ni Jasmine. mukhang hindi ito titigil hangga't hindi na kukuha ang gusto nito. siguro naman Pag na laman na nito na may mahal na siyang IBA titigilan na rin siya nito..

buhat sa malalim na Pag iisip biglang nakaramdam ng gutom ang binata kaya naman napadako ang tingin Niya sa wall clock. 12 noon na rin pala hindi pa siya nag lalunch

kaya naman na isipan niyang bumaba na. iiling iling pa siya hindi Niya lubos maisip na magiging problema Niya ang anak ng mga Salazar dahil sa kakaisip dito hindi Niya na napansin ang oras parang kalahating araw Niya yata itong iniisip.

palabas na si calix sa kwarto Niya ng makita Niya ang mga kasambahay na nag aayos sa katapat niyang kwarto. wala naman Silang kamag anak na darating kaya nag tataka siya kung bakit inaayos ng mga kasambahay ito.

"manang merna Anu pong meron at inaayos niyo yang guestroom? tanung Niya dito at dahil hindi siya na pansin nito ay napatalon pa ito sa gulat.

"ay kabayong bakla! sus maryosep Kang bata ka bakit ba bigla bigla kana lang nagsasalita Jan" napa hawak pa ito sa dibdib na Tila ba malalaglag ang puso nito sa gulat. kaya naman natatawa na lang siya sa naging reaksyon nito

"pasensya na po manang merna Anu pong meron bakit niyo nililinis ang guestroom? nagtatakang tanung Niya dahil na paka imposible naman na mga kamag anak nila ang darating dahil tapos na ang bakasyon pasokan na rin ng mga ito.

"ah yon po ba señorito my darating ngayon na bisita ang iyong mama kaya pinapaayos Niya po ito dahil dito daw po ata mamalagi sa hacienda"

"bisita? wala yatang na banggit si mommy na my uuwe dito na kamag anak namin."nagtatakang tanung Niya.

"ay señorito hindi niyo po yata kamag anak.dito po kasi mag iistay ngayon pasokan." mas Lalong kumunot Yong noo Niya kung hindi naman nila kamag anak ang gagamit ng guest room. bakit dito sa loob ng hacienda ito tutuloy marami naman Silang guestroom sa labas ng hacienda kilala Niya ang mama Niya hindi nito pinapagamit ang guestroom Lalo na sa hindi nila kaano ano. kaya naman naguhuluhan man ay na Pag desisyonan na lang Niyang bumaba para tanungin ang mommy Niya.

pababa pa lang si calix ay nakita na Niya ang mama Niya na abala sa kausap nito sa telepono kaya naman nung Maka baba ay humarap siya sa mama Niya. parang giliw na giliw ito sa kausap at nang nakita siya nito ay nag paalam aga ito sa kausap.

"sige iha mamaya na lang tayo mag chikahan bye " masayang paalam ng ina sa kausap nito.

"oh iho gutom kana ba? halika na sabay na tayo kumain'" anyaya nito sa kanya.

"ma sino nga pala ang darating na bisita niyo? tanung Niya dito. Pero ngumite lang ito hindi naman sumagot sa tanong niya.

"ma ! " naiinis na Sambit niya dahil hindi siya sinagot nito. parang hindi Niya rin gusto ang ganung ngiti ng mama Niya parang may pinaplano ito sa kanya.

"basta iho Alam kung magugustohan mo ang surpresa ko sayo mamaya." sagot nito

"ma naman hindi ko Alam kung magugustohan ko ba yan sinasabi niyo sa ngiti niyo pa lang kasi parang kinakabahan na ko" parang my hindi talaga sinasabi ang mama Niya

"hahahah basta malalaman mo rin mamaya iho wag Kang masyadong excited " natatawang Sabi pa nito kaya naman hindi na lang siya nag salita at tinapos na lang ang pagkain.

dahil nag papasama sa kanya ang mahal Niya na bumili ng mga gamit na gagamitin sa pasokan kaya nagpaalam na siya sa mama Niya na aakyat nang matapos siyang kumain. Pag akyat Niya sa kanyang kwarto ay agad niyang tinawagan si zhavia. sinagot naman agad ni zhavia ang tawag Niya.

"hi zhav sundoin na lang kita sa Inyo" bungad na tanung Niya sa kabilang linya.

"sa mall na lang siguro tayo magkita calix nakakahiya naman kung susundoin mo pa ko" nahihiyang Sabi nito. kaya naman Lalo siyang na iinlove dito kasi kahit na hindi ganun karangya ang buhay ng babae kahit minsan hindi ito nagka interest sa yaman Niya.. matagal na Sana siyang sinagot nung babae kung pera lang ang gusto nito sa kanya..

"Anu Kaba zhav okay Lang naman saka gusto ko rin naman ito. sige na wag ka ng tumanggi dadaanan na kita Jan" pagpupumilit niya

"sige na nga mukhang wala rin naman akong magagawa kung tatanggi pa ko. alam ko naman magpupumilit kapa rin" natatawang Sabi nito

"sige zhav see you later iloveyou "

"okay calix mag aayos na rin ako bye" paalam nito

"bye lang wala man Lang iloveyou too?" nagtatampong tanung niya dito

"calix naman"

"sige na pala kahit kiss na lang"pang aasar Niya dito

"sige na nga 💋 muah " sabay patay ng tawag nito.. kaya naman hindi Niya maiwasan mapa ngiti mag Isa. dahil sobrang inosente ni zhavia kaya malayong malayo ito sa mga naging ex Niya dahil halos sa lahat ng naging girlfriend Niya SI zhavia ang naiiba sa mga ito dahil lahat ng naging girlfriend Niya SI zhavia lang ang matagal Niya niligawan samantala Yong iba araw lang ang tinagal ng pangliligaw Niya. Yong iba naman dahil sa pera kaya siya na gustohan.. samantalang si zhavia kahit minsan hindi nagka interest sa pera Niya ayaw nga nito tanggapin Yong mga binibigay Niyang regalo Lalo na pag nalaman nitong mahal. kaya habang tumatagal Lalo siyang humanga sa babae. hindi na rin siya sumasama sa mga Kaibigan para mag bar.. parang simula ng ligawan Niya ito hindi na siya nagka interest pa sa Iba.

kaya ng matapos na si calix mag Ayos ay agad din siyang lumabas ng kwarto upang sundoin ang babaeng mahal Niya. pababa na siya ng hagdan ng mahagip ng tingin Niya ang babaeng kinaiinisan Niya. "Anu na naman kayang ginagawa nito dito". tangi nasambit Niya sa sarili. sabay naman napa tingin Yong dalawa sa Kanya.

"iho buti naman bumaba kana."naka ngiting Sabi ng ina Niya." may lakad Kaba anak?" tanung nito

" yes ma sasamahan ko SI zhavia bumili ng gamit para sa darating na pasokan"wala sa sariling Sabi Niya sabay tingin ng masama sa babaeng kasama nito

"Tamang Tama iho wala paring gagamiting gamit si Jasmin sa pasokan. ang mabuti pa ay isama niyo na siya para Maka bili na rin siya ng gamit na gagamitin Niya " masayang Sabi nito kaya naman Lalong napa kunot ang noo Niya anung ibig nitong sabihin dito na mag aaral ito

"ma hindi pwede lakad namen dalawa to ni zhavia baka mailang lang si zhavia kapag kasama namin siya" naiinis na Sabi niya at ng tignan niya ito my mga dala na maleta ito kaya naman mas lalong nakunot ang noo Niya sa nakita.

"ma siya ba Yong sinasabi niyo na bisita?" hindi niya na pigilan na magtanung

"ay oo nga pala anak dito na pala muna mag stay si Jasmin satin habang may pasok. kasi naman masyadong malayo kung manggagaling pa siya sa Kanila" paliwanag ng ina Niya. wala na rin siya magagawa kapag ang mommy Niya na ang nag desisyon kahit anung gawin tutol niya wala na rin mangyayari kaya naman lalabas na lang Sana siya ng pigilan siya ng mama Niya

"anak isama mo na si Jasmin. hindi Niya pa alam ang pasikot sikot dito sa atin" pangungulit nito.

"wag ka mag alala calix hindi ako makaka istorbo sa Inyo" pang aasar ng babae sa kanya.

"okay fine sumunod kana at kanina pa naghihintay sakin si zhavia" inis na Sabi niya. kahit ayaw ni calix na kasama si Jasmin ay wala na siyang magawa dahil makulit ang ina Niya kahit anung gawin Niya tutol dito wala din mangyayari kaya naman kahit ayaw Niya kasama ito wala siyang magawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status