Share

CHAPTER 4 : THE HELP

(THE HELP)

BUMABA ako mula sa kwarto ni Fiandro dahil sa pagka-uhaw. Ika-dalawang araw ko na rito, at masasabi kong sobrang nakakabagot sa bahay na'to.

Gusto kong magbalak na tumakas, pero mahigpit ang bantay ng mga bodyguards niya. Halos bawat sulok ng labas ng kanyang mansyon ay may bantay. Kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang maghintay na lang.

Ilang hakbang palang sa hagdan mula sa taas ko ay dinig ko na ang boses ng lolo niya at kausap mismo si Fiandro. Bumaba pa'ko ng ilang hakbang para sumungaw sa baba at marinig lalo ang pag-uusap nilang dalawa.

Nakaupo ang lolo niya sa isahang sofa samantalang si Fiandro nakatayo sa harapan nito, pagitan nila ay iyong glass table.

Ulo at likod ng lolo niya ang nakikita ko, pansin ko din ang dalawang kamay nito na nakahawak sa tungkod paharap. Si Fiandro naman ay tanging katawan lang ang aking nadudungaw.

Nakasuot siya ng white polo at neck tie na dark blue, may suot din siyang silver wrist watch, nakablack slacks at dark brown leather shoes. Simpleng office attire ba.

"Kailangan mo munang dispatyahin ang mga kumakalat na balita ngayon galing sa mga social medias. May nakakita raw kay Rebecca sa isang art gallery sa Europe. Courtesy from one of the journalist na nasa Europe din for documenting." balita ng kanyang lolo na ikinakaba ko.

Hindi ko naiwasang umusyoso dahil si Rebecca ang kanilang pinag-uusapan.

Nakapameywang si Fiandro, pero ng sabihin iyon ng lolo niya ay ang isang kamay nito ay parang ihinilamos ng mariin sa mukha.

Diba nga dapat alam niyang ako si Rebecca? O baka naman alam na nito ang totoo pero ayaw lang sabihin sakin? Bakit? Binilin ba ni Fiandro ang tungkol doon?

"Madali lang namang takpan iyon. I'll tell them that she went to Europe for a short vacation. Walang mapapa-isip na tumakas siya sa kasal namin." medyo iritableng sagot ni Fiandro.

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi niya. Ibig sabihin, alam din ng lolo niya tungkol sa kasal? Mas lalo akong kinabahan.

Hindi pa na eexpose si Rebecca sa public, at ayaw niya ng ganoon. Nakilala lang siya sa publiko ng magbigay ang mga magulang niya ng invitation cards pati na sa parte ni Fiandro. Kaya siguro agad siyang nakilala roon. Bigatin ang kasal kaya imposibleng walang makakaalam na reporters at paparazzi'ng makikibalita tungkol sa kanila.

Siyempre sa mga usyosong mimosa at maritessa'ng paparazzi, hindi nila hahayaan ang pagkakataong alamin ang pang araw-araw na buhay ng mga bigating negosyante. Kaya kung sino man ang konektado sa buhay nila ay hinihighlights din nila ang mga 'to para dagdag sa impormasyong maibabalita. Lalong-lalo na't mas talamak sa social media.

Sana eh ayos lang ang kaibigan ko. Ngayong tahimik siyang nag-eenjoy sa Europe, eh pinagpipyestahan na siya ng balita dito sa Pilipinas ng walang kaalam-alam.

Umiling ang kanyang lolo, hindi kumbinsido sa ideya ni Fiandro. "Vacation? Vacation ang tawag mo sa lumipad ng Europe mag-isa gabi pagkatapos ng kasal? Tandaan mo, reputasyon ng kompanya natin ang nakasalalay dito. Never tayong nagkaroon ng skandalo na ganito kagrabe." dinig ko ang pagsinghal nito. "Ihohold ko muna ang pagbibigay ko sayo ng posisyon. Mananatili ka munang COO hangga't hindi tumatahimik ang balita." deklara nito.

"What?!" he sounds frustrated. "Anong kinalaman ng pagbibigay mo ng posisyon sa akin sa kumakalat na balita? I can rid of that easily while I'm in that position. You can't just hold that because of the rumors spreading." he protested.

"There is." pagdiin naman ng kanyang lolo. "Imposibleng hindi nila bibigyan ng isyu iyon kapag makuhaan nila ito ng iba pang litrato. At kahit na tsismis pa lang 'yon, marami ang mapapa-isip doon."

"Tch. Kahit gaano karaming litrato ang makuha nila mula sakanya kung hindi nila makuha ang aking panig ukol doon, aamagin din iyon pag nagtagal." aniya ng may kasiguraduhan.

Umiling-iling ulit ang lolo niya. "Fiandro, hindi mo ba alam na bago amagin ay una muna 'tong mangangamoy? Ibig sabihin apo, na kakalat pa ang tsismis at gagatungan ng isa pang tsismis kapag nanatili kang tahimik." diskumpyado nitong sagot.

"Anong gusto mong gawin ko? Magbigay ng pahayag tungkol doon? Ayokong mag-aksaya ng oras para lang sa walang kwentang bagay." mariing katwiran ni Fiandro.

"Hindi ko isasawalang-bahala 'to. Hindi biro ang ibibigay kong posisyon sa'yo." desididong desisyon ng lolo.

"Mukha bang biro sa akin 'to?" sikmat naman ni Fiandro sa hindi makapaniwalang boses.

Nanguso ako sa kanilang mainit na diskusyon. Maingat din ang lolo niya pagdating sa mga ganitong bagay.

Pero, pwede nga din namang masolbahan iyon ni Fiandro kahit napasa na ang posisyon sakanya hindi ba?

"You know what? Hindi naman aabot sa ganito kung hindi mo lang ako pinilit na magpakasal. Dahil din diyan sa proposal mo sa pamilyang Solomon, nasilawan sila sa offer mo kaya pinilit nila ang kanilang anak na ipakasal." naiinis niyang sambit.

Kahit hindi ko makita ang mukha ni Fiandro ay naiimagine ko na ang itsura nito. Naiinis at galit.

"Well, malay ko na pinilit nila?" matabang namang sumbat ng lolo niya. "Sinabihan ko din naman na huwag nilang pilitin kung ayaw." katwiran nito.

"How could you think about that?" mas lalo lang nairita si Fiandro. "Na sa tingin mo hindi sila masisilawan sa perang maililibre sa kanila? That's the most stupid thing you've ever said to them!" he accused.

"Fiandro!" he called in an authorized tone. Kahit matanda na ay dinig mo pa rin ang mababa at baritonong boses nito.

Tumigil naman si Fiandro, nakakuyom na ang mga kamay nito at nakita ko ang malalim na paghinga sa dibdib na taas-baba.

"I shouldn't have listen to you." mariing paninisi ni Fiandro saka nag walkout palabas ng bahay.

Bumuntong hininga ang lolo nito. Ilang segundo pagkatapos ang nangyari ay nagpasya na'kong bumaba para makakuha na ng tubig.

Pero bago ako pumunta sa kusina lumapit muna ako sa kanya para magbigay galang.

"Magandang hapon po, sir Enrique." magalang kong bati saka kinuha ang kanyang isang kamay para mag-mano.

Mahina siyang nahalaklak. "Hija, lolo na lang ang itawag mo sakin." pagtatama sakin.

Tipid naman akong ngumiti sa sinabi nito. "Sige po." nahihiya kong tugon.

"Sit. Gusto kitang makausap." utos niya na aking ikina-kaba, kalauna'y sinunod ko at umupo sa pahabang sofa sa tabi niya.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "I know, this is your roughest road you've taken. But, as his wife now, help him for me." abiso nito. "Pupunta ako ng America bukas ng madaling araw para doon magpagamot. At hindi ko siya magagabayan at mababantayan kapag nasa ibang bansa na'ko." pagtuloy nito.

"Hanggang kailan po kayo mamamalagi roon?" I don't want to make sound offensive, pero hindi ko lang naiwasang itanong.

Halata ang pag nguso nito sa aking tanong. "Hindi ko masasabi. Basta, may katagalan din ang pamamalagi ko roon." kasual niyang sagot.

Inimpit ko nalang ang aking mga labi saka marahang tumango.

"Hindi madali ang tatahakin ni Fiandro pag nagsimula na siya sa kompanya namin. Hindi lang rin iisang branch ang hahawakan niya, mahigit limang branches ang maipapasa sakanya." sabi niya pagkatapos ay mataman akong tinitigan sa mata. "I will entrust all the companies that I built to him. But please, I want you to help him. Whatever happens, just stay beside him." anito at nahihimigan ko doon ang pagsusumamo.

Binitawan nito ang tungkod at itinabi, saka hinawakan ang dalawa kong kamay na nakapatong sa aking mga hita.

Bumaba ang tingin ko roon, ramdam ko ang init ng mga palad nito at sinseridad na pakikiusap sakin.

Hindi ako maka-imik, tila hindi maiproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi sakin. Hindi ko rin maintindihan ang gusto nitong iparating. Na halos matunganga na ako dahil wala ni isang salita ang pumasok sa aking isipan.

Ang sabi niya tulungan ko. Anong klaseng tulong? Anong klaseng manatili sa tabi ni Fiandro? Anong klaseng gabay o bantay? Bilang asawa talaga? Pakiramdam ko alam na ng kanyang lolo ang totoo eh. Alam niyang hindi ako si Rebecca.

Pero sinabi niya, asawa ni Fiandro. Ang gulo.

Hindi ko alam kung tulong ba talaga iyon dahil sa sinasabi nitong hindi madaling mag-hawak sa kompanya nila o pabor lang ba dahil nga sa mawawala ang lolo niya ng may katagalan at walang gagabay rito sa pagtakbo ng kanilang kompanya? Alin doon?

Ganoon ba kahirap hawakan ang kanilang negosyo? Ganoon din ba kahirap panatilihing nasa taas iyon? Gaano kahirap?

Anong sasabihin ko? Anong irarason ko? Desperado na akong makaalis dito. Hindi ko na kakayaning magtagal sa pamamahay na'to. Gusto ko ng umuwi sa totoong tahanan ko.

Kaya naman ni Fiandro diba? Sa itsura at ugali pa lang ng mokong na 'yon, mas matibay pa siya sa bato o bakal kaya paanong hindi magiging madali sakanya?

"S-Sige po." wala akong nagawa, iyon din lamang ang aking nasagot.

Para sa ikagagaan ng loob ng lolo niya, gagawin ko nalang kahit labag sa aking kalooban. Kahit gusto ko ng umamin, mananatili muna akong magpanggap.

Nakokonsensya rin naman ako, dahil iniisip ko din na kaya niya nasasabi ito dahil nag-aalala lang siya sa kanyang apo. Hindi nito masusuportahan at magagabayan man lang kasi luluwas siya para mag-pagamot sa ibang bansa.

Pagkatapos nito, tsaka ako aalis. Pagdating niya, magpapaalam ako ng maayos. Bahala na kung ano na ang mangyayari. Basta hindi ko gugustuhing magtagal rito at makasama si Fiandro.

Ngayon ang dami ng pumapasok sa isipan ko. Parang napagod pa ang pag-iisip ko. Nadehydrate ang aking utak sa daming tanong na nagpapiga lang sakin ng husto.

Iisipin ko nalang sa mga sinabi ng lolo niya bilang asawa ni Fiandro, hindi bilang si Tina.

Pero, alam kong hindi kami kasal. Edi bilang si Tina. Ano ba!?

"Aalis akong may problema na maiiwan." malungkot nitong sambit. "At sana sa pagbalik ko, magandang balita ang aking matatanggap." ngumiti na ito na parang nasa'kin nakasalalay ang lahat. "May tiwala ako sayo." makahulugang sabi niya.

Ngumiti nalang ako ng tipid, kahit na walang kasiguraduhan sa mangyayari.

"Well, aalis na ako. Tell Fiandro that I'm leaving. Mukhang aalis ako ng may sama siya ng loob." humalaklak pa ito sabay pilit na tumayo. Mabilis ko naman siyang inalalayan saka binigay ang tungkod para makatayo ng maayos.

Hawak ko ang likod nito at ang isang kamay ko ay nakahawak sa kanyang bisig saka inalalayang maglakad palabas ng bahay.

Sinalubong kami ng dalawang bodyguard saka nilingon niya ako. "Naniniwala akong mababago mo ang pananaw niya." ngiti nito at tinalikuran na'ko para makapasok sa sasakyan.

"Ingat po, lolo..." halos pabulong kong sabi sa papalayo nitong kotse.

Bumuntong ako ng hininga. Saglit akong natulala at ng mahimasmasan ay nagpasya na akong pumasok sa loob para kumuha na ng tubig. Tsaka ubusin muli ang oras sa pagtutunganga sa kwarto.

NAKAUPO ako sa high chair dito sa island counter, at inaabangan si Fiandro na umuwi. Alas onse na ng gabi at kaninang hapon pa siya umalis. Ilang oras ng wala, at kailangan maabangan ko para makausap.

Nakapangalumbaba ang dalawa kong kamay at nakatingin sa kawalan. Hindi pa ako madalaw-dalaw ng antok dahil naiisip ko pa rin ang mga binilin sakin ng kanyang lolo.

Nawala ang pagmumuni-muni ko ng makarinig ako mula sa labas ng bahay ang pagbukas ng gate, saka may pumasok na sasakyan. Siguradong si Fiandro na iyon.

Umalis ako sa pagkakaupo sa high chair, tumayo ako at inayos ang aking sarili. Bigla akong kinabahan.

Tama ang hinala ko ng pumasok siya sa loob, malamig ang kanyang presensya pagkapasok. Seryoso at madilim ang itsura na parang isang kalabit mo lang sasabog na agad.

Nakita niya ako sa kusina, nakatayo sa gilid ng island counter tapat lang ng pintuan at kaharap din niya.

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Bakit gising ka pa?" malamig nitong tanong.

Lihim akong nalunok. "Ahh. Hindi pa ako inaantok eh." tugon ko.

Pormal lang niya akong tinitigan, pero may pangingilatis sa kanyang mga mata. Maingat ko naman siyang tinignan pabalik.

Kinagat ko ang aking ibabang labi bago muling nagsalita. "Pinapasabi ng lolo mo na aalis na siya bukas ng madaling araw papuntang America." imporma ko sakanya.

Nanatili ang titig ni Fiandro sakin, walang bahid na emosyon sa kanyang mukha. Ilang segundo lang bago siya umalis at umakyat papunta sa pangalawang palapag. Parang walang narinig o hanging dumaan saglit sa pandinig.

Agad ko siyang sinundan na sa tingin ko sa kwarto nito dumiretso.

Pumasok ako roon at naabutan kong naghubad na ng pang itaas at agad sinuot ang puting t-shirt.

"Fiandro." tawag ko para kunin ang kanyang atensyon.

Hindi niya ako pinansin, kumuha siya sa closet nito ng isang 3/4 shorts na kulay grey na under armour.

Tumingin siya sakin ng may pinapahiwatig at agad ko iyong naintindihan kaya naman tumalikod ako kaagad, at hinintay kong matapos. Bigla pa akong namula sa mukha.

"Done. Ano 'yon?" malamig nitong sabi. Tugon sa pagtawag ko sa kanyang pangalan kanina.

Humarap ako saka binuka ang aking bibig para sana magsalita ng biglang tumunog ang kanyang cellphone, may tumatawag. Tinikom ko muna ang bibig ko at hinayaang sagutin niya iyon.

Nakita ko ang pagbago ng itsura ni Fiandro, bumusangot ito. At sapilitang sinagot ang tawag.

"What?" tamad na sagot sa kabilang linya.

Ilang segundo rin siguro ang paglipas ng makinig siya sa kausap.

"What?!" gulat na tanong ni Fiandro. "I don't need a f*cking help to anyone! I can do it on my own!" pasigaw niyang sambit, sabay tingin sa akin sa galit na titig. Sakin ba siya galit o sa kausap?

Could it be...

"Oh, come on!" d***g nito at naging miserable ang kanyang itsura.

Pinanood ko lang ang sunod-sunod niyang mga angal at di pagsang-ayon sa katawag. Puro mura rin ang aking naririnig. Iritang-irita siya.

His eyes were hawk like, pitch black when he got mad. If he has a power, maybe everything he sees right now, will burn.

"That won't gonna happend. And that's final." he pointed and said it with finality.

Pinatay nito ang tawag, ngayon ay nasa akin na ang kanyang atensyon. His eyes was very tormenting, like I did something that I made him mad. But when he clenched his jaw it explains more than I imagine.

"Anong sinabi ni lolo sayo?" seryosong tanong sakin at nanatili pa ding busangot.

Kumunot ang aking noo, bukod sa pinapasabi ng kanyang lolo na aalis na ito, kailangan ko rin bang sabihin kay Fiandro ang binilin nito?

Tumikhim muna ako. "Pinapasabi niya na aalis na siya bukas ng madaling araw papuntang America." ulit ko.

He looked at me intently as he tries to read my mind. Na sa tingin niya'y hindi lang iyon ang sinabi ng kanyang lolo.

"Kung may kailangan ka, tutulungan kita." nadulas ako sa pagkakasabi, huli na ng mapagtanto kong hindi ko na dapat sinabi pa.

Pumungay ang mga mata ni Fiandro saka humakbang ng isang beses. "Anong sabi mo?" paulit nito, na para bang may mali akong nasabi.

Huminga ako ng malalim. "I want to help." I said it with assurance but not sincere.

Nanliit ang mata nito na alam kong may hindi nagustuhan. "Alam mo kung anong maitutulong mo? Ang manahimik, at huwag makialam sa nangyayari." Fiandro spat.

Lihim ang pagsinghap ko, diko aakalaing ganoon ang kanyang sasabihin sakin.

Nang marinig ko iyon, napahiya ako. Hindi sakanya kundi mismo sa sarili ko. My ego got hurt like it stabs multiple times. Pwede namang sabihin na "No thank you" pormal pang pakinggan. Hindi iyong kung ano-ano pa ang mga masasakit na salitang ibabato niya.

A small help would mean a lot to someone who needs help. Pero mukhang sa katulad niya ay hindi talaga kailangan ng tulong o hindi dapat pinapaunlakan ng tulong.

Batong-bakal ka nga.

Kung makapagsalita akala mo naman kung sino. Buti nga may taong nagkukusang magbigay ng tulong sakanya. Sige siya, may araw rin na mapipilitan siyang manghingi ng tulong sakin at tignan natin kung pagbibigyan kita. Duh.

Sumatutal, mayaman, at maraming alipores kaya hindi na kakailanganin ng tulong mula sa mga taong alam niyang hindi naman gaanong papakinabangan.

Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Minamaliit nalang ang pagkatao ko? Ay! Hindi pwede 'yon. At sa tingin niya talaga wala akong maitutulong? Edi sige! Di ka naman kawalan, literal.

Well atleast I tried to offer a help even I got humiliated. He idi*t.

Kita ko pa ang pagpipigil ng mga labi nito na may gusto pang sabihin. Bagay na siguradong dapat kong malaman pero hindi na dapat alamin pa. Ewan pero parang ganoon kasi sa galawan niya, base lang sa nakikita ko. Malay mo totoo ang aking hinuha.

Nagtagal ang titigan naming dalawa, at sinubukan kong maging kalma ang aking itsura kahit na dama ko ang tensyon mula sa kanya. Umiling-iling siya pagkatapos ay pairap na umiwas ng tingin.

Hindi na niya ako binalingan pa at umalis na ng kwarto sabay sara ng pinto. Medyo padabog iyon.

Aalis na naman siya.

Mariin akong pumikit saka suminghal pagkatapos. Pagkamulat ko sa mga mata ko ay umupo ako sa dulo ng kama.

Why am I doing this? Obligasyon ko ba talaga 'to? Anong role ko ba dito? Wala naman diba? Eh bakit nga ba ako nagpapaapekto sa nangyayari sa buhay ni Fiandro? Hindi nga dapat ako nakikisali sa ganito.

Bakit diko nalang sinabi ang totoo na hindi ako ang tunay na pinakasalan ni Fiandro? Na hindi ako si Rebecca. Siguro mas mabuti pa iyon at baka ngayon wala na ako dito.

Hanggang kailan ako magtatagal dito? Mukhang totohanin talaga ni Fiandro ang sinabi niya na hintayin ko siyang malipat ng posisyon sa kanilang kompanya bago ako makaalis rito.

Bumuntong ako ng hinga. Sana matapos na ang lahat ng 'to.

MAAGA akong nagising, pagbangon ko nakita ko ang nakabukas na pinto sa walk in closet ni Fiandro. Ibig sabihin pumunta lang siya dito para magpalit ulit ng damit?

Hindi ko siya nakakatabing matulog. Sa totoo lang, magmula ng mapunta ako rito hindi kami natutulog sa iisang kwarto. Uuwi lang siya para kumuha ng gamit o magpalit lang ng damit, tapos ganoon na naman sa susunod na araw.

Ewan ko kung saan siya natutulog, baka naghotel? O di kaya'y doon sa bahay ng lolo niya?

Bakit ba kasi iisang kwarto lang ang pinagawa niya dito? Hindi man lang siya nagdagdag ng isa pa para hindi maging komplikado, na uuwi lang dito para magpalit.

Tutal, siya ang mahihirapan hindi ako. Bakit ba ako nangengealam?

Sinuot ko ang aking pambahay na tsinelas saka tinahak palabas ng kwarto at diretso sa kusina.

Pagpunta ko roon ay nakita ko ang dalawang katulong. Sila iyong mga katulong na nag-asikaso sakin noong unang araw ko dito.

Sabay silang nabaling sa akin. Nginitian ako ng dalaga na mukhang mas bata sakin, sumunod naman ang may katandaan na na sa tingin ko'y nasa singkwenta ang gulang.

"Magandang umaga ma'am." bati ng dalaga sabay lapag sa mesa ang isang serving plate na may lamang fried rice.

Iminuwestra naman ng ginang ang hapag. "Hali na po kayo at mag-almusal. Sakto po at kaluluto lang ng mga hinanda namin." magalang na aya sakin.

Impit akong ngumiti saka tumango at pumanhik na sa hapag-kainan.

Pag-upo ko sinalinan ako kaagad ng dalaga ng tubig sa baso. Pansin ko ang pasulyap-sulya niya sakin. At ng mahuli ko ang kanyang tingin ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Pinabayaan ko nalang, siguro dahil bago lang ako sa paningin niya.

I wonder kung ilang babae na ang naiuwi ni Fiandro dito. Mga ilan ba?

Kinuha ng ginang ang sandok para sana sandukan ako ng kanin ngunit pinigilan ko ito kaagad.

"Ako na po." pigil ko at nag-aalanganin pa siyang ibigay sakin ang sandok.

Nang makasandok na'ko ng kanin ay akmang ang dalaga naman ang magbibigay ng bacon at sausage, pero inunahan ko siyang kunin ang plato kaya napatingin ito ng pagkabigla.

Hindi ako sanay na may nagsisilbi sakin. Dati-rati ako ang nagsisilbi ngayon ako na ang sinisilbihan. Parang ang hirap sabayan at nakaka-ilang.

Nasa gilid ko silang dalawa, maingat nila akong pinapanood sa aking ginagawa.

Sumulyap ako sa kanila bago sumubo ng pagkain. Hindi ako sanay na may nanonood habang kumakain ako. Tila naintindihan nila ang aking ibig sabihin.

Tumikhim ang ginang. "Ako po si Rosalinda. Linda nalang ang itawag mo sakin." tinuro naman niya ang katabing dalaga. "Siya naman si Pia May."

"Pipay for short." hagikhik ni Pipay. Siniko naman ni manang Linda para tumahimik.

"Pasensya na po maam. Kung may kailangan po kayo tawagin niyo lang kami. Maglilinis lang kami sa itaas." malumanay na paalam ni manang Linda.

Tumango ako saka ginawaran ng ngiti. Agad hinila ni manang Linda si Pipay paakyat ng hagdan at may binubulong sakanya, parang pinagsasabihan.

Tahimik akong kumakain, kahit problemado na'ko eh nakuha ko pang ienjoy na kumain ng agahan. Siguro sa tagal kong hindi nakakain ng gan'to kaya sarap na sarap ako.

Ilang minuto lang ay bumaba si manang Linda dala ang feather dust at pamunas. Patapos na akong ubusin ang pagkain at ng makita niya iyon ay pumunta siya sa pwesto ko para ito na mismo ang magligpit sa lamesa.

Itinabi nito ang feather dust at pamunas sa may island counter saka sinalubong akong kinuha ang hawak kong pinggan na ginamit at natirang fried rice.

"Maam ako na po." hindi nako nakipagtalo, kaya ibinigay ko nalang.

Wala akong nagawa kundi ang umupo sa high chair at pinagmasdan si manang Linda na linisin ang nasa mesa.

"Ahh. Hindi ko kayo napansin dito kahapon. Day off niyo po ba?" tanong ko habang pinapanood siyang nagpupunas ng mesa.

Bumaling ito saglit sakin saka binalik ulit ang tingin sa mesang pinupunasan at ngumiti. "Hindi po maam. Naroon kami sa bahay ni Senyor Enrique." malumanay niyang tugon.

Tumango ako at nagtanong muli. "Saan kayo nagk-kwarto? Bukod sa kwarto ni Fiandro, wala akong makitang ibang kwarto dito. Saan kayo natutulog?"

Tapos ng magpunas si manang Linda at nakangiting tumingin sakin. "Hindi po kami tumutuloy dito. Katulong talaga kami ni Senyor Enrique, pumupunta lamang kami rito para maglinis at paghandaan ng pagkain si sir Fiandro." sagot niya na ikinabigla ko naman.

"Ayaw niyang kumuha ng sariling kasambahay?" hindi ko napigilang maintriga.

"Ayaw niya po. Siguro sa personal na dahilan." simple niyang sagot.

Hindi na ako nagtanong kahit gustuhin ko pa. Masyado ng personal. Bigla kasi ako napa-isip at nakuryoso kung bakit. Sa laki ng kanyang bahay hindi siya kukuha ng kasambahay? Tapos papahirapan niya pa itong mga katulong ng kanyang lolo na bumiyahe dito para maglinis at paghandaan lang?

Palihim akong umirap. Ibang klase talaga siya, piling espesyal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status